“Saan ba tayo pupunta? Sino ang pupuntahan natin sa Batangas bukod sa Lola mo?” Pangungulit ko sa kanya habang patuloy siya sa pagmamaneho. Ctually, mahigit isnag oras na kami sa biyahe, ganoon katagal ko na rin siyang kinukulit pero ayaw niya namang magsabi. After lunch ay inaya na niya ako na umalis na kami, kaya naman nandito kami ngayon sa gitna ng kalsada.
“Basta Babe. Sigurado naman ako na matutuwa ka doon sa pupuntahan natin eh.” Kumindat pa siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon. “Relax ka lang diyan, if you want ay matulog ka na muna. Hindi ka ba nahihilo? Hindi ba masama ang pakiramadam mo?” ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa boses niya nang magtanong siya sa akin.
Umiling lang ako, pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Tinanaw ko na lang ang magagandang tanawing dinadaanan naming.
Hindi ko na namalayan ang biyahe namin, hindi ko alam kung ilang oras ba ang inabot nito at kung huminto b
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga tanawing dinaraanan namin. Nasa biyahe na kaming muli, hindi na kami nagtagal sa resort kahit na todo ang pag iimbita sa amin ni Lillian na doon na magpalipas ng gabi. Katwiran ni Richard, magpupunta pa kami sa Lola niya. Though partly true iyon, mukha rin kasing pareho naming na-sense nitong boyfriend ko na may ibang ibig sabihin ang pag iimbitang iyon ni Lillian kanina. Ramdam ko na mas si Richard ang iniimbita niya, kung pwede nga lang na ipahatid na lang niya ako sa driver niya ay ginawa na ng babaneg iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang eksena kanina.“Why naman hindi pa kayo dito mag-spend kahit isang gabi lang, Direk?” sabi ni Lillian.“Naku, hindi talaga pwede Lillian.” Sagot naman ng boyfriend ko sabay tingin sa akin.Iyong pagtinging iyon, mukhang iba ang naging meaning kay Lillian.
Hindi ko lang sinasabi kay Richard, pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. Kabado ako habang papalapit na kami kung saan nakatira ang lola niya, na makakaharap ko na ang nag iisang kapamilya ng boyfriend ko. Kabado ako sa kung ano ang magiging impresyon niya sa akin. Natatakot ako na hindi niya ako magustuhan para sa apo niya dahil unang una na ang agwat ng edad naming dalawa. Masyado pa akong bata kung ikukumpara kay Richard, wala pa akong nararating, wala pa akong napapatunayan kahit sa sarili ko samantalang ang apo niya ay isa ng successful na direktor.Kung sakali man na ayawan niya ako, paano na ako, paano na kami ng magiging anak ko? Hindi ko naman yata kakayanin na patuloy pa rin na makisama kay Richard kung alam ko na hindi naman ako tanggap ng lola niya, pero mukhang hindi ko rin naman kakayanin ang mapahiwalay pa sa kanya.Ilang sandali pa ay napansin ko na ipinapasok na niya ang sasakyan namin sa isang malawak na solar. Mas lalo yatang lumakas
Naguluhan ako pagmulat ng mga mata ko. Nanibago ako na wala akong nabungaran na katabi ko dito sa kama. Nasanay na ang katawan ko na unang nakikita ko pagmulat ng mga mata ay ang magandang mukha ni Stacy. Nang ma-realize kung nasaan ako ngayon ay mabilis akong bumangon. Dumaan muna ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo pagkatapos ay dire diretso na sa kuwartong tinulugan kagabi ni Stacy.Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang maalala ang kulitan pa namin kagabi bago kami natulog. No, ako lang pala ang nangulit.“Babe naman.” Ungot ko sa kanya habang nandito kami sa terrace ng bahay. Katatapos lang naming kumain ng dinner. Siya ay nakaupo sa upuang rattan na narito habang ako naman ay ay nakahiga at nakaunan sa hita niya.“Ano na naman ba iyon?”“Umapela ka naman kay Lola. Huwag kang oo lang ng oo sa kanya ha. Nakakainis ka naman eh.”Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa
Habang nasa sasakyan kami ni Lola Cedes ay panay ang kwento niya tungkol kay Richard. Aliw na aliw naman ako habang nakikinig sa kanya, ang dami kong nalaman na mga bagay bagay tungkol sa boyfriend ko. Ang dami kong natuklasan na hindi kasama sa mga kinuwento sa akin ni Richard.“Alam mo ba iyang apo ko, hindi naman sa bini-build up ko pa siya sa iyo dahil alam ko naman na hindi ko na kailangang gawin pa iyon. Ubod ng bait at lambing ng lalaki na iyan. Ikaw na lang ang mauumay sa kalambingan niya. Makakaranas ka rin ng pagka inis paminsan minsan dahil sadyang makulit talaga. Matigas ang ulo niyang lalaki na iyan.”“Paanong matigas ang ulo, La?” Akala ko ba ay ibi-build niya si Richard sa akin, bakit parang kabaligtaran yata ang nangyayari? Gusto ko tuloy matawa.“Naku, kahit anong pilit ko noong nag aaral pa siya na ako na ang magbabayad ng tuition fee niya ay ayaw namang tanggapin ng damuhong iyon. Hindi
“Lola naman, sige na naman po…” Natatawa ako habang pinagmamasdan ang ginagawang pangungulit ni Richard kay Lola Cedes. Nandito kaming tatlo sa may terrace sa itaas ng bahay. Katatapos lang naming maghapunan kaya heto at nagkwekwentuhan na muna bago matulog.“Magtigil ka nga riyan, Ricardo!” Aliw na aliw talaga ako kapag tinatawag ni Lola si Richard na Ricardo. “Para kang bata diyan na umaatungal. Pagbalik ninyo sa Maynila ay iyong iyo naman na itong si Stacy, walang aagaw sa kanya.”“Pero La…” At talagang lumipat pa ang lalaking ito sa pang isahang sofa kung saan nakapwesto si Lola. Patuloy pa rin siyang nakikiusap rito na kung pwepwede raw ba na sa kwarto na niya ako matulog ngayong gabi. Ayaw talagang lubayan ang Lola pero mukhang hindi naman umuubra ang convincing powers niya rito.“Huwag matigas ang ulo mo. Aba, gusto mo yatang mahataw pa kita ng abaniko ko. Teka at nasaan nga
“Lola Cedes, nagkahiwalay po pala ang parents ni Richard noon?” Tanong ko kay Lola, pareho na kaming nakahiga ngayon at sinasamahan siyang manood ng paborito niyang teleserye.“Nakwento na niya sa iyo?”“Opo.”“Isa iyan sa mga bagay na ayaw na sanang balikan ng apo ko. Kahit nagpapakita na malakas iyong lalaki na iyon, alam ko na pinagsisisihan niya pa rin ang naging desisyon niya na hindi sumama sa mga magulang niya dati. Alam ko na nasasaktan pa rin ang apo ko tuwing maaalala iyon.”“Nararamdaman ko nga po ang bigat na dinadala niya kanian noong nagkwekwento siya sa akin Lola.”“Ayun na nga, mararamdaman mo lang pero hindi niya direktang sasabihin sa iyo na nasasaktan na pala siya. Pilit niyang pinapakita sa mga tao na masayahin siyang tao na akala mo ay walang pinoproblema sa buhay, gusto niyang ipakita na malakas siya at walang problemang hindi niya kayang solusyuna
Bumabyahe na kami pabalik ng Manila. Maaga kaming umalis ng Batangas dahil may meeting pa si Richard with the TV executives nang after lunch. Kaya naman kahit alas sais pa lang ng umaga ay nasa kalsada na kami.Naalala ko pa naging paalaman naming kanina ni Lola Cedes. Halos ayaw niya kaming paalisin, kung pwede lang daw ay doon na lang kami sa kanya. Nagbiro pa nga siya kay Richard na ito na lang daw ang umalis at iwanan na lang muna ako roon. Syempre tigas sa pag iling ang boyfriend ko.Hindi ko na napigilan ang pagngiti nang mapabaling ako sa katabi ko at makita ko ang hindi mapuknat na ngiti sa mga labi niya.“Saya natin ngayon ah. Baka mapunit na iyang bibig mo.” Pansin ko sa kanya.Lumingon naman siya sa akin. “Ano nga iyon, Babe?”“Ang sabi ko ay baka mapunit na iyang bibig mo sa tindi ng pagkakangiti mo riyan.”“Masama ba na maging masaya?” Inabot niya pa ang is akong kama
“Babe.” Tawag ni Richard sa atensyon ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch at ngayon ay nagpe-prepare na kaming umalis. Siya ay papunta sa meeting with the TV executives, ako naman ay ihahatid niya sa bahay namin. Nakatanggap ako ng text kanina galing kay Dad, uuwi daw siya mamaya kaya kinakailangan ko na ring umuwi. Hindi nga lang ako sigurado kung hanggang kailan si Dad sa bahay namin, baka mamaya lang ay umalis din siya agad.“Sunduin kita after the meeting?”“I will text you. Hindi ako sigurado kung anong oras uli aalis si Dad mamaya. Alam mo naman na hindi niya pa alam ang tungkol sa atin.” Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng boyfriend ko. At mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nagsusuot ng kanyang polo shirt at niyakap siya mula sa likuran. “If ever may chance mamaya, I will talk to him. I&rsquo