“I wonder, Thalia. Twenty-five ka na... wala ka pa bang balak?”
Napatigil ako sa tanong na ‘yon ni Ezro, anak ng isang business partner ng aking ama.
“Is Tito Constantine okay with you being not married yet?” nakangisi niyang dagdag, tinutukoy si Dad. “Twenty-two ang mama mo nang ikasal...”
Bumuntonghininga ako at hinarap si Ezro.
Katatapos lang ng celebration party para sa ginanap na fashion event sa Paris at siyempre ay naroon ang presensya ko as the CEO of the fastest rising modeling agency in the country, and as a model myself.
Nagkayayaan ang ilan na mag-casino. Paalis na kami sa venue at tatanggi pa sana ako, pero mapilit itong si Ezro na isama ako.
Pumayag na ako sa pangungulit niya, and all he’s doing right now is throw me all these questions!
Si Ezro ay anak ng business partner ni Dad sa hotel chain na hawak namin, at ito siya, pinagsisiksikan sa ‘kin ang kasal.
Ngumisi si Ezro nang hindi ako sumagot. Lumitaw ang tuwa sa mga mata niya.
Gwapo naman si Ezro at tiyak na kung boyfriend ko lang siya, hindi tututol si Dad.
“I’m not interested in getting married, Ezro,” siguradong sagot ko bago siya nilagpasan at tinungo ang passenger seat ng kaniyang sasakyan kung saan niya ako pinagbuksan. Napakibit-balikat ang lalaki at sinara ang pinto. Umikot siya sa driver’s seat at nagsimulang alukin na naman ako ng pesteng kasal.
“Hindi ka pa rin nakaka-move on sa gagong ‘yon? Ang tagal-tagal n’yo nang walang koneksyon, ah. It’s not like you two really got married before...”
Tumahimik ako at pagod na tumingin sa labas ng bintana.
“You know nothing,” malamig na sabi ko.
Nawala ako sa pagtitig sa unti-unting pagbagsak ng mas malalaking patak ng ulan sa labas. May kung anong pamilyar na kirot sa dibdib ko ang mas nagpatahimik sa akin sa kinauupuan.
Narating namin ang casino na tahimik kaming dalawa ni Ezro. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ‘yon basta’y nakisama na lang ako. May ilang politiko kaming kasama kahit na hindi pwede sa kanila ang magpunta sa ganitong lugar, and I know how many times my father warned me that I shouldn’t come near them.
Though, they were all welcoming to me. Kahit iyong mga may edad na ay natutuwa sa akin. They congratulated me for the success of Amaris, ang modeling agency na hawak ko.
Lahat ay nagsasaya at sinusulit ang oras. Games, drinks, at iba’t ibang usapan ng mga kilalang tao sa mundo ng showbusiness, at politikong naroon.
Nasa tabi kami ni Ezro at pinapanood ko siyang makipaglaro ng poker sa nakilala niya roon. Panay ang ngiti ng kalaro niya sa ‘kin. Ang dalawang babae sa grupong ‘yon ay nag-uusap habang tumitingin sa gawi ko. If I am their topic, I don’t know and I don’t care! Hindi ko na lamang iyon pinansin.
Nang iba na ang kalaro ni Ezro ay lumapit sa akin sa couch iyong nakalaro niya nang una kaya napalayo ako nang kaunti.
“Nathalia Amaris,” banggit ng lalaki at inakbayan ako. A smirk was plastered on his lips when he checked me from head to toe. “Saw your new endorsements. You look good in those pieces of clothes...”
Hindi ko alam kung lasing ba siya o ano dahil binulong niya sa tainga ko ang huli niyang sinabi!
Umawang ang labi ko. Nangunot ang aking noo at agad napagtanto ang tinutukoy ng lalaki. I just endorsed a brand for bikini!
“Excuse me?” may pagtataray na sabi ko.
“Bakit?” Lumawak ang ngisi ng lalaking siguradong kaedad lang namin. Ni hindi siya pamilyar sa ‘kin kaya sino ba siya para lapitan ako nang ganito? Ang kapal ng mukha! “Nahihiya ka ba? Ayos lang iyon, totoo naman na sexy ka at bagay na bagay sa—”
Napasinghap ang mga naroon sa sunod na nangyari at bago pa matapos ng lalaki ang sinasabi niya ay tumumba na siya sa lapag!
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatayo. “Ezro!”
“Bastos kang gago ka!” Walang sabi-sabi niyang kinuwelyuhan ang lalaki at sinuntok ulit sa mukha. Napasinghap ang mga nakakita at nabigla sa nangyari.
Kahit ang grupo ng kalaro ni Ezro ay napatayo sa ginawa nito sa kaibigan nila.
Pumagitna ako at pinigilan siya. Nakagawa na kami ng eksena dahil natuon sa amin ang atensyon ng mga naroon! Gumanti ang lalaki at sinuntok din si Ezro.
“Hey, stop!” Sinubukan ko silang pigilan pero walang nagpapapigil sa kanila! Nang suntukin ni Ezro ang lalaki ay halos matumba ito at nabunggo sa akin. Sa lakas ng impact ay napaatras ako at bumunggo sa mesa! “What the hell!” galit na sigaw ko roon sa lalaki. “I’m gonna k*ll you!”
Napunta sa akin ang atensyon ng mga tao dahil sa iritado kong sigaw. Kumalat ang sakit ng pagkakalihis ng heels ko sa paa ko!
“Ouch!” Napasigaw ako nang bigla na lang may humila sa buhok ko. The next thing I know, sinugod ako ng isang babae na galing sa grupong ‘yon at sinabutan!
“Malandi ka kasi, Nathalia! You’re flirting with my boyfriend, kaya siya napaaway! Dahil sa kalandian mo!” sigaw nito habang hila ang buhok ko.
Hindi ako nagpatalo at sa halip ay kinaladkad ko rin siya at sinabunutan. Walang makaawat sa amin dahil ayaw tumigil ng babae kahit nanghihina na ang hatak ko sa buhok niya. Halos hindi ko na maramdaman ang anit ko.
“Ang landi-landi mo! Siguro totoo talaga ang mga scandal mo noon! Dapat sa ‘yo matagal nang walang career dahil bukod sa malandi ka, masama ang ugali mo!” sigaw niya pa rin.
Hindi ko alam kung anong mag-iinit sa akin dahil sa sinabi niya, ang ulo ko o ang sulok ng mga mata ko para sa luha.
Kung hindi lang nagkagulo bigla sa loob ng casino ay hindi yata kami matitigil ng babae. Biglang nagsialisan at nagtakbuhan kung saan-saang direksyon ang mga tao sa casino.
Hinatak na ng mga kaibigan niya ang babae at nagmamadali silang umalis. Narinig ko ang malulutong na mura ni Ezro sabay dampot sa suit niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
My eyes grew wider. Bigla niya akong hinila paalis kasama niya. “Ezro! A-Anong nangyayari? What the hell is this?!” sigaw ko.
“Just shut the f*ck up, Thalia! Sumama ka na lang!” sigaw niya pabalik at kung saan-saan kami dumaan para makaalis sa lugar na ‘yon. Mabilis niyang pinagpipindot ang elevator button at halos panlamigan ako nang marinig ang tunog ng sasakyan ng mga pulis sa labas ng establisyemento.
“What the hell, Ezro? What’s happening?! Bakit may mga pulis?!” tanong ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator. Hindi niya ako sinagot at hinampas ang pinto nito nang ayaw nitong bumukas.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakasabunot sa akin pero mas sumasakit ang ulo ko sa nangyayari!
“Tangina. Slow ka ba talaga, Thalia?! Illegal g*mbling ‘to. At may lintek na naman na tumimbre sa mga pulis! Damn it!”
Natigilan ako sa sinabi niya. “What the f*ck?! Akala ko ay nasa casino tayo? Are you telling me that we’re in an illegal g*mbling?!”
Nakababa kami at napunta sa ground floor kung nasaan ang parking lot, kaso nang malapit na kami roon ay napatigil siya at napamura nang may matanaw. Tiningnan ko naman kung ano iyon ngunit wala akong makita.
Tiningnan niya ako na tila nagdadalawang-isip kung sasagipin niya pa ako o ililigtas ang sarili, nang may marinig na kaming mga yabag ng kung sino.
“Ezro, don’t lea—Ezro!” gulat na asik ko nang bigla niya akong iwan para iligtas ang sarili niya!
Bigla ay mag-isa na lamang ako sa tahimik at malawak na parking lot. Good heaven. Nadamay lang ako rito at wala akong kaalam-alam!
Tumalikod ako para sana bumalik at humanap ng ibang daan nang mabilis akong mapapikit sa sumalubong sa akin.
Oh, damn.
“Raise your hands,” malamig na saad ng isang pamilyar na boses.
Hindi ko alam pero tila biglang nawala at nabura sa isipan ko ang nangyayari nang marinig ang boses na ‘yon. It was so familiar... that I couldn’t help but open my eyes. Natigilan ako at parang napako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang naroon.
“I said raise your hands, Miss,” mas matigas na saad nito, ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para sundin ang sinasabi niya.
Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko habang mataman at malamig na nakatingin sa akin. His cold and dark eyes met mine.
After long years...
Napaawang ang labi ko at nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata. Ni hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya, pinaghalo ang gulat at takot sa ‘kin.
“I-Isles?”
Kung hindi ito panaginip at siya nga ang nasa harapan ko, then I should be scared than ever...
“Don’t move, Nathalia,” mariing saad niya sa malamig na boses at tinutok sa akin ang hawak niyang baril. Napatitig ako roon at nanlamig sa kinatatayuan.
This is wrong. He has no right to point a gun to my head!
“You’re a lawyer...” I trailed, making him remember he shouldn’t do this!
“And you’re trying to escape right now,” saad niya. Napatitig siya sa akin at binaba ang baril. He’s wearing a black suit. Napatitig ako sa kaniya. He looks more powerful now, more dangerous, rough... and harder. Harder than he was five years ago.
“Who brought you here?” mas seryosong tanong niya.
Hindi ko magawang sumagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Napaatras ako nang kaunti, hindi pa rin makapaniwalang narito siya sa harapan ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
“I’m asking you, Nathalia Amaris... sinong nagdala sa ‘yo sa lugar na ‘to?” Naging marahan ang boses niya, at mas nakakatakot sa tuwing ganoon. Ang mapanuri ngunit mapaglaro niyang mga mata ay diretsong tumingin sa akin.
“I-I should be asking you that, Isles. A-Ano ang ginagawa mo rito?” sa halip ay tanong ko sa nanginginig na boses. Napalunok ako. Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa akin, ni hindi natinag nang humakbang ako palapit sa kaniya.
“It just happened that I’m here,” malamig na sabi niya. “Now, answer me... bakit nandito ka? Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo, Nathalia?”
“Wala akong kinalaman sa loob, Isles... nadamay lang ako.”
His eyes narrowed, at parang binabalot ng yelo ang boses niya sa lamig nang magsalita.
“Paano ako maniniwala sa ‘yo?”
There. Something hit me! Right... paano siya maniniwala sa akin? He knows me for being a great liar. Isang babaeng magaling sa pagpapanggap.
May tumulong luha sa mata ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Pilit kong pinatigas ang ekspresyon ko. “Kung sa tingin mo ay nagsisinungaling ako... eh, ‘di pigilan mo ako ngayon at iharap sa mga pulis,” malamig na hamon ko. “It’s so personal for you to point your gun at me, Isles.”
“It is,” sagot niya at puno ng amusement na tumingin sa mga mata ko. May maliit na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Hindi pa rin siya nagbabago!
He still looks like an angel, innocent, so kind and trustworthy...
Iyong sa tuwing ngumingiti siya ay parang gagaan ang loob mo. He’s always been like that. Soft, gentle, and caring. Ganoon siya sa lahat maliban sa ‘kin.
To me, he’s a devil disguised as an angel. He’s just trying to capture everyone with his good boy looks.
Pero bakit sa akin... ang rahas-rahas niya?
Nanatili ang kamay niyang nakasuksok sa loob ng itim na suit. My lips trembled when I looked down to his gun. Mula sa kaniyang sapatos ay nasuri ko ang kabuuan niya.
Mariin akong napalunok at humakbang palapit sa kaniya bago kinuha ang kamay niyang may hawak sa baril. Dinala ko iyon sa tapat ng aking dibdib.
Dahil sa pagtakbo at pagkakagulo kanina ay nakabukas na ang blazer ko. Malaya kong naramdaman ang malamig na dulo ng baril sa tapat ng lantad na balat ng aking dibdib. Nag-igting ang panga niya sa ginawa ko at madilim na tumitig.
“Nagsasabi ako ng totoo. Pero kung gusto mo akong idiin at parusahan... gawin mo,” matapang na hamon ko at diretso siyang tiningnan siya sa mga mata. “Or why don’t you just kill me right now and right here... Attorney Privello?”
Hindi siya makasagot. Hindi niya maibaba ang baril na ako mismo ang nagtutok sa akin.
“Shoot at me, Isles... tutal ay matagal mo na akong gustong burahin sa mundo... might as well do it now while you have the chance.” Ngumisi ako habang may luha sa mga mata.
Mas idiniin ko ang baril sa ‘kin habang titig na titig sa kaniya at ganoon din ang matalim niyang mga mata sa ‘kin.
“Pull the trigger, Isles... why don’t you do it?” hamon ko. “Dahil kung ako ang may hawak ng baril na ‘yan, hindi ako magdadalawang-isip!”
Napatitig siya sa ‘kin at unti-unting lumambot ang ekspresyon. Amused siyang napangisi. “Hindi ka pa rin nagbabago...” tila manghang sabi niya. “You’re still a great liar, Nathalia.”
Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya. It triggered something inside me!
Gaano katagal na ba ang lumipas. Apat na taon? Lima?
Limang taon simula nang iwan niya ako. Limang taon simula nang gawin niya akong tanga!
“Are you sure you can pull the trigger if you were holding this gun instead of me, Nathalia?” marahang sabi niya. Maging ang paraan ng tingin niya sa akin ay naging malumanay. “Because I don’t think you can,” nanunuyang usal niya at mas lumapit habang nakatutok pa rin sa akin ang baril, tanging siya na lang ang may hawak.
Limang taon simula nang tapusin namin ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Limang taon simula nang talikuran niya ako... sa mismong kasal namin.
“Can you even point a gun at me like this?” Sumilay ang amused na ngisi sa mga labi ni Isles at mas lumapit pa sa akin. Bahagya niya akong niyuko. Nilapit niya ang kaniyang labi sa gilid ng aking tainga at marahang bumulong, his hot breath kissing the skin of my neck, which brought a lot of different memories I desperately tried to forgot. “I don’t think so, sweetheart. I don’t think so...” malambing na bulong niya, kasabay nang mas panlalamig ng dulo ng baril sa aking dibdib.
“Congratulations, Nathalia!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ko habang nagkakasiyahan kaming lahat sa nightclub ng isang hotel.Inabutan nila ako ng alak at pina-shot ‘yon sa ‘kin. Dahil ayaw kong maging kill joy sa gabing iyon, tuloy-tuloy kong tinanggap ang walang tigil na pag-aabot nila ng alak. Inabot nina Esekia ang panibagong hard core drink. Nailayo ko ang glass sa aking bibig matapos i-straight shot ang alak na nagkatapon-tapon na sa gilid ng labi ko!“Damn! What are you, guys?! A tequila machine?”May mga nag-i-splash na ng alak sa paligid. My college batchmates and classmates are so wild. Marami akong kakilala na narito ngayon sa nightclub sa malaking hotel. Weekend kasi at ako na rin ang nagyaya ng party para mag-celebrate ng achievement kasama sila. Parte na ako ng isa sa pinakamalaking modeling agency sa bansa at ambassadress ng isang kilalang brand.“More success to come, Nathalia Amaris! Cheers!”Patuloy ang maingay na tawanan at kantyawan ng lahat habang nagsasay
NAPADAING ako nang paupo akong bumagsak sa kaniyang kama. Kinagat ko ang aking labi habang napapalunok na nakatingin sa ginagawa niyang pagtatanggal sa butones ng kaniyang suot. Ang mapungay niyang mga mata ay nakatuon sa ‘kin at sa labi kong hindi niya mabitawan kanina.His dark and intense eyes pierced into me. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa mabilis na paghinga lalo na nang niyuko niya ako sa malaki at malambot na kamang iyon.Foreign heat started taking all over me. Para na akong abong unti-unting natupok sa ilalim niya. Muli niyang siniil ng halik ang labi ko at agad-agad ko iyong sinuklian.Hinagilap ng mga kamay ko ang natitirang butones ng kaniyang damit. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang sinusubukan iyong kalasin!“Relax, sweetheart,” may pang-aasar na sabi niya.Pinalitan ng kaniyang kamay ang kamay ko sa butones at isang kalabit lang ay nakalas niya iyon. Ikinawit ko na lamang ang aking braso sa batok niya. Nagtama ang paningin namin pero mabilis lamang iyon dahil mul
“S-Sino ka? Anong...” gulat at takot kong tanong. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto ngunit sa huli ay napahawak lang din ako sa sentido ko at napapikit nang kumirot iyon!Oh, damn. I feel like my entire world is spinning!“What?”Muli akong napatingin sa lalaki nang magsalita siya sa kagigising lang na boses. Mukhang galing pa yata sa panaginip sa mahimbing niyang pagkakatulog! Agad nagtama ang paningin namin nang mapatingin siya sa gawi ko.“N-Nasaan si Matt? Who the hell are you?!”Lumapit ako sa kama at naghagilap ng gamit. Ng kahit ano! But all I can find are torn foils of used condoms! D-Damn it! Damn!Para akong binabanda sa dibdib. Walang tigil ang kalabog nito. Matt’s my crush, my suitor... he will be my future boyfriend! Ngunit ano ito...This is a mistake. This is a big mistake. Worse than all the mistakes I’ve done in my entire life.The corners of my eyes started to heat in fear and in anger... anger to myself for doing such a stupid thing!Nanatiling tahimik ang lalak
“What did that little brain of yours think this time again, Nathalia Amaris?” Napayuko ako sa malamig na tanong ni Dad habang hawak sa kamay ko ang aking bag. I clenched my fist so hard... so hard like a stone that’ll protect me from all his hurtful words.Tumitingin na sa amin ang ilang maid habang narito kami sa tuktok ng hagdan ng staircase. Kalalabas lamang ni Dad sa kaniyang opisina at saktong nabungaran niya ako.Napapikit ako nang ihagis niya sa akin ang isang envelope. Nagkalat sa sahig ang mga litratong kuha noong gabing ‘yon.Napatitig ako sa isang larawang bumagsak sa aking paanan. Me kissing the guy in front of his hotel room!Ang ibang picture ay noong nasa dance floor kami ng mga kaibigan ko. May mga kuha na sumasayaw ako, itinataas ang shot glass, at merong noong paakyat kami ng hotel nina Esekia.“Are you trying to ruin your life, Nathalia Amaris?!” pagalit na tanong ni Dad. Lumapit siya sa ‘kin at naapakan ang ibang litrato na hindi ko alam kung sino ang kumuha at k
Kahit ngangatog ang mga tuhod ko sa kaba ay sinikap kong tumayo nang tuwid. Kinuyom ko ang mga palad, hoping they’ll stop shaking.Tila siya may natamaan sa kasuluk-sulukan ng pagkatao ko. Ngayon habang may mga sugat at pasa siya mula sa ginawa ng mga tauhan ni Dad, at ang galit sa mga mata niya, nakaramdam ako ng panliliit. I felt so stupid and f*cked up. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatingin sa kaniya.Sumunod paangat ang mga mata niya sa ‘kin habang hinahaplos ang palapulsuhang namumula sa pagkakagapos nito. His cold yet amused smirk remained... pero sa bawat tingin niya ay may nakailalim na galit. Alam kong galit siya sa akin. Galit sa nangyayari. Galit na galit... “Happy now? Did you tell your father you want this? At nakuha mo naman? What a spoiled brat that you are...” kalmado pero nakangising turan niya.Nakaramdam ako ng inis dahil na rin sa pagkapahiya ko. Siyempre, ang kahihiyang ito kahit pa si Daddy ang may gawa, ay kahihiyan ko pa rin. Lalo pa’t ako naman talaga ang
Panay ang linga ko sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko. I still can’t find them. Kahit sina Eros at Jade na sinabing mag-uusap lang ay hindi ko matagpuan. Bukod sa marami ang nasa dancefloor, masiyado ring masakit sa mga mata ang ilaw sa buong club, nahihirapan akong suyurin ng tingin ang alon ng mga tao para hanapin sila. Dumaan ako sa mga nagsasayawan. Hindi mabilang na mga lalaki ang kumausap sa akin at sumubok makipagsayaw o ‘di kaya’y kunin ang number ko, but I was in too hurry to find my friends. Umakyat ako sa itaas habang tinitingnan pa rin ang mga tao sa baba, mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay. “Where are they—” Naputol ang pagkakausap ko sa sarili nang biglang may humablot sa kamay ko. Hinila ako paakyat sa taas. Umawang ang labi ko sa gulat at bago pa ako makapagsalita ay wala na ang cellphone sa kamay ko. “What’s the pass?” mapang-utos na tanong ng isang baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin. Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at gulat nang m
“This is also the right time for you to find someone who will tame your rebellion.” Magsasalita pa sana ako pero nanatili na lamang akong tahimik at walang masabi pabalik. Kasabay rin niyon ay siyang pagdating ng mga importante niyang bisita. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at banayad na tinapik ang balikat ko. She didn’t say anything. She just encouraged me to fix my face dahil hindi ako maaaring makita ng mahahalaga nilang bisita na ganito, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Iyon na sana ang gagawin ko kundi lang umangat ang tingin ko at ang unang nakasalubong ng mga mata sa mga dumating ay walang iba kundi si Isles. There are few businessmen that are Dad’s acquaintances. He doesn’t see anyone as a friend. They’re all merely colleagues. Dumating ang mga nakaitim na kalalakihan. I know some of them. Others are in showbusiness. Some of them are my dad’s age. Some business guy in his 40’s even tried to hit on me before. Ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na dahil sa bigat
It took me a whole five minutes inside the restroom. Hindi ako makapag-isip kung anong gagawin ko. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Maybe I can say there’s an emergency? Or some reason so I don’t have to go back in there! Lumabas ako sa restroom habang nagda-dial. Balak kong tawagan sina Mauve para kasabwatin pero bago pa ako makatawag o makapagtipa ng mensahe ay may kumuha na nito. “What the—” “Texting your boyfriend?” tanong ng isang boses na humarang sa ‘kin paglabas na paglabas pa lamang ng restroom. Isang hallway iyon, walang masiyadong dumaraan. Isa itong mamahaling restaurant at kaunti ang gumagamit ng restrooms. Napatingin ako kay Isles na hawak ang cellphone ko, salubong ang mga kilay na tinitingnan kung sinong tinatawagan ko. Binawi ko ang aking cellphone at inis ko siyang tiningnan. Ginantihan niya iyon nang madilim at naiiritang tingin. “Is it your favorite hobby to snatch my phone?!” pagtataas ko ng boses. “Planning to escape and leave me in the middle
Tahimik si Isles nang makauwi kami. Kahit noong gabi na ay malalim pa rin ang kaniyang iniisip kahit na kinakausap niya naman si Thaddeus kanina.Pagtapos kong maihatid si Thad sa adjacent room ng kwarto naming mag-asawa ay naabutan ko si Isles na inaayos na ang higaan namin. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya dahil halos hindi niya napansin ang pagpasok ko sa kwarto.Suot ang mahabang puting long sleeves ni Isles ay lumapit ako sa kaniya. I want to feel the comfort of his clothes tonight.Malalim akong napabuntonghininga. Niyakap ko siya mula sa likod at inikot ang aking mga braso sa kaniyang tiyan.I rested my head on his firm back as I hugged him tightly.I just want to hold him. Kapag ganitong malalim ang kaniyang iniisip. It’s something I learned from him. Dahil sa tuwing malalim din ang iniisip ko ay may personal na pinagdadaanan sa aking emosyon, niyayakap niya lang din ako. He doesn’t talk or scold me. Kinukulong niya lang ako sa mga bisig niya para iparamdam na nandito la
Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa mga mansyon ng Sandoval dahil gustong makita ni Mommy si Thaddeus. Nandoon din sina Kuya Cielo at Mauve at ang anak nilang si Celestine Iris, pinsan ni Thaddeus. They have a second baby, too.“Cillian Lorenzo,” Isles greeted my older half-brother.“Hey,” nakangising bati rin ni Kuya Cielo at nag-apir sila.“Mauve!” I called and hugged my friend. “Buti nakarating kayo?! I thought you were going to have a vacation in NY?”“Oo, Thalia. Pero sabi ko nga kay Cielo ay next week na lang para makapunta kami rito! Minsan lang kung magtagpo ang oras natin, eh,” sabi ni Mauve at niyakap ako nang mahigpit. “How’s Thaddeus?”“He’s doing great. Iyan at ang daming natutunan sa magaling niyang tatay,” sarkastikong sabi ko at tinawag si Thad na nakikipaglaro na sa Kuya Camren niya, ang ikalawang anak nina Mauve.“Baby, greet your Tita Mauvereen.”“Kamukhang-kamukha ng tatay niya, ah? Ikaw ba talaga nanay niyan?” natatawang tanong ni Mauve na binabati si Thad.Ngu
“Hubby, you’re driving!” paalala ko sa takot na mabunggo kami. Hindi siya nakinig. He lowered his lips on my neck. Kung paanong hindi pa rin gumegewang ang sasakyan ay hindi ko na alam!Napakagat ako sa aking labi. Pinaikot ko ang aking mga braso sa leeg niya at hinagis ang baril sa backseat.Tinted ang sportscar, so no one will mind us.“Remove my belt,” Isles whispered commandingly. I stared at him, hindi malaman kung susunod o ano. Sa huli ay kinagat ko na lamang ang aking labi at sinunod iyon.“Make sure we will not die in a car accident!” I said and kissed him, too. Binaba ko ang zipper ng kaniyang pantalon. Hawak niya ang bewang ko at tinulungan pa akong alisin ang underwear ko sa isang binti.I bit my lip when I stared at his hard on. And I was right, kanina pa iyon ganoon! Noong umupo lang ako sa kandungan niya!Tiningnan niya ako habang nakakulong pa rin ako sa mga braso niya at minamaneho niya ang sasakyan. “Isles! Are you serious?”“Don’t be too shocked. You were shoving yo
“Ready?”Tumango ako habang mahigpit na hawak ang rifle gun at nakasandal sa likod ng pinto. Nakaharap siya sa akin habang hawak ang door knob at nakikiramdam kami sa labas.“I’ll count to three,” Isles whispered. Ang sabi niya ay sigurado siya, nasa labas lamang ang mga tauhan ni Mr. Kitagawa at alam nilang nagtatago ako sa isa sa mga hotel rooms.“Go, hubby.”Kinagat ko nang bahagya ang aking labi, naghahanda na para sa anumang pag-atake sa oras na buksan niya na ang pinto. Tumango ako nang magtama ang paningin namin. Isles opened the door smoothly. Hindi siya nagkamali dahil hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, nakita ko na ang mga nakaitim na kalalakihan, may kaniya-kaniyang armas at nagmamasid sa paligid.Lumingon ang isa ngunit bago niya pa maiangat ang baril ay naunahan ko na siya. Mabilis itong bumagsak sa sahig na ikinalingon ng iba pa.“She’s here!” anunsyo ng isa at inulan kami ng mga bala. I fired bullets at anyone who tried to shoot us.Masiyado silang marami. Years
“Isles, what the hell—”Naputol ang mga salita ko dahil sa halik. Umangat ang kamay niya sa dibdib ko at agad iyong sinakop ng mainit at malaking palad niya na ikinaawang ng mga labi ko.“Isles, s-sandali—” We’re in the middle of work!He didn’t listen and instead, he became more aggressive. Ramdam ko ang matinding galit niya dahil sa pagsuway ko. Tinulak niya ako padiin sa matibay na pinto gamit ang mararahas na halik habang pinaghihiwalay ang mga binti ko.Binuhat niya ako at sinandal. Sa rahas ng galaw ni Isles ay napadaing ako. He brought me at the table and put me on top of it. He quickly unbuckled his belt, bago inangat ang madilim na tingin habang nag-iigting ang panga sa matinding iritasyon na parang sasabog siya kapag hindi niya ako naparusahan.Sa sandaling natanggal ni Isles ang suot na sinturon ay hinila niya ang binti ko palapit hanggang sa halos nasa dulo na ako ng mesa. Pinarte niya ang mga hita ko hanggang magkasya ang malaking katawan niya sa pagitan ng mga ito.He gl
Lumikha ng matinis na tunog ang gulong ng sasakyan ko nang ihinto ko ito sa parking lot ng hotel. Mabilis ang pag-park ko at agad nang bumaba para makapasok sa loob ng building.Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga tao. Sunod-sunod na rin ang mga balang umuulan dahil may mga tauhan din kami rito. Siguradong hinahabol na sila ng security ng target namin.Dahil sa mga nangyayari ay halos hindi na mapigilan ng security ang kilos ng mga tao, giving me a chance to enter the hotel easily.Sunod-sunod ang mga alarm. Nararamdaman ko rin ang impact ng barilan at iilang mga bagay na sumasabog tuwing natatamaan ng bala.I ran to the opposite direction. Palabas ang mga tao sa hotel habang ako ay papasok. Agad kong inokupa ang elevator at pumindot sa palapag na sampu ang taas mula sa kinaroroonan ko.Nilabas ko sa dala kong bag ang rifle at nilagyan ng panibagong mga bala. Pagtapos ay sinukbit ko iyon nang maayos sa aking balikat.Tumunog ang elevator. Nag-angat ako ng tingin at agad na inangat an
“Miss Nathalia?”Nilingon ko ang tumawag. One of the girl agents smiled at me.“Tumatawag po ang asawa n’yo...” saad nito sabay angat sa telepono.Awtomatikong umikot ang aking mga mata. Binalik ko ang tingin sa scope ko habang nasa tuktok kami ng isa sa matataas na building sa buong lungsod, halos hindi pansinin ang kaniyang sinasabi dahil tutok sa pinagkakaabalahan.“Tell him I’m at the mall... kasama ko si Klara at nagsha-shopping,” saad ko habang ginagala ang aking scope para makita ang target namin na nasa isang hotel.Kung hindi ako titingin sa scope, sobrang layo nila sa amin. It’s impossible to see them in naked eye.“Mr. Privello, nasa mall po ang asawa ninyo. She’s with Miss Klara for their usual shopping routine,” masunuring sagot nito. Tinuon ko lamang ang atensyon sa target namin. I can’t lose sight of that businessman’s son.I bit my lip as I try to check the target’s surrounding. Nasa penthouse ito at kasalukuyang may kinakausap na isa pang lalaki habang may dinaraos na
“How’s Nathalia?” tanong ni Klara noong patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.Nanatili akong tahimik. My mind is f*cking clouded while I’m sitting just outside the emergency room. Pinipigilan ko na lamang magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kung sinumang sumubok na kumausap sa ‘kin.Lumapit si Klara at napasinghap nang makita ang nagdurugong balikat ko.“You’re wounded,” deklara niya at mabilis na tumawag ng nurse.I didn’t care about it. Ni hindi ko nga naramdaman na may dumaplis na bala sa balikat ko. My mind went blank and all I can see is my hands that were full of blood stains, Nathalia’s...Dumating ang nurse pero hindi pa rin ako nagsalita. Umangat lang ang tingin ko nang may humahangos na lumapit.“Nasaan si Nathalia?” tanong ni Ezro Quintin. My jaw moved and before I could even think, hawak na ng mga kamay ko ang kuwelyo niya.“Isles!&
“Raise your hands,” ang malamig na utos ko sa babaeng nakatalikod. And when she faced me, I wasn’t wrong.Nathalia Amaris.What the hell is she doing in an illegal gambling? Kailan pa siya natuto sa mga ganitong bagay?Alam kong wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng galit.“Who brought you here?” matalim kong tanong.She looks lost just a while ago, pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay walang kasinglamig ng mga mata niya.And she will always have this effect on me. Natitigilan ako kapag tinitingnan niya ako habang malamig o walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ako sanay. She never fails to scare me with one cold look. Maybe it was my greatest fear...To know that she’s over me.Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung paano ko tatanggapin kapag nalaman kong hindi na ako. She shouldn’t be done with me.Because I’m not done with her yet. She can’t be... f*cking... over me.Kaya nang makita ko siyang kasama si Ezro at ang mag-asawang Sandoval sa isang family dinner