Bumaba ang labi ni Gavin sa dibdib ng asawa, sinimsim niya ang n*****e ng asawa at napaungol siya sa sarap ng lasa ng gatas nito. Naisip niya, kaya pala malulusog ang mga kambal dahil masarap nga naman ang kanilang pagkain. Ang isa niyang kamay ay naglakbay pababa sa kaselanan ng asawa. Nang mga nakaraang araw, ayaw ni Trixxie ng kahit hawak niya. Palagi siya nitong sinisiko kapag niyayakap niya ito. Napasinghap si Trixxie nang maramdaman ang kamay ng asawa sa kanyang kaselanan. Nahihiya siya lalo pa at maging siya ay matagal na nanabik sa asawa pero natatakot siya na baka masundan kaagad ang kambal. Sa hilig ba naman ni Gavin sa p*********k ay hindi malayong mangyari iyon. Hindi nakatiis si Gavin at binuhat kaagad ang asawa palabas ng banyo. Dali-dali niyang hinakbang ang mga paa patungo sa kanilang king size na kama. Sigurado siya na ngayong gabi ay walang matutulog sa kanilang mag-asawa. Dede lang ng kambal ang pahinga. Pinagmasdan muna ni Ga
Hindi akalain ni Brandt at Gavin na darating ang araw ng kinatatakutan nila. Kahit anong pag-iingat nila ay nalusutan sila ng mga tauhan ni Salvador Guevarra. Isang nagpanggap na waiter ang ipinuslit ang kambal na Gunther at Gustav sa ikalawang kaarawan ng mga ito. “Men, move!” Halos mawala sa concentration si Trevin pero pinili niyang maging kalmado. Ang kanyang ina na si Trixxie ay hinimatay sa sobrang takot lalo at ito ang nagbabantay sa kambal bago sila nasalisihan ng mga Guevarra. Dali-dali na sumakay si Trevin sa sasakyan niya at sinundan sa kanyang monitor ang location ng kambal. May tracking device na nakakabit sa silver bracelet ng kambal na pinasadya pa niya noon sa Italy bilang regalo niya sa first birthday ng mga kapatid. “Humanda kayo sa akin mga Gueverra! Uubusin ko ang lahi ninyo oras na may masamang mangyari sa mga kapatid ko.!” Hinampas pa ni Trevin ang manibela habang nakatingin sa locator na nasa dashboard ng kanyang sasakyan. Kalahating kilometro na
Pumanhik si Trixxie sa ikalawang palapag. Tiningnan muna niya ang tulog ng kambal sa silid ng mga ito. Payapang natutulog ang dalawa na parang walang naganap na kaguluhan sa kaninang tanghali sa kanilang second birthday. Nangilid ang luha ni Trixxie habang pinagmamasdan ang mga anak na kamukhang-kamukha ng asawa. Natandaan niya ang itsura kanina ni Gavin matapos niyang sampalin ito. Bakas ang sakit sa mga mata nito ngunit mas pinili nitong hindi na lang umimik. Magsisi man sa padalos-dalos na pananakit rito ay nagawa na niyang saktan ang kabiyak. Napasalampak siyang umupo sa carpetted na sahig. Tinakpan ang kanyang labi ng kanyang palad sa takot na magising ang kambal sa kanyang pag-iyak. Lahat ng kanyang nararamdaman na takot ay binuhos niya sa impit na pag-iyak. Hanggang sa kusang tumigil ang pagpatak ng kanyang luha. Pinahid niya ang kanyang luha. Tumayo siya at muling tiningnan sa mga higaan ang kambal. In-adjust niya ang mga kumot ng dalawa at tiningnan ang tempera
Naabutan ni Trevin ang ama sa bahay ng abuelong si Guiller. Tama nga ang hinala niya na dinamdam nito ang naging alitan nila ng kanyang ina. “Maanong umuwi ka ng maayos sa bahay ninyo at ayusin ninyo ang gusot sa pagitan ninyong mag-asawa? Sinasabi ko sayo Gavin, huwag mong hintayin na ang asawa mo pa ang kusang humingi ng tawad sayo. Aba, pasalamat ka at pagkatapos mong pabayaan mo sila ng mahigit isang dekada ay tinanggap ka pa rin nila! Dahil kong sa anak kong babae yon nangyari ay nunca kitang matatanggap na maging manugang.” Napailing na lang si Trevin sa litanya ng abuelo. Hindi naman sa kinakampihan niya ang ama pero sumobra ang ina sa pananakit nito sa ama kahit hindi nito kontrolado ang sitwasyon. Kaya, nagdesisyon na si Trevin na pumasok sa bahay ng abuelo na hindi man lang kumakatok. Napatda ang ama at abuelo na naroon siya. Kaagad nilapitan si Mang Guillermo ni Trevin at nagmano dito. “At ano ang ginagawa ng dakilang si Engr. Gavin Mendez dito? Kun
“At saan pupunta ang Papa mo, Trevin?”tanong kaagad ni Trixxie sa anak. Napatingin siya sa anak na nakakunot na ang noo at bakas sa mukha ang disgusto. Umalis na ang kausap niyang guest sa resort. “Kung saan walang mananampal sa kanya at sisihin siya sa hindi niya kasalanan.” Seryosong tiningnan ni Trevin ang ina. Nagpapalit-palit ang reaksyon ng mukha ng ina. Napiling nalang siya lalo at ‘di man lang nakitaan ng pagkabahala ang itsura nito, bagkus ay inis ang nakarehistro sa magandang mukha nito. “Really, anak? Sa tingin mo ay nag-overreact lang ako sa nangyari sa mga kapatid mo? Paano kung wala ka? Paano kung wala si Brandt?” Mahina ang pagbigkas nito sa huling sinabi. Alam ng lahat na patay na si Brandt, kahit na si Tatiana ay hindi ‘yon alam. Tanging silang apat lang ang nakakaalam. Hindi na sumagot si Trevin. Nag-uumpisa ng mamula ang mama niya. Hindi maitago ng ina ang reaksyon lalo at namumula ito kapag nagagalit. “Umuwi na lang tayo, ‘Ma. Pumunta ka
Tumirik ang mata ni Trixxie sa sinabing ‘yon ni Tatiana. Kaagad itong tumayo matapos itinaas ng kapatid ang kamay para magpakuha sa high chair nito. Nag-uumpisa ng mainis si Trixxie sa ginawang hindi pag-uwi ni Gavin. Nagmumukha siyang masama sa tingin ng mga anak. Nagpupuyos na siyang nilapitan ang lagayan ng susi ng mga sasakyan at pahablot niyang kinuha ang iyon. Labag man sa kalooban, ayaw niyang umiyak sa kalagitnaan ng gabi ang kambal at saka pa siya magkukumahog na tawagan ang asawa. Pinaandar na niya ng sasakyan at bumukas ang kanilang gate. May sensor naman iyon na kusang nagbubukas lalo na kapag na-capture ng camera ang mga registered na sasakyan. Naging napakaingat nila sa security ng kanilang bahay lalo at ilang beses na rin pinagtangkaan na dukutin ang kambal. Habang nagmamaneho, sinubukan niyang kontakin ang asawa pero unattended ang cellphone ni Gavin. Mas sumulak ang dugo ni Trixxie lalo at talagang iniiwasan siya ng asawa. Liman
Napailing na lang si Trevin sa amang tulala. Sandali siyang pumunta sa admission area para i-booking na ang recovery room ng ina. Hinanda ang sarili sa magiging reaksyon ng ina sa oras na malaman na nakunan ito. Tumiim ang kanyang bagang at lalong nadagdagan ang galit sa angkan ng pamilya ng dating asawa ng ama. Ano pa ba ang kailangan ng mga ito sa kanila? Mahigit isang dekada na nang pumanaw si Dianne and yet heto ang angkan ng baliw na dating asawa ng ama. Matapos ma-book ang silid ng ina, binalikan niya ang ama. “Papa, what are you doing to yourself?” tanong nito. “I am sorry anak. I pushed your mom not knowing na buntis pala siya. Pinatay ko ang kapatid mo! Wala akong kwentang asawa. Wala akong kwentang ama!” Napailing na lang si Trevin sa sintemyento ng ama na ngayon ay humahagulgol na parang bata na inagawan ng laruan. He can’t believe that his father can be quite a handful at times. Minsan naiinis na siya sa immaturity ng kanyang mga magula
Sa hospital. . . “Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak. Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis. Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.” Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito. “Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito. Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.