“Kuya, naniniwala ka sa babaeng ‘yan? Paano ka nakakasiguro na resulta ko ang hawak niya, ‘di ba at binigay ko na sa ‘yo ang resulta ng tests ko?”Kahit subukan ni Celeste na magpaliwanag ay hindi siya pinakinggan ni Fredrick. Ilang beses na siyang na-disappoint sa ginawa nito. Bawat salitang binibitawan ng bibig nito ay pinagdududahan na niya. Kaya pala iba ang ekspresyon ng mukha nito kanina habang iniabot sa kanya ang resulta dahil tinanggal pala nito ang huling page ng resulta nito. ang nakita niya sa papel ay normal ang resulta ng lahat ng tests ni Celeste, ibig sabihin niyon ay normal din ang matris nito at hindi naapektuhan ng saffron. Malinaw pang nakalagay doon na healthy ang matris nito at kayang mag-conceive ng bata. Ibig sabihin ay niloko siya nito pati na rin si Rhett sa loob ng ilang taon para lang makuha ang loob ng huli? How despicable could Celeste be? Dahil lang sa isang lalaki ay naging manloloko at sinungaling ito. “How could you?” mahinahon pang tanong niya at
Next:“Kuya…” Kahit napuno ng luha ang mukha ni Celeste ay hindi ito kinaawaan ni Fredrick. Bagkus ang kanyang mga mata ay lumipat kay Georgina at malamlam itong tinitigan. “I remember now. You were that kid who worked for us in the hacienda.” Biglang pumiyok ang boses niya kaya huminto siya sa pagsasalita. Georgina, his sister, suffered hardships when she was young. Ngayon alam na niya kung gaano kahirap ang naging kabataan nito. And the worst things is, hinayaan niya itong magtrabaho sa sarili nilang lupain! Kung alam niya lang. Kung alam niya lang na si Georgina ang kapatid niyang hinahanap noon pa man ay hindi sana niya ito hinayaang magdusa. She was right in his grasp, but he didn't get hold of her. “Ako nga,” mapait na sagot ni Georgina. Ngayon ay sumagi sa isip niya na nagpakahirap siyang magtrabaho sa sarili nilang hacienda. Noong bata pa sila nina Vaia at Tony ay naninilbihan sila sa mansion ng mga Malvar sa probinsya na kinalakhan niya. Kinse anyos siya noon kaya naman
Sa sobrang pagod ni Georgina nang makabalik sa bahay ay agad siyang nakatulog matapos magbihis. Nagising na lang siya nang may maramdamang kumikiliti sa likod ng kanyang tainga. Hindi na niya kailangang alamin kung sino iyon dahil alam na niya sa mga ganitong oras ay iniistorbo na naman siya ni Rhett. “Hmm…” mahinang ungol niya nang maramdaman ang dila nito na pumasok sa kanyang tainga bago iyon kumalikot doon. “Rhett…”“Good morning, my wife,” may tudyo sa boses na bati ni Rhett. Tinigil nito ang paglaro sa kanyang tainga saka pinatihaya siya at kinubabawan. Hinayaan ni Georgina ang asawa sa ginagawa nito dahil alam niyang hindi na rin naman niya ito mapipigilan. Alas-sais pa lang ng umaga at talagang aktibong-aktibo ito. Inililis ni Rhett ang suot niyang duster saka marahang hinaplos ang kanyang hita. Ang isa nitong palad ay marahan ding minamasahe ang kanyang dibdib habang ang labi ay bumaba sa kanyang leeg at hinalik-halikan ang kanyang balat na may kasamang pagsipsip. Napapaar
Wala sa sariling bumaba sa kuwarto si Georgina habang nakasuot ng manipis na roba. Naabutan niya si Rhett na akmang papasok ng elevator pero nang makita siya nito ay nabalot ng pagtataka ang mukha nito. “Bakit ka bumaba?” nagtatakang tanong nito. “I’m hungry,” hinimas pa niya ang tiyan upang ipakita rito na nagugutom na siya. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang bumaba dahil may pantry naman sa taas at mayroong snacks doon na pwede niyang kainin habang naghihintay kay Rhett. Pero dahil nga sa tawag ni Rick ay tuluyan nang nawala ang kanyang puyat kaya't napagpasyahan niyang sundan si Rhett. “Tsk,” Rhett smiled happily. “Baby, mukhang pinapahirapan mo si mommy, ah?” Yumuko ang asawa upang halikan ang kanyang tiyan pero tunog ng kumakalam na sikmura ang narinig ni Rhett. Nagkatawanan sila saka bumalik sa dining area at sabay na nag-almusal. Sinangag, pritong itlog, sausage at isang baso ng gatas ang almusal ni Georgina samantalang si Rhett ay simpleng kape at toast bread.
Samantala, wala pa ring malay si Georgina habang nakahiga sa kama sa loob ng isang pipitsuging hotel. Wala siyang suot na pang-itaas pero natatabunan ng kumot ang katawan niya. Isa pa, ay may isang lalaki siyang katabi na tulad niya ay nakahubad rin ng pang-itaas pero gising ito at hinahaplos ang braso niya habang may isang taong malawak ang ngisi na kinukuhaan sila ng video at litrato. “Okay na ‘to. Sigurado akong sira na ang imahe ng babaeng ito kapag ilabas ko sa internet ang mga video na ‘to.” Malakas na tumawa ang babae na nagvi-video. “Sige na. Sa inyo na ‘yan. Wala akong pakialam kung ano’ng gawin niyo sa kanya pero malaya kayong tikman siya.” Pagkasabi niyon ay lumabas ang abae at hinayaan ang tatlong lalaki a pagnasaan si Georgina. “Sarap!” malakas na nagtawanan ang tatlo. Ang lalaking nakahiga sa kama ay kaagad na inalis ang kumot na nakatabon sa katawan ni Georgina saka hinaplos ang katawan nito. Habang ang dalawang lalaki na kanina pa nakatingin ay mabilis na naghubad at
“Excuse me. Kailangan nang dalhin sa morgue ang katawan ng pasyente.”Nang marinig iyon ni Rhett ay halos maguho ang mundo niya at hindi siya makapagsalita. Nanatili ang blanko niyang tingin sa stretcher kung saan nakahiga ang katawan ng asawa. Ilang beses pa niyang ininspeksyon kung si Georgina nga ba ito pero hindi siya pinaglalaruan ng kanyang mata. Walang buhay na nakahiga si Georgina sa stretcher at ang natuyo nitong dugo sa ulo ang patunay na natamo ito ng malubhang sugat, na siyang ikinamatay nito.Mabigat ang naninikip niyang dibdib habang nakatitig sa mukha ng asawa. Payapa ang nakapikit nitong mukha pero hindi si Rhett dahil hindi niya ito kayang tignan. Naninibugho siya sa taong may gawa nito hanggang sa hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. "Masaya ka na, Rhett? Hindi ba at sinabi ko sa 'yo na alagaan at bantayan mo siyang mabuti?" puno ng hinanakit at paninisi ang boses ni Fredrick. Nagtitimpi lang ito ng sarili na 'wag siyang saktan. "Ginawa ko ang l
“Tama na, Celeste. Kahit ano ang gawin mo ay alam na namin ang lahat.” Nilapitan ni Fredrick si Celeste na ngayon ay isinasakay na sa police mobile. Puno ng disappointment ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kapatid. “Ilang beses kitang inintindi. Pinagbigyan kita sa lahat ng hinaing mo pero ano? Ilang beses mo ring sinaktan ang taong wala namang kasalanan sa ‘yo!”Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Celeste. “Pero, kuya. Nagawa ko lang naman iyon kasi mahal ko si Rhett.”“Kaya nagawa mong patayin ang asawa ko?” May galit sa boses na saad ni Rhett. Nilapitan niya si Celeste na akmang sasakay na ng sasakyan saka ito binulungan. “Kung akala mo ay ligtas ka na dahil nasa kulungan ka, diyan ka nagkakamali. Hinding-hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa asawa ko.”Pagkaalis ng sasakyan ng pulisya ay nilapitan siya ni Fredrick. Walang pagsisisi sa mukha ng lalaki kahit pa makukulong ang kapatid nito. “Did you check your phone?” Nagtaka man sa tanong ni Fredrick ay kinuha ni Rhe
Next: “So, kaya mo ako pinilit na umuwi ay dahil na hindi nagtagumpay ang plano mo? Alam mo bang may importante akong misyon na ginagawa pero dahil nagpupumilit ka ay umuwi ako pero ito ang madadatnan ko?”Celeste gritted her teeth as she looked at Neil with irritation. “Ano ang magagawa ko kung hindi mamatay-matay ang babaeng ‘yon?”Sa pamamagitan ng kanyang ina ay nakontak niya si Neil upang madaliin ang plano nila na patumbahin si Georgina. Alam niyang hindi siya nito kayang biguin dahil isa si Neil sa pinakamagaling na mamamatay-tao na kilala niya. “Dahil hindi mo ako sinusunod. Sinabi ko na sa ‘yong hindi basta-basta ang babaeng iyon at hindi mo siya kayang labanan pero hindi ka nakinig sa akin. Tingnan mo ang nangyari, nasaan ka ngayon? Nakakulong ka habang siya ay malayang minamahal ang lalaking gusto mo.”Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Celeste at malakas na ipinukpok ang kamao sa mesa. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan siyang lasunin ang utak ni Rhett at ng ka
Habang abala si Georgina sa pag-iisip kung paano makatakas, sa kabilang banda ay nagtataka naman si Tony kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Georgina. Hinayaan niya ito at baka natanghali lang ng gising dahil natural lang sa buntis na laging tulog. Pero sa kabilang banda ay hindi mapakali ang isip niya. Bitbit ang kape ay lumabas siya ng kanyang opisina upang puntahan si Vaia pero pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya sa koridor si Nathalia na may kausap. Masaya ang dalaga dahil sa jokes ng kausap pero hindi si Tony. Mula nang mahigpit siyang sinabihan ni Georgina na ‘wag patulan si Nathalia ay iniwasan na niya ang dalaga kahit pa nahihirapan siya. Mula nang araw na ni-reject niya ang pagpapakita nito na gusto siya nito ay halos hindi na siya nakikipag-usap dito unless may importanteng kailangan sa trabaho. Hindi niya personal na kilala ang kausap ni Nathalia pero alam niyang bagong tanggap ito sa kumpanya at mataas ang credentials at mula sa mayamang pamil
“Pasensya na po, Miss Georgie. Kabilin-bilinan ni Sir Rhett na huwag muna kayong palabasin hangga’t hindi siya nakakabalik. Malapit na pong matapos ang inaasikaso niya sa ibang bansa at makakabalik rin po siya kaagad.”Hindi makapaniwalang tiningnan ni Georgina si Julios saka matabang na ngumiti. “This is ridiculous!”Kailangan niyang lumabas ngayon dahil may problema siyang dapat na ayusin sa kumpanya kaya imposible itong pagkakakulong sa kanya sa bahay. “Miss Georgie, kung gusto niyo pong makipagkita sa kaibigan niyo ay pwedeng sila ang papupuntahin niyo rito. Ang bilin ni Sir Rhett, hangga’t hindi kayo nanganganak ay hindi kayo maaring lumabas.”Alam ni Georgina na inutusan lang ni Rhett si Julios pati na rin ang ibang tauhan nito kaya ayaw niya ang mga itong pagalitan. Naikuyom niya ang kamao sa magkabilang-gilid upang pigilan ang inis na unti-unting namumuo. “Gigi…” Nilingon niya si Lola Rhea na galing kusina kasunod si Rizza at Santino. Mukhang kakatapos lang ng mga itong mag
Hindi gaanong maliwanag sa VIP room at kahit nakaupo sa magkabilang gilid niya ang dalawa ay hindi makita ng mga ito kung ano reaksyon ni Georgina. Tumalim ang kanyang mata nang marinig ang sinabi ni Vaia at biglang naalala ang sinabi ni Duncan. Tama nga ito na hindi seryoso sa kanya si Rhett. Nanikip ang dibdib niya sa galit na namuo dahil sa pagsisinungaling ng asawa pero matibay na ang loob niya at hindi niya pinakita sa dalawa na nasasaktan siya. Inilahad niya niya ang palad kay Vaia. “Mayroon ka bang litrato ng babae? I want to take a look at the woman my husband—no, hindi pala kami magasawa—Rhett married.”Inilabas ni Tony ang cellphone at ito ang naglatag sa kanyang palad kung saan nakabalandra ang mukha ni Olivia at ni Rhett na magkasamang lumabas sa isang hotel. Hindi lang iyon. Base sa hitsura ng babae ay isa itong latina. Or maybe half-filipino, half-mexican. Masiyado ring bulgar ang suot nitong damit na ikinataas ng sulok ng labi niya. Sa iba’t ibang larawan na nakuha ni
Imbes na sa opisina ay napagkasunduan nina Georgina at Tony na sa G’s bar magkita dahil gusto siyang samahan ni Rhett. Hindi siya nito papayagang umalis kung hindi ito kasama. “Ahh, Mr. Castaneda, nagkita tayong muli,” bati ni Tony nang makapasok sila sa VIP room na kinuha ni Tony para sa kanila. Kasama nito si Vaia na isang malamig na tango lamang ang ibinigay kay Rhett pero mahigpit na niyakap si Georgina na para bang kino-comfort. “Hmm… I wonder why you, my wife’s FRIEND, want to meet her at this kind of place?” Hindi nagtataka ang klase ng pagtatanong ni Rhett kundi maawtoridad. Napakamot sa batok si Tony saka sinulyapan si Georgina. “Gusto ko lang ipakita kay Boss kung gaano ka-successful ang bagong plano na pinaimpliment niya sa G’s. Hindi naman siguro masamang ipakita iyon sa kanya dahil pagmamay-ari niya ito, hindi ba, boss?” Sa huling salita ni Tony ay nilingon siya nito at kinindatan kaya tumango si Georgina.Alam niya na ku
Nairolyo ni Georgina ang mata nang marinig ang pagdududa sa boses ni Rhett. Kaswal na inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng suot na bestida saka hinarap ang asawa nang walang kakaba-kaba. “Si Tony. Lumabas lang ako dahil ayaw kong magising kayong dalawa ni Santino. Bakit, may problema ba?”Bahagyang naningkit ang mata ni Rhett at nilapitan siya hanggang sa halos wala nang pagitan sa kanilang dalawa. “So, you two are still contacting each other?” Hinawi nito ang buhok niyang nakaharang sa mukha at inilagay sa likod ng kanyang tainga. His voice was gentle but the meaning behind it was cold and strong. “Tony is my assistant and my childhood friend. Pamilya na ang turing ko sa kanya kaya walang masama kung may kontak kami sa isa’t isa,” rason niya. Nilabanan niya ang matalim nitong tingin at hindi ipinakita na natatakot siya sa klase ng tingin nito. “You are not even blood related, how could you call him your family? Were they will be there kapag kailangan mo sila?”Tumaas ang isang
Hindi makapaniwala si Georgina sa narinig. Mabuti na lang dumating si Julios at kinuha si Santino saka nauna ang mga itong bumaba para kumain. Pati si Charlotte ay binitbit na rin nito. “At hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ako sa bagay na ‘yan? Wala akong ginawang masama, Rhett. Dahil ako ang biktima ng nakaraan.”Habang nakikinig ay lalong nangunot ang noo ni Georgina. Ano’ng nakaraan? May malalim palang dahilan ang hiwdwaan ng dalawang ito at hindi lang iyon dahil sa kanya? Kaya ba malamig lagi ang trato ni Rhett kay Duncan?Hindi sumagot si Rhett at blanko ang ekspresyon na nakatingin kay Duncan. While the latter spoke mischief again. “Pero hindi ka nagkakamali dahil gusto ko nga ang asawa mo. At kung hindi mo siya kayang alagaan nang maayos baka sa akin na rin ang bagsak niya.” Ngumisi si Duncan nang nakakaloko na biglang nagpalakas ng kabog ng dibdib ni Georgina at baka biglang magpang-abot ang dalawa. Tumalim ang m
Hindi pinansin ni Georgina ang asawa at mabilis na hinugot ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot saka ito tinalikuran. Dahil walang nakuhang sagot mula sa kanya ay pumasok ito sa banyo at niyakap siya mula sa likuran. Feeling the warmth from the man’s embrace made Georgina’s heart beat erratically. Gustong manlambot ng katawan niya at hayaan itong yakapin siya lalo na at nananabik na siya rito pero hindi hinayaan ng isip na manalo ang kanyang puso. “What are you doing? I need to wash up,” saway niya saka kinuha ang tootbrush, nilagyan ng toothpaste at nagsimulang mag-toothbrush. “I missed you, my wife.” Hinalikan siya nito sa leeg at bahagya pa iyong sinipsip at tumigil lamang nang mag-iwan iyon ng marka. “Ilang araw tayong hindi nagkita pero bakit ganito kalamig ang salubong mo sa akin, huh?”Nagkasalubong ang tingin nila sa salamin at si Georgina ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi siya makasagot dahil puno ng bula ang bunganga niya. Nang yumuko siya para magmumog ay
Nang marinig ni Georgina ang kaparehong boses ng babae sa babaeng kinausap ni Rizza noong nakaraang araw ay tila may tumarak sa kanyang puso. Naghintay siya ng ilang sandali para ipaliwanag ni Rhett kung sino ang babae pero hindi siya nakarinig ng ano man kundi…“Alam kong oras na nang pamamahinga mo. Matulog ka na, okay? May gagawin lang ako sa labas ngayon,” may halong pagmamadali ang boses nito bago mabilis na pinatay ang tawag. Mapakla siyang tumawa saka tinapon ang cellphone sa kama saka lumabas ng kuwarto at hinanap si Santino para laruin. Mabuti naman at pinagbigyan siya ni Charlotte kaya maghapon silang naglaro, nagkuwentuhan at naligo pa sa swimming pool. Dahil doon ay wala na siyang oras para magmukmok at isipin kung ano ang pinanggagawa ng asawa.Nagpapasalamat din siya at hindi niya nakita ang anito ni Duncan at baka hindi na siya makatiis ay makakatim na ito sa kamao niya. She’s been holding back a lot of grievances lately that she felt her heart was full. May shooting r
A couple connected by a red string of faith will always be bound to each other. “Gigi, kapag dumating ang araw na hindi ka na nagugustuhan ng asawa mo, huwag mong pakahirapan ang sarili mo, okay? Bumalik ka rito at ako ang bahala sa ‘yo.” Noong nasa poder pa niya si Georgina ay palagi niya itong napapanaginipan na magiging mag-asawa ito at ng kanyang anak. Bilang isang devotee sa lumang simbahan sa bayan ay naniniwala si Rene sa kanyang napapanaginipan. Mapaklang napatawa si Georgina dahil kung ano man ang iniisip ni Lola Rene ay mukhang nangyayari na. “Naku, masiyado ho kayong nag-aalala sa akin, lola. Huwag niyo na po isipin kung ano man ang magiging kinabukasan ko dahil alam ko pong hindi ako pababayan ni Lord. Lagi niyo po akong ipinagdadasal sa kanya, eh.” Idinaan ni Georgina sa tawa ang ginagawa sa kanya ni Rhett upang hindi mahalata ng kaharap ang pinagdadaraanan niya. Well, it’s not like she is a damsel in distress. She is a fighter. Kung lolokohin man siya ng asawa niya, na