Kinabukasan, nagdesisyon si Thalia na magsara ng kanyang restaurant para makapag-shopping ng mga kagamitan at supplies na kakailanganin niya para sa mga susunod na araw.Habang inayos ni Thalia ang mga bagay-bagay, tinawagan niya si Nathan.“Hey, Nathan. Puwede ba kitang yayain sumama sa isang maliit na trip? May mga bagay akong kailangang bilhin para sa restaurant ko, and I thought you might want to come along,” wika ni Thalia sa telepono.“Of course! Gusto ko pang tumulong. Let’s make it a fun day, okay?” sagot ni Nathan, may excitement sa boses.Nagkita sila sa restaurant, at sabay silang sumakay ng kotse. Nagsimula silang maglakbay patungong mas malalayong lugar upang makapaghanap ng mga gamit para sa kanyang restaurant. Habang tumatagal ang biyahe, ang mga pagkatawa at kwentuhan nila ay nagiging mas magaan, lalo na para kay Thalia."Okay, this is kind of random, but if you could be anywhere in the world right now, where would you be?" tanong ni Nathan habang binabaybay nila ang d
Sa pagkagulat ni Thalia sa biglaang pagdaan ni Asher, hindi niya napigilan ang pagbaha ng mga alaala sa kanyang isipan. Ilang araw niyang naalala lahat ng nangyari in the past which confuses her if she would feel anything close to happiness o malungkot dahil noon pa lang, wala ng pakialam si Asher sa kaniya.Napapikit siya sandali, at sa isang iglap, bumalik ang kanyang gunita sa kanilang unang pagtatagpo noong high school.Noon, siya ay isang sophomore, abala sa pagtakbo sa pasilyo ng kanilang paaralan nang hindi inaasahan ang banggaan nila ni Asher.Malakas ang impact ng kanilang banggaan kaya napaupo siya sa sahig, hawak-hawak ang kanyang nasaktang braso. Nang iangat niya ang kanyang paningin, nakita niya ang isang binatang may matikas na tindig, malamig ang titig at walang emosyon sa kanyang mukha—si Asher.Hindi man lang ito yumuko upang tulungan siyang tumayo. Sa halip, tumitig lang ito sa kanya, parang tinatasa kung may halaga ba siyang tulungan. Napalunok si Thalia at inis na
Habang nasa loob ng isang malaking store sina Thalia at Nathan upang bumili ng ulit ng ilang gamit para sa restaurant, hindi inaasahang may tumawag sa pangalan ni Thalia mula sa likuran."Thalia?"Nilingon niya ang boses at nagulat nang makita si Clarissa, nakangiti at may hawak na isang maliit na paper bag. Mukhang relaxed ito at tila hindi nagbago ang kanyang elegante ngunit simpleng pananamit."Clarissa!" Napangiti si Thalia, bahagyang nagulat ngunit masaya rin sa muling pagkikita nila. "Anong ginagawa mo rito?""Namimili lang ng kaunting kailangan sa bahay," sagot ni Clarissa bago siya napatingin kay Nathan. "Oh, Nathan. Hindi ka pa rin nagbabago.""At ikaw naman, lalo kang gumaganda," biro ni Nathan na sinamahan ng isang kindat.Napailing si Clarissa at natawa nang mahina. "Kayo talaga.""So, dito ka na nakatira?" tanong ni Thalia, may halong pag-aalinlangan sa kanyang boses.Tumango si Clarissa. "Oo, malapit lang dito ang bahay namin. Kung may oras kayo, gusto niyong dumaan? Sim
Sa isang madilim at tahimik na opisina, nakaupo si Asher sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa malaking screen ng kanyang laptop. Ang ilaw mula rito ang tanging nagpapaliwanag sa paligid, animo’y isang eksena mula sa isang pelikula.Sa harapan niya ay mga litrato at ulat mula sa kanyang mga hinire na private investigators.Lahat ng ito ay may iisang layunin—si Nathan.Mula pa noon, hindi niya nagustuhan ang presensya ni Nathan sa buhay ni Thalia. Kung may respeto ito sa kanya, hindi nito hahayaang mapalapit nang ganito kay Thalia lalo na alam naman niya na matagal na niyang gusto ito.Ngunit kahit anong gawin niya, kahit anong hintay niya na bumalik si Thalia sa kanya, walang nangyari. Lagi siyang nasa tabi, nanonood mula sa malayo, at ang masakit, kitang-kita niya kung gaano kasaya si Thalia sa piling ng lalaking ito.Napabuntong-hininga siya. Hindi siya papayag. Hindi niya hahayaang matalo nang ganito.Napatingin siya sa kanyang screen kung saan makikita ang mga transaksyon n
Tuloy-tuloy ang pagtakbo ng oras habang patuloy na bumabaybay sina Thalia at Nathan sa makapal na agos ng mga sasakyan.The radio played softly in the background, but the noise from the outside world seemed distant. Thalia’s mind was preoccupied with the things she saw and heard earlier—especially their visit to Clarissa that afternoon.Clarissa had been glowing with happiness simula pa lang na nakilala pa niya ito, smiling as she talked about her new boyfriend soon to be husband, someone who truly cared for her.“Deserve ni Clarissa ito, Nathan,” sabi ni Thalia, na pumutol sa katahimikan. Tumingin siya kay Nathan, ang boses ay malambing pero tapat. "Matapos lahat ng pinagdaanan niyang masakit sa mga ex niya, sa wakas, may natagpuan siyang nagmamahal sa kanya."Nathan smiled at Thalia’s words. “Yeah, I can see that. I’m really happy for her. She truly deserves all the love.”Tumango si Thalia, ngunit may halong kalungkutan sa kanyang mata habang nagpatuloy, “Sana ganun din ako, Nathan
Ramdam na ramdam ang tensyon sa hangin habang patuloy na nagmamaneho si Nathan, ang mga mata niya nakatutok sa daraanan, ngunit malinaw na iniisip ang nangyayari kay Thalia. Nararamdaman niya ang kaba at ang takot na unti-unting sumisiksik kay Thalia sa bawat segundo na lumilipas.“Thalia,” mahinang sabi ni Nathan, sinubukang sirain ang katahimikan, pero ang boses niya ay hindi na kasing-kalmado ng kanina. May halong alalahanin na ito ngayon. “We don’t have to go through with this. We can figure out another way.”Ngunit hindi sumagot si Thalia. Ang mga kamay niya ay mahigpit na humahawak sa kanyang telepono, habang ang mga salitang nabasa niya mula sa mensahe ng kanyang kapatid ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan. “I have no choice, Nathan. I need to meet him. If not…”Tumingin si Nathan kay Thalia, at ang mga mata niya ay naging seryoso. Alam niyang ang nakaraan ni Thalia—ang mga bagay na matagal na niyang sinubukang iwan—ay muling humahantong sa kanya. Ang takot na nakita ni
Maagang dumating si Thalia sa kanyang restaurant kinabukasan. Ang hangin ay presko at ang araw ay bagong sikat, ngunit ang kanyang pakiramdam ay hindi kasinggaan ng umaga. Ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Alex ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan. Alam niyang hindi iyon ang huling beses na makikita niya ito.Habang inaayos niya ang mesa sa harapan, isang pamilyar na pigura ang kanyang napansin mula sa kanyang paningin. Hindi man niya makita nang malinaw ang mukha, alam niya kung sino ito.Napasinghap siya at agad na lumabas ng pinto, galit na lumabas sa kanyang tinig. "Asher! I told you to stay away! Just leave me alone!"Ngunit nang tuluyang lumapit ang lalaki, hindi ito si Asher. Sa halip, ang pamilyar na mapanuksong ngiti ni Alex ang bumungad sa kanya. Nakapamulsa ito at nakatingin sa kanya na tila isang laro lamang ang nangyari kagabi."Well, well," aniya, ang tinig niya ay puno ng panunuya. "Ganda ng bati mo sa akin, sis. At akala mo ba si Asher ako? Natutuwa akong g
Pagkatapos ng pagsasara ng restaurant ni Thalia, tumayo siya sa harap ng pintuan, tinatanaw ang madilim na kalsada. Ang simoy ng hangin ay malamig, pero ang mga iniisip niya ay magulo. Inisip niyang baka mali ang ginawa niyang pagpayag sa hiling ni Alex, pero wala na siyang magagawa.Alam niyang ang gabing ito ay hindi magiging ordinaryo. May kabuntot na panganib."Bakit ko ba ito gagawin?" bulong ni Thalia sa sarili, ang mga kamao’y magkasabay na kinuyom. Pero agad niyang naiisip ang kanilang ina. Alam niyang si Alex ang pinakamagaling gumamit ng kanilang ina sa mga plano niya.Wala siyang magawa. Kung malalaman ng ina nila kung nasaan siya, tiyak na magugulo ang lahat ng pinaghirapan niyang itaguyod. Kaya kailangan niyang sumunod sa kanyang kapatid.Tumingin siya sa relo. 9:00 PM. Oras na para umalis.Binangkal niya ang kanyang jacket at binanggang ang sarili sa malamig na hangin. Walang ibang tao sa kalsada. Tanging mga ilaw ng mga kotse na dumadaan ang tanging ingay na maririnig.
Habang nasa biyahe sina Thalia at Nathan papunta sa kabilang siyudad, tahimik lang si Thalia, nakatingin sa labas ng bintana. Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang nangyari kanina sa opisina—lalo na ang presensya ni Asher.Nang makita niya itong personal na iniabot ang tseke, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig nila. Alam niyang wala na siyang karapatang umasa, pero bakit ganoon kasakit?Napansin ni Nathan ang pananahimik ni Thalia kaya nagdesisyon siyang magpatawa. "Uy, Thalia, mukha kang nawalan ng dalawang milyon ah. Sabagay, literal naman talaga!" sabay tawa niya.Napangiti si Thalia nang bahagya pero hindi ito tumagal. "Hindi ko inasahan na siya mismo ang mag-aabot ng tseke," mahina niyang sabi."Kaya nga nagulat din ako," sagot ni Nathan. "Pero at least, tapos na ‘yan. Nakuha mo na ‘yung dapat sa’yo. Iwanan mo na sa nakaraan."Tumango lang si Thalia pero hindi siya sigurado kung kaya niyang gawin iyon. Mas lal
Kakatapos lang ng call at biglang kumatok si Nathan sa pintuan ni Thalia. Malakas ang pagkatok niya, na para bang nagmamadali o may mahalagang sasabihin."Thalia, bumangon ka na! Kailangan natin umalis ngayon din," sigaw niya mula sa labas.Medyo groggy pang binuksan ni Thalia ang pinto, suot ang simpleng oversized na t-shirt at pajama. "Ano bang problema? Para namang may nangyayaring masama," reklamo niya habang hinihikab.Napakamot sa batok si Nathan at diretsong sinabi, "Ngayon na pala ibibigay ang compensation mula sa kontrata. Kailangan nating pumunta agad."Nanlaki ang mata ni Thalia at biglang napawi ang antok niya. "Ha? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ‘yon?""Hindi na raw. Pinapapunta na tayo ngayon sa opisina para kunin."Napakurap si Thalia at unti-unting napuno ng kaba ang dibdib niya. "Nandun ba si Asher?"Saglit na tumigil si Nathan bago umiling. "Wala raw," sagot niya, pero may kung anong hindi siya sigurado sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Thalia at tumango. "
Tahimik na pumasok si Nathan sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Saglit siyang tumigil, tila nag-iisip kung paano magsisimula."Alam mo, Thalia, hindi ko madalas ikwento 'to sa iba," panimula niya habang iniikot ang tubig sa baso. "Pero since ikaw naman ang nagbukas ng puso mo sa'kin, siguro panahon na para ibahagi ko rin ‘yung sa akin."Napatingin si Thalia sa kanya, nag-aabang."Lumaki akong hindi talaga marangya ang buhay. Sa totoo lang, mahirap lang kami noon," pag-amin ni Nathan. "Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Hindi madali ang buhay dahil simula pagkabata, kinailangan kong tumulong sa mga magulang ko. Madalas, ako ang tagabantay ng mga kapatid ko habang si Mama at Papa nagtatrabaho."Tahimik na nakikinig si Thalia, nakatuon ang pansin sa kanya."Madalas akong mabugbog noon," patuloy ni Nathan, bahagyang napangiti na tila sinusubukang gawing magaan ang usapan. "Alam mo na, lumaki ako sa isang lugar na hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan. Konting mali, suntok
Habang nakaupo sa sofa at naghahati ng fried chicken, sinimulan nilang panoorin ang pelikulang pinili ni Nathan. Isa itong action-comedy film na puno ng eksena ng habulan, suntukan, at mga eksaheradong reaksyon ng mga tauhan.Nagsimula nang lumubog si Thalia sa kwento, pero hindi niya mapigilan ang sarili na maalala ang mga nangyari sa kanya at kay Asher.Sa eksena kung saan nagkaroon ng matinding dramang pagtatapat ang dalawang bida, biglang sumingit sa isip ni Thalia ang mga huling sandali nila ni Asher—ang mga yakap nito, ang pag-aalaga, at ang sakit ng pagkakatuklas niya sa lihim nitong tinatago.Napalunok siya at hindi mapakali. Pakiramdam niya ay naiinitan siya kahit hindi naman ganoon kainit sa loob ng bahay."Mainit," mahina niyang sabi sabay tayo. Kinuha niya ang unan sa gilid at niyakap iyon, saka lumipat ng upuan sa malapit sa bentilador.Hindi ito pinansin ni Nathan noong una, pero nang mapansing medyo tahimik si Thalia, iniligay nito ang plato at tinapik ang braso niya. "
Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Thalia sa gilid ng kama. Nakapikit siya, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa biglaang rebelasyon. Gusto niyang isipin na baka isang panibagong problema na naman ito, pero sa ngayon... hindi pa niya kayang harapin ang katotohanan.Huminga siya nang malalim at pumikit. "Kalma lang, Thalia," bulong niya sa sarili. "Pwede namang hindi mo muna isipin ‘yon, ‘di ba? Kahit ngayon lang… kahit sandali lang, magpahinga ka muna."Naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib, pero naalala rin niya ang ekspresyon ni Nathan kanina—ang lungkot sa mata nito nang makitang labis siyang nasasaktan. Kahit papaano, may isang taong handang samahan siya ngayon.Dahil doon, pinilit niyang itulak ang mga alalahanin sa likod ng kanyang isipan. Gusto niya munang bigyan ng pansin ang kasalukuyan at hindi ang mga bagay na maaaring masaktan siya ulit.Tumayo siya at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng nilulutong
Sa bigat ng kanyang damdamin, hindi namalayan ni Thalia na nakatulog siya. Isang oras ang lumipas, at nagising siya sa mahinang katok sa kanyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang mga natuyong luha sa pisngi at pilit na inayos ang sarili.Hindi niya alam kung sino ang nasa labas, pero wala siyang lakas para makipag-usap pa. Nang muling kumatok, napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang binuksan ang pinto."Nathan?" gulat niyang bulong nang makita kung sino ang nasa labas.Nakahawak si Nathan sa isang paper bag ng pagkain, may bahagyang pag-aalala sa kanyang mukha. "Thalia, kumain ka na ba?" tanong nito, dahan-dahang inaabot ang dala niya.Napakagat-labi si Thalia at umiwas ng tingin. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling kay Nathan. "Hindi pa," mahina niyang sagot."Alam ko namang hindi," mahinang sagot ni Nathan habang pumapasok sa loob nang walang pag-aalinlangan. "Pinuntahan kita kasi alam kong hindi mo kayang mag-isa sa ganitong sitwasyon."Pinanood lang ni Thalia ang paggal
Sa mahigpit na yakap ni Asher, unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ni Thalia. Ramdam niya ang init ng katawan nito na tila isang proteksyong hindi niya akalaing muling mararamdaman.Sa tahimik na sandali, ang kanyang mga daliri ay gumuhit ng maliliit na bilog sa kanyang braso, isang kilos na hindi niya napansin ngunit para kay Asher ay isang bagay na gusto niyang tandaan."Mahalaga ka sa akin," mahina ngunit buong tapat na bulong ni Asher sa kanya.Hindi sumagot si Thalia. Hinayaan niyang lumubog sa kanya ang mga salitang iyon, ngunit sa likod ng kanyang isip, may munting takot na namumuo. Ngunit sa ngayon, gusto lang niyang namnamin ang yakap nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, unti-unting kumilos si Asher. "Saglit lang, pupunta lang ako sa banyo, okay?"Tumango si Thalia, bahagyang umayos ng upo habang pinapanood itong lumayo. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, bumuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang isipin na tama ang ginagawa nila, na tot
Hindi na nila inisip kung ano ang tama o mali sa sandaling iyon. Sa pagitan ng malalalim na paghinga, dahan-dahan nilang binura ang distansya sa pagitan nila. Naramdaman ni Thalia ang mainit na kamay ni Asher sa kanyang likod, bahagyang humihigpit ang hawak—hindi nagmamadali ngunit puno ng pagpipigil, tila sinusubukang alalahanin kung hanggang saan siya maaaring lumapit."Thalia..." bulong ni Asher, hinahaplos ang kanyang pisngi na may halong pag-aalinlangan at pananabik. Parang may gustong sabihin ngunit hindi sigurado kung dapat bang ipaalam ito.Ngumiti si Thalia, ramdam ang kilig na bumabalot sa kanya, ngunit kasabay nito ay may kaba rin siyang pilit itinatago. "Hmm?"Bahagyang tumigil si Asher, tinitigan ang kanyang mga mata na parang nagbabasa ng pahintulot. Ang titig nito ay puno ng emosyon—pagmamahal, pagnanasa, at isang di-maipaliwanag na pangungulila na tila matagal nang itinago.Sa halip na sumagot, siya mismo ang humila sa binata, muling inilapat ang kanyang labi sa kanya.
Matapos ang ilang tagay ng alak, naramdaman na nilang pareho ang init sa kanilang katawan. Hindi naman sila lasing, pero sapat na ang nainom nila para maging mas kampante ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Nakasandal si Thalia sa sofa habang si Asher naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang remote control."Manonood tayo ng pelikula?" tanong ni Thalia, pinaglalaruan ang baso niya.Tumango si Asher. "Para malibang tayo. Horror o romance?""Horror muna. Para may dahilan akong dumikit sa’yo ‘pag natakot ako," biro ni Thalia.Napangiti si Asher at umiling bago pinindot ang play button. "Sige. Pero ‘wag kang sisigaw sa tenga ko, ah."Habang tumatakbo ang pelikula, nagsimula silang maghagikgikan."Ano ‘to? Ang pangit ng CGI ng multo! Para lang itong pinatong sa screen," puna ni Thalia habang kinakain ang popcorn."Ang arte pa ng biktima. Sinugod ang dilim tapos sumisigaw siya ng ‘Who’s there?’ Eh kung ako ‘yun, takbo agad!" dagdag ni Asher, sabay tawa.Natatawa silang dalawa habang tinutulig