Kinabukasan, nagising ako nang hindi alam kung ano ang susuotin kahit na mamayang gabi pa naman ang date namin ni Diego. Banggitin ko pa lang ang salitang date, napapangiwi na ako. Ito ang unang beses na may nag–aya sa akin mag-date at si Diego pa. Nakakahiya na pumayag ako pero mas nakakahiya kung tumanggi rin ako, mas pinili kong pumayag at dahil nagustohan ko rin naman ito. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko sina Nanay na masayang nakikipag-usap sa mga helpers. Napangiti ako dahil hindi ganito kasaya si Nanay sa tuwing kausap ang mga kaibigan niya sa amin dahil hinuhusgahan siya ng mga ito. Lumapit ako sa kanila. "Magandang araw, Ma'am.” Ngumiti sa akin ang isang helper na bumati sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at bumati. "Ma'am, may kailangan ka ba sa akin ngayon?" Bumaling ako kay Mina nang tumabi siya sa akin at tumabi. Napakunot naman ang noo ko sa biglaang tanong niya. Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "Narinig ko si Sir Diego, inya ka mag-date mamaya. Mukhang kaila
Nagtataka ang lahat ng empleyado kay Diego dahil pagpasok pa lang nito sa building ay nakangiti na at binabati ang kahit na sino. Bihira lang niya itong ginagawa, ang ngumiti sa harap ng maraming tao at kinakausap nang masaya. Maraming nagtatanong kung ano ang dahilan kung bakit good mood si Diego. Takot ang karamihan sa kanya dahil ang ugali niya sa company ay ibang-iba sa harap ng mga kaibigan niya, lalo na kay Janella. Hindi ito makausap kahit simpleng bagay lang, kahit din na lalapit ang mga tao sa kanya ay nagdadalawang isip pa ang mga ito dahil sa mukha pa lang ni Diego na laging nakasimangot sa harap nila at kahit malayo pa sa kanila, alam na nilang nakakatakot ang aura nito. Gwapo nga siya pero para itong binalutan ng sama ng loob.“Good morning…huwag mo akong orderan ng pagkain mamaya.” Nagulat ang kanyang secretary na pumunta ito sa kanya at sinabi iyon haba
Hindi makasagot si Diego sa sinabi ni Andrei. Maybe he’s right, hindi naman malalaman ng kahit sino kung sino ang boss ng mafia orgnaization kung walang nakalabas mula sa team nila. Diego is a secret mafia boss of Dark Bloods. Matagal na nilang tinago ang organization na ito sa lahat ng mga tao, kahit sa mga asawa ng mga kasali sa Dark Bloods ay hindi nila pinaalam para sa kaligtasan ng kanilang pamilya. The father of Diego is the original founder of the Dark Bloods since Diego is the eldest, dito niya pinamana at hindi iyon alam ng pamilya ni Diego, tanging siya lang ang nakakaalam na siya ang pinamanahan ng kanyang ama.“We will investigate everyone in our team,” Diego said. Tumango si Andrei at sabay na silang umalis ng kumpanya.Si Andrei ang nagmamaneho, nasa co-pilot naman si Diego at ang Tatlo na
“What the fuck? Bakit naman ako ang pinaghinalaan mo? Nababaliw ka na ba kaya sa akin ka na naman nakatingin.” Lumakad si Andrei papunta sa living room, sinundan nila ito.“Sandali nga Diego, ano bang nangyayari?” tanong ni Fred na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa natuklasan.Bumaling sa kanya si Diego pero inbis na sagutin niya si Fred tinanong niya ito. “Anong oras na?” Napakunot ang noo nilang nakatingin kay Diego, iniisip na nga nilang nababaliw na si Diego.“It’s already twelve—”“Damn it!”Nagulat sila nang biglang umalis si Diego at iniwan s
Tumingin muna si Janella kina Mina bago sumunod kay Diego na papunta sa kwarto. Kinakabahan si Janella dahil nakita niya ang hitsura ni Diego na seryoso na para bang may nagawang mali si Janella.‘Did I do something wrong?’ Kianakabahang tanong niya sa sarili.Pumasok na si Diego sa kwarto at bago pabuksan ni Janella ang pintuan, huminga siya nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Nakita niya ang likod ni Diego na nakatayo sa harap ng binata niya. Bago pa siya magsalita tiningnan niya muna ang buong nasa loob ni Diego, unang beses niyang pumasok sa kwarto ni Diego kaya mas lalo siyang napahanga dahil malaki ito, kulay light blu ang king size bed and higit sa lahat, kasing laki ito ng living room. Tumingin pa siya sa gilid at nakita niyang may malaking television na may malaking couch din. Nais niya pa sanang t
Nahihiyang lumabas si Janella sa kwarto ng magulang niya, muntikan niya na ngang masapak ang sarili dahil ang adult niya na pero nagpapaalam pa rin ito sa magulang. Kahit naman na may hindi alam ang magulang niya na sobra pa sa inaakala ng mga tao. Ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang kabahan lalo na kung si Diego ang kanyang makakasama sa isang kwarto.But, speaking of Diego. Iniisip pa rin ni Janella kung ano ang dahilan ni Diego kung bakit naisipan siyang ayain na matulog sa kwarto. Paanong hindi siya magtataka kung ito ang unang beses na sinabi ni Diego. Kinakabahan pa rin siyang hanggang ngayon dahil iniisip niya kung ano ang mangyayari na silang dalawa lang sa loob ng isang kwarto ngunit inalis niya agad iyon sa kanyang isipan, hindi dapat siya nag-iisip ng ganoong bagay. Tama naman si Diego na dapat ay masanay silang dalawa na ansa iisang kwarto na magkasama dahil balang a
Nagpahatid lang sina Diego at Janella sa driver, dinala ni Diego si Janella sa mamahaling restaurant at tanging sila lang dalawa sa pwesto na pinili ni Diego. It’s exclusively sa mga VIP member at dahil ang may ari ng Wilbohn Restaurant ay si Fred, kasamahan din ng Dark Blood Organization kaya pinahanda ni Diego ang gabi ito bago pa man sila nagkagulo kanina sa condo ni Angelo.Nang makarating sila, unang bumaba si Diego at inalalayan si Janella sa kabilang pintuan ng likod ng kotse. Nahiya pa si Janella dahil nakaramdam siya ng kakaiba nang hawakan ang kamay ni Diego. Dahil ito ang unang beses na makakapunta siya sa marangyang lugar at mamahalin, hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya sa lugar at kung paano ka-gentle si Diego sa kanya. Pakiramdam niya, ang special niya para kay Diego at ang araw na ito ay para lang sa kanilang dalawa.
Nang matapos ang gabi nila sa restaurant ni Fred, inaya ni Janella na gumala muna silang dalawa sa park na malapit lang din sa restaurant. Naglalakad sila at iniwan muna ang kotse. Tahimik ang paligid, tanging kaunting sasakyan na lang ang nakikita. Alas Diyes na ng gabi kaya wala ng masyadong nakikitang tao sa park. Tahimik na naglalakad sina Diego at Janella habang magkahawak ang kamay. Hindi mapigilan ni Janella ang pagngiti kanina pa, hindi rin siya makapagsalita dahil mas gusto niyang ramdamain ang kamay ni Diego sa kamay niya. Si Diego naman ay mas lalong nagustohan ang kaganapan. Sa kanyang iniisip ay mas maayos na kung ganito palagi, magaan ang kanyang pakiramdam habang kasama si Janella. “Hindi mo ba na-miss ang pamilya mo?” tanong ni Janella nang nakaupo na sila sa bench. Tumingin si Diego sa kanya saglit bago tumingin sa langit. “I missed them…a lot.” Janella looked at him, inaantay na may sasabihin pa si Diego. “Pero nasanay na rin akong hindi ko sila nakakasama ng ilan