“What did that little brain of yours think this time again, Nathalia Amaris?”
Napayuko ako sa malamig na tanong ni Dad habang hawak sa kamay ko ang aking bag. I clenched my fist so hard... so hard like a stone that’ll protect me from all his hurtful words.
Tumitingin na sa amin ang ilang maid habang narito kami sa tuktok ng hagdan ng staircase. Kalalabas lamang ni Dad sa kaniyang opisina at saktong nabungaran niya ako.
Napapikit ako nang ihagis niya sa akin ang isang envelope. Nagkalat sa sahig ang mga litratong kuha noong gabing ‘yon.
Napatitig ako sa isang larawang bumagsak sa aking paanan. Me kissing the guy in front of his hotel room!
Ang ibang picture ay noong nasa dance floor kami ng mga kaibigan ko. May mga kuha na sumasayaw ako, itinataas ang shot glass, at merong noong paakyat kami ng hotel nina Esekia.
“Are you trying to ruin your life, Nathalia Amaris?!” pagalit na tanong ni Dad. Lumapit siya sa ‘kin at naapakan ang ibang litrato na hindi ko alam kung sino ang kumuha at kung bakit ipinadala kay Dad. “You can’t bring a good name to this family! And you’re even planning to bring us such shame? What a disgrace that you are!”
Dumating si Mommy na siyang nagpakalma rito para hindi ituloy ang anumang balak na mapagbuhatan ako. Napayuko na lang ako lalo habang nagtatalo sila.
“Stan... don’t be too harsh on her,” mahinahon at tunog nagmamakaawang usal ni Mommy.
“That’s exactly why your daughter grew up being a headache, Thaliana!”
“I will talk to her, Constantine... please,” my mom pleaded. Umiling lamang si Dad at galit na hinarap ako.
“Kung kumalat ang mga litratong iyan, ano sa tingin mo ang mangyayari, Nathalia Amaris? Why don’t you do something useful and be like your brother? Your friends in modeling are all bad influence! Wala kang mapapala riyan. You are wasting your time! Why don’t you work for our company instead of doing useless things?!”
Napalunok ako sa narinig pero pilit ko ‘yong pinalampas sa aking kabilang tenga. That’s the problem with Dad, alam na alam niya ang mga tamang salita para saktan ka, para pagmukhain kang tanga at walang alam maski sa sarili mo.
That in the end, you’re going to believe all those things...
“Constantine,” saway ni Mommy. Dad heaved a sigh in disappointment.
“Bring that man in front of me, Nathalia Amaris. Or I will be forced to make you two meet!”
Doon lamang napaangat ang tingin ko. Ang namumuong luha sa mga mata ko’y parang umatras sa narinig ko.
W-What did he say? Paano ko naman gagawin iyon kung hindi ko nga kilala kung sino iyon?!
“D-Dad...” My lips trembled.
He just looked at me coldly. Kitang-kita ko ang labis niyang pagtitimpi na ibuhos ang kaniyang galit at labis niyang pagkadismaya.
“Dad, please! I don’t know this guy!” usal ko. “At kasalanan ko ito. I was the one who entered his room. I mistook him for someone and he just mistook me for someone else, too. Dad, please... hayaan na po natin ang lalaking iyon.”
Umiling si Dad at seryoso akong tiningnan. “You’re going to marry this man, Nathalia. Sa ayaw at sa gusto mo! This is the consequence of what you did.”
Nanlaki ang mga mata ko. What kind of punishment is that?!
“Dad!—”
Bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay nilampasan niya na ako.
“Mom, sabihin mong hindi totoo iyon?! What is he saying that I’ll marry? That is too serious for a punishment!” Naiiyak kong hinarap si Mommy. He must be kidding!
My mom just looked at me. She looks concerned yet disappointed.
“Why, hija? Do you think what you did is something unserious? I had to learn that the hard way, anak, you’re repeating a mistake I’ve been regretting my life... alam mo iyan, Nathalia.” Naiiling si Mommy bago ako nilagpasan.
Natulala na lamang ako sa kawalan habang hindi makapaniwala. My tears started to fall.
Are they going to arrange me with that guy? Ni hindi nga namin iyon kilala! At isa pa, wala naman talagang kinalaman dito ang lalaking ‘yon!
Nakatulog ako nang gabing iyon sa malalim na pag-iisip. Kinabukasan ay hindi ako pumasok. My friends asked me why. Sunod-sunod ang mga mensahe sa akin nina Mauve. Ang mga kaibigan kong sina Ace at Jade ay hindi tinitigilan ang comment section ng huling I* post ko at doon sila nagkakalat dahil missing in action ako ngayong araw sa university.
Wala akong ganang lumabas ng aking kwarto. I’m also pretty sure I’m grounded.
Dumating ang hapon at naisipan kong mag-shopping para naman maibsan ang stress ko na ako rin naman ang may gawa. Maybe shopping will help me lighten my mind.
Pero nakailang bag na ako, hindi pa rin naiibsan ang malalim kong pag-iisip.
Sa huli, nagpaiwan na lang ako sa driver naming si Kuya Bobs sa isang coffee shop malapit sa mansion at sinabing maglalakad na lang ako pauwi para magpahangin na rin.
While walking, I noticed a black car. Familiar ito at para akong sinusundan. Parang nakita ko na sa mansion. My father’s filthy rich and we have lots of cars.
Nag-text ako kay Kuya Bobs kung sinusundo niya ba ako ngayon, pero sabi niya ay nasa mansion lang daw siya. Nagtaka naman ako dahil kanina ko pa talaga ito napapansin sa park pa lang. Sa takot ko ay binilisan ko na lang maglakad.
Napasigaw ako nang biglang magsalita ang nasa driver’s seat na huminto sa mismong tapat ko sa sidewalk.
“Ma’am Nathalia?” tawag ng sakay nito at mukhang nagulat din sa sigaw ko.
Napahawak ako sa aking dibdib at tiningnan ito nang masama. “A-Alfred? Ano ka ba naman?! Bakit ka nananakot?!” saad kong hawak ang tapat ng dibdib ko.
Si Alfred lang pala! Isa sa mga tauhan ni Dad!
Napakamot ito sa ulo. “Kanina pa nga po kita tinatawag pero hindi ka po lumilingon, eh.”
“What are you doing here? Sabi ko kay Kuya Bobs ay huwag na akong sunduin.”
“Hindi po, Ma’am. Si Sir Constantine po ang may utos na puntahan ka...”
Wala rin akong nagawa kahit nagtataka. Baka mas mayari pa ako kay Dad kung magmamatigas ako.
“Where are we going?” medyo kabadong tanong ko nang mapansin na hindi ang daan patungong mansion ang tinatahak namin. “Guys? Why are you not telling me?!”
Patuloy ako sa paghihiyaw dahil ayaw nila akong sagutin. They’re like loyal dogs! I thought we were all friends... mga traitor!
“Pasensya na, Ma’am Thalia... ang mabuti po, matulog ka na muna. Utos lang ni Sir Stan,” biglang sabi ni Alfred. Nanlaki ang mga mata ko at napapiglas pa nang bigla na lang itakip ng kasama niya ang isang panyo sa aking bibig at ilong.
Mabilis akong nakatulog. Dala na rin ng pagod.
Naalimpungatan ako at nagising na lamang na nakatigil na ang sasakyan. Napahawak ako sa aking ulo at mabilis din akong napabalik sa sarili.
Masama kong tiningnan si Alfred na nasa driver’s seat. May takot itong nakatingin sa akin bago kabadong ngumiti.
“You, traitor! I thought we’re friends!”
The asshole just made a peace sign. “Sorry na po, Ma’am Nathalia. Hindi po kasi n’yo pwedeng makita ang daan patungo sa lugar na ‘to.”
“Traydor,” gigil kong bulong.
Hindi na ako pinatulan pa ni Alfred. Pinagbuksan niya na lang ako ng pinto pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Bumungad sa akin ang malakas na hangin pagbaba sa sasakyan. Natigilan ako nang mapagtanto kung anong klase ng lugar ang kinaroroonan namin.
Isa itong may kaliitang building na hindi masiyadong napapansin. Nasa tagong lugar din ito at walang mga kalapit na establisyemento.
Mabato ang daan at may mga munting halaman sa gilid. Tiningnan ko ang mga tauhan ni Dad.
“Where are we? What kind of place is this?”
Hindi sumagot si Alfred. Sa halip ay iginiya niya ako patungo sa isang bahagi sa labas nitong building kung saan may mga halamanan.
Nakarinig ako ng mga boses. Nagsimulang dagain ng kaba ang dibdib ko.
Nang malagpasan namin ang isang pader ay doon bumungad sa akin ang pinagmumulan ng mga boses na iyon.
Natigilan ako at parang nanigas sa kinatatayuan. May dalawang lalaking hindi ko kilala ang may hawak sa isa pang lalaki. May isa namang nakatayo lang doon at nakatingin. Patagilid sila mula sa direksyon ko kung kaya’t nakita ko ang nakataling mga kamay ng lalaki.
Napasinghap ako nang gawaran ng suntok ng isa ‘yong lalaking halos nakaluhod na.
Minura ng lalaki ang nakaluhod. Susuntukin niya pa sana ulit kung hindi lang dumating si Alfred na nauuna ng lakad sa akin.
“Tama na ‘yan. Nandito na si Ma’am Nathalia.”
Para akong tinakasan ng hangin. Napatigil ako sa paghakbang at napatitig sa lalaking may sugat sa labi na unti-unting nag-angat ng tingin at gumawi iyon sa aking direksyon. Nagtama ang paningin naming dalawa.
Ang bahagyang magulo nitong buhok ay bumagay sa kaniyang gwapong mukha at kahit pa nga may sugat ang labi niya ay mas lalo lang iyong pumula.
Nag-igting ang kaniyang panga habang titig ang madilim na mga mata niya. Pakiramdam ko umalpas sa kaluluwa ko ang kaniyang tingin. It looked playful yet cold...
Tiningnan ko ang kabuuan ng lalaki habang unti-unting nilalamon ng kakaibang kaba ang aking sistema. He’s wearing something like an office attire. Hindi niya lamang suot ang pang-ibabaw na suit.
His hair is slightly messy. May sugat mula sa gilid ng labi niya at sa ilang parte ng kaniyang mukha.
Makailang beses akong lumunok habang pinoproseso ang nangyayari.
What is this guy doing here? Paanong...
“W-What is this, Alfred?” gulat at utal kong tanong. Walang sumagot sa apat na lalaking narito. Nilapitan ko sila at nanginginig sa galit na tiningnan. “Anong kabaliwan ‘to?! Let go of him!”
Gosh! He might be thinking how crazy our family is!
“Ano pang hinihintay mo, Alfred? Alisin mo ang tali!” sigaw kong umalingawngaw yata sa buong paligid. Wala na akong pakialam kung sinuman ang makarinig sa amin!
“Sorry, Ma’am Nathalia... hindi ko po masusunod ‘yang gusto n’yo,” nakayukong sabi nito. Sa inis ko ay tinabig ko sila ngunit bago ko pa malapitan nang tuluyan ang lalaki ay sinenyasan na ni Alfred ang dalawa pa para kunin ako at ilayo.
Nanlaki ang mga mata ko at inis siyang tiningnan.
“Ano ba?! What the hell are you thinking?!” Pumiglas ako ngunit sadyang malakas sila para mapigilan akong lumapit! “Alfred! Sh*t! Kayong apat, tatandaan ko kayo! Let go of me or else I will make a necklace out of your ears!”
Panay ang sigaw ko sa kanila habang pumapalag. Nanlaki ang mga mata ko nang muling lapitan ng isa ang lalaking nakayuko at saka naglabas ng baril.
Halos himatayin ako. Napaluhod ako at naibigay ang buong bigat sa dalawang lalaking halos kaladkarin ako palayo.
What the f*ck are they doing! Ano ang inutos ni Dad para gawin nila ang kabaliwang ito?
“What are you doing? Bitawan mo iyan! Let go of me!”
Muling nagtama ang paningin namin ng lalaki. He’s just looking at me coldly with the gun still pointed at his head. Alam kong wala silang balak na paputukin iyon. They’re just trying to scare us!
“Is this how your family deals with things?” kaswal na tanong ng lalaki na parang wala lang, na parang walang sugat ang labi niya gawa ng mga tauhan ng aking ama.
Wala akong pakialam kahit insultuhin niya ako at ang pamilya namin. I need to get him out of this situation.
Binitawan din ako ng mga tauhan ni Dad. Mabilis akong lumapit sa lalaki. Nagkaharap kami ngunit hindi man lang siya gumalaw kahit na aalisin ko na ang tali sa kamay niya.
“What are you doing? Help yourself!” singhal ko habang inaalis ang tali ngunit nakatingin lang siya sa ‘kin.
“Kung alam ko lang na ganitong namimilit pala ang tatay mo, sana pinigilan ko na lang... you know, I could’ve just f*cked myself that night...” Mahina at sarkastiko siyang tumawa. Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay tumatama ang kaniyang mainit na paghinga sa gilid ng leeg at tenga ko.
“Shut up...” nanginginig kong usal dahil sa halo-halong nararamdaman. I felt so embarassed, insulted... like a fool.
“Acting scared? Hindi ba’t pakana mo naman ito? I knew you liked what we did that night, ngunit hindi ko inasahan na ganito mo kagusto...” Sarkastiko itong ngumisi. With his jaw clenching hard, and the side of his lips bruised, binasa niya ang kaniyang ibabang labing may bakas ng dugo.
Matagal kaming nagkatinginan bago ako napaiwas. Umihip ang malakas na hangin at dumampi ang lamig nito sa aking balat.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na ako sumagot at hindi ko na iyon pinatulan, kahit nakaramdam ako ng labis na pagkapahiya sa sarili ko... and it hurts. Ang sakit niyang magsalita.
Sa kabila niyon, nakaramdam ako ng takot. Paano kung kasuhan niya kami? Paano kung magsumbong siya sa mga pulis? Oh, gosh! Am I going to jail? Will Dad get caught?
Nang tuluyan kong makalas ang tali ay muling nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko pa alam ang pangalan niya, but I knew from the start, we’re going to hate each other to the depths of hell...
Kahit ngangatog ang mga tuhod ko sa kaba ay sinikap kong tumayo nang tuwid. Kinuyom ko ang mga palad, hoping they’ll stop shaking.Tila siya may natamaan sa kasuluk-sulukan ng pagkatao ko. Ngayon habang may mga sugat at pasa siya mula sa ginawa ng mga tauhan ni Dad, at ang galit sa mga mata niya, nakaramdam ako ng panliliit. I felt so stupid and f*cked up. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatingin sa kaniya.Sumunod paangat ang mga mata niya sa ‘kin habang hinahaplos ang palapulsuhang namumula sa pagkakagapos nito. His cold yet amused smirk remained... pero sa bawat tingin niya ay may nakailalim na galit. Alam kong galit siya sa akin. Galit sa nangyayari. Galit na galit... “Happy now? Did you tell your father you want this? At nakuha mo naman? What a spoiled brat that you are...” kalmado pero nakangising turan niya.Nakaramdam ako ng inis dahil na rin sa pagkapahiya ko. Siyempre, ang kahihiyang ito kahit pa si Daddy ang may gawa, ay kahihiyan ko pa rin. Lalo pa’t ako naman talaga ang
Panay ang linga ko sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko. I still can’t find them. Kahit sina Eros at Jade na sinabing mag-uusap lang ay hindi ko matagpuan. Bukod sa marami ang nasa dancefloor, masiyado ring masakit sa mga mata ang ilaw sa buong club, nahihirapan akong suyurin ng tingin ang alon ng mga tao para hanapin sila. Dumaan ako sa mga nagsasayawan. Hindi mabilang na mga lalaki ang kumausap sa akin at sumubok makipagsayaw o ‘di kaya’y kunin ang number ko, but I was in too hurry to find my friends. Umakyat ako sa itaas habang tinitingnan pa rin ang mga tao sa baba, mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay. “Where are they—” Naputol ang pagkakausap ko sa sarili nang biglang may humablot sa kamay ko. Hinila ako paakyat sa taas. Umawang ang labi ko sa gulat at bago pa ako makapagsalita ay wala na ang cellphone sa kamay ko. “What’s the pass?” mapang-utos na tanong ng isang baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin. Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at gulat nang m
“This is also the right time for you to find someone who will tame your rebellion.” Magsasalita pa sana ako pero nanatili na lamang akong tahimik at walang masabi pabalik. Kasabay rin niyon ay siyang pagdating ng mga importante niyang bisita. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at banayad na tinapik ang balikat ko. She didn’t say anything. She just encouraged me to fix my face dahil hindi ako maaaring makita ng mahahalaga nilang bisita na ganito, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Iyon na sana ang gagawin ko kundi lang umangat ang tingin ko at ang unang nakasalubong ng mga mata sa mga dumating ay walang iba kundi si Isles. There are few businessmen that are Dad’s acquaintances. He doesn’t see anyone as a friend. They’re all merely colleagues. Dumating ang mga nakaitim na kalalakihan. I know some of them. Others are in showbusiness. Some of them are my dad’s age. Some business guy in his 40’s even tried to hit on me before. Ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na dahil sa bigat
It took me a whole five minutes inside the restroom. Hindi ako makapag-isip kung anong gagawin ko. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Maybe I can say there’s an emergency? Or some reason so I don’t have to go back in there! Lumabas ako sa restroom habang nagda-dial. Balak kong tawagan sina Mauve para kasabwatin pero bago pa ako makatawag o makapagtipa ng mensahe ay may kumuha na nito. “What the—” “Texting your boyfriend?” tanong ng isang boses na humarang sa ‘kin paglabas na paglabas pa lamang ng restroom. Isang hallway iyon, walang masiyadong dumaraan. Isa itong mamahaling restaurant at kaunti ang gumagamit ng restrooms. Napatingin ako kay Isles na hawak ang cellphone ko, salubong ang mga kilay na tinitingnan kung sinong tinatawagan ko. Binawi ko ang aking cellphone at inis ko siyang tiningnan. Ginantihan niya iyon nang madilim at naiiritang tingin. “Is it your favorite hobby to snatch my phone?!” pagtataas ko ng boses. “Planning to escape and leave me in the middle
Halos mapanganga ako at mapatayo sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ni Isles. What did he just say? He wants me to live with him? Teka naman! Wala iyon sa napag-usapan naming dalawa! “What did you just say, Isles?!” Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin at ni hindi gumalaw sa kaniyang kinauupuan. Nakalimutan kong hindi ko nga pala lubos na kilala ang lalaking ito. I don’t know how he plays and pull tricks. Hindi pa nga nagsisimula ay naisahan niya na ako! How dare he! He proposed a deal with me and I agreed! Pagtapos ay ganito pala ang kondisyong gusto niya? I looked at Dad, laughing sarcastically and nervously. “Dad! That can’t be—” Hindi pa ako natatapos ay bumuntonghininga na si Dad, na kay Isles ang tingin, at halos malaglag ang panga ko nang tumango lang siya. What kind of magic did this guy do to him para lang tanguan niya ang bagay na iyon! “It’s up to you, Mr. Privello. Besides, it’s favorable to me. I can now get rid of this another headache in my house,” sagot ni Daddy
“Where are we?” tanong ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Hindi ko na namalayan kung gaano ito kalayo mula sa mansyon o sa university na pinapasukan ko pero tantiya ko’y hindi naman ganoon kalayo. “Nasaan tayo? Is this even your house?” Hindi niya pa rin ako sinasagot. Sa halip ay binuksan niya ang pinto sa driver’s seat at bumaba. Napaawang na lang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala. Agad akong bumaba para sumunod sa kaniya at pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa sementadong daan ay bumungad na ang malakas na hangin na sumabog sa buhok ko. Malamig ang hangin dito, malakas, at malaya ang ikot. It is evident with the trees around. Ibig sabihin ay walang gaanong building sa paligid. Tahimik din kahit may mga bahay sa kalapit. “Isles! Are you for real? B-Bahay mo ba talaga ito? Bakit mo ako dinala rito?” Sinundan ko siya nang lumapit siya sa gate at binuksan ‘yon. “Yes. Yes again. And third, because you’ll live here from now on and your father gave his permission,” s
“Besides, I want to f*ck you again.”What does he take me for? Isang babaeng easy to get dahil lang may nangyari sa amin nang gabing ‘yon? Para sa kaalaman niya, I just did that because I was drunk as hell and my classmates were the masterminds!And I thought it was Matt! My crush. My suitor. My soon-to-be boyfriend.“Get off me,” mariing angil ko at umalis sa kaniyang hawak. Pinakawalan niya naman ako kaya nahiwalay rin ako at nakaalis sa pagitan niya at ng pinto.Agad akong lumayo at inayos ang sarili ko. I fixed my hair and looked at him proudly, pilit pinapakita na hindi ako apektado kahit na ang totoo ay hindi na ako mapakali sa ginawa niya. My knees are weak, at hindi pa rin tumatahimik ang ragudon ng dibdib ko na hindi ko alam kung bakit.Lumunok ako at inis siyang tiningnan. Hindi pa nakatulong na ang dilim-dilim dito sa buong second floor.“What you did is a safety threat. P-Paano pa ako mananatili rito kung ganoon ang ginagawa mo?”Nagkibit-balikat si Isles matapos umalis sa
“He’s shameless, he’s arrogant, he’s a—he’s nothing but a scumbag!”Pinagsusumpa ko si Isles sa isipan ko habang pabalik-balik ang lakad sa tabi ng pool ng aming mansyon. That guy is really getting into my nerves.Napakamot sa sentido si Alfred. Kanina pa siya nakatayo ilang dipa mula sa akin. Hindi ko naman siya kailangan dito but Daddy is insisting to keep an eye on me. Pinababantayan niya ako kahit nandito lang naman ako sa mansyon.Kaya iyan, kahit anong gawin ko, kapag hindi ko kasama si Isles ay si Alfred ang bantay o ang mga tauhan ni Papa na akala ko pa naman ay kaibigan ko at kakampi sa mga ganitong pagkakataon.“Hindi mo ba iyon nakikita, Alfred? It’s obvious. Buong buhay ko ay wala pa akong nakakasamaan ng loob na ganito pero napupuno na talaga ako sa kaniya. Bastos siya at walang respeto!”Hindi pa rin sumasagot si Alfred, ayaw makialam.“Kung sa anak mong babae ito ginagawa, ikatutuwa mo ba iyon?” naiiyak kong tanong.“Po? Wala pa akong asawa, Ma’am Nathalia...” napapakam
Tahimik si Isles nang makauwi kami. Kahit noong gabi na ay malalim pa rin ang kaniyang iniisip kahit na kinakausap niya naman si Thaddeus kanina.Pagtapos kong maihatid si Thad sa adjacent room ng kwarto naming mag-asawa ay naabutan ko si Isles na inaayos na ang higaan namin. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya dahil halos hindi niya napansin ang pagpasok ko sa kwarto.Suot ang mahabang puting long sleeves ni Isles ay lumapit ako sa kaniya. I want to feel the comfort of his clothes tonight.Malalim akong napabuntonghininga. Niyakap ko siya mula sa likod at inikot ang aking mga braso sa kaniyang tiyan.I rested my head on his firm back as I hugged him tightly.I just want to hold him. Kapag ganitong malalim ang kaniyang iniisip. It’s something I learned from him. Dahil sa tuwing malalim din ang iniisip ko ay may personal na pinagdadaanan sa aking emosyon, niyayakap niya lang din ako. He doesn’t talk or scold me. Kinukulong niya lang ako sa mga bisig niya para iparamdam na nandito la
Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa mga mansyon ng Sandoval dahil gustong makita ni Mommy si Thaddeus. Nandoon din sina Kuya Cielo at Mauve at ang anak nilang si Celestine Iris, pinsan ni Thaddeus. They have a second baby, too.“Cillian Lorenzo,” Isles greeted my older half-brother.“Hey,” nakangising bati rin ni Kuya Cielo at nag-apir sila.“Mauve!” I called and hugged my friend. “Buti nakarating kayo?! I thought you were going to have a vacation in NY?”“Oo, Thalia. Pero sabi ko nga kay Cielo ay next week na lang para makapunta kami rito! Minsan lang kung magtagpo ang oras natin, eh,” sabi ni Mauve at niyakap ako nang mahigpit. “How’s Thaddeus?”“He’s doing great. Iyan at ang daming natutunan sa magaling niyang tatay,” sarkastikong sabi ko at tinawag si Thad na nakikipaglaro na sa Kuya Camren niya, ang ikalawang anak nina Mauve.“Baby, greet your Tita Mauvereen.”“Kamukhang-kamukha ng tatay niya, ah? Ikaw ba talaga nanay niyan?” natatawang tanong ni Mauve na binabati si Thad.Ngu
“Hubby, you’re driving!” paalala ko sa takot na mabunggo kami. Hindi siya nakinig. He lowered his lips on my neck. Kung paanong hindi pa rin gumegewang ang sasakyan ay hindi ko na alam!Napakagat ako sa aking labi. Pinaikot ko ang aking mga braso sa leeg niya at hinagis ang baril sa backseat.Tinted ang sportscar, so no one will mind us.“Remove my belt,” Isles whispered commandingly. I stared at him, hindi malaman kung susunod o ano. Sa huli ay kinagat ko na lamang ang aking labi at sinunod iyon.“Make sure we will not die in a car accident!” I said and kissed him, too. Binaba ko ang zipper ng kaniyang pantalon. Hawak niya ang bewang ko at tinulungan pa akong alisin ang underwear ko sa isang binti.I bit my lip when I stared at his hard on. And I was right, kanina pa iyon ganoon! Noong umupo lang ako sa kandungan niya!Tiningnan niya ako habang nakakulong pa rin ako sa mga braso niya at minamaneho niya ang sasakyan. “Isles! Are you serious?”“Don’t be too shocked. You were shoving yo
“Ready?”Tumango ako habang mahigpit na hawak ang rifle gun at nakasandal sa likod ng pinto. Nakaharap siya sa akin habang hawak ang door knob at nakikiramdam kami sa labas.“I’ll count to three,” Isles whispered. Ang sabi niya ay sigurado siya, nasa labas lamang ang mga tauhan ni Mr. Kitagawa at alam nilang nagtatago ako sa isa sa mga hotel rooms.“Go, hubby.”Kinagat ko nang bahagya ang aking labi, naghahanda na para sa anumang pag-atake sa oras na buksan niya na ang pinto. Tumango ako nang magtama ang paningin namin. Isles opened the door smoothly. Hindi siya nagkamali dahil hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, nakita ko na ang mga nakaitim na kalalakihan, may kaniya-kaniyang armas at nagmamasid sa paligid.Lumingon ang isa ngunit bago niya pa maiangat ang baril ay naunahan ko na siya. Mabilis itong bumagsak sa sahig na ikinalingon ng iba pa.“She’s here!” anunsyo ng isa at inulan kami ng mga bala. I fired bullets at anyone who tried to shoot us.Masiyado silang marami. Years
“Isles, what the hell—”Naputol ang mga salita ko dahil sa halik. Umangat ang kamay niya sa dibdib ko at agad iyong sinakop ng mainit at malaking palad niya na ikinaawang ng mga labi ko.“Isles, s-sandali—” We’re in the middle of work!He didn’t listen and instead, he became more aggressive. Ramdam ko ang matinding galit niya dahil sa pagsuway ko. Tinulak niya ako padiin sa matibay na pinto gamit ang mararahas na halik habang pinaghihiwalay ang mga binti ko.Binuhat niya ako at sinandal. Sa rahas ng galaw ni Isles ay napadaing ako. He brought me at the table and put me on top of it. He quickly unbuckled his belt, bago inangat ang madilim na tingin habang nag-iigting ang panga sa matinding iritasyon na parang sasabog siya kapag hindi niya ako naparusahan.Sa sandaling natanggal ni Isles ang suot na sinturon ay hinila niya ang binti ko palapit hanggang sa halos nasa dulo na ako ng mesa. Pinarte niya ang mga hita ko hanggang magkasya ang malaking katawan niya sa pagitan ng mga ito.He gl
Lumikha ng matinis na tunog ang gulong ng sasakyan ko nang ihinto ko ito sa parking lot ng hotel. Mabilis ang pag-park ko at agad nang bumaba para makapasok sa loob ng building.Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga tao. Sunod-sunod na rin ang mga balang umuulan dahil may mga tauhan din kami rito. Siguradong hinahabol na sila ng security ng target namin.Dahil sa mga nangyayari ay halos hindi na mapigilan ng security ang kilos ng mga tao, giving me a chance to enter the hotel easily.Sunod-sunod ang mga alarm. Nararamdaman ko rin ang impact ng barilan at iilang mga bagay na sumasabog tuwing natatamaan ng bala.I ran to the opposite direction. Palabas ang mga tao sa hotel habang ako ay papasok. Agad kong inokupa ang elevator at pumindot sa palapag na sampu ang taas mula sa kinaroroonan ko.Nilabas ko sa dala kong bag ang rifle at nilagyan ng panibagong mga bala. Pagtapos ay sinukbit ko iyon nang maayos sa aking balikat.Tumunog ang elevator. Nag-angat ako ng tingin at agad na inangat an
“Miss Nathalia?”Nilingon ko ang tumawag. One of the girl agents smiled at me.“Tumatawag po ang asawa n’yo...” saad nito sabay angat sa telepono.Awtomatikong umikot ang aking mga mata. Binalik ko ang tingin sa scope ko habang nasa tuktok kami ng isa sa matataas na building sa buong lungsod, halos hindi pansinin ang kaniyang sinasabi dahil tutok sa pinagkakaabalahan.“Tell him I’m at the mall... kasama ko si Klara at nagsha-shopping,” saad ko habang ginagala ang aking scope para makita ang target namin na nasa isang hotel.Kung hindi ako titingin sa scope, sobrang layo nila sa amin. It’s impossible to see them in naked eye.“Mr. Privello, nasa mall po ang asawa ninyo. She’s with Miss Klara for their usual shopping routine,” masunuring sagot nito. Tinuon ko lamang ang atensyon sa target namin. I can’t lose sight of that businessman’s son.I bit my lip as I try to check the target’s surrounding. Nasa penthouse ito at kasalukuyang may kinakausap na isa pang lalaki habang may dinaraos na
“How’s Nathalia?” tanong ni Klara noong patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.Nanatili akong tahimik. My mind is f*cking clouded while I’m sitting just outside the emergency room. Pinipigilan ko na lamang magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kung sinumang sumubok na kumausap sa ‘kin.Lumapit si Klara at napasinghap nang makita ang nagdurugong balikat ko.“You’re wounded,” deklara niya at mabilis na tumawag ng nurse.I didn’t care about it. Ni hindi ko nga naramdaman na may dumaplis na bala sa balikat ko. My mind went blank and all I can see is my hands that were full of blood stains, Nathalia’s...Dumating ang nurse pero hindi pa rin ako nagsalita. Umangat lang ang tingin ko nang may humahangos na lumapit.“Nasaan si Nathalia?” tanong ni Ezro Quintin. My jaw moved and before I could even think, hawak na ng mga kamay ko ang kuwelyo niya.“Isles!&
“Raise your hands,” ang malamig na utos ko sa babaeng nakatalikod. And when she faced me, I wasn’t wrong.Nathalia Amaris.What the hell is she doing in an illegal gambling? Kailan pa siya natuto sa mga ganitong bagay?Alam kong wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng galit.“Who brought you here?” matalim kong tanong.She looks lost just a while ago, pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay walang kasinglamig ng mga mata niya.And she will always have this effect on me. Natitigilan ako kapag tinitingnan niya ako habang malamig o walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ako sanay. She never fails to scare me with one cold look. Maybe it was my greatest fear...To know that she’s over me.Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung paano ko tatanggapin kapag nalaman kong hindi na ako. She shouldn’t be done with me.Because I’m not done with her yet. She can’t be... f*cking... over me.Kaya nang makita ko siyang kasama si Ezro at ang mag-asawang Sandoval sa isang family dinner