Niyakap siya ni Asher bago pa niya mapigilan ang sarili. Nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Thalia laban sa kanya, may isang bagay sa loob niya na parang lumapat sa tamang lugar—isang matagal nang nawawalang piraso na sa wakas ay natagpuan ang tahanan nito.Ngunit bago pa siya makapagsalita, bago pa niya lubusang namnamin ang sandali, naramdaman niyang nanigas ang katawan ng dalaga sa kanyang bisig.Hindi agad gumalaw si Thalia. Blangko ang kanyang isip, at sa loob ng ilang saglit, hinayaan niya ang sarili niyang mahulog sa yakap nito.Pamilyar ang pakiramdam—ligtas, mainit—ngunit kasabay nito ay may hatid din itong panganib. Dahil alam niyang hindi siya dapat narito. Hindi sa ganitong paraan.Biglang bumagsak sa kanya ang reyalidad na parang isang malakas na alon.Isa itong pagkakamali.Pumunta siya rito dahil may isang bahagi sa kanya na gustong makita si Asher. Marahil ay dala ng kuryosidad, marahil ay may mas malalim pang dahilan. Ngunit ngayon, napagtanto niyang hindi si
Malalim na huminga si Asher, ninanamnam ang malamig na hangin ng umaga habang nakaupo sa likod ng kanyang mesa, pinagmamasdan ang mga ulat na nakalatag sa harapan niya.Ang mga nagdaang linggo ay naging isang mabilis at matinding pagbabago—mga pagbabagong siya mismo ang nagdesisyon. Tuluyan na siyang tumigil sa pag-inom, itinapon ang bawat bote ng alak sa kanyang penthouse at nilayo ang sarili mula sa masasamang bisyong dati niyang kinagawian.Ang kanyang kumpanya na dating nasa bingit ng pagkalugi ay unti-unti nang bumabangon. Pinaghirapan niya ito. Ilang gabi siyang hindi natutulog, inaayos ang gulong kanyang nilikha, doble ang sipag kumpara noon.Nagulat ang kanyang mga empleyado sa biglaang pagbabago.Ang CEO na dating hindi dumadalo sa mga pagpupulong at nilulunod ang sarili sa alak ay siya ngayong pinakaunang dumarating sa opisina at pinakahuling umaalis.Sinisigurado niyang dumadalo siya sa bawat talakayan, personal na kinakausap ang mga mamumuhunan, at sinisiguradong ang bawat
Pumasok ang gintong sinag ng araw sa bintana ng maliit na bahay ni Thalia, nagbigay ng mainit na liwanag sa maayos na pagkaka-ayos ng kusina. Ang banayad na tunog ng umaga ay hinahaplos ang mga kurtina, senyales ng pagsisimula ng isang bagong araw.Nakahiga pa siya sa kanyang kama, ngunit ramdam na niya ang paggising ng katawan at isipan. Ang bagong araw ay nag-aanyaya ng mga posibilidad, ngunit kasabay ng pagdapo ng araw sa kanyang silid ay ang mga hindi matapus-tapos na mga alalahanin.Nagkusot si Thalia ng kanyang mga mata, at inabot ang mga braso para mag-unat. Isang malalim na hinga ang pinakawalan niya at tumayo mula sa kama.Ang amoy ng bagong lutong tinapay mula sa kanyang maliit na restawran ay pumasok sa kanyang ilong, isang paalala na nagsisimula na ang umaga. Sumabay na rin ang tunog ng kanyang tiyan na nagugutom na siyang naging dahilan para mabilis siyang magtungo sa kusina.Ilang buwan na nga ba simula nang bumalik ako sa Pilipinas? Hindi pa rin siya makapaniwala na mu
Minsan, ang nakaraan ay parang aninong sumusunod kahit saan ka magpunta. Hindi man laging nakikita, pero palaging nararamdaman. Para kay Thalia Sinclair, ganoon ang kwento niya kay Asher Vaughn Caldwell.Noon pa man, hinangaan na niya ito mula sa malayo. Si Asher, ang lalaking tila may gintong liwanag sa kanyang mundo. Siya ang tipo ng tao na parang sinadya ng tadhana upang mapansin—matalino, mabait, at hindi maikakailang magaling sa lahat ng bagay.Pero si Thalia? Isa lang siyang simpleng babae na minahal ang pagluluto, at ang tanging paraan niya upang maiparamdam ang paghanga niya kay Asher ay sa pamamagitan ng pagkain.Tahimik niyang inilalagay ang mga nilutong pagkain sa locker nito. Alam niyang hindi ito makakaabot sa kanya nang direkta. Hindi siya ang tipo ng babaeng napapansin ni Asher.Ngunit sapat na para sa kanya ang ideya na baka, kahit sa isang iglap, malasahan nito ang kanyang pagmamahal.Ngunit nakita rin niya kung paano ito hindi pinapansin ni Asher. Sa tuwing bubuksan
Pagkatapos ng ilang segundong pagkabigla, napangiti si Thalia at sinalubong ang yakap ni Nathan. Hindi niya inaasahan na makikita itong muli matapos ang mahabang panahon.Mula sa kanyang peripheral vision, napansin niyang tahimik lamang si Asher, ngunit tila naninigas ang panga nito habang pinagmamasdan sila."Hindi ako makapaniwala na ikaw nga ito, Thalia!" tawa ni Nathan habang bahagyang hinihigpitan ang yakap. "Ang dating mahiyain at tahimik na batang kilala ko, ngayon ay may-ari na ng sarili niyang restawran! Ang galing mo!"Napangiti si Thalia, may halong hiya at saya sa tinuran ni Nathan. "Salamat, Nathan. Matagal na rin tayong hindi nagkita. Ikaw naman, mukhang mas naging malakas at mas malaki pa ang katawan! Mukhang seryoso ka talaga sa gym business mo."Humalakhak si Nathan at tumango. "Oo naman! Alam mo namang mahilig ako sa fitness noon pa. Dapat dumaan ka minsan sa gym ko, nasa kabilang kalsada lang! Libre ang unang training session para sa'yo."Bago pa makasagot si Thalia
"Thalia, anong nangyari sa’yo nitong mga nakaraang taon? Sobrang nag-alala ako, akala ko hindi na kita makikita. Baka nga patay ka na at hindi pa ako nakapagpaalam!" Sigaw ni Clarissa, ang mga kamay ay nakatupi sa kanyang bewang, kitang-kita ang gulat at alalahanin sa mukha nito.Napansin ni Thalia ang biglang alon ng damdamin sa mata ni Clarissa at hindi maiwasang magtawanan nang kaunti, kahit may halong kaba. "Sorry, Clarissa. Hindi ganun, sobrang dami lang nang nangyari. Alam mo naman, sinusubukan kong ayusin ang buhay ko."Tumango siya, pero sa loob-loob niya, may kunting guilt dahil hindi niya kayang ipaliwanag agad kay Clarissa ang lahat ng nangyari."Busy? Naku, understatement na 'yan! Para kang nawala, wala akong balita sa’yo! Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Clarissa, habang unti-unting lumalapit kay Thalia, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito.Napabuntong-hininga si Thalia, nilalaro ang likod ng kanyang batok. "Masyado kasing mahaba ang kwento. Pero andito na ako ngay
Tahimik lang si Thalia habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Nathan. Hindi niya maiwasang magpalinga-linga, ramdam ang bahagyang tensyon sa loob ng sasakyan.Hindi ito katulad ng dati nilang mga usapan noon—noon kasi, puro pang-aasar lang ang ginagawa ni Nathan. Pero ngayon, iba.Napansin ni Nathan ang pagkailang ni Thalia. Napangiti ito bago sumandal ng bahagya sa upuan niya. "Bakit parang ang stiff mo? Relax ka lang, Thalia. Hindi kita kakainin, promise."Napatingin si Thalia sa kanya, bahagyang nagulat. "Hindi naman ako stiff," mariing sagot niya, pero halata ang pagkailang sa tono ng boses niya."Talaga lang ha? Kasi parang ang seryoso mo. Oh, gusto mo bang mag-joke ako para mawala ‘yang tension?" tanong ni Nathan, bakas ang pilyong ngiti sa labi.Napairap si Thalia. "Ikaw? Magjo-joke? Baka lalong lumala ‘yung tension.""Uy, ang sakit naman. Hindi ba dati mong paborito ang jokes ko?" natatawang tanong ni Nathan habang nagkukunwaring nasaktan."Hindi ko maalala na naging pab
Hindi sinagot ni Thalia ang message ni Asher. Sa halip, ibinaba niya ang kanyang cellphone at tumingin kay Nathan, naghihintay sa kung ano ang susunod nitong sasabihin.Napansin ni Nathan ang kanyang kilos at ngumiti nang bahagya. "Mukhang importante ‘yung text na ‘yon. Gusto mo bang sagutin muna?"Umiling si Thalia. "Hindi. Ano ‘yung sinasabi mo kanina?"Bahagyang tumahimik si Nathan. Tumingin siya sa city lights sa labas ng bintana ng restaurant, parang nag-iipon ng lakas ng loob. Nang sa wakas ay nagsalita siya, hindi na ito ang dating pabirong Nathan na kilala ni Thalia. "Alam mo, matagal ko nang gustong sabihin ‘to. Pero laging may pumipigil sa akin."Napakunot-noo si Thalia. "Sabihin mo na. Huwag mo na akong pasuspensihin."Napangiti si Nathan nang bahagya, saka bumuntong-hininga. "Alam mo bang kaya kita inaasar noon? Kaya ako palaging kumukuha ng pagkain mo kahit alam kong ikaw mismo ang nagluto?""Para inisin ako?" sagot ni Thalia, halos automatic na ang sagot niya.Umiling si
Habang nasa biyahe sina Thalia at Nathan papunta sa kabilang siyudad, tahimik lang si Thalia, nakatingin sa labas ng bintana. Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang nangyari kanina sa opisina—lalo na ang presensya ni Asher.Nang makita niya itong personal na iniabot ang tseke, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig nila. Alam niyang wala na siyang karapatang umasa, pero bakit ganoon kasakit?Napansin ni Nathan ang pananahimik ni Thalia kaya nagdesisyon siyang magpatawa. "Uy, Thalia, mukha kang nawalan ng dalawang milyon ah. Sabagay, literal naman talaga!" sabay tawa niya.Napangiti si Thalia nang bahagya pero hindi ito tumagal. "Hindi ko inasahan na siya mismo ang mag-aabot ng tseke," mahina niyang sabi."Kaya nga nagulat din ako," sagot ni Nathan. "Pero at least, tapos na ‘yan. Nakuha mo na ‘yung dapat sa’yo. Iwanan mo na sa nakaraan."Tumango lang si Thalia pero hindi siya sigurado kung kaya niyang gawin iyon. Mas lal
Kakatapos lang ng call at biglang kumatok si Nathan sa pintuan ni Thalia. Malakas ang pagkatok niya, na para bang nagmamadali o may mahalagang sasabihin."Thalia, bumangon ka na! Kailangan natin umalis ngayon din," sigaw niya mula sa labas.Medyo groggy pang binuksan ni Thalia ang pinto, suot ang simpleng oversized na t-shirt at pajama. "Ano bang problema? Para namang may nangyayaring masama," reklamo niya habang hinihikab.Napakamot sa batok si Nathan at diretsong sinabi, "Ngayon na pala ibibigay ang compensation mula sa kontrata. Kailangan nating pumunta agad."Nanlaki ang mata ni Thalia at biglang napawi ang antok niya. "Ha? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ‘yon?""Hindi na raw. Pinapapunta na tayo ngayon sa opisina para kunin."Napakurap si Thalia at unti-unting napuno ng kaba ang dibdib niya. "Nandun ba si Asher?"Saglit na tumigil si Nathan bago umiling. "Wala raw," sagot niya, pero may kung anong hindi siya sigurado sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Thalia at tumango. "
Tahimik na pumasok si Nathan sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Saglit siyang tumigil, tila nag-iisip kung paano magsisimula."Alam mo, Thalia, hindi ko madalas ikwento 'to sa iba," panimula niya habang iniikot ang tubig sa baso. "Pero since ikaw naman ang nagbukas ng puso mo sa'kin, siguro panahon na para ibahagi ko rin ‘yung sa akin."Napatingin si Thalia sa kanya, nag-aabang."Lumaki akong hindi talaga marangya ang buhay. Sa totoo lang, mahirap lang kami noon," pag-amin ni Nathan. "Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Hindi madali ang buhay dahil simula pagkabata, kinailangan kong tumulong sa mga magulang ko. Madalas, ako ang tagabantay ng mga kapatid ko habang si Mama at Papa nagtatrabaho."Tahimik na nakikinig si Thalia, nakatuon ang pansin sa kanya."Madalas akong mabugbog noon," patuloy ni Nathan, bahagyang napangiti na tila sinusubukang gawing magaan ang usapan. "Alam mo na, lumaki ako sa isang lugar na hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan. Konting mali, suntok
Habang nakaupo sa sofa at naghahati ng fried chicken, sinimulan nilang panoorin ang pelikulang pinili ni Nathan. Isa itong action-comedy film na puno ng eksena ng habulan, suntukan, at mga eksaheradong reaksyon ng mga tauhan.Nagsimula nang lumubog si Thalia sa kwento, pero hindi niya mapigilan ang sarili na maalala ang mga nangyari sa kanya at kay Asher.Sa eksena kung saan nagkaroon ng matinding dramang pagtatapat ang dalawang bida, biglang sumingit sa isip ni Thalia ang mga huling sandali nila ni Asher—ang mga yakap nito, ang pag-aalaga, at ang sakit ng pagkakatuklas niya sa lihim nitong tinatago.Napalunok siya at hindi mapakali. Pakiramdam niya ay naiinitan siya kahit hindi naman ganoon kainit sa loob ng bahay."Mainit," mahina niyang sabi sabay tayo. Kinuha niya ang unan sa gilid at niyakap iyon, saka lumipat ng upuan sa malapit sa bentilador.Hindi ito pinansin ni Nathan noong una, pero nang mapansing medyo tahimik si Thalia, iniligay nito ang plato at tinapik ang braso niya. "
Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Thalia sa gilid ng kama. Nakapikit siya, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa biglaang rebelasyon. Gusto niyang isipin na baka isang panibagong problema na naman ito, pero sa ngayon... hindi pa niya kayang harapin ang katotohanan.Huminga siya nang malalim at pumikit. "Kalma lang, Thalia," bulong niya sa sarili. "Pwede namang hindi mo muna isipin ‘yon, ‘di ba? Kahit ngayon lang… kahit sandali lang, magpahinga ka muna."Naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib, pero naalala rin niya ang ekspresyon ni Nathan kanina—ang lungkot sa mata nito nang makitang labis siyang nasasaktan. Kahit papaano, may isang taong handang samahan siya ngayon.Dahil doon, pinilit niyang itulak ang mga alalahanin sa likod ng kanyang isipan. Gusto niya munang bigyan ng pansin ang kasalukuyan at hindi ang mga bagay na maaaring masaktan siya ulit.Tumayo siya at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng nilulutong
Sa bigat ng kanyang damdamin, hindi namalayan ni Thalia na nakatulog siya. Isang oras ang lumipas, at nagising siya sa mahinang katok sa kanyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang mga natuyong luha sa pisngi at pilit na inayos ang sarili.Hindi niya alam kung sino ang nasa labas, pero wala siyang lakas para makipag-usap pa. Nang muling kumatok, napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang binuksan ang pinto."Nathan?" gulat niyang bulong nang makita kung sino ang nasa labas.Nakahawak si Nathan sa isang paper bag ng pagkain, may bahagyang pag-aalala sa kanyang mukha. "Thalia, kumain ka na ba?" tanong nito, dahan-dahang inaabot ang dala niya.Napakagat-labi si Thalia at umiwas ng tingin. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling kay Nathan. "Hindi pa," mahina niyang sagot."Alam ko namang hindi," mahinang sagot ni Nathan habang pumapasok sa loob nang walang pag-aalinlangan. "Pinuntahan kita kasi alam kong hindi mo kayang mag-isa sa ganitong sitwasyon."Pinanood lang ni Thalia ang paggal
Sa mahigpit na yakap ni Asher, unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ni Thalia. Ramdam niya ang init ng katawan nito na tila isang proteksyong hindi niya akalaing muling mararamdaman.Sa tahimik na sandali, ang kanyang mga daliri ay gumuhit ng maliliit na bilog sa kanyang braso, isang kilos na hindi niya napansin ngunit para kay Asher ay isang bagay na gusto niyang tandaan."Mahalaga ka sa akin," mahina ngunit buong tapat na bulong ni Asher sa kanya.Hindi sumagot si Thalia. Hinayaan niyang lumubog sa kanya ang mga salitang iyon, ngunit sa likod ng kanyang isip, may munting takot na namumuo. Ngunit sa ngayon, gusto lang niyang namnamin ang yakap nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, unti-unting kumilos si Asher. "Saglit lang, pupunta lang ako sa banyo, okay?"Tumango si Thalia, bahagyang umayos ng upo habang pinapanood itong lumayo. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, bumuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang isipin na tama ang ginagawa nila, na tot
Hindi na nila inisip kung ano ang tama o mali sa sandaling iyon. Sa pagitan ng malalalim na paghinga, dahan-dahan nilang binura ang distansya sa pagitan nila. Naramdaman ni Thalia ang mainit na kamay ni Asher sa kanyang likod, bahagyang humihigpit ang hawak—hindi nagmamadali ngunit puno ng pagpipigil, tila sinusubukang alalahanin kung hanggang saan siya maaaring lumapit."Thalia..." bulong ni Asher, hinahaplos ang kanyang pisngi na may halong pag-aalinlangan at pananabik. Parang may gustong sabihin ngunit hindi sigurado kung dapat bang ipaalam ito.Ngumiti si Thalia, ramdam ang kilig na bumabalot sa kanya, ngunit kasabay nito ay may kaba rin siyang pilit itinatago. "Hmm?"Bahagyang tumigil si Asher, tinitigan ang kanyang mga mata na parang nagbabasa ng pahintulot. Ang titig nito ay puno ng emosyon—pagmamahal, pagnanasa, at isang di-maipaliwanag na pangungulila na tila matagal nang itinago.Sa halip na sumagot, siya mismo ang humila sa binata, muling inilapat ang kanyang labi sa kanya.
Matapos ang ilang tagay ng alak, naramdaman na nilang pareho ang init sa kanilang katawan. Hindi naman sila lasing, pero sapat na ang nainom nila para maging mas kampante ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Nakasandal si Thalia sa sofa habang si Asher naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang remote control."Manonood tayo ng pelikula?" tanong ni Thalia, pinaglalaruan ang baso niya.Tumango si Asher. "Para malibang tayo. Horror o romance?""Horror muna. Para may dahilan akong dumikit sa’yo ‘pag natakot ako," biro ni Thalia.Napangiti si Asher at umiling bago pinindot ang play button. "Sige. Pero ‘wag kang sisigaw sa tenga ko, ah."Habang tumatakbo ang pelikula, nagsimula silang maghagikgikan."Ano ‘to? Ang pangit ng CGI ng multo! Para lang itong pinatong sa screen," puna ni Thalia habang kinakain ang popcorn."Ang arte pa ng biktima. Sinugod ang dilim tapos sumisigaw siya ng ‘Who’s there?’ Eh kung ako ‘yun, takbo agad!" dagdag ni Asher, sabay tawa.Natatawa silang dalawa habang tinutulig