Rex Pov... Dahil sa hindi magandang engkwentro namin sa lalaki ni Samantha sa restaurant ay tinutuhan kong nagsampa ng kaso sa Solace Condominium dahil sa nangyaring sunog at sa pag - aakalang namatay sina Samantha na halos kumitil sa aking buhay nang ilang beses. Nagsampa rin ako ng kaso for kidnapping ng aking mga anak. Gusto kong managot ang mga taong nasa likod nito. Iniligpit ko ang aking gamit at nilinis ang aking study room bago lumabas para kumain nung tumunog ang doorbell. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig kaso tumunog muli ang doorbell. "Manang Sita pakibuksan po ang pintuan." Pakiusap kung utos. Fuck! Oo nga pala nakaday - off siya ngayon. Nilapag ko muna ang baso bago pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sinuman ang bisita ko ngayon. Kung hindi si Jordan si Sebastian lang naman yan. "Samantha!" Gulat na gulat kong usal. Hindi siya magkaintindihan kung ngingiti ba siya o hindi. "Hi Rex!" Pinilit niyang ngumiting pagbati. "What are you doing here?" Seryoso
Samantha Pov...I'm more than terrified nung sinabi ni daddy na kay Rex ako uuwi. Wala akong choice kundi mag impake at umalis. Kinalma ko ang aking sarili at nagbaon ng maraming lakas ng loob habang nasa biyahe ako papunta sa bahay ni Rex. Hindi ko alam kung anu ang magiging kahihinatnan ng paglusob ko sa bahay niya. Nagbakasakali akong nasa bahay siya kaysa sa kanyang condo na naging tama naman ang aking kutob. Bago ko pinindot ang doorbell ay sinigurado kung kaya kung labanan ang magiging pambungad niya sa akin. Inaasahan ko naman na tatanungin niya kung ano ang ginagawa ko sa bahay niya. Buti nalang nakaya ng tapang ko ang pambungad niya dahil kung hindi baka gumapang ako pabalik kay Luigi.Ginamit ko lahat ang aking inipong tapang para maging matatag sa harap niya na napagtagumpayan ko naman. Ang hindi ko lang maintindihan ang paulit - ulit niyang pagsasabi ng niloko ko siya. Paano ko ba siya niloko sa anung paraan? Wala naman kaming relasyon ni Luigi at magkaibigan lang naman ta
Rex Pov...Stressful kanina sa hearing. Umapela si Luigi sa kasong isinampa ko sa kanya. Pwedeng maabswelto siya kapag may makuha siyang tetestigo na wala siyang kinalaman sa sunog at kung may magpapatunay na hindi nakidnap ang aking anak. Dahil sa inis at galit ko sa kanila ni Samantha kaya umabot kamisa ganito. Sa susunod na buwan ang sunod na hearing namin ni Luigi. Ngiting tagumpay siya na nakakasigurado siyang maabswelto siya. Hindi ko siya pinansin at dumeretso sa aking sasakyan. Kailangan ko pang puntahan si Jordan para sa hearing namin kay Georgia sa Biyernes."Atty. Rex!" Kanyang tawag sa akin. Napatigil ako sa pag - alis dahil sa paulit - ulit niyang pagtawag sa akin. Ayaw kong makaaagw kami ng anumang atensyon dito sa harapan ng korte."Luigi!" Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag mainis at baka masapak ko pa siya."May gusto lang akong sabihin sa'yo bago mahuli ang lahat. Samantha and I are purely friends! How I wish I can turn tables and her heart belongs to me." Kany
Samantha Pov...Tumawag sa akin si Luigi na hindi pa daw siya makakabalik ng Hawaii dahil may importante pa daw siyang gagawin dito. Pagkatapos ng ginawa ko sa study room ni Rex ay parang hindi ko kayang makita siya kaya nagmadali akong nagbihis para dumalaw kina mommy. I don't care kung hindi ako papasukin ni daddy. I called kuya to come with me kung sakaling hindi gusto ni daddy ang presensya ko mayroon naman si kuya na magtatanggol sa akin."Dadalaw ka lang ba talaga o hindi?" Tanong ni kuya sa akin."Yes! Pero dito muna ako matutulog ngayong gabi." Sabi ko sa kanya."Bakit? May ginawa ka nanaman ba?" Tanong muli ni kuya. Grabe sila tuwing uuwi ba ako may nagawang mali agad. Wala naman kuya, ginapang ko lang naman siya kahapon dahil sa inis kong pagpapalayas niya at paulit - ulit na pagpapamukha sa akin na hindi niya ako asawa. Naririndi ako eh, kaya kailangan ko siyang patikimin ng bagay na hindi niya ako makakalimutan. Umpisa palang yan Rex, lahat ng sulok ng bahay mo ay mamarkah
Samantha Pov...Gumuho ang aking mundo sa tuluyang galit sa akin ni Rex. Pagkatapos ang court hearing ay nagpahatid ako kay Luigi sa bahay ni Rex, bahala na kung anu ang mangyayari pagdating ko doon basta ang alam ko kailangan kung umuwi."Luigi, salamat! Tawagan mo ako kapag nakabalik kana at kung kailan kayo babalik dito." Sabi ko sa kanya."Thank you din sa tulong mo Sam. Huwag kang mag - alala ako ang bahala sa mga inaanak ko. Andun naman daw ngayon si Libya kaya sabay kaming babalik dito." Kanyang paliwanag."Sige, salamat." Sabi ko bago bumaba nung muli siyang nagsalita."Sam, sigurado ka bang okay ka kapag umalis ako?" Tanong niya."Okay lang ako Luigi. Huwag kang mag - alala kaya ko pa naman." Sabi ko bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Hinabol ko ng tingin ang kanyang sasakyan na papalayo bago pumasok sa loob ngunit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Nasa labas ng bahay ang lahat ng gamit ko. Tumakbo ako sa loob at hindi tinigilan ang pagpindot sa doorbell."Rex, buksan
James Pov... Masarap maging magulang pero mahirap magpakamagulang lalo kung hindi mo na kilala ang mga anak mo. Ang mga anak ko ang aking kaligayahan at pinalaki ko ayun sa alam kung tama pero hindi pa pala sapat ang ginawa ko. Pangatlong araw na kasi ngayon na umuuwi dito si Samantha na pagod na pagod ang hitsura. Hindi rin siya umiimik tuwing darating ay deretso sa kanyang kwarto. Para siyang may sariling mundo at umuuwi lang dito para matulog. Nakalock din lagi ang kanyang kwarto na hindi naman niya dating ginagawa. Nag - aalala akong baka may masamang nangyayari na sa kanya simula pinalayas ko rito. Pinalayas ko para habulin niya ang lalaking kinababaliwan niya at dahilan ng mga ito. Hindi ko siya pinalayas para magrebelde. Tinawagan ko si Jordan na pumunta dito baka sakaling kinakausap siya ng kanyang kapatid. Siguro kinakasuklaman na ako ni Samantha dahil sa ginawa ko. Naglagay na kasi siya ng boundary sa amin. "Dad.. What happened?" Humahangos na tawag ni Jordan pagkabukas
Jordan Pov...Hindi ako mapakali simula sabi ni daddy na hindi okay ang itsura ni Samantha tuwing umuuwi pero sigurado naman akong hindi siya sasaktan ni Rex. Hindi sinasagot ni Rex ang tawag ko kaya napilitan akong pumunta sa kanyang opisina. Anu ba ang nangyayari sa dalawang yun!"Hi Lucy." Bungad ko sa opisina ni Rex."Hi sir Jordan, napadaan po kayo ngayon?" Tanong niya."Ah! Oo, dadalawin ko lang si Rex." Sagot ko naman sa kanya."Po! Eh! Sir, wala po si sir Rex dito ngayon. Ngayon po kasi ang hearing nila kay Georgia.""What?" Gulat kong sagot sa kanya. Bakit hindi niya ako tinawagan? Nagmadali akong umalis at iniwan si Lucy na nakatulala. Kailangan kong makarating sa korte ngayon. Pinatakbo ko ng mabilis ang aking sasakyan para makarating agad kaso minamalas naman akong matrafic. Naman, bakit ngayon pa nagkabuhol - buhol ang trapiko dito.Buti nalang may parkingan na available dito. Nagmadali akong makapagpark para makaattend sa hearing ni Rex. Ito ang pinakaaantay kung kaso. S
Rex Pov... Gulong - gulo ang utak kong umuwi sa bahay. Masakit ang ulo at dibdib ko. Kung pwede ko lang ibalik ang araw na nakilala ko si Georgia ay pinilipit ko na ang kanyang leeg. Isa siyang hayop para magawa ang mga krimen na iyon dahil lang sa kanyang paghihiganti. Bakit kailangan idamay niya ang lahat ng mga tao kung pwede naman niya akong kausapin. She is dangerous! Hindi pagmamahal din ang mayroon sa puso niya kundi obsession at nakakatakot yun! Dahil sa nawawala ako sa aking sarili hindi ko napansin na wala si Samantha sa bahay. Dumeretso ako sa aking study room at humiga sa sofa. Ipinikit ko agad ang aking mata pagkalapat pa lang ng likod ko sa malambot na sofa. Gusto kong matapos na ang araw na ito at makalimutan ko ang kaganapan kanina.Nagising ako malalim na ang gabi. Pumunta muna ako sa banyo para magmidnight shower bago bumaba sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kusina nung mapansin kung marami ang nagbago sa loob ng bahay. Naiba ang kulay ng kurtina, mga
Rex Pov... Bumalik ako sa aking trabaho at nanatili si Samantha sa aming bahay ganun din si Anita na hindi na pinabalik ni Jordan sa kanyang bakery pero siya pa rin ang gumagawa ng mga special bestseller cakes na siya lang ang gumawa at nagpasikat. Isang buwan lang ang pagitan nila ni Sam para manganak kaya naman laging nakadikit ang aming telepono sa aming katawan para madaling matanggap ang importanteng tawag. Hindi ako makapaghintay na masilayan ang aking bagong kambal. Pinaghandaan ko na sila sa bahay. May sarili na silang kwarto at gamit. Hindi ako mapigilan ni Sam palakihin pa ang aming bahay. Luigi and Vivian is planning to get married on May next year too, naiinggit daw siya sa amin ni Samantha at isa pa nilang kaibigan na may anak na. Ayaw naman ni Luigi na magkaanak muna sila bago ikasal pero itong si Vivian ay may sariling plano. Binutas lang naman ang condom na ginagamit nila.Natapos din ang unos na dumaan sa aming pamilya. Totoo talaga nag rainbow after the rain. Sa
Rex Pov... After the wedding, we both decided to travel locally for a month for our honeymoon since she is already almost 4 months pregnant with our twins again. Una pinili ko muna ang pagpunta ng Baguio, then Bulacan bago Subic for our honeymoon. After almost 2 weeks, we plan to go to Boracay and back to Palawan. Then I suggested the last week staying in Manila Marriott Hotel to relax. Kakain at matutulog nalang ang aming gagawin. Samantha supported us all the way and gave some suggestions. Hindi ko muna siya pinayagan na bumalik ng Australia at New York. I asked her best friend to take care of her business there while she is away. I will let her travel when she has already given birth and is capable of moving comfortably. At the moment, I'm still in bliss na gusto ko silang kasama at nakikita anumang oras, especially my lovely wife, who amazes me all the time.Andito kami ngayon sa Baguio Country Club and this is our second day. Masarap mamasyal, around 5 pm onwards, feeling th
Raul Pov...Pagkatapos ng kasalan ni Rex ay bumalik ako sa London para ipagpatuloy ang aking naudlot na buhay. Tapos na ang mahabang bakasyon.Sinubukan kong kalimutan ang naging pagbabago sa aking sarili pero mukha yatang mahirap kalimutan kapag tinamaan ka ni cupido. Ngayon naiintindihan ko si Samantha kung bakit siya nabaliw kay Rex at lahat ng pagpapansin ay ginawa niya. Nakakabaliw at nakakasira pala talaga ng konsentrasyon kapag nagmahal ka. Maraming magbabago higit sa lahat ang kalmado mong pakiramdam. Thanks god it's Friday! Pagbulalas ko pagpatak ng alasingko ng hapon. Umuwi ako sa bahay para makapagbihis at maligo muna bago lumarga sa kung saan mapapadpad ang aking paa. Lumabas akong muli at dumaan sa isang pub na sikat dito sa London. First time kong papasukin ang pub na ito kaya hindi ko alam kung anu ang nasa loob. Hindi ako si Rex na nakakapasok sa ganito dahil kay Jordan noon pero tignan mo naman ngayon kapwa na sila one woman man.Si Jordan inuubos ang oras sa traba
Rex Pov... Kung kailan dumating ang araw na pinakahihintay ko ay siya naman ang lakas ng kaba sa aking dibdib. Para akong aatakihin sa sakit sa puso sa nerbiyos! Ngayong araw ang kasal namin ni Samantha pero hindi ako mapakali sa nerbiyos. Tatlong araw bago ang aming kasal ay umuwi siya sa kanila, kailangan daw muna naming magkalayo ng tatlong araw bago ang nasabing araw ng kasal. Sa tatlong araw na hindi ko siya kasama ay hindi ako makatulog ng maayos at makakain. Namimiss ko ang mga luto niya at pag - aasikaso sa akin. Ilang oras nalang ang hihintayin mo Rex makikita mo na siya. Sabi ko sa aking sarili. Ang dalawa ko pang kaibigan ay walang ginawa kundi kantiyawan ako. Sumama pa si kuya Raul. "Pare, relax sandali lang makikita mo na siya, dati ayaw mo siyang makita." Kantiyaw ni Jordan. "Noon yun pare!" Nahihiya kong sagot. "Anu na ngayon kung noon lang yung ayaw mo siyang makita?" Balik niyang tanong. "Ngayon mahal ko siya at ayaw kung mawala siya sa akin." Tumitig ako sa k
Samantha Pov... Kinikilig akong nakayakap siya sa akin habang panay halik niya sa aking ulo, buti nalang naligo ako kanina. My safe place is when held by his strong arms. Wala na akong mahihiling pa ngayon na nasa akin na siya at ipinapakita ang kanyang pagmamahal. Pagmamahal na dati kong ipinagdarasal na makamtan ko kahit sandali lang pero heto hindi sandali lang kundi panghabambuhay. Hindi pa rin ako makapaniwala at makamove on na tinatamasa ko na ang mga pinagrap ko. Si Rex, ang pamilyang gusto ko at higit sa lahat ang pagmamahal na araw araw kung dinadalangin. Masarap ang ngiti kong gumising. Nagpanggap akong tulog kanina kaya narinig ko ang mga sinabi ni Rex.Kinikilig akong bumangon at hinahaplos ang aking mukha na kanyang hinahaplos kanina. Muli akong pumikit para damhin ang kanyang mga haplos. I'm sorry din Rex na umalis ako noon, sana hindi na lang ako umalis para hindi tayo nasaktan ng ganito. Sadyang masakit ka lang yatang mahalin pero ngayon naman ay heaven na ang say
Rex Pov... Our upcoming wedding is taking a toll on us, but in a nice way. Kahit si Samantha nakalimutan niyang buntis siya dahil sa excitement. Marami na siyang nagawa na hindi nakakaramdam ng pagod. Lagi lang naman akong nasa kanyang likuran handang saluhin siya kapag kailangan niya ng pakpak. Sino ba naman ang hindi ma-eexcite kung ikakasal kana sa wakas sa taong mahal na mahal mo!Ako na nga ang nag aalala sa kalagayan niya. Ayaw kong mapahamak sila ng anak ko! Madalas ko siyang buhatin papunta sa aming kwarto dahil sa kapaguran ay nakakatulog na siya sa sofa. Kapag dumadalaw ang kanyang magulang ay napapagalitan na nga siya dahil para siyang hindi nag iingat kasi! Pero kapag talagang excited mahirap pigilan ang sarili. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman kong saya na umabot kami sa ganitong estado. Ang minsang pangarap na sa pagkakaalam ko kay pangarap nalang. Excited akong maikasal na kami at makasama ko siya ng walang hangganan. Yung masasabi ko talagang akin na siya! Ang p
Raul Pov...Hindi ko kilala ang kapatid ni Lino o nakaharap man lang para may ideya ako kung sino siya dahil nung nagkakaroon ng hearing ay wala siya. Sino ba naman ang mag aakala na may kapatid siyang magandang babae pero mabagsik ng lihim. Ang unang araw na makita ko siya ay sa hearing ni Georgia. Hindi ko alam na siya ang kapatod ni Lino. Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong. May reflexes were quick to help her! Hindi ko rin aakalain na ang babaeng nagpatorete sa akin ng ilang sandali sa mall ay siya tapos siya rin pala ang babaeng isusuka ako dahil sa nakaraan. Tanggap ko na! Ito siguro ang tadhana ko.Bakit kailangan mabighani niya ako kung makikialam naman pala ang nakaraan. Ito ba ang tinatawag na butterflies and goosebumps pero hindi ganun ang naramdaman ko eh. Breathless and speechless! Yan ang nangyari tuwing nakikita ko siya. Isipin ko pa lamang siya ay lumalamig ang paligid. Hindi rin ako aasa ma makikipag areglo siya sa akin. Sa kanyang titig at imik ay
Lamara Pov...Hindi ko inaasahan na tutulungan ako ni Raul. Ang atorney na kinakainisan ko dahil sa pagkakakulong ni Lino noon. Sino ba ang mag aakala na ang lalaking nakabangga ko sa mall noong isang araw na natulala sa akin ay si Atty. Raul Jimenez pala!Wala akong nagawa kundi kumapit sa kanyang balikat dahil masakit ang aking katawan at parang kakapusin ng hininga. Hayop ang babaeng yun! Hindi ko napaghandaan ang kanyang pagsipa! Dapat pala inalam ko lahat ang tungkol sa kanya. Nawala sa isip ko na siya ay malakas na babae dahil sa nagawa niya noon sa Solace Condominium.Hindi biro ang lakas ng kanyang pagtadyak sa akin. Kung hindi ako natulungan agad ni Raul baka hinimatay ako or worst pa ang pwedeng mangyari sa akin.Aba! Kahit sa kabilang buhay ibibigti ko siya kapag namatay ako o maving patay na buhay sa ospital. Wala siyang imuurungan. Nakakatakot ang pagihing obsessed niya kay Rex. Yung titig niya sa fiance niya ay nakakatakot. Handa aiyang pumatay para sa pagmamahal niya.
Rex Pov... Umakyat ako at ihinanda ang mga kailangan ko ngayon. Matatapos din ang minsang nakaraang pighati sa nakakarami sa amin. Matutuldukan ang kademonyuhan ni Georgia na ugat ng lahat. Palabas na ako ng kwarto nung pumasok si Samantha na nakabihis din. "Sam, are you going somewhere else?" Tanong ko sa kanya."Nope, I'm going with you." Nakangiti niyang sagot."Okay lang ako baby. Dito ka nalang sa bahay at magpahinga. I'm fine with kuya Raul." Protesta ko sa kanya. Ayaw ko siyang mapagod."Gusto kong makita ka paano magtrabaho." Naglalambing niyang sagot at umabrisiyete sa aking braso. Ngumiti ako at kinintalan ng halik ang kanyang noo."Sure baby." Sagot ko sa kanya na kanyang ikinatuwa.Hinawakan ko ang kanyang kamay palabas sa aking study room. Tiningala naman kami ng magulang ko at si kuya Raul na napapailing na nakangiti. I would love her to be clingy with me just like when she was 10 years old. Always running towards me and choosing to sit on my lap kaysa sa hita ni Jor