Sa sobrang pagod ni Georgina nang makabalik sa bahay ay agad siyang nakatulog matapos magbihis. Nagising na lang siya nang may maramdamang kumikiliti sa likod ng kanyang tainga. Hindi na niya kailangang alamin kung sino iyon dahil alam na niya sa mga ganitong oras ay iniistorbo na naman siya ni Rhett. “Hmm…” mahinang ungol niya nang maramdaman ang dila nito na pumasok sa kanyang tainga bago iyon kumalikot doon. “Rhett…”“Good morning, my wife,” may tudyo sa boses na bati ni Rhett. Tinigil nito ang paglaro sa kanyang tainga saka pinatihaya siya at kinubabawan. Hinayaan ni Georgina ang asawa sa ginagawa nito dahil alam niyang hindi na rin naman niya ito mapipigilan. Alas-sais pa lang ng umaga at talagang aktibong-aktibo ito. Inililis ni Rhett ang suot niyang duster saka marahang hinaplos ang kanyang hita. Ang isa nitong palad ay marahan ding minamasahe ang kanyang dibdib habang ang labi ay bumaba sa kanyang leeg at hinalik-halikan ang kanyang balat na may kasamang pagsipsip. Napapaar
Wala sa sariling bumaba sa kuwarto si Georgina habang nakasuot ng manipis na roba. Naabutan niya si Rhett na akmang papasok ng elevator pero nang makita siya nito ay nabalot ng pagtataka ang mukha nito. “Bakit ka bumaba?” nagtatakang tanong nito. “I’m hungry,” hinimas pa niya ang tiyan upang ipakita rito na nagugutom na siya. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang bumaba dahil may pantry naman sa taas at mayroong snacks doon na pwede niyang kainin habang naghihintay kay Rhett. Pero dahil nga sa tawag ni Rick ay tuluyan nang nawala ang kanyang puyat kaya't napagpasyahan niyang sundan si Rhett. “Tsk,” Rhett smiled happily. “Baby, mukhang pinapahirapan mo si mommy, ah?” Yumuko ang asawa upang halikan ang kanyang tiyan pero tunog ng kumakalam na sikmura ang narinig ni Rhett. Nagkatawanan sila saka bumalik sa dining area at sabay na nag-almusal. Sinangag, pritong itlog, sausage at isang baso ng gatas ang almusal ni Georgina samantalang si Rhett ay simpleng kape at toast bread.
Samantala, wala pa ring malay si Georgina habang nakahiga sa kama sa loob ng isang pipitsuging hotel. Wala siyang suot na pang-itaas pero natatabunan ng kumot ang katawan niya. Isa pa, ay may isang lalaki siyang katabi na tulad niya ay nakahubad rin ng pang-itaas pero gising ito at hinahaplos ang braso niya habang may isang taong malawak ang ngisi na kinukuhaan sila ng video at litrato. “Okay na ‘to. Sigurado akong sira na ang imahe ng babaeng ito kapag ilabas ko sa internet ang mga video na ‘to.” Malakas na tumawa ang babae na nagvi-video. “Sige na. Sa inyo na ‘yan. Wala akong pakialam kung ano’ng gawin niyo sa kanya pero malaya kayong tikman siya.” Pagkasabi niyon ay lumabas ang abae at hinayaan ang tatlong lalaki a pagnasaan si Georgina. “Sarap!” malakas na nagtawanan ang tatlo. Ang lalaking nakahiga sa kama ay kaagad na inalis ang kumot na nakatabon sa katawan ni Georgina saka hinaplos ang katawan nito. Habang ang dalawang lalaki na kanina pa nakatingin ay mabilis na naghubad at
“Excuse me. Kailangan nang dalhin sa morgue ang katawan ng pasyente.”Nang marinig iyon ni Rhett ay halos maguho ang mundo niya at hindi siya makapagsalita. Nanatili ang blanko niyang tingin sa stretcher kung saan nakahiga ang katawan ng asawa. Ilang beses pa niyang ininspeksyon kung si Georgina nga ba ito pero hindi siya pinaglalaruan ng kanyang mata. Walang buhay na nakahiga si Georgina sa stretcher at ang natuyo nitong dugo sa ulo ang patunay na natamo ito ng malubhang sugat, na siyang ikinamatay nito.Mabigat ang naninikip niyang dibdib habang nakatitig sa mukha ng asawa. Payapa ang nakapikit nitong mukha pero hindi si Rhett dahil hindi niya ito kayang tignan. Naninibugho siya sa taong may gawa nito hanggang sa hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. "Masaya ka na, Rhett? Hindi ba at sinabi ko sa 'yo na alagaan at bantayan mo siyang mabuti?" puno ng hinanakit at paninisi ang boses ni Fredrick. Nagtitimpi lang ito ng sarili na 'wag siyang saktan. "Ginawa ko ang l
“Tama na, Celeste. Kahit ano ang gawin mo ay alam na namin ang lahat.” Nilapitan ni Fredrick si Celeste na ngayon ay isinasakay na sa police mobile. Puno ng disappointment ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kapatid. “Ilang beses kitang inintindi. Pinagbigyan kita sa lahat ng hinaing mo pero ano? Ilang beses mo ring sinaktan ang taong wala namang kasalanan sa ‘yo!”Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Celeste. “Pero, kuya. Nagawa ko lang naman iyon kasi mahal ko si Rhett.”“Kaya nagawa mong patayin ang asawa ko?” May galit sa boses na saad ni Rhett. Nilapitan niya si Celeste na akmang sasakay na ng sasakyan saka ito binulungan. “Kung akala mo ay ligtas ka na dahil nasa kulungan ka, diyan ka nagkakamali. Hinding-hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa asawa ko.”Pagkaalis ng sasakyan ng pulisya ay nilapitan siya ni Fredrick. Walang pagsisisi sa mukha ng lalaki kahit pa makukulong ang kapatid nito. “Did you check your phone?” Nagtaka man sa tanong ni Fredrick ay kinuha ni Rhe
Next: “So, kaya mo ako pinilit na umuwi ay dahil na hindi nagtagumpay ang plano mo? Alam mo bang may importante akong misyon na ginagawa pero dahil nagpupumilit ka ay umuwi ako pero ito ang madadatnan ko?”Celeste gritted her teeth as she looked at Neil with irritation. “Ano ang magagawa ko kung hindi mamatay-matay ang babaeng ‘yon?”Sa pamamagitan ng kanyang ina ay nakontak niya si Neil upang madaliin ang plano nila na patumbahin si Georgina. Alam niyang hindi siya nito kayang biguin dahil isa si Neil sa pinakamagaling na mamamatay-tao na kilala niya. “Dahil hindi mo ako sinusunod. Sinabi ko na sa ‘yong hindi basta-basta ang babaeng iyon at hindi mo siya kayang labanan pero hindi ka nakinig sa akin. Tingnan mo ang nangyari, nasaan ka ngayon? Nakakulong ka habang siya ay malayang minamahal ang lalaking gusto mo.”Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Celeste at malakas na ipinukpok ang kamao sa mesa. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan siyang lasunin ang utak ni Rhett at ng ka
“Greg, tumigil ka nga. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Agad na nilapitan ni lola Rhea ang asawa nito at tinakpan ang bibig para patigilin sa pagsasalita. Saka nag-utos ito ng kasambahay para itulak ang wheelchair nito patungo sa kuwarto ng mga ito sa second floor. May elevator sa loob kaya hindi problema kung sa second floor namamalagi ang mag-asawang matanda. “Georgina, pasensya ka na sa lolo mo, iha. Dala ng operasyon ay kung ano-ano na talaga ang nasasabi niya,” hingi nito ng paumanhin bago sinulyapan si Rhett na nasa kanyang likuran. Malugod itong nginitian ni Georgina. Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugan nitong tingin kay Rhett pero hindi siya nagsalita dahil umaasa siyang sasabihin sa kanya ni Rhett kung may tinatago man ito. She is not angry nor jealous. Madidismaya lang siya kung sakaling malaman niyang may hindi sinasabi sa kanya ang asawa.“Ayos lang po ‘yon, La,” matipid niyang sagot. Hindi siya naapektuhan sa sinabi ni lolo Greg at ipinagkibit-balikat na lang niya iy
“Oh, so it's you, Neil Vargas,” kaswal na sabi ni Georgina nang makita kung sino ang lalaking naghihintay sa kanya. Nakarating siya sa Batangas bago mag-alas dose matapos takasan ang guwardiya sa mansyon ni Rhett. Walang ibang nakakaalam na umalis siya ng bahay kahit si Rhett. It was fortunate that her husband was not at home when she left. Hindi niya lang alam kung ano ang iisipin nito kung malaman na wala siya sa bahay pag-uwi nito. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. Kung may mga bagay si Rhett na ayaw sabihin sa kanya, siguro ay patas lang na mayroon rin siyang itinitago lalo na sa ganitong propesyon niya. “Ako nga.” Malapad na ngumisi ang lalaki. “It's been a long time since we last saw each other, G. Mukhang tahimik at masaya na ang buhay mo ngayon, huh. Tinalikuran mo na ang mga kasamahan mong nagsasakripisyo pa rin para sa bulok niyong ahensya?”Hindi nag-iisa ang lalaki. Pagdating na pagdating pa lang niya sa abandonadong pier ay agad na siyang pinalibutan ng mga kasamah
Next:“No, hindi ako aalis, Rhett. Hindi pwedeng maagang maging biyuda si Georgina. O baka gusto mong kunin siya sa ‘yo ni Duncan?” Imbes na sumeryoso ay dinaan ni Rick sa biro ang kaba upang kahit papaano ay gumaan ang mabigat na nararamdaman ni Rhett. “Isa pa, hindi mo pa nakikita ang mga anak mo. They are beautiful and handsome babies for sure.”Ngumiti si Rhett nang marinig ang sinabi ni Rick. He badly needed to see his wife and their children. He wanted to. Kahit nawawalan na siya ng pag-asa ay malakas pa rin ang kagustuhan niyang mabuhay. A few minutes later, noises from above descended, and a moment passed before two figures emerged from outside. “Phoenix? Why are you here?” Hindi makapaniwalang tanong ni Rick nang makita ang kaibigan. Nilapitan nito ang lalaki at siniguro na ito nga ang nakikita niya. “Why else?” Nakasimangot na tugon nito. “Kung hindi dahil kay Bene ay nungkang pupunta ako rito.”“What does my apprentice have to do with you?” “Huwag mo na siyang pansinin,
Next:Sa awa ng diyos ay agad na nadala sa pinakamalapit na ospital si Georgina. Habang nasa daan ay panay ang dasal niya na sana maayos lang ang kalagayan ni Rhett. Ni hindi niya inaalala ang sariling kalagayan dahil nakapokus ang pag-aalala niya kay Rhett. Those tears in Rhett’s eyes were still vivid in her mind. Tila mga luha nang pamamaalam…Dahil sa labis na pag-aalala ay ilang beses na muntikang himatayin si Georgina at nahirapan pa ang mga doktor sa kanya dahil sa pagtaas ng presyon ng kanyang dugo. Pilit siyang pinapakalma ni Fredrick na pinatawag ng doktor sa loob ng delivery room. “Georgie, calm down, okay? Nandoon na ang mga kaibigan mo para masiguro na ligtas si Rhett. Could you do that for Rhett? Alam kong nag-aalala ka para sa kanya pero paano ang anak niyo? You lost so much blood already. Your baby needs you, Georgie.” Ginagap ni Fredrick ang palad niya saka marahang pinisil bago hinaplos ang noo niyang may namumuong pawis. Muling pumatak ang luha ni Georgina. Ito ang
Walang tao sa koridor nang makalabas ng kuwarto si Georgina pero hindi niya ibinaba ang pagkaalisto sakaling biglang may sumulpot na kalaban. Nang tingnan niya kanina ang baril na kinuha sa babae ay nalaman niyang siyam na bala lang ang laman niyon. Kailangan sa bawat putok niya ay siguradong makatama siya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rick. Wala siyang earpiece na dala dahil hindi siya nakahanda noong umalis siya sa bahay ng mga Farrington. Mabuti na lang at lagi niyang suot ang kuwentas na may camera at scanner kaya nagawa pa rin niyang pasukin ang system ni Reight at ma-hack ang CCTV nito. “Where’s your position, Rick?” Napangiwi si Georgina nang muli na namang humilab ang kanyang tiyan. She is a first-timer mom, but she knew that she was already having contractions. Alam niyang malapit nang lumabas ang mga anak niya. “You okay, G?” nag-aalalang tanong ni Rivk nang marinig ang mabibigat na paghinga niya. “Nasaan ka?” Imbes na sagutin ay balik-tanong niya kay Rick.
“Cellphone.” Inilahad ng kapatid ni Rhett ang palad kay Georgina bago binugahan siya ng usok sa mukha. “Akin na ang cellphone mo,” ulit pa nito. Hindi natinag at hindi siya nagpakita ng takot pero bahagyang humihilab ang tiyan niya kaya pinagpawisan siya nang malapot. “I dropped it at the abandoned factory. Kung hindi ka naniniwala ay balikan mo doon at hanapin,” balewalang sagot niya. Hindi naniniwala sa kanya ang lalaki kaya inutusan nito ang babaeng tauhan na kapkapan siya. The girl looked like she was only in her teens, but her awra was already ruthless. Mukhang nahubog na nang kasamaan ang katauhan nito kaya matalim ang tingin nito kay Georgina habang kinakapkapan siya. Georgina was nonchalant, trying to stop herself from making a sound because of her contracting stomach. Matapos siyang kapkapan ay nilingon nito ang boss nito at umiling. Tumango ang kapatid ni Rhett saka tumayo mula sa kinauupuan nitong silya at naglakad palapit sa kanya. Nasa isang kuwarto si Georgina na may
“Alam kong gusto mong humingi ng tulong sa kaibigan mo para hanapin si Rhett, but it’s useless. Ibabalik ka lang nila sa mansyon,” ulit ni Olivia habang nasa biyahe na sila. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan pero hindi nagpakita ng takot si Georgina kahit pa alam niyang nalalagay sa peligro ang buhay niya dahil sa pagsama niya sa babaeng ito. Gusto niya lang makita si Rhett at alamin kung ano ang tunay na kalagayan nito at kung wala na nga ito…“So, bakit ikaw ang nandito? Are you waiting here dahil alam mong lalabas ako?”“Dahil gusto lang kitang isama doon sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Dahil katulad mo ay naniniwala akong hindi pa patay si Rhett. At dahil alam kong ikaw lang ang maasahan kong sasama sa akin ay ikaw ang una kong pinuntahan.”Hindi kumbinsido si Georgina sa rason ni Olivia kaya itinaas pa rin niya ang vigilance dito. “Hindi ka ba natatakot baka kung saan kita dalhin?” Biglang tanong ni Olivia nang matagal na namayani ang katahimikan. Sumandal si Geor
Tahimik at kalmadong bumalik sa loob ng bahay si Georgina. Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya na wala na si Rhett kaya hindi niya ito makontak pero ngayon ay napatunayan na niyang may nangyaring masama rito!Hindi niya matanong si Fredrick dahil alam niyang magsisinungaling lang ito sa kanya at naiintindihan niya iyon dahil kalagayan lang niya ang iniisip nito. Kaya si Vaia at Tony ang agad niyang tinawagan pero ni isa sa dalawa ay walang sumasagot sa kanya. Nanginginig ang kamay na lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng tubig at pakalmahin ang sarili pero nang paikot na siya sa kusina ay naulinigan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap. Base sa boses na naririnig niya ay si Manang Sata ito at si Inday.‘Inday, alam mo ba kung ano ang narinig ko?’‘Ano?’ Sagot kaagad ni Inday na mukhang handang-handa sa tsismis.‘Kilala mo naman siguro si Sir Rhett Castaneda, ‘di ba? Ang may-ari ng paborito mong perfume na Nillulf Scents.’Nanatili sa isang sulok si Georgina at tahimi
Hindi ipinanganak si Georgina kahapon para hindi niya malaman na ang emergency na sinasabi ni Fredrick ay walang kinalaman sa kanya. Base sa tingin nito bago umalis ay nahihinuha niyang may hindi magandang nangyari at ang unang sumagi sa isip niya ay si Rhett. Hinaplos niya ang tiyan dahil biglang gumalaw ang kanyang anak, marahil ay nararamdaman nito ang pag-aalala niya. She couldn’t go out and investigate. Her pregnancy is restricting her kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Rhett pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito makontak. Bago niya matawagan sina Vaia at Tony para alamin kung may nangyari nga ay biglang tumunog ang cellphone niya at si Nathalia ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot habang naglakad-lakad sa greenhouse upang alisin ang kaba. Pero ilang segundo na ang nakalipas at wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya at nang tingnan iyon ni Georgina ay nakitang pinatay na pala nito ang tawag.Her brows creased and a bad premonition crept inside her. Tinangka niyan
“Totoo nga na ikaw si Chantrea? Ha!” Hindi maipaliwanag ang tuwa sa mukha ni Jerome habang kaharap si Georgina sa hapagkainan nang umagang iyon, este tanghali dahil tanghali na siyang nagising. Masama ang pakiramdam niya dahil nanaginip siya nang masama kagabi at ang buong akala niya ay totoong nangyari iyon kaya ngayon ay medyo sumakit ang ulo niya. Hindi niya pinansin ang excited na si Jerome at hinayaan itong umupo sa tabi niya. Kahit pinagsasandukan siya nito ng pagkain ay hindi niya iyon alintana dahil wala siya sa mood.“Georgina, may problema ba?” biglang tanong ni Fredrick na kakarating lang at umupo sa katapat na mesa. Wala sina lolo Mio at lola Andrea saka ang kanyang ama kaya silang tatlong magkakapatid lang ang naroroon. Masagana ang pagkaing nakahain sa hapagkainan at lahat ng iyon ay paborito niya dahil ni-request iyon ni Fredrick sa mga kasambahay na ipagluto siya ng paborito niyang pagkain. Kahit ganoon ay kaunti pa rin ang kinain niya dahil hindi iyon kinakaya ng si
“Ang sabi mo ay mapapasakamay ko ang poortrait ni MoonLover kapag pumunta kami sa art exhibit pero bakit wala roon noong pumunta kami?” Hindi mapigilan ni Georgina na pagalitan si Rhett nang tumawag ito sa kanya via video call. Kakabalik lang nila sa Maynila at agad na silang dumiretso sa mansyon ng mga Farrington dahil sa pamimilit ni Fredrick. Ni hindi na siya nakapunta sa kanyang opisina. Dahil pagod na rin siya at gusto nang magpahinga ay hindi na rin siya tumanggi. Kakatapos niya lang maligo nang magpasya siyang tawagan si Rhett. Medyo madilim ang background nito at hindi niya alam kung nasaan ito.“Yes, I did say that. But something happened and I couldn’t make it to the exhibition.”Nairolyo ni Georgina ang mga mata sa tila walang pakialam na boses ni Rhett. “Kung nasa sa ‘yo ang painting, ibenta mo na sa akin. How much would that be?”“Not saleable. If you continue with the deal I gave Fredrick I will consider giving it for free.”Patamad na humiga si Georgina. Dahil sa malak