Share

Chapter 174: Meeting her father

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2025-03-19 18:11:07

Nagkasalubong ang kilay ni Georgina nang walang makuhang sagot mula sa kabilang linya matapos lumipas ang tatlong segundo na sagutin niya ang tawag.

“Hello?” muling tanong niya. Tuluyang nang nawala ang antok niya. Pinatungan niya ng roba ang suot na nighties at bumaba ng study habang nakaipit sa gitna ng balikat at tainga ang cellphone. Sa kamay niya ay ang baso na wala nang lamang tubig.

Akmang papatayin niya ang tawag nang biglang may nagsalita sa kabilang linya. “Hello? Si Georgina ba ito?”

Boses ng matandang lalaki ang narinig ni Georgina na nagsalita. Huminto siya sa pagbaba ng hagdan saka tinanong ito. “Sino kayo?”

“Georgina, iha. Si lolo Mio mo ito. Baka naman puwede mo kaming bisitahin dito at may gusto lang akong sabihin sa ‘yo. Saka gusto ko ring magpasalamat sa ginawamong pagligtas sa akin noon.”

Ipinagpatuloy niya ang pagbaba sa hagdan habang kausap pa rin ang lolo ni Fredrick. “Naku, hindi na ho kailangan. Maliit na bagay lang naman po ang ginawa ko.”

Ayaw niyang mak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po
goodnovel comment avatar
Cita Parungan
more update plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 175: ....

    Next:Napaatras si Georgina sa labis na pagkabigla pero agad ring nakabawi. “Ah, hello, Mr. Farrington!” agad na bati niya. Hindi pa siya handa na makipagkita rito at makipag-usap na silang dalawa lang. “Pasensya na at nagulat ata kita, iha. Ikaw ba ang bisita na sinasabi ng aking ama na nagligtas sa kanya noon? Hindi ko akalaing kilala mo na ako kahit hindi pa tayo nagkikita?”Halata sa boses ni Mr. Farrington ang pagtataka pero nginitian lang ito ni Georgina. Hindi niya puwedeng sabihin na ama niya ito. “We once met at Mr. Malvar’s party,” maikling paliwanag niya. Hindi niya gusto ang matiim na titig sa kanya ng matanda na tila ba kinikilatis ang buong pagkatao niya. “Ah!” palatak ni Mr. Farrington. Inilapag nito sa isang tabi ang hawak na pambungkal at hinubad ang suot na gloves. “So, ikaw rin pala ang nakakuha ng atensyon ng aking biyenan kaya ginusto niyang maging apo ka? You are very lucky, iha. Hindi na ako nagtaka na nagustuhan ka ni papa dahil kahit ako ay masasabi kong kam

    Last Updated : 2025-03-19
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 176: I want your life

    “Georgina, isa kang sinungaling!” Nangunot ang noo ni Georgina nang marinig ang sinabi ni Jerome. Dinala siya ng binatilyo sa kuwarto nito at pinalabas ang assistant nitong abala sa paggawa ng homework nito. Umupo si Georgina sa upuan na inalisan ng assistant ni Jerome at kinuha ang homework na ginagawa nito. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” Sinulyapan niya si Jerome na nagpupuyos ang loob na nakatingin sa kanya bago ibinalik ang tingin sa hawak na papel. Madali lang ang homework ng binatilyo pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong ipagawa iyon sa assistant nito. Palihim siyang napailing sa katamaran nito. “Hindi ba ang sabi mo ay hindi mo na babalikan si kuya Rhett? Bakit ngayon ay magkasama na naman kayo? Alam mo ba kung gaano kalungkot si ate Celeste dahil sa hindi mo pagtupad ng pangako?” puno ng sama ng loob na kastigo nito. Hindi niya nilingon si Jerome at kinuha ang ballpen na nakalatag sa isang tabi saka inumpisahan ang paggawa ng iba pang homework nito

    Last Updated : 2025-03-20
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 177: Snow Globe

    “Paano kung gusto kong kapalit ay buhay mo para turuan ko ang anak mo?” Matiim na tinitigan ni Georgina si Charlotte habang pinapanatili ang maliit nilang distansya. Kapag mapatunayan niyang ito ang may kasalanan sa pag-alis nila sa mansyon ng kanyang ina ay malalagot ito sa kanya. Binalot naman ng takot si Charlotte nang makita ang pagbabanta sa hitsura ni Georgina. Napaawang ang labi nito at hindi makapagsalita. Hindi ito sigurado kung tama ba ang narinig na sinabi ni Georgina o guni-guni niya lang. Hindi siya dapat magpakita ng takot sa taong hindi naman niya kilala pero nang inulit nito ang unang sinabi ay tila nahipnotismo siya at hindi makapagsalita. “A-anong sinabi mo?” nauutal na tanong niya. Nilapitan pa ni Georgina si Charlotte hanggang isang dangkal na lang ang hakbang nila saka inilapit ang mukh sa tainga nito saka binulungan sa tainga. “Ang sabi ko, gusto ko ang buhay mo ang kapalit.”Mabilis na napahakbang paatras si Charlotte at muntikan pa itong mapabagsak kung hin

    Last Updated : 2025-03-20
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 178: Am i born from different father?

    “Alam mo ba na ang bagay na ‘yan ay mahalaga sa kapatid ko? Kapag nakita ka ni kuya Fredrick na binasag ‘yan ay mananagot ka, Georgina.”Isang matalim na tingin ang iginawad ni Georgina kay Celeste. Sinasabi na nga ba na walang magandang idudulot ang pagsama niya rito. Kung hindi lang talaga napukaw ang interes niya dahil gusto niya ring libutin ang mansyon upang bumalik ang kapamilyaran niya rito ay hindi siya sumama.Hindi niya pinansin ang pasaring ni Celeste at nag-squat upang pulutin ang mga bubog sa sahig. Magulo pa rin ang isip niya dahil sa biglang pag-flash ng mga alala pero sa sobrang tagal na niyon ay hindi na niya kayang ibalik sa isip. Ang pagpulot ng bubog ang tagpong naabutan ni Fredrick.“Georgina! Ano'ng nangyari? Biyiwan mo ‘yan at baka masugatan ka pa!” Agad na nilapitan ni Fredrick si Georgina nang makita itong hawak-hawak ang bubog ng nabasag na snow globe. Hindi ito pinansin ni Georgina dahil nakatutok ang atensyon niya sa hawak na pigura ng batang babae na nang

    Last Updated : 2025-03-21
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 179: Bad Guy

    “No. Magkapatid tayo sa ama at ina, Georgie. Pero may pagkakataon lang talaga na may nakakita sa ating ina na lumabas ng isang hotel kasama ang ibang lalaki.”“Hah! At naniwala ka naman? Mr. Farrington, matatawag mo ang sarili mo na anak ng aking ina kung sa hindi napapatunayang bagay ay naniniwala ka?” Tumayo siya sa kama saka itinuro ang pinto. “Pagod na ako at gusto kong magpahinga. Kung hindi mo mamasamain ay matutulog muna ako dito sa kuwarto,” pagtataboy niya. Kaagad a tumango si Fredrick at hindi pinansin ang galit niya. “Oo naman, Georgie. This room is yours. Anytime ay pwede kang matulog dito.” Pagkatapos niyon ay lumabas si Fredrick at hinayaan na mag-isa sa kuwarto si Georgina. Hindi pa rin mawala-wala ang inis ni Georgina nang umalis si Fredrick. “Huh! Ano’ng ebidensya? Gusto niyo lang gawaan ng kuwento ang aking ina para siraan niyo siya sa pamilyang ito!” Kahit sinabi niya kay Fredrick na pagod siya ay nawala ang kanyang antok dahil sa galit. Kaya naman napagpasyahan

    Last Updated : 2025-03-21
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 180: Let's toast

    Kinagabihan, iniwan ni Georgina si Santino kay Nolan na inatasan ni Fredrick na magbantay sa labas ng kuwarto dahil ayaw nitong may umistorbo sa pamamahinga niya. Hindi niya alam kung bakit nasa pamamahay pa rin ng Farrington ang lalaki kahit weekends naman. Ganito ba talaga kasipag ang mga kalalakihang negosyante? Kahit ang asawa niya ay abala kahit araw ng sabado. Well, sigurado naman siyang wala itong ibang inaasikaso.Nang makababa siya sa hapagkainan kasama ang kasambahay na sumundo sa kanya ay halos kumpleto na ang buong pamilya. Kahit ang walang kuwenta niyang ama ay naroon din. Lihim siyang napaismid. What a happy family! Kung titingnan ay lumalabas na siya ang sampid sa pamamahay na iyon. Kung hindi lang niya alam na isa rin siyang Farrington ay masasabi niyang isa talaga siyang sampid sa sarili niyang pamamahay. Georgina suddenly felt down. Kahit saang pamilya ay sampid siya. Kahit sa pamilya Lucindo ay hindi niya ramdam na may pamilya siya. Matinding hirap ang pinagdaanan

    Last Updated : 2025-03-22
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 181: You Reap What you sow

    Isang salita ni Fredrick ay tumigil sa pagsasalita ang lahat, lalo na sina Celeste at Charlotte. Bigla namang tumayo ang dalaga at nagpaalam. “Sandali lang, kuya. Nakalimutan kong uminom ng gamot ko, kaya pala medyo iba ang pakiramdam ko.” Hindi pa man nakasagot si Fredrick ay tumalikod na ito. Sa mansyon ng Farrington, bukod kay Lolo Mio ay mas may kapangyarihan ang salita ni Fredrick keysa sa ama nito na tila laging walang pakialam sa lahat. Ngumisi si Georgina. Alam niya sa banyo ang tungo ni Celeste at hindi iinom ng gamot tulad ng idinahilan nito. Kung tama ang hinala niya na may inilagay ang mga ito sa inumin para mapahamak siya ay maapektuhan din niyon si Celeste dahil mas marami ang ininom nito. “Ahm… excuse me rin po. Kailangan ko lang pumunta sa banyo,” biglang pagpapaalam niya. Gusto niyang sundan si Celeste para kumpirmahin ang hinala niya. “Sure, iha,” kaagad na sang-ayon ni Lola Andrea. Simula pa lang ay malamlam at puno nang pangungulila ang tingin nito.“Mag-ingat

    Last Updated : 2025-03-23
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 182: Get paid

    “Tita Charlotte, sana lang ay walang may ibang inilagay sa juice na ininom ni Jerome dahil kapag mayroon man, ay hindi ko mapapalampas ang pagkakamaling ito.” Lahat ng tingin ay nalipat kay Fredrick nang magsalita ito. Kahit si Georgina ay napamangha sa una pero nang maalala kung gaano ito nagpapalakas upang mapatawad niya ay naiintindihan na niya kung bakit. He wants to ne on her good side. “Fredrick, iho. Ano’ng sinasabi mo? Of course, wala akong ibang inilagay. Kita mo naman pati si Georgina at Celeste ay uminom ng juice, hindi ba? Pero wala namang nangyari sa kanila.” Tila takot na takot na sagot ni Charlotte. Naningkit ang mata ni Fredrick sa sagot nito. Sa pagkaalala niya ay pilit na pinapainom ni Charlotte si Georgina kanina ng juice pero hindi nito ininom lahat. Maayos lang kaya ang lagay nito? At bakit walang nangyari kay Celeste? Hinanap ng mata niya ang kapatid pero wala na ito at hindi niya mahagilap. Ang hindi niya alam ay tinawagan nito ang kasambahay para itapon laha

    Last Updated : 2025-03-24

Latest chapter

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 212: Vaia Lecta

    Habang abala si Georgina sa pag-iisip kung paano makatakas, sa kabilang banda ay nagtataka naman si Tony kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Georgina. Hinayaan niya ito at baka natanghali lang ng gising dahil natural lang sa buntis na laging tulog. Pero sa kabilang banda ay hindi mapakali ang isip niya. Bitbit ang kape ay lumabas siya ng kanyang opisina upang puntahan si Vaia pero pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya sa koridor si Nathalia na may kausap. Masaya ang dalaga dahil sa jokes ng kausap pero hindi si Tony. Mula nang mahigpit siyang sinabihan ni Georgina na ‘wag patulan si Nathalia ay iniwasan na niya ang dalaga kahit pa nahihirapan siya. Mula nang araw na ni-reject niya ang pagpapakita nito na gusto siya nito ay halos hindi na siya nakikipag-usap dito unless may importanteng kailangan sa trabaho. Hindi niya personal na kilala ang kausap ni Nathalia pero alam niyang bagong tanggap ito sa kumpanya at mataas ang credentials at mula sa mayamang pamil

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 211: Her Real Enemy

    “Pasensya na po, Miss Georgie. Kabilin-bilinan ni Sir Rhett na huwag muna kayong palabasin hangga’t hindi siya nakakabalik. Malapit na pong matapos ang inaasikaso niya sa ibang bansa at makakabalik rin po siya kaagad.”Hindi makapaniwalang tiningnan ni Georgina si Julios saka matabang na ngumiti. “This is ridiculous!”Kailangan niyang lumabas ngayon dahil may problema siyang dapat na ayusin sa kumpanya kaya imposible itong pagkakakulong sa kanya sa bahay. “Miss Georgie, kung gusto niyo pong makipagkita sa kaibigan niyo ay pwedeng sila ang papupuntahin niyo rito. Ang bilin ni Sir Rhett, hangga’t hindi kayo nanganganak ay hindi kayo maaring lumabas.”Alam ni Georgina na inutusan lang ni Rhett si Julios pati na rin ang ibang tauhan nito kaya ayaw niya ang mga itong pagalitan. Naikuyom niya ang kamao sa magkabilang-gilid upang pigilan ang inis na unti-unting namumuo. “Gigi…” Nilingon niya si Lola Rhea na galing kusina kasunod si Rizza at Santino. Mukhang kakatapos lang ng mga itong mag

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 210: Leaving

    Hindi gaanong maliwanag sa VIP room at kahit nakaupo sa magkabilang gilid niya ang dalawa ay hindi makita ng mga ito kung ano reaksyon ni Georgina. Tumalim ang kanyang mata nang marinig ang sinabi ni Vaia at biglang naalala ang sinabi ni Duncan. Tama nga ito na hindi seryoso sa kanya si Rhett. Nanikip ang dibdib niya sa galit na namuo dahil sa pagsisinungaling ng asawa pero matibay na ang loob niya at hindi niya pinakita sa dalawa na nasasaktan siya. Inilahad niya niya ang palad kay Vaia. “Mayroon ka bang litrato ng babae? I want to take a look at the woman my husband—no, hindi pala kami magasawa—Rhett married.”Inilabas ni Tony ang cellphone at ito ang naglatag sa kanyang palad kung saan nakabalandra ang mukha ni Olivia at ni Rhett na magkasamang lumabas sa isang hotel. Hindi lang iyon. Base sa hitsura ng babae ay isa itong latina. Or maybe half-filipino, half-mexican. Masiyado ring bulgar ang suot nitong damit na ikinataas ng sulok ng labi niya. Sa iba’t ibang larawan na nakuha ni

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 209: The Truth is, he is a married man

    Imbes na sa opisina ay napagkasunduan nina Georgina at Tony na sa G’s bar magkita dahil gusto siyang samahan ni Rhett. Hindi siya nito papayagang umalis kung hindi ito kasama. “Ahh, Mr. Castaneda, nagkita tayong muli,” bati ni Tony nang makapasok sila sa VIP room na kinuha ni Tony para sa kanila. Kasama nito si Vaia na isang malamig na tango lamang ang ibinigay kay Rhett pero mahigpit na niyakap si Georgina na para bang kino-comfort. “Hmm… I wonder why you, my wife’s FRIEND, want to meet her at this kind of place?” Hindi nagtataka ang klase ng pagtatanong ni Rhett kundi maawtoridad. Napakamot sa batok si Tony saka sinulyapan si Georgina. “Gusto ko lang ipakita kay Boss kung gaano ka-successful ang bagong plano na pinaimpliment niya sa G’s. Hindi naman siguro masamang ipakita iyon sa kanya dahil pagmamay-ari niya ito, hindi ba, boss?” Sa huling salita ni Tony ay nilingon siya nito at kinindatan kaya tumango si Georgina.Alam niya na ku

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 208: Secretary

    Nairolyo ni Georgina ang mata nang marinig ang pagdududa sa boses ni Rhett. Kaswal na inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng suot na bestida saka hinarap ang asawa nang walang kakaba-kaba. “Si Tony. Lumabas lang ako dahil ayaw kong magising kayong dalawa ni Santino. Bakit, may problema ba?”Bahagyang naningkit ang mata ni Rhett at nilapitan siya hanggang sa halos wala nang pagitan sa kanilang dalawa. “So, you two are still contacting each other?” Hinawi nito ang buhok niyang nakaharang sa mukha at inilagay sa likod ng kanyang tainga. His voice was gentle but the meaning behind it was cold and strong. “Tony is my assistant and my childhood friend. Pamilya na ang turing ko sa kanya kaya walang masama kung may kontak kami sa isa’t isa,” rason niya. Nilabanan niya ang matalim nitong tingin at hindi ipinakita na natatakot siya sa klase ng tingin nito. “You are not even blood related, how could you call him your family? Were they will be there kapag kailangan mo sila?”Tumaas ang isang

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 207: Important

    Hindi makapaniwala si Georgina sa narinig. Mabuti na lang dumating si Julios at kinuha si Santino saka nauna ang mga itong bumaba para kumain. Pati si Charlotte ay binitbit na rin nito. “At hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ako sa bagay na ‘yan? Wala akong ginawang masama, Rhett. Dahil ako ang biktima ng nakaraan.”Habang nakikinig ay lalong nangunot ang noo ni Georgina. Ano’ng nakaraan? May malalim palang dahilan ang hiwdwaan ng dalawang ito at hindi lang iyon dahil sa kanya? Kaya ba malamig lagi ang trato ni Rhett kay Duncan?Hindi sumagot si Rhett at blanko ang ekspresyon na nakatingin kay Duncan. While the latter spoke mischief again. “Pero hindi ka nagkakamali dahil gusto ko nga ang asawa mo. At kung hindi mo siya kayang alagaan nang maayos baka sa akin na rin ang bagsak niya.” Ngumisi si Duncan nang nakakaloko na biglang nagpalakas ng kabog ng dibdib ni Georgina at baka biglang magpang-abot ang dalawa. Tumalim ang m

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 206: Past History

    Hindi pinansin ni Georgina ang asawa at mabilis na hinugot ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot saka ito tinalikuran. Dahil walang nakuhang sagot mula sa kanya ay pumasok ito sa banyo at niyakap siya mula sa likuran. Feeling the warmth from the man’s embrace made Georgina’s heart beat erratically. Gustong manlambot ng katawan niya at hayaan itong yakapin siya lalo na at nananabik na siya rito pero hindi hinayaan ng isip na manalo ang kanyang puso. “What are you doing? I need to wash up,” saway niya saka kinuha ang tootbrush, nilagyan ng toothpaste at nagsimulang mag-toothbrush. “I missed you, my wife.” Hinalikan siya nito sa leeg at bahagya pa iyong sinipsip at tumigil lamang nang mag-iwan iyon ng marka. “Ilang araw tayong hindi nagkita pero bakit ganito kalamig ang salubong mo sa akin, huh?”Nagkasalubong ang tingin nila sa salamin at si Georgina ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi siya makasagot dahil puno ng bula ang bunganga niya. Nang yumuko siya para magmumog ay

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 205: He is back

    Nang marinig ni Georgina ang kaparehong boses ng babae sa babaeng kinausap ni Rizza noong nakaraang araw ay tila may tumarak sa kanyang puso. Naghintay siya ng ilang sandali para ipaliwanag ni Rhett kung sino ang babae pero hindi siya nakarinig ng ano man kundi…“Alam kong oras na nang pamamahinga mo. Matulog ka na, okay? May gagawin lang ako sa labas ngayon,” may halong pagmamadali ang boses nito bago mabilis na pinatay ang tawag. Mapakla siyang tumawa saka tinapon ang cellphone sa kama saka lumabas ng kuwarto at hinanap si Santino para laruin. Mabuti naman at pinagbigyan siya ni Charlotte kaya maghapon silang naglaro, nagkuwentuhan at naligo pa sa swimming pool. Dahil doon ay wala na siyang oras para magmukmok at isipin kung ano ang pinanggagawa ng asawa.Nagpapasalamat din siya at hindi niya nakita ang anito ni Duncan at baka hindi na siya makatiis ay makakatim na ito sa kamao niya. She’s been holding back a lot of grievances lately that she felt her heart was full. May shooting r

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 204: Duncan

    A couple connected by a red string of faith will always be bound to each other. “Gigi, kapag dumating ang araw na hindi ka na nagugustuhan ng asawa mo, huwag mong pakahirapan ang sarili mo, okay? Bumalik ka rito at ako ang bahala sa ‘yo.” Noong nasa poder pa niya si Georgina ay palagi niya itong napapanaginipan na magiging mag-asawa ito at ng kanyang anak. Bilang isang devotee sa lumang simbahan sa bayan ay naniniwala si Rene sa kanyang napapanaginipan. Mapaklang napatawa si Georgina dahil kung ano man ang iniisip ni Lola Rene ay mukhang nangyayari na. “Naku, masiyado ho kayong nag-aalala sa akin, lola. Huwag niyo na po isipin kung ano man ang magiging kinabukasan ko dahil alam ko pong hindi ako pababayan ni Lord. Lagi niyo po akong ipinagdadasal sa kanya, eh.” Idinaan ni Georgina sa tawa ang ginagawa sa kanya ni Rhett upang hindi mahalata ng kaharap ang pinagdadaraanan niya. Well, it’s not like she is a damsel in distress. She is a fighter. Kung lolokohin man siya ng asawa niya, na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status