Tokyo, JapanBella’s POVAsawa ko ba talaga siya?Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig pero iyon kasi ang unang pumasok sa aking isipan.Hindi siya tumanggi o sumang ayon man lang sa aking tanong.Pero hindi mawaglit sa aking isipan ang kanyang reaksiyon. Napangiti ako ng lihim dahil doon.Pero asawa ko ba talaga siya?Iyan ang paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili na iniwan na kami ni Dr. Saisuke na napag-alamanan ko na daddy niya. Totoo kaya? Hindi nga? Ang guwapo naman niya yata para maging asawa ko. “Hindi mo sinagot ang aking tanong,” marahan na sabi ko sa kanya."Ano ba sa palagay mo?" balik na tanong niya sa akin."Hindi ko alam," mabilis na wika ko.“Bakit ayaw mo?” nakangiting tanong niya.Napasimangot ako bigla. “Hindi naman sa ayaw.”“So gusto mo?” nakangiting tanong niyaNapatitig ako sa kanya. Nagpapatawa ba ‘tong lalaki na ito? Asawa?"Hindi mo ako asawa pero kung gusto mo totohanin ay okay lang din sa akin," nakangiting sabi niya.Napatitig ako
Taki Kier’s POV“Hey Asawa ko, h-hindi naman siguro m-mental hospital ito, di ba?” alanganin na tanong ni Bella. Asawa ko? Lihim akong napangiti dahil sa pagtawag niya sa akin, parang kiniliti ang puso ko.“What the heck, Ani?!” sigaw ni Empress na nakapagpagising sa akin.Tinignan ko siya na gulong-gulo sa nangyayari. Napahawak ako sa noo ko at hinilot ito. Mahaba-habang explanation na naman ito.“Empress, maari mo ba akong hintayin sa labas?” mahinahon na sabi ko.Nagtataka na tumingin lang siya sa akin at maya-maya ay tumango siya. Nang iwan niya kami ay nilingon ko si Bella na naguguluhan din.“Are you okay?” tanong ko sa kanya.“Who is she?” kunot-noong tanong niya.“She’s my cousin, Empress Kazuo," tipid na wika ko.“Empress Kazuo?” mahinang bigkas niya na tila nag-iisip siya.“Don’t force yourself,” nakangiting sabi ko sa kanya.Ngumiti siya sa akin na kinagaan ng loob ko. Iyon ang ngiti na lagi kong nakikita na nakapaskil sa kanyang labi.“Inaantok ako,” sabay pikit niya.Ume
Taki’s POVNaikuyom ko ang kamao ko sa mga nangyayari ngayon sa Japan. Nang malaman ng lahat ang pagkabuwag ng Shinigami Gang at ang pagkamatay ng leader na si Black Butterfly ay dumarami na ang naglalabasan na mga gang na naghaharihan sa buong Tokyo.Inaasahan ko na ito pero hindi ko matanggap ang nangyari kay Bella kanina, muntik na siya mapahamak . Huminga ako nang malalim at agad kong tinawagan si Ryuuji.“Hai?” tinatamad na wika niya.“Ryuuji," kaswal kong saad.“Nani, Taki?” inis na sabi niya.Napangiti na lamang ako sa narinig ko ang inis na boses niya. “I have a favor.”“What is it?” Mariin kong hinawakan ang aking cellphone sa galit. “Gusto kong hanapin mo ang leader ng gang na may symbol na blade sword.”“For what?” nagtatakang tanong niya.“He owes me,” seryosong sabi ko.“Oh.. Copy. I’ll call you later. By the way, do you know where is Empress?” tanong niya kinangiti ko.“I don’t know where she is, Ryuuji," wika ko.“Are you sure?” nagdududang tanong niya.“Of course,” ti
Bella’s POVNagulat ako nang may tumulong luha mula sa mga mata ni Taki, hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. “Taki---“ “It’s a yes or no, Bella,” nanginginig na wika niya.Nanghihina na napatingin na lamang ako sa kanya. “Tumayo ka, Taki.”Isang iling ang kanyang tugon.“Please… huwag mo akong pahirapan ng ganito,” sabay lahad ko sa kanya ang aking kamay.Sa una ay nag alangan siya pero sa kalaunan ay inabot niya ang aking kamay. Nag-iwas siya ng kanyang tingin kaya naman hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. “Listen Taki, you’re a perfect guy who deserves the best girl in the world but i think... that's not me.”Ramdam ko ang kanyang paninigas sa mga binitiwang salita ko at kahit hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Napabuntong hininga ako sa tensiyon sa aming dalawa. Alam ko sa pagkakataon na ito ay nasaktan ko na naman siya. “Don’t get me wrong," marahan na wika ko. "Honestly, kung wala lang siguro akong amnesia marahil nga pinakasalan na kita agad dahil sa
Taki’s Kier POVPaglabas ko galling sa kuwarto ni Bella ay nakita ko si Empress na nakatayo na mukhang hinihintay niya ako.“Bakit gising ka pa?” tanong ko sa kanya.“Hindi ako makatulog,” mahinang sambit niya.Napailing ako sa sinabi niya.“Umaasa ka pa rin ba na mamahalin ka ni Bella?” may lungkot sa kanyang mga mata na tanong sa akin.“Empress…” ang tanging nasabi ko na lamang.Heto na naman kami.“Tama na, Ani,” malungkot na saad niya. “Kung hindi—“Naglapat ang aking labi sa sinabi niya. “Huwag kang mangingielam Empress sa mga plano ko. May pag-asa pa—““Ani, mas mahirap naman ang umasa na mamahalin ka rin niya dahil alam mong sa una pa lang na hindi ikaw ang lalaking iyon,” malungkot niyang saad.Naikuyom ko ang aking kamao sa kanyang sinabi. “Even if Jarvis already owns her heart, I don’t give a damn!”“Stop it, Ani! Sa bandang huli ikaw lang ang masasaktan. Masakit ‘di ba?” naiiyak niyang sambit. “Sagad hanggang sa buto.”Sumulyap ako sa kanya at napangiti ng mapait. “You’re ri
TOKYO, JAPANBella’s POV“Good morning!” malakas na sigaw ko na makita ko si Ress-chan na papasok sa kusina.“Ano ang nakain mo at ng aga mo yatang nagising?” tanong niya sa akin habang may kinukuha sa loob ng ref.Tinignan ko lamang siya ng saglit at nginitian. “Hmmm... gusto ko kasing ipagluto si Taki,” nakangiting sabi ko sa kanya.Biglang tumigil si Ress-chan sa pag-inom ng orange juice at seryosong humarap siya sa akin. “Do you like, Taki?”
Bella’s POVTama na.Ang mga salitang paulit-ulit na umiikot sa ulo ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nasa pisngi ko pa rin. “Tell me, Taki…” sabay tingin ko sa kanyang mga mata. “Hindi ba ako naging masaya sa mga desisyon na ginawa ko? Hindi ba ako naging kuntento noon? Hindi ba worth it ang mga luha ko?”Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Dahan-dahan niya tinanggal ang kanyang kamay na nasa pisngi ko. “F*ck,” ang tanging nasabi niya at walang sabi-sabi na tinalikuran niya ako.Natulala ako sa pagtalikod niya sa akin.Nanghihina na napasandig ako at pumikit ng mariin. Inaamin ko na natatakot ako sa mga sinabi niya sa akin kagabi at nagdesisyon ako na aayusin ko ang lahat habang maaga pa. Ayaw kong mawala ang Taki na nakilala ko.Pinunasan ko ang mga luha ko at tinakbo palabas ng kuwarto ko. Tinungo ko agad ang kuwarto niya pero walang Taki ang naroroon. Narinig ko na lamang ang isang tunong na nagmumula sa motorcycle. Agad akong sumilip sa bintana, nakita ko si Taki
Taki's POV "Bakit hindi ka makasagot?" Rinig ko na tanong sa akin ni Jarvis na dahilan upang itigil ko ang pag aalala sa nakaraan. Hinarap ko siya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "Kung ano man ang nangyari noon ay hindi mo na kailangan pa malaman pa." Hindi niya pinansin ang aking sinabi. "Noong magkita tayo sa Japan kasama mo ba si Bella?" Bahagya ako natigilan sa kanyang tanong at nagpasyang huwag sagutin ang kanyang tanong. Natawa siya at tumang-tango nang paulit-ulit. "Great! Napahanga mo talaga ako, Kier." Bella's POV Nasa loob ako ng kotse ngayon habang si Taki ay nasa labas at kausap si Jarvis. Seryoso ang kanilang pag uusap at dahil doon hindi ako mapakali ngayon. Kating-kati na ako na lumabas dito para puntahan sila. "You want?" Nilingon ko ang nagsalita. Nakangiting Hana ang nakita ko na may hawak na chocolate. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Nakilala ko siya kanina, isa daw siyang kaibigan ni Taki sa Japan. "No thanks, Hana," malumanay na tanggi ko sa k
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu