Hindi dumiretso ang assistant at ang dalawa sa bulwagan, kundi sa waiting room muna.Pagkapasok pa lang nila ay may lumapit na may dalang gift box. Binuksan ito, at nakita nila ang dalawang set ng mamahaling jadeite jewelry, parehong napakaganda.Mabilis na sinipat ito ni Lizzy at agad na napansin ang kalidad. “Parang ito ang mga original stones na binili ng Hilario family mula sa Panyun,” sabi niya.Ngumiti ang assistant. “Tama po. Ang glass jadeite na ito ay personal na pinili ni Miss Iris. Nais niyang gamitin ito bilang simbolo ng matagal na kooperasyon ng dalawang kumpanya. Umaasa siyang magugustuhan mo ito.”Bahagyang nagulat si Lizzy. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang ginastos ni Iris para dito.Inaya naman ng assistant si Ericka na lumabas dahil utos ni Iris na makipag-usap ng private kay Lizzy.Nag-alala si Ericka at tumingin kay Lizzy. “Sumama ako kay Lizzy. Mas mabuti siguro na manatili na lang ako rito kasama niya. Huwag kang mag-alala, kung dumating si Miss Iris, kus
“Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.” Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon. Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya. Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager. Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just a
“Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!” Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?” ‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak. “Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?” Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit a
Nagkaroon ng biglaang katahimikan. The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren? "Ha." Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon. Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor. Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan. Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin. Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali. “Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…” Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag. Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula
Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.” Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim. “Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loo
Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon."Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.””Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw. “Is this true, Liz?”tanong ni Madel. Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang b
"Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t
"Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,
Hindi dumiretso ang assistant at ang dalawa sa bulwagan, kundi sa waiting room muna.Pagkapasok pa lang nila ay may lumapit na may dalang gift box. Binuksan ito, at nakita nila ang dalawang set ng mamahaling jadeite jewelry, parehong napakaganda.Mabilis na sinipat ito ni Lizzy at agad na napansin ang kalidad. “Parang ito ang mga original stones na binili ng Hilario family mula sa Panyun,” sabi niya.Ngumiti ang assistant. “Tama po. Ang glass jadeite na ito ay personal na pinili ni Miss Iris. Nais niyang gamitin ito bilang simbolo ng matagal na kooperasyon ng dalawang kumpanya. Umaasa siyang magugustuhan mo ito.”Bahagyang nagulat si Lizzy. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang ginastos ni Iris para dito.Inaya naman ng assistant si Ericka na lumabas dahil utos ni Iris na makipag-usap ng private kay Lizzy.Nag-alala si Ericka at tumingin kay Lizzy. “Sumama ako kay Lizzy. Mas mabuti siguro na manatili na lang ako rito kasama niya. Huwag kang mag-alala, kung dumating si Miss Iris, kus
Nagulat si Ericka at saglit na napatingin kay Lizzy, bago umiling. "Hindi na. Sobrang naabala ka na nga dahil sa problema ko, paano pa ako sasama sa’yo? Kahit hindi mo sabihin, alam kong marami kang inaasikaso sa Pampanga. Kung sasama pa ako, dagdag problema lang ako sa'yo."Nagsalubong ang kilay ni Lizzy at sinadyang gawing seryoso ang mukha. "So gusto mong manatili dito? Gusto mo bang abutin ng panibagong problema at ako pa, isang buntis, ang mag-aalala sa’yo? Buntis ako ngayon, Ericka. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ko ang tulong mo."Nang makita ang mapagbigay na tingin ni Lizzy, lumambot ang puso ni Ericka. Niyaakap niya ito at sinabing, "Salamat, Lizzy."Naramdaman ni Ericka ang bagong uri ng pagmamahal na ngayon lang niya naranasan. Kahit walang pamilya o kamag-anak, hindi niya naramdamang nag-iisa siya.Ipinadala ni Lysander si Roj para mauna sa Angeles, Pampanga at asikasuhin ang lahat ng kailangan. Pagkababa nila ng sasakyan, sinundo sila ni Roj at dinala sa isang property
Nagulat si Ericka at saglit na napatingin kay Lizzy, bago umiling. "Hindi na. Sobrang naabala ka na nga dahil sa problema ko, paano pa ako sasama sa’yo? Kahit hindi mo sabihin, alam kong marami kang inaasikaso sa Pampanga. Kung sasama pa ako, dagdag problema lang ako sa'yo."Nagsalubong ang kilay ni Lizzy at sinadyang gawing seryoso ang mukha. "So gusto mong manatili dito? Gusto mo bang abutin ng panibagong problema at ako pa, isang buntis, ang mag-aalala sa’yo? Buntis ako ngayon, Ericka. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ko ang tulong mo."Nang makita ang mapagbigay na tingin ni Lizzy, lumambot ang puso ni Ericka. Niyaakap niya ito at sinabing, "Salamat, Lizzy."Naramdaman ni Ericka ang bagong uri ng pagmamahal na ngayon lang niya naranasan. Kahit walang pamilya o kamag-anak, hindi niya naramdamang nag-iisa siya.Ipinadala ni Lysander si Roj para mauna sa Angeles, Pampanga at asikasuhin ang lahat ng kailangan. Pagkababa nila ng sasakyan, sinundo sila ni Roj at dinala sa isang property
Huminto si Lysander at buong pagmamahal na tinitigan si Lizzy, na may bahagyang luhang namuo sa kanyang mga mata habang nasa kanyang mga bisig. "Sapat na ba ‘yan para ipakita kung ano ang nasa puso ko para sa’yo? Lizzy, gusto kita." Hindi kailanman inakala ni Lizzy na posible ang ganitong sitwasyon—na maaaring magtugma ang kanilang nararamdaman. Nang marinig niya mismo ang mga salitang iyon mula kay Lysander, parang hindi pa rin siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay isang panaginip lang ang lahat.Pinigilan niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at nagpaka-kalmado, "Kailan?"Sandaling nag-isip si Lysander at seryosong sumagot, "Hayaan mong ikuwento ko sa’yo ang isang bagay. Kapag natapos mo itong pakinggan, magiging malinaw na ang lahat."Ang kwento ay simple lang—Limang taon na ang nakalipas, pumunta siya sa France para isakatuparan ang misyon na iniatas sa kanya ni Henry. Ngunit may nag-set up ng patibong para sa kanya, dahilan upang magalit sa kanya ang isang misteryosong gru
Lumiwanag ang mga mata ni Lysander, "Umalis ka sa daan."Hindi maganda ang tono niya, at ang aura ng isang taong matagal nang nasa mataas na posisyon ay nagpatamlay kay Clarisse. Hindi niya magawang tingnan ito sa mata, kaya’t pilit niyang inipon ang natitirang tapang niya at mahigpit na kumapit sa hamba ng pintuan."Dahil iniligtas mo ako, ibig sabihin may halaga pa rin ako sa’yo. Hindi mo ako kayang iwan nang mag-isa..." bumalong ang luha sa kanyang mga mata habang nagsasalita.Matagal nang inis si Lysander sa ganitong drama.Matigas ang tono niya, "Tama ka. Dahil sa kapatid mo, hindi ko kayang balewalain ka. Pero ginamit mo ang buhay mo para manipulahin ako, at ngayon lang ako natauhan. Masyado kitang pinagbigyan noon, kaya ka naging ganito—makitid ang isip at walang pakialam sa ibang tao."Isang huling babala ang binitiwan niya, "Ang asawa ko ang mas nangangailangan sa akin ngayon. Umalis ka sa daan."Malamig at matalim ang tingin ni Lysander, dahilan para kabahan si Clarisse. Napi
"Basta ba ganun na lang? Pakakawalan na lang natin si Ericka nang ganoon kadali?" Namumula na sa galit si Liam, at hindi na niya maitago ang matinding hinanakit.Naubusan na ng pasensya si Lianna at napakunot ang noo. "Ano? Nagbago na ba talaga ang pagkatao mo, Kuya? Galit ka pa rin sa isang patay at handa mong itulak ang sarili mong kapatid sa kapahamakan?"Matapos ang ilang minutong katahimikan, nanaig ang desisyon ng nakararami.Hindi na muling lumabas sina Lianna at Madel, ngunit may dalawang aliping sumunod kay Ericka habang kasama niya ang magkapatid na Del Fierro.Nakangising tinapunan ni Gavin ng tingin si Liam. "Mukhang totoo nga ang usap-usapan. Talagang mahal na mahal ninyo si Miss Lianna sa loob ng bahay ninyo.""Ibinigay na namin ang gusto mo, pero dapat panindigan mo ang usapan. Ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Lopez at Del Fierro ay tapos na. Walang babalikan," madiing sabi ni Liam habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao.Hindi na dapat maulit ang ganit
Si Ericka ay sapilitang iginapos ni Jenna, at iniutos ng pamilya Del Fierro na ihatid siya ng isang kasambahay sa kwarto ni Liam.Upang matiyak na hindi siya makakatakas, sinabi ni Jennica na turukan siya ng gamot para manghina at mawalan ng lakas.Habang palapit nang palapit ang mga yabag sa labas ng kwarto, tila nagsimula na ang isang trahedya. Unti-unting nilamon ng takot ang puso ni Ericka, at ang kanyang mga luha ay dumaloy, winasak ang maingat niyang inayos na makeup.Nang bumukas ang pinto at pumasok si Liam, tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Ericka."Akala mo ba na kung magmumukha kang kawawa, maaawa ako sa’yo?" Matindi ang pagkasuklam sa mga mata ni Liam habang nagsalita, "Hinding-hindi ko malilimutan na ikaw ang pumatay kay Evian!"Doon lang naunawaan ni Ericka—siya pala ang sinisisi ni Liam sa pagkamatay ng kanyang unang pag-ibig.Pinahid ni Ericka ang kanyang mga luha at ngumiti nang may panunuya. "Napaka-hipokrito mo.""Ano'ng sinabi mo?" tanong ni Liam, galit na galit.I
Sumunod agad ang malupit na boses ni Jenna."Ericka! Buksan mo ang pinto! Alam kong nandiyan ka sa loob! Simula nang lumabas ka sa police station para makipagtulungan sa imbestigasyon, hindi ka pa nakikipagkita kanino man. Bakit ka nagtatago? Walang kwenta ang pagtakas mo! Huwag mong isipin na maaaring kanselahin ang kasal mo sa pamilya Del Fierro! Naisagawa na ang kasal, at hindi na ito mababago. Kailangan mong magpakasal kay Liam ngayong gabi, at bukas nang maaga, pupunta kayo sa Civil Affairs Bureau para ayusin ang marriage certificate!"Sa screen, biglang namutla ang mukha ni Ericka. “Lizzy, anong gagawin ko? Ayokong pakasalan ang kuya mo…”Narinig din ni Lizzy ang nakakapanindig-balahibong sinabi ni Jenna, kaya hindi niya mapigilang mag-alala. Ang itsura ng babae ay parang hindi isang ina na nagpapakasal ng anak—parang may galit siya kay Ericka.“Ericka, huwag kang matakot. Pupuntahan kita ngayon. Huwag mong ibababa ang tawag, let’s be connected until later..”Agad lumabas si Liz
Mukhang hindi alam ng matanda ang tungkol kina Clarisse at Lysander. Nagkamali ba ng hinala si Lizzy?Hindi niya maunawaan at bahagyang sumagot, "Palaging may pakialam si Lysander. Tinutulungan niya ako dahil sa kasunduan namin."Nagulat si Henry. "Talaga bang ganoon ang iniisip mo? Pero Lizzy, naisip mo na ba kung bakit kailangang siya mismo ang bumalik mula Pampanga para asikasuhin ito, gayong kaya naman itong resolbahin ng mga tauhan niya?"Agad sumagot si Lizzy, "Kahit kasunduan lang ang kasal namin, ako pa rin ang kinikilalang manugang ng pamilya Sanchez. Kaya dapat kong pangalagaan ang pangalan ng pamilya."May kahulugan ang ngiti ni Henry. "Kilala ko ang anak ko. Hindi siya gumagawa ng isang bagay na pagsisisihan niya sa huli. Baka hindi mo pa siya ganap na nauunawaan. Lizzy, hindi kita minamaliit, pero noong tinanggap mo ang kasunduang kasal, matindi ang paniniil ng pamilya Del Fierro sa iyo. Hindi mo pa hawak noon ang mga shares ng Del Fierro Group, at si Lysander pa ang nag-