Jordan Pov...Hindi ako makapaniwala na ang nag iisa kong kapatid na tinuruan ko ng mabuting asal at nag aral sa maganda, kilala at mamahaling paaralan ay magiging makitid ang utak dahil sa pagiging makasarili niya.Sa pagkakaalam ko tinuruan kami ng aming magulang na matakot sa Diyos! Nakakatakot na siya mag isip! Hindi ako makapaniwala na naisip niyang gawin ang ganun na bagay. Paano niya maatim na planohin ang bagay na yun? Isipin ko palang ay kinikilabutan na ako.Wala na akong maitutulong pa sa kanya sa galit ni Rex. Ultimatum na ang ibinigay niyang galit kay Rex. Kahit kanino gawin sa kanya ang bagay na yan ay magwawala at magwawala. Ako I beg for her to come back at naghintay na balikan niya ako dahil sa labis kung pagmamahal kay Anita pero bakit ang kapatid ko taliwas. Hinamon niya ang taong hindi siya mahal! Siguro nangyayari ang mga bagay na ito para itama niya ang kanyang pagkakamali na inako ni Rex noong una pa lamang. Nagluksa siya na halos ikamatay niya pero kasinungal
Rex Pov..I want to be busy as possible. I want to forget how painful to love Samantha and the truth that I missed my kids so much. Four years of their life that I missed is killing me, it angers me so much. Maaga akong pumapasok sa opisina at late na umuuwi, gusto ko pag - uwi ko ay matutulog nalang ang gagawin ko. Remembering Samantha angers me so much at the same time it hurts me. Nakayuko ako sa aking opisina habang binabasa ang kasong hahawakan ko nung tumunog ang telepono sa aking harapan. "Lucy!" "Sir, may bisita po kayo at kailangan daw ho niya kayong kausapin." "Sige, papasukin mo siya!" Nagulat ako pagpasok ng taong gustong kumausap sa akin ng ganito kaaga. "Good morning attorney." Bungad niya agad pagkapasok. "Good morning! I heard you want to talk to me?" Tanong ko rin agad habang tumayo papunta malapit sa kanya. "Oo sana kung hindi ka naman busy." Atubili niyang sagot. "Sure, anything that I can help you with this early in the morning?" Walang paligoy ligoy ko ri
Jordan Pov...Sa mga sunod sunod na nangyayari hindi ko na alam kung saan ako lulugar at kung sino ang uunahin ko. Si Rex ba na mayat maya nalang napapasabugan ng bomba o si Sam na palaging may dalang bomba!Hindi pa ako nakakamove on sa mga nalaman ko kay Samantha pero may kasunod ulit na pasabog. Inaatake na sa anxiety si Rex dahil sa kanyang mga nalaman. Sana naman matapos na ang mga pasabog na ito para magkaroon ng katahimikan sa aming pamilya. Sana magtanda na rin si Samantha! Pagkatapos ng pasabog ni Samantha ay nagpasabog pa ang kanyang kaibigan. Sigurado akong si Vivian na kaibigan ni Sam yung pumunta sa opisina ni Rex. Kaya ba niya inaako ang responsibilidad dahil kay Samantha? Tinutulungan niya ba si Sam? Hindi pwedeng kunsintihin si Samantha. Nanay na siya at kung gusto niya amging asawa dapat umasta siya naayon sa dapat niyang kalagyan. Sa ngayon mahirap sila pagsabihan dahil sa init ng kanilang ulo at emotional state na pinagdadaanan lalo na si Rex. Sinamahan ko muna s
Rex Pov...Ngayong araw ako makikipagkita kina Dok Arthuro at Mr. Hong ang may ari ng Solace Condominium kung saan nasunog ang ibang parte nito dahil sa arson at illegal planting ng bomba. Gusto ni Mr. Hong na ako ang humawak ng kaso at si Dok Arthuro naman ang source ng ibang ebidensiya na kakailanganin ko sa hearing. Hindi na ako nagmatigas pa at nakipag coopearte. Gusto lang naman tumulong ni Dok Arthuro at isa pa let bygones be bygones. Though ayaw kong makipagkita sa kanilang mag - isa kaya naman kinausap ko si Jordan na samahan ako. Hindi naman siya tumanggi at nagpresentang sasamahan ako kahit hindi raw ako magpaalam sa kanya o makiusap. magsabi lang daw ako at anjan na siya na parang ipo ipo! Papunta na sana ako sa opisina ni Jordan nung may mahagip ang aking mata sa aking alas kwatro. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila. Tinitigan ko nang mabuti kung tama ang hinala ko. Si Samantha nga at may kayakap na lalaki. Humalik pa siya sa kanyang pisngi na nakangiti. D
Samantha Pov... Nanghihina akong sumama kay kuya para umuwi. Nagpahatid ako sa bahay ng magulang namin dahil kailangan ko ang yakap ni mommy para maibsan ang sakit sa aking puso. Masakit siya talagang mahalin pero hindi nadadala ang aking puso na patuloy na tumibok para sa kanya. Hanggang kailan ang puso kong mamalimos sa kanya. Heart baka pwede namang tama na. Sumuko na tayo sa paghahabol at pagmamakaawa. Sita ko sa aking sarili.Hindi pa kami nagkaroon ng magandang pagkakataon para mag - usap ng maayos. Ngayon nadagdagan nanaman ang galit niya sa akin. Akala niya isa akong pokpok. Wala naman kaming ginagawang masama ni Luigi. Wala nga pero naipaliwanag mo ba kung bakit ka nakatira nga naman sa bahay niya! Sita ko muli sa aking sarili. Kailangang maayos ko na ang lahat bago ang ikalimang kaarawan ng kambal. Plano ko silang ibalik dito sa araw ng kanilang kaarawan pero heto mayat maya nalang kami nagbabangayan ni Rex. Sumbatan doon sumbatan dito. Sisihan doon at sisihan dito. Kapag b
Rex Pov...Dumating ako sa lugar kung saan kami magkikita ng tatlumpong minuto kaaga. Umorder ako ng malamig na juice bago sumandal sa upuan. Haay! Malalim kong pagbuntong hininga. Habang tumatagal ang alitan namin ni Samantha lalong bumibigat ang aking dibdib. Lumalalim din ang sugat na hindi kayang gamutin ng isang salitang 'sorry' o ngiti lang. Dapat hindi ko na sila pinatulan kanina pero hindi ko napigilan ang aking sarili. Umorder ako muli ng isa pang mas malamig na lemonade. Pinalagyan ko ng maraming yelo at kailangan ko ng enough cooling saktong dating ng mga kausap ko. Tumayo ako para magpakita sa kanila. Pinili ko ang medyo corner side dahil confidential ang aming pag - uusapan at ayaw ko ng istorbo! "Good afternoon." Bati ko sa kanila pagkarating sa aming mesa. Ngumiti at tumango si Dok Arthuro. Ito nag unang pagkakataon na makaharap ko siya simula yung insidenteng iyon! "Good Afternoon attorney." Balik bati rin nila sabay nakipag kamay sa akin. Pagka upo namin ay sinimul
Vivian Pov...Kinikilabutan pa ako pagkatapos naming mag usap. Bumalik kasi ang nakaraan. Ang babaeng nasagasaan namin at higit sa lahat ang karumal dumal na kamatayan ni BJ. Taon ang lumipas bago ako nakaramdam muli ng buhay pero guwing naaalala ko ang araw na iyon ay halos mamatay ako sa takot at kilabot. Walang may gustong makasaksi ng ganung klase ng aksidente. Ang nangyari kay Coleen ay hindi namin alam. Nalaman nalang namin sa umagang balita at ang makita ang ginamit naming sasakyan. Sa takot na kami ay makulong ay agad kaming bumiyahe pabalik sa New York ngunit hindi pa kami nakakalayo sa airport ay namatay din siya. Minsan ang laro ng tadhana ay malupit at masakit. Bihira ang mga taong makakaranas ng tuwa at panibagong pag asa. Ako nawalan ng pag asa pero heto nabigyan pa ako ng isang pagkakataon para itama ang mali. Siguro hindi pa huli ang lahat. Hindi ko gustong makipagkita kay Rex mag isa pero simula noong araw na nakita ko siya at nalaman na siya ng kinababaliwan ni Sam
Rex Pov... Dahil sa hindi magandang engkwentro namin sa lalaki ni Samantha sa restaurant ay tinutuhan kong nagsampa ng kaso sa Solace Condominium dahil sa nangyaring sunog at sa pag - aakalang namatay sina Samantha na halos kumitil sa aking buhay nang ilang beses. Nagsampa rin ako ng kaso for kidnapping ng aking mga anak. Gusto kong managot ang mga taong nasa likod nito. Iniligpit ko ang aking gamit at nilinis ang aking study room bago lumabas para kumain nung tumunog ang doorbell. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig kaso tumunog muli ang doorbell. "Manang Sita pakibuksan po ang pintuan." Pakiusap kung utos. Fuck! Oo nga pala nakaday - off siya ngayon. Nilapag ko muna ang baso bago pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sinuman ang bisita ko ngayon. Kung hindi si Jordan si Sebastian lang naman yan. "Samantha!" Gulat na gulat kong usal. Hindi siya magkaintindihan kung ngingiti ba siya o hindi. "Hi Rex!" Pinilit niyang ngumiting pagbati. "What are you doing here?" Seryoso