Pumasok ang gintong sinag ng araw sa bintana ng maliit na bahay ni Thalia, nagbigay ng mainit na liwanag sa maayos na pagkaka-ayos ng kusina. Ang banayad na tunog ng umaga ay hinahaplos ang mga kurtina, senyales ng pagsisimula ng isang bagong araw.Nakahiga pa siya sa kanyang kama, ngunit ramdam na niya ang paggising ng katawan at isipan. Ang bagong araw ay nag-aanyaya ng mga posibilidad, ngunit kasabay ng pagdapo ng araw sa kanyang silid ay ang mga hindi matapus-tapos na mga alalahanin.Nagkusot si Thalia ng kanyang mga mata, at inabot ang mga braso para mag-unat. Isang malalim na hinga ang pinakawalan niya at tumayo mula sa kama.Ang amoy ng bagong lutong tinapay mula sa kanyang maliit na restawran ay pumasok sa kanyang ilong, isang paalala na nagsisimula na ang umaga. Sumabay na rin ang tunog ng kanyang tiyan na nagugutom na siyang naging dahilan para mabilis siyang magtungo sa kusina.Ilang buwan na nga ba simula nang bumalik ako sa Pilipinas? Hindi pa rin siya makapaniwala na mu
Minsan, ang nakaraan ay parang aninong sumusunod kahit saan ka magpunta. Hindi man laging nakikita, pero palaging nararamdaman. Para kay Thalia Sinclair, ganoon ang kwento niya kay Asher Vaughn Caldwell.Noon pa man, hinangaan na niya ito mula sa malayo. Si Asher, ang lalaking tila may gintong liwanag sa kanyang mundo. Siya ang tipo ng tao na parang sinadya ng tadhana upang mapansin—matalino, mabait, at hindi maikakailang magaling sa lahat ng bagay.Pero si Thalia? Isa lang siyang simpleng babae na minahal ang pagluluto, at ang tanging paraan niya upang maiparamdam ang paghanga niya kay Asher ay sa pamamagitan ng pagkain.Tahimik niyang inilalagay ang mga nilutong pagkain sa locker nito. Alam niyang hindi ito makakaabot sa kanya nang direkta. Hindi siya ang tipo ng babaeng napapansin ni Asher.Ngunit sapat na para sa kanya ang ideya na baka, kahit sa isang iglap, malasahan nito ang kanyang pagmamahal.Ngunit nakita rin niya kung paano ito hindi pinapansin ni Asher. Sa tuwing bubuksan
Pagkatapos ng ilang segundong pagkabigla, napangiti si Thalia at sinalubong ang yakap ni Nathan. Hindi niya inaasahan na makikita itong muli matapos ang mahabang panahon.Mula sa kanyang peripheral vision, napansin niyang tahimik lamang si Asher, ngunit tila naninigas ang panga nito habang pinagmamasdan sila."Hindi ako makapaniwala na ikaw nga ito, Thalia!" tawa ni Nathan habang bahagyang hinihigpitan ang yakap. "Ang dating mahiyain at tahimik na batang kilala ko, ngayon ay may-ari na ng sarili niyang restawran! Ang galing mo!"Napangiti si Thalia, may halong hiya at saya sa tinuran ni Nathan. "Salamat, Nathan. Matagal na rin tayong hindi nagkita. Ikaw naman, mukhang mas naging malakas at mas malaki pa ang katawan! Mukhang seryoso ka talaga sa gym business mo."Humalakhak si Nathan at tumango. "Oo naman! Alam mo namang mahilig ako sa fitness noon pa. Dapat dumaan ka minsan sa gym ko, nasa kabilang kalsada lang! Libre ang unang training session para sa'yo."Bago pa makasagot si Thalia
"Thalia, anong nangyari sa’yo nitong mga nakaraang taon? Sobrang nag-alala ako, akala ko hindi na kita makikita. Baka nga patay ka na at hindi pa ako nakapagpaalam!" Sigaw ni Clarissa, ang mga kamay ay nakatupi sa kanyang bewang, kitang-kita ang gulat at alalahanin sa mukha nito.Napansin ni Thalia ang biglang alon ng damdamin sa mata ni Clarissa at hindi maiwasang magtawanan nang kaunti, kahit may halong kaba. "Sorry, Clarissa. Hindi ganun, sobrang dami lang nang nangyari. Alam mo naman, sinusubukan kong ayusin ang buhay ko."Tumango siya, pero sa loob-loob niya, may kunting guilt dahil hindi niya kayang ipaliwanag agad kay Clarissa ang lahat ng nangyari."Busy? Naku, understatement na 'yan! Para kang nawala, wala akong balita sa’yo! Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Clarissa, habang unti-unting lumalapit kay Thalia, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito.Napabuntong-hininga si Thalia, nilalaro ang likod ng kanyang batok. "Masyado kasing mahaba ang kwento. Pero andito na ako ngay
Tahimik lang si Thalia habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Nathan. Hindi niya maiwasang magpalinga-linga, ramdam ang bahagyang tensyon sa loob ng sasakyan.Hindi ito katulad ng dati nilang mga usapan noon—noon kasi, puro pang-aasar lang ang ginagawa ni Nathan. Pero ngayon, iba.Napansin ni Nathan ang pagkailang ni Thalia. Napangiti ito bago sumandal ng bahagya sa upuan niya. "Bakit parang ang stiff mo? Relax ka lang, Thalia. Hindi kita kakainin, promise."Napatingin si Thalia sa kanya, bahagyang nagulat. "Hindi naman ako stiff," mariing sagot niya, pero halata ang pagkailang sa tono ng boses niya."Talaga lang ha? Kasi parang ang seryoso mo. Oh, gusto mo bang mag-joke ako para mawala ‘yang tension?" tanong ni Nathan, bakas ang pilyong ngiti sa labi.Napairap si Thalia. "Ikaw? Magjo-joke? Baka lalong lumala ‘yung tension.""Uy, ang sakit naman. Hindi ba dati mong paborito ang jokes ko?" natatawang tanong ni Nathan habang nagkukunwaring nasaktan."Hindi ko maalala na naging pab
Hindi sinagot ni Thalia ang message ni Asher. Sa halip, ibinaba niya ang kanyang cellphone at tumingin kay Nathan, naghihintay sa kung ano ang susunod nitong sasabihin.Napansin ni Nathan ang kanyang kilos at ngumiti nang bahagya. "Mukhang importante ‘yung text na ‘yon. Gusto mo bang sagutin muna?"Umiling si Thalia. "Hindi. Ano ‘yung sinasabi mo kanina?"Bahagyang tumahimik si Nathan. Tumingin siya sa city lights sa labas ng bintana ng restaurant, parang nag-iipon ng lakas ng loob. Nang sa wakas ay nagsalita siya, hindi na ito ang dating pabirong Nathan na kilala ni Thalia. "Alam mo, matagal ko nang gustong sabihin ‘to. Pero laging may pumipigil sa akin."Napakunot-noo si Thalia. "Sabihin mo na. Huwag mo na akong pasuspensihin."Napangiti si Nathan nang bahagya, saka bumuntong-hininga. "Alam mo bang kaya kita inaasar noon? Kaya ako palaging kumukuha ng pagkain mo kahit alam kong ikaw mismo ang nagluto?""Para inisin ako?" sagot ni Thalia, halos automatic na ang sagot niya.Umiling si
Matapos ang emosyonal nilang pag-uusap, natapos na rin ang kanilang hapunan. Tahimik nilang nilisan ang restaurant, ngunit bago pa sila tuluyang makaalis, narinig ni Thalia ang isang pamilyar na boses mula sa di-kalayuan."Thalia!" tawag ni Asher.Napahinto siya saglit, ngunit agad ding nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya nilingon ang pinagmulan ng boses. Narinig niyang muling tinawag ni Asher ang pangalan niya, mas malakas ngayon, ngunit hindi siya sumagot."Thalia—""Halika na," mahina ngunit madiing sabi ni Nathan habang marahang hinawakan ang kanyang braso upang igiya siya palayo.Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa parking lot. Ramdam ni Thalia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, hindi dahil sa kaba. Hindi na siya lumingon. Hindi na siya nagdalawang-isip. Noon, maaaring nagdadalawang-isip pa siya, pero ngayon... tapos na. Hindi na siya babalik sa nakaraan.Pagkapasok nila sa sasakyan, nagbigay ng isang maliit na ngiti si Nathan. "Mukhang hindi mo talaga gustong makausap
Maagang nagising si Thalia kinabukasan. Hindi pa man sumisikat nang husto ang araw, naroon na siya sa kanyang restaurant upang siguraduhin na maayos ang lahat para sa unang araw ng operasyon.Masaya siyang nakabalik na sa Pilipinas at ngayon, natutupad na niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling restaurant. Kahit may kaba, mas nangingibabaw ang saya at excitement na nararamdaman niya.Pagsapit ng umaga, binuksan niya ang pinto ng restaurant at inayos ang kanyang apron. Maya-maya, narinig niya ang tunog ng bell sa entrance, hudyat na may unang customer na dumating.Napalingon siya at agad na nanlaki ang kanyang mga mata."Good morning, Thalia," bati ni Asher, may bahagyang ngiti sa labi habang papasok sa loob.Saglit siyang natigilan, pero agad ding bumuntong-hininga. "Ikaw na naman?"Ngumiti si Asher at umupo sa isa sa mga mesa malapit sa counter. "Ikaw ba ang unang customer mo sa araw na ito? Hindi ba dapat natuwa ka?""Anong gusto mong orderin?" malamig niyang tanong, pili
Tahimik na nakayakap pa rin si Thalia kay Asher, nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib nito. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit sa pagitan ng bigat ng emosyon, isang tunog ang pumuno sa katahimikan—isang mahina ngunit malinaw na pag-aalulong ng kanyang tiyan."Grrrkkk..."Napamulat si Thalia, kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Dahan-dahan siyang lumayo kay Asher, ngunit bago pa niya maitanggi ang nangyari, nagtagpo ang kanilang mga mata. Pareho nilang napagtanto ang narinig nila.Nagpipigil ng tawa si Asher, nakataas ang isang kilay. "Gutom ka na ba?"Namula ang pisngi ni Thalia, mabilis na umiling at sinubukang magpaliwanag. "Hindi... Hindi ako gutom! Hindi 'yun siguro ang tiyan ko... Baka may pusa lang sa labas—"Ngunit hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil napangiti na si Asher, at ilang segundo lang, natawa ito. Isang malakas, malambing na tawa na matagal nang hindi naririnig ni Thalia. Napapikit siya sandali, sinusubukang huwag
Tumulo ang luha ni Thalia, nanginginig ang kanyang balikat habang pilit na itinatago ang hinanakit sa kanyang puso. Ngunit bago pa niya mapigilan ang sarili, naramdaman niya ang mainit na yakap ni Asher.Hindi iyon isang yakap na puno ng panghihinayang—ito ay yakap ng pang-unawa, ng katahimikan, ng pangakong hindi siya nag-iisa."Thalia..." Mahinang bulong ni Asher habang hinahaplos ang kanyang likuran. "Alam kong nasaktan kita noon. Alam kong hindi ko agad naipakita sa'yo ang dapat kong ipakita. Pero gusto kong malaman mo... ang redevelopment na ito ay hindi para sa akin. Ginawa ko ito para sa'yo, para sa mga taong mahalaga sa'yo. Para hindi na nila kailangang danasin ang sakit na pinagdaanan mo."Mas lalong bumuhos ang luha ni Thalia. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Asher, ngunit sa halip na maibsan ang sakit, lalo lamang siyang bumagsak. "Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to? Bakit hinayaan mo akong maniwalang ikaw ang dahilan ng pagkawala ng lahat sa akin?"Mas hinigpitan ni A
Malamig ang simoy ng hangin nang lumabas si Thalia sa balkonahe. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin, subalit ramdam pa rin niya ang bigat sa kanyang dibdib. Kasabay ng bawat dampi ng hangin sa kanyang balat ay ang pagbabalik ng mga alaala—mga alaalang pilit niyang kinakalimutan.Ilang saglit lang, sumunod si Asher. Hindi siya nagsalita agad. Alam niyang may bumabagabag kay Thalia. Nakatayo lang ito sa tabi niya, hinihintay siyang magsalita."Bakit ka nandito, Asher?" malamig na tanong ni Thalia, hindi man lang lumingon sa kanya."Dahil gusto kong malaman ang totoo," sagot ni Asher. "Thalia, ano ba talaga ang nangyari sa'yo noong umalis ka? Bakit hindi ka na bumalik?"Napakuyom ang kamay ni Thalia. Hindi niya gustong balikan ang nakaraan. Hindi niya gustong pag-usapan ang sakit na pinagdaanan niya."Hindi mo na kailangang malaman," malamig niyang tugon. "Wala na akong balak ikwento pa.""Thalia—""Tama na, Asher!" tuluyan nang napataas ang boses niya. Lumingon siya rito, at sa
Sa loob ng presinto, tuluyan nang naisampa ang kaso laban kay Lisa at Alex. Hindi na makakaila ang ebidensya ng kanilang pang-aabuso at panloloko kay Thalia.Tahimik lang siyang nakaupo habang tinatapos ng mga pulis ang dokumentasyon, pero sa loob niya, parang may mabigat na bato sa kanyang dibdib. Hindi pa rin niya lubusang matanggap na umabot sa ganito ang lahat.Nang tuluyan nang matapos ang proseso, lumabas sina Thalia at Asher mula sa istasyon ng pulis. Sumalubong sa kanila ang malamig na hangin ng gabi, ngunit hindi iyon sapat para ibsan ang bigat sa dibdib ni Thalia.Tahimik silang naglakad patungo sa kotse ni Asher. Hindi pa man siya nakakasakay nang biglang nanlabo ang kanyang paningin. Sumikip ang dibdib niya, at bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, narinig pa niya ang boses ni Asher."Thalia!"+++++Nagising si Thalia sa pakiramdam ng malambot na unan sa ilalim ng kanyang ulo. Saglit siyang napatitig sa kisame, pilit na iniintindi kung nasaan siya. Nang lingunin niya ang
Sa presinto, tahimik na nakaupo si Thalia habang inaayos ng pulis ang kanyang pahayag. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang kamay, pero hindi niya hinayaang makita ito ng mama niya at Alex. Malakas na siya ngayon. Hindi na siya ang dating Thalia na kayang paikutin at lokohin.Katabi niya si Asher, tahimik ngunit matatag ang presensya. Minsan-minsan ay tinitingnan siya nito, tinitiyak na ayos lang siya. Sa kabila ng lahat, ramdam niya ang suporta nito."Kailangan niyo pong pumirma rito, Miss Thalia," sabi ng pulis, iniaabot sa kanya ang dokumento ng reklamo laban kay Alex.Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang ballpen at pumirma. Isang mabigat na hakbang ito, ngunit alam niyang kailangan niyang gawin."Tapos na ba?" tanong ni Asher, mababa ang boses ngunit may awtoridad."Oo, pero kung gusto niyang maghain ng isa pang reklamo, maaari siyang magsampa laban sa iba pang sangkot," sagot ng pulis.Tumingin si Thalia kay Lisa, na ngayo'y namumutla. Alam niyang oras na para tapusi
Tumayo si Alex at lumapit kay Thalia, ang tingin nito ay puno ng panggigipit. "Huwag mo nang gawin pang mahirap ito, Thalia. Ibigay mo na lang sa amin ang kailangan namin. Alam mong utang mo ‘to sa amin."Hindi makapaniwala si Thalia sa naririnig niya. "Anong utang? Wala akong utang sa inyo! Ako ang iniwan niyo noon! Ako ang naghirap mag-isa!"Sumingit si Lisa, ang boses nito ay punong-puno ng paninisi. "Hindi mo ba naisip ang iniwan mong responsibilidad, Thalia? Kung hindi mo tinanggihan si Asher, hindi sana tayo nagkakaganito! Pero ano? Iniwan mo siya at umalis ka nang wala man lang iniwang tulong sa amin!"Napailing si Thalia. "Hindi ko kailangang ipaliwanag sa inyo ang naging desisyon ko. At hindi ko hahayaang kunin niyo ang pinaghirapan ko!"Biglang lumapit si Alex, ang mga mata nito ay nanlilisik. "Alam mo, Thalia, pwede ko namang kunin ‘to sa paraang ayaw mong mangyari. Kung hindi mo ibibigay nang kusa, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ‘yan."Naramdaman ni Thalia ang takot na
Tahimik na tumango si Thalia habang inaalala ang sinabi ni Nathan. Alam niyang seryoso ito. Hindi lang ito basta pangarap—ito ang direksyong gusto nitong tahakin sa buhay."Alam mo, Nathan," mahina niyang sabi, nakatingin sa labas ng bintana. "Makakamit mo ‘yan balang araw. At sana, makasama mo ang tamang tao—‘yung pareho mong gusto ang pangarap mo."Saglit na hindi sumagot si Nathan, pero nang lumingon si Thalia sa kanya, nakita niya ang isang kakaibang ngiti sa mukha nito. Isang tingin na parang may gustong iparating, pero hindi niya masabi kung ano."Salamat, Thalia," sagot nito, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Sana nga, no?"Napatigil siya, pero bago pa siya makasagot, narating na nila ang harap ng bahay niya. Binitawan ni Nathan ang manibela at humarap sa kanya. "Sigurado ka bang okay ka na dito mag-isa?"Napangiti si Thalia, pilit na nagpapakita ng pagiging matatag. "Oo naman. Ako pa? Malakas ako! Kahit pa hindi nag-work ang plano ng kapatid ko noong isang araw, hindi ibig s
Habang naglalakad sina Nathan at Thalia pabalik sa kanilang sasakyan, hindi pa rin napuputol ang sunod-sunod na jokes ni Nathan. Kahit na malamig ang simoy ng hangin, tila ito napapalitan ng init ng kanilang tawa."Alam mo ba kung anong sinabi ng upuan sa mesa?" tanong ni Nathan, may pilyong ngiti sa labi.Napangiwi si Thalia. "Ano na naman?""Hindi ako tatayo para sa'yo!"Napapailing si Thalia habang pilit na pinipigilan ang tawa. "Nathan, bakit ang babaw ng jokes mo tapos minsan hindi naman nakakatawa, pero natatawa na lang ako kasi kung paano mo ideliver sa akin?""Uy, hindi mababaw ‘yun! Alam mo, minsan, ang buhay parang upuan at mesa. Kailangan mo lang umupo at magpahinga kahit saglit." depensa ni Nathan habang tinapik ang sarili sa dibdib na kunwari'y may lalim ang sinabi niya."Hay naku, ang corny mo talaga," natatawang sagot ni Thalia.Habang patuloy silang naglalakad, saglit na natahimik si Thalia. Nasa isipan niya ang hindi niya matanong kanina sa restawran. Sa kabila ng mga
Pagdating nila sa isang maliit ngunit maaliwalas na restawran, agad silang tinanggap ng staff at inihatid sa isang mesa sa tabi ng bintana. Mula rito, tanaw ang kumikinang na ilaw ng siyudad sa di-kalayuan. Habang hinihintay ang kanilang order, patuloy ang palitan ng biruan nina Nathan at Thalia."Sige, Nathan, patunayan mong sulit ‘tong dinner na ‘to. Anong joke mo ngayon?" may hamong sabi ni Thalia habang nakasandal sa upuan, sinasabayan ng pag-irap na kunwari’y inis pero hindi maitago ang aliw sa mukha niya.Ngumiti si Nathan, tila ba may naisip nang bagong biro. "Okay, okay, ito na. Ano ang sinabi ng bato sa tubig?"Napaisip si Thalia. "Hmm... ano?""Wag mo akong basain, hindi pa ako handa!’" sabay tawa ni Nathan sa sarili niyang joke.Napailing si Thalia, pero hindi niya napigilang matawa rin. "Ano ba ‘yan, Nathan! Ang babaw talaga ng jokes mo.""Hoy, bawal manghusga! Pang-matalino ‘yung joke ko, hindi mo lang na-appreciate agad," sagot ni Nathan na kunwari’y nagtatampo."Kung pa