Dahil kaming dalawa lang ni ma’am Lay ang nakakaalam tungkol sa pregnancy ko kaya ngayon, takang taka ang mga tao sa mga ikinikilos ko.Kanina, tinatanong ako ni Moni kung papasok ba ako sa school, umiling ako kasi ayaw ko.Nakakahiya dahil pinapaaral nila ako pero ayaw ko talaga at baka abutin ako ng sama ng pakiramdam doon.Tapos ngayon, panay kain ko ng mga pagkain na kung saan-saan ko isinasawsaw.“Is that normal?” rinig ko pang tanong ni Mr. Shein kay ma’am Lay nang makita niyang isinawsaw ko ang fried chicken sa ketchup at suka ng sabay.“Oo naman, normal ‘yan,” nakangiting sabi ni ma’am Lay sa kaniya. Sa tabi ko naman na si Moni ay nakangiwi, tipong sobrang weird ng mga kinakain ko.Nang matapos akong kumain, pumasok na si Moni sa school at si Mr. Shein sa trabaho kaya ako nalang ang naiwan sa bahay kasama ni ma’am Lay.“Tita, ano pong gagawin natin?” tanong ko. Nasa upper town kami dito sa bayan kaya sobrang refreshing dahil wlang masiyadong ingay at puro pa puno ang nakapalib
Kada umaga, pag magigising ako, nasa kwarto ko na si ma’am Lay para bantayan ako sa morning sickness ko.Hindi niya ako pinabayaan at hindi rin siya nagkulang sa pag-aalaga sa akin.Nahihiya na nga ako minsan.Nasa banyo ulit ako para sumuka.“Rachelle, kailangan natin pumunta ng OB,” sabi niya.“Po?”“Don’t worry, may kaibigan akong OB doon tayo,” sabi niya.“Kailangan mong matingnan para ma monitor natin ang bata sa tiyan mo anak,” sabi pa niya sa akin.Tumango ako at sumuka ulit.Ang hirap pala nitong pagbubuntis. Akala ko ay madali lang. Nagkamali ako kasi hindi naman pala madali ang lahat. Kung hindi ako masusuka ay nahihilo naman ako.Nang matapos ako ay saka ako tumayo at inakay ni ma’am Lay sa kama.“Mukhang pinapahirapan ka ng apo ko ah,” nakangiting sabi niya.Alanganin akong ngumiti at tumango. Mukhang ganoon na nga ang nangyayari.“Lady Lay,” tawag ng katulong sa labas.“Bakit?”“Dumating na po ang bagong security para magbabantay kay Ms. Rachelle,” sabi nito.“Ah sige. Pa
“Mia, salamat sa pagpayag mo na maging OB nitong anak ko,” sabi ni ma’am Lay at ako naman ang nahiya nang sabihin niya ang salitang anak.“Ano ka ba naman Lorelay. Para namang hindi tayo magkaibigan,” sabi nito saka tumingin sa gawi ko.Nakita ko ang magaan nitong ngiti sa akin. Gaya ni ma’am Lay at pamilya ni Rico, ramdam ko ang kasiyahan sa mukha nito.Para bang hindi kaso sa kaniya na galing ako hindi marangyang pamilya.“Hindi ko aakalain na may anak na ang anak natin, Lor.” Sabi niya kay ma’am Lay.“Ako nga rin Mia. I’m sure magugulat itong si Rico.”“Sabay ba silang uuwi ni Zee dito?”“Hindi ko pa alam e. Walang balita si Zee sa akin,” sabi ni ma’am Lay. “Nga pala Rachelle, itong si Mia ang mommy ni Rico. Pwede mo siyang tawaging mommy.”“Ay hala po!” Sabi ko.“Nakakahiya naman po tita,” sabi ko.Ngumuso si Doc Mia at sinabing, “mas ikakatuwa ko Rachelle kung tatawagin mo akong mommy.”Ako na ang nahihiya sa kabaitan na pinapakita nila sa akin.“S-Sige po,” sabi ko sa kaniya.Ng
Umuwi kami ng bahay kasama ni Doc Mia. Siya kasi ang nagmaneho ng sasakyan namin pauwi.Nasa likuran ako nakaupo habang si ma’am Lay naman ay tinatabihan ako.“Rachelle, Rico is calling,” sabi ni niya.Agad akong nabuhayan at agad na kinuha ang cellphone niya.“Sweetheart?” kakalagay ko lang ng cellphone sa tenga ko, narinig ko ang malambing na boses ni Rico.Kahit nasa tabi ko ang mama niya ay tumulo ang luha ko.“Rico, miss na miss na kita,” umiiyak na sabi ko. Nakita ko ang pagngiti ng mama niya at ni Doc sa sinabi ko. Nahiya ako bigla.“Aw. I missed you too sweetheart.”Hindi ko napigilan maging emotional.“Are you crying baby?” umiling ako at pinunasan ang luha ko.“Hindi ah,” sabi ko kahit na sunod sunod ng tumulo ang luha sa mata ko.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.“Kamusta ka diyan? Kumakain ka ba ng tama?” tumango ako sa tanong niya.“You missed me so bad?”“Opo,” sabi ko sa mababang boses at narinig ko nalang ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.“Damn it baby
“Ms. Rachelle, bakit po kayo nandito?” nasa maid’s quarter ako.“Wala po kasi akong matutulugan e,” sabi ko.“Pero Ms. Rachelle, doon po kayo pinapatuloy ni sir Rico sa kwarto niya.”Napahigpit ang hawak ko sa unan at naiiyak na naman. Hindi ko kasi alam kung kaano-ano siya ni Rico. Girlfriend niya ba iyon? Bakit ganoon iyon makaasta?“Doon niya po gusto matulog manang,” halos mag crack ang boses ko.“Isusumbong ko siya kay Lady Lay,”“Huwag na po manang,” sabi ko.“Ayos lang naman po ako,” dagdag ko.Nakita kong nagkatinginan sila mga katulong.“Masikip po dito sa maid’s quarter Ms. Rachelle. Kung gusto niyo po, aayusin ko ang guest room para makapagpahinga na kayo.”“Huwag na po. Aabalahin ko pa kayo e,” sabi ko.“Dito nalang po ako sa inyo manang. Para din po may kasama ako,” agad na bumagsak ang balikat ni manang pero sa huli ay pumayag rin siya na makitulog ako kasama nila.Dahil isa akong madaldal na babae, ayon, nagki-kwentuhan kami ng mga katulong sa mga buhay buhay namin hang
"AKIN NA IYAN!" Malakas na sigaw niya sabay hablot ng bulaklak sa kamay ko.Sa inis ko ay agad ko rin itong binawi sa kaniya."Akin ito. Kakasabi lang ni Rico na akin ang bulaklak na ito."Agad na nanlisik ang mata niya. "Ako ang girlfriend ni Rico kaya anong sinasabi mo?"Napahinto ako at nagulat sa sinabi niya. Anong girlfriend? Bakit siya magiging girlfriend ni Rico?Hindi ko na namalayan na kinuha niyang muli ang bulaklak at tumalikod."Ate?" napatingin ako kay Moni. Naguguluhan ang mata habang nakatingin sa amin."Shel," tawag ni Sico.Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang makitang lumapit si Eli sa kanila."Sico, inaaway ako ng babaeng iyan."Kumunot ang noo ni sir Sico habang nakatingin dito."Sino ka?""Oo nga. Sino ka ba? Hindi pala-away si ate Rachelle.""Ako si Eli Revajane. Girlfriend ako ng kapatid niyong si Rico." Sabi niya na nagpalaki ng mata sa dalawa."Kuya?" takang tanong ni Moni sa kuya Sico niya. "Sabi mo nakipag hiwalay na si kuya Rico sa girlfriend niya?""Iyon a
“Kuya, bakit hindi ko ma-kontak sina mama?” rinig kong sabi ni Moni habang nasa sala ako. Katabi ko siya sa kwarto niya dahil ayaw ni Eli umalis sa kwarto ni Rico.Isang linggo na mula ng nandito siya at hindi pa umuuwi sina ma’am Lay.“Mama said na may importante silang pupuntahan ni papa. Baka walang signal doon,”“Kailan daw sila uuwi?”“Na extend ang lakad nila. 2 months sila doon,”Nag-iwas tingin ako at naabutan ko si Eli na nakatitig sa akin.Nakita kong tumabi siya sa akin sa pag-upo.“Oh paano ba iyan? Nasa akin na sila,” malditang sabi niya.Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong kumakain.“Ang kapal din naman kasi ng mukha mo. Kabit ka na nga ng nobyo ko, nagbubuhay reyna ka pa dito,” aniya.Tumayo ako para lumipat ng mauupuan.“Shel,” tawag ni sir Sico sa akin kaya tumingin ako sa gawi niya.“Rico called, hindi mo raw sinasagot ang tawag niya?”Nagbaba tingin ako. “Pasensya na po kuya,” sabi ko.“It’s fine, Shel. Naiintindihan kita.” Aniya. Tumango ako.Naging ganito ang buh
Napahiya si Eli dahil sa magkapatid. Kinuha ni manang ang adobo at hindi na nagsalita pang muli si Eli.Nang matapos kaming kumain, nasa sala kami nanonood ng TV pero si Eli ay hindi na bumaba.Nasa guest room siya, nagkulong.“Bakit mo kasi sinabi iyon?” tanong ni Sico sa kapatid niya.Umingos si Moni. “Bakit naman? Anong masama doon? E totoo namang maalat ang luto niya. Pasalamat nga siya at hinayaan pa natin siyang tumuloy dito.”Natawa si Sico sa kaniya at ginulo ang buhok nito.Tumingin si sir Sico sa akin at binigyan ako ng pizza. “Salamat kuya,” sabi ko.“Mas gusto ko naman si ate Rachelle maging ate kumpara sa kaniya,” sabi ni Harmonia at sumandal sa akin.Natawa ako at sinandal din ang mukha ko sa ulo niya. “Ikaw talagang bata ka,” natatawa kong sabi.Pero salamat kasi nasa side ko sila. Kaya kahit magtaray pa sa akin at awayin ako ni Eli ay ayos lang kasi kakampi ko ang mga kapatid ni Rico.-------------------------------Kinabukasan, maaga akong nagising, pagkababa ko, si E