Bella's POVNagising ako na medyo mataas na ang araw. Napailing ako na marealize na nakatulog ako kakabantay kay Jarvis. Hindi ko namalayan iyon. Dinama ko ang kanyang noo at nakahinga nan maluwag na bumaba na ang kanyang lagnat.Tumayo ako at nag unat. Grabe! Sumakit ang balakang ko doon ah! Matulog daw ba na nakaupo. Tsk!Teka.... Nagugutom na ako.Dahil doon ay nagpasya na akong lumabas ng kuwarto ni Jarvis at magluto ng kakainin naming dalawa.Pero bago ako lumabas ay inayos ko muna ang kumot niya at napangiti na makitang okay na si Jarvis.Jarvis' POVDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang huling natatandaan ko ay pinagod ko ang aking sarili kakalangoy at nang mapagod ay umuwi ako na hinang-hina.Bella?Dali dali akong bumangon pero napaupo din agad dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Nang sa tingin ko ay okay na ako ay nagpasya akong lumabas ng kuwarto. Una ko pinuntahan ang kuwarto niya pero wala siya doon. Bigla akong nakaramdam ng kaba.Kahit medyo nahihilo pa ako
Taki's POVNapabuntong hininga ako na tapusin ko ang tawag na iyon. Nakausap ko si Rei na hindi siya makakasama sa pupuntahan namin. May problema sa family niya. Mabuti na lang kanina nakausap ko Reus na hindi matutuloy ang pagpili ng bagong Emperor. Napostpone ito dahil sa pagkawala ni Jarvis. Alam ko na kasama ni Jarvis si Bella. Nakita ko sa cctv ng hospital na pagmamay ari namin. At hanggang ngayon ay wala pa kaming lead kung saan tinago ni Jarvis si Bella."Taki Saisuke."Hinamig ko ang sarili at tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin. Isang lalaki na nakasuot ng business suit ang nakita ko. "Yes?" kunot noong wika ko.Parang pamilyar siya."I'm Andrei," sabay lahad niya ng kanyang kamay sa akin.Hindi ko inabot iyon at tinititigan lang.Binawi niya iyon at pormal na tumingin sa akin. "Fiance ako ng Ate Pamela mo."Dahil sa sinabi niyang pangalan ay lalo akong nagseryoso. "I have no sister. Excuse me," paalam ko sa kanya."We are getting married."Napatigil ako sa paglalakad
Jarvis' POVNang makita ko na mahimbing na natutulog si Bella ay nagpasya akong tumayo. Bago ko siya iwan ay binigyan ko siya ng isang magaan na halik sa kanyang noo. Napangiti ako nang gawin ko iyon."Sleep well, Bella," mahinang bulong ko.Pagkatapos niyon ay tumungo ako sa balkonahe. Lumanghap ako ng hangin dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko dapat ito maramdaman, dapat ay masaya ako dahil kasama ko si Bella. Isang blessing na ito para sa akin. Ngayon ko narealize na hindi ako puwedeng magpadalos-dalos lalo pa't hindi maganda ang kundisyon ni Bella.Ilang minuto akong ganito, nag iisip kung ano ang dapat na susunod na gagawin. Nang biglang magvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng shorts ko.Isang message na mula kay Ate Pam. Napabuntong hininga na lang ako na mabasa ko iyon.Nakaramdam ako bigla ng sakit sa ulo. Isang desisyon ang ginawa ko at ito ay tawagan ko siya."Hello?" inaantok na boses ang aking naringgan. Humihikab pa siya."Rain," bungad ko sa kanya."Jarvi
Jarvis' POVNagising ako na marinig ko ang tunog na galing sa cellphone ko. Kahit pa inaantok ay kinuha ko ito. Doon ko napansin na hawak pa rin pala ni Bella ang kanang kamay ko. Hindi ko maiwasang ngumiti. It makes me happy. Dahil sa ayaw ko na magising siya ay ang kaliwang kamay ko ang ginamit para abutin ang cellphone ko sa table.Galing ang message kay Rain. Natulog ba ang lalaking ito? Napangiti ako na mabasa ang message niya, mukhang naayos na niya ang lahat. Natigilan ako na makita ko ang messages ni Ate Pam. Nakasaad doon ang pagkikita nila ni Kier na nauwi sa hindi maganda. Pagdating talaga kay Kier ay lumalambot ang puso ni Ate Pam. Labis na kinalungkot nito ang hindi pagtanggap ni Kier sa buhay niya. Sinabi rin niya ang kagustuhan ni Kier na ibalik na si Bella sa Manila kapalit na pagtanggap niya kay Ate Pam.How pathetic, Kier.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.Napatingin ako kay Bella na mahimbing pa ring natutulog. Biglang nawala ang lahat ng inis na nararamdaman
Bella's POV"A-Ako ba, Javis?" ulit ko sa kanya.Ngumiti siya sa akin. "Let's eat?"Bumagsak ang aking balikat sa aking narinig. Ayaw niyang sagutin ang tanong ko. "Jarvis---""Huwag mo nang ipilit pa, Bella. Gusto kong i-respeto mo na lang ang hindi ko pagsagot sa tanong mo," mahinahong saad niya.Napatitig ako dahil sa kanyang sinabi. "I'm sorry," mahinang wika ko.Bumuntong hininga siya. "I'm sorry din."Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Tara kain na lang tayo?" yaya ko na lang sa akin. "Gutom na talaga kasi ako," at ngumiti.Natawa siya at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Kinuha ko iyon at masaya kaming lumabas ng room niya.Hindi pa rin maalis sa isipan ko sa nabasa kong letter. Kahit hindi niya kumpirmahin ay alam ko na ako ang gumawa niyon. Hindi ako puwedeng magkamali! Sulat kamay ko iyon! Lalo na ang pirmang "Bella". Ganun na ganun ang pirma ko."Bella?" Kinagat-kagat ko ang aking labi habang napapaisip."Bella?""Huh?" gulat na nilingon ko siya."Bakit
Bella's POVNang magmulat ako, nasilayan ko si Jarvis na nakatitig sa akin. Doon ko narealize ang aking nagawa."Ah... Kukunin ko lang yung dessert natin ah!" nagmamadaling tumayo ako.Mabibilis at malalaking hakbang ang ginawa ko. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Mali! Sobrang mali ang ginawa ko! Dapat hindi ako tumugon sa halik na iyon! Dapat hindi ko siya muling hinalikan! Omg! Hindi kaya dahil ito sa wine na nainom ko? Kaya ganoon na lamang ang lakas ng loob ko na gawin iyon?Sa sobrang gulo ng utak ko ay hindi ko namalayan na natapilok ako. Ang nangyari ay nadapa ako at nauntog ng malakas sa isang bato."Bella?!" rinig ko na malakas na sigaw ni Jarvis.Nakaramdam ako ng pagkahilo at bago magdilim ang lahat ay nakita ko si Jarvis na sobrang nag-aalala na tumatakbo papunta sa direksiyon ko.Jarvis... Freak...Jarvis' POVShit! Ilang ulit ko na minura ang aking sarili sa nangyari kay Bella. Hinaplos ko ang kanyang noo na nasugatan. Hindi na ako mapakali dahil hindi pa rin ito n
Taki’s POVNang kumawala si Bella sa pagkakayakap ay tiningala niya ako. Tinignan niya ako ng ilang segundo at nagpakawala ng isang ngiti. Bahagya ako nakaramdam ng kaba na may kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata. Parang lungkot iyon. Naikuyom ko na lang ang aking kamao na marealize ang ibig sabihin niyon.Ilang araw palang nakasama ni Bella si Jarvis pero tila yata nagkaroon na ng puwang si Jarvis sa puso niya.“How are you?” nakangiting tanong niya.Hinaplos ko ang kanyang ulo. “I’m okay,” tipid kong wika. Napatingin naman ako sa gawi ni Jarvis na naglalakad patungo sa direksiyon namin kaya naman binalingan ko si Bella.“Ang mabuti pa ay mauna kanang pumasok sa kotse. Mag uusap muna kami ni Jarvis,” mahinahong sabi ko.Isang tango ang binigay niya pero bago siya sumakay sa kotse ay hindi nakaligtas sa akin ang mabilisang sulyap ni Bella kay Jarvis.Hindi ko nagustuhan ang aking nakita. Nakakaramdam ako ng pagkaselos na makita ko iyon.“Kier,” rinig ko na tawag sa akin
Taki’s POV Cemetery Nakatitig ako sa lapidang pinagawa namin para kay Bella habang inaalala ko ang kalagayan niya ngayon sa hospital. Gustong gusto ko nang umalis para puntahan si Bella pero hindi pa pwede. Isang tapik sa balikat ang nakapag pagising sa akin. Nilingon ko iyon na makitang si Rei ang mag gawa nun. “Rei,” sambit ko. “Ano na ang plano?” seryosong tanong niya sa akin. Bigla ako napaisip sa tanong niya. Ano na nga ba ang plano? Napasulyap ako sa father ni Bella na nakatingin din sa akin. Marahil narinig niya ang tanong ni Rei. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan. “Babalik ako ng Japan,” pinal na wika ko. Tumango-tango siya bilang pagsang ayon niya sa akin. “Hindi muna ako babalik ng Japan dahil may kailangan pa akong tapusin dito,” kaswal na sabi niya. Napatingin naman ako kanila Ryuuji at Natsume. Tumikhim si Ryuuji bago magsalita. “You already know my answer,” seryosong sabi niya. Napailing na lamang ako. Dahil nga sa “pagkamatay” ni Bella ay kasabay niyon
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu