<3
ZEYM "Saan ka galing Zeym?" tanong ni Sico nang makabalik ako galing sa bahay ni congressman. "May inasikaso lang sandali," sabi ko sa kaniya at nilagpasan siya para tignan si Lando. Wala na ang dalawang bangkay, mukhang niligpit na nga myembro ng org. Nawalan lang ng malay si Lando, hindi siguro siya nakalaban kanina dahil kay Rit. Inuna niya sigurong patakasin ang bata dahilan kung bakit nakatakbo pa si Rit papunta sa akin. Ngunit kapalit naman no'n ay napuruhan siya. May mga pasa siya sa katawan, at kitang kita na nasasaktan siya dahil kahit nakapikit ay napapangiwi siya. "Sino-" itatanong marahil ni Sico, sinong likod ng pag-atake at anong pakay. Inunahan ko na siya. "It's Lando's business, Sico. Sorry at nadamay si Rit. Nasindak ko na ang salarin, kung hindi pa rin sila titigil, then you can kill him," "You made a deal with him?" naisip niya agad ang gusto kong mangyari. Yes, I'm giving congressman a chance to live. Hinarap ko siya at tumango. Kumunot ang noo niya
ZEYM NAALIMPUNGATAN ako sa lakas ng katok mula sa pinto. Naiinis na tumayo ako para tignan kung sino, at nakita si Lando na halos hindi na maipinta ang mukha. “Anong—" hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong higitin at niyakap. Sa sobrang higpit, nasikmura ko siya. “Ano bang problema mo?” naiinis na tanong ko. “Ayos ka lang? Wala bang nangyaring masama sa ‘yo?” Napakurap-kurap ako sa mga katanungan niya. “Huh?” “Henry told me sinugod mo raw ang congressman. Nasugatan ka raw at—" huminto siya nang napagtanto na niloloko siya ng kaibigan niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “So pumunta ka dito para e check ako?” Hindi niya alam anong sasabihin pero makikita sa mata niya ang kaginhawaan na ayos lang ako. Saka kelan pa ako hindi naging maayos? Sa pakikipaglaban ako magaling. “Gusto ko nalang itali ka sa bewang ko ng sa ganoon ay mabantayan kita,” natawa ako sa sinabi niya kasi ang totoo, parang ako yata ang nagbabantay sa kaniya. “Lando,” “Alam kong hindi mo ako gu
ELIZABETH “Okay ka lang?” tanong ni Morious. Tabi kami sa plane. “Oo,” sagot ko kahit na nalulungkot ako dahil maiiwan ko ang mga anak ko. “Hindi ka ba natatakot na maiiwan si Sico at Zeym kasama ng mga anak niyo? Hindi ba parang familiar ang scenario?” Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko naisip na maiiwan si Zeym at Sico kasama ng bata, tapos baka magkagustuhan sila ulit. Ang totoo ay natakot ako sa ideyang iyon. “I trust them,” ang sabi ko kay Morious. Pero walang magagawa kung pagdududahan ko lang sila. Pumikit ang mata ko at isinandal ang ulo ko sa inuupuan ko. “Pero paano nga kung sakaling magka-inlaban ulit sila?” Bakit ba ang ingay ng lalaking ito? “Move,” napamulat ako nang mata nang marinig ang boses ni Sico. Hindi makapaniwalang tumitig ako sa mga mata niya. Anong ginagawa niya dito? B-Bakit siya nandito? “Sico?” “This is my seat-" Morious “I don’t care. Move,” malamig na sabi nito. Napakurap kurap ako ng ilang beses sa nasaksihan. Si Morious ay w
ELIZABETH “Tama na po ba ito Doc?” “Tama na iyan, anak, at ilagay mo muna iyan sa tabi dahil hindi pa ako tapos magbalat,” aniya. We’re making Maruya, request ni Sico at daddy Zee. Nasa fish pond pa sila ngayon ay panay pa tawanan. Naririnig nga namin ang mga tawa nila dito sa loob dahil sobrang lakas ng halakhak nila. “Ganiyan talaga iyang si Zee at Sico,” sabi ni Doc. “Close kasi ang dalawang iyan dati, halos hindi na nga maipaghiwalay. Iyan din ang rason ng bangayan ni Harold at Zee. Nagsi-selos kasi si Harold diyan sa isa lalo’t ang anak na siya sana niyang kamukha ay sobrang malapit kay Zee.” Nakikita ko nga kung gaano ka nagkakaintindihan ang dalawa na para bang may sarili silang mundo. “Si Rico kasi ay parang si Harold ang ugali. Masiyadong seryoso naman ng batang iyon pero pareho namang mahal ni Zee. Itinuring niya kasi ang kambal na anak niya.” “Nakakatuwa nga po pala talaga sila,” nakangiting sabi ko. “Masiyado kasing magulo ang buhay ni Lorelay dati kaya heto at naki
ELIZABETH (After 3 years) “So how’s everything?” tanong “Everything is set,” sagot ni Morious Napabuntong hininga ako at napatitig nalang kay Morious na natatawa habang nakatingin sa akin. “Gusto ko ng umuwi, tapos na ang 3 years contract ko sa kanila,” sabi ko. “I guess so. Hahanap na naman sila ng bagong magdi-deal sa kanila,” sagot ni Morious sa akin. 3 years din akong nagpabalik balik sa Spain, pero hindi naman ako dito nakatira. Sa isang taon, may tatlo o limang magkakaibang buwan akong babalik dito tapos uuwi na naman ng Pinas. Ngunit sa taong ito, nag-extend ako ng isa pang buwan dahil kailangan sa trabaho. Bale anima na buwan ako dito. Nandito ako no’ng January, March, June, September, at ngayong November til December. Mabuti at tapos na ang kontrata ko sa kanila. “Sobrang yaman mo na ah?” sabi ni Morious sa akin. Inilingan ko lang siya. “Libre naman diyan,” natawa ako sa kaniya. “Tara. Gutom na rin ako,” Maayos naman ang relasyon namin ng lalaking ito. Mapagkakati
Binalikan ko si Morious at Rachelle sa loob matapos kong kausapin si Sico. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang dalawa na naglilinis. “Morious, sorry talaga,” nahihiya kong sabi. “Baliw kasi si Sico minsan,” dugtong ni Rachelle “Bakit niya ba ako pinagsi-selosan?” takang tanong ni Morious at tumingin naman ako kay Rachelle. “Dahil sa asawa niya,” pagkasabi ko no’n, tumawa siya. See? Pareho na sila minsan ni Rico nang ugali. Napailing nalang si Morious sa amin. Ano na kaya ang iniisip niya? Matapos naming maglinis ay nagpadeliver ako ng pagkain but kasama namin si Rachelle para ng sa ganoon hindi magselos si Sico oras umabot sa kaniya ang balita na nagdinner kami ni Morious na magkasama. Libre ko, nakakahiya naman kay Morious. Pag-uwi namin ni Rachelle, naligo agad ako bago ko tinawagan ang mga anak ko pero si Zeym ang sumagot. “Uy, how’s Spain?” natatawang aniya. “It’s still the same,” nakangiting sabi ko. Zeym is still beautiful. Mas lalo pa siyang gumanda nga ngay
“Sigurado ka ba ate na hindi mo sasabihan si Sico na uuwi ka?” umiling ako. “I wanted to surprise him,” isa pa, hindi na rin ako mapakali. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari. Binabagabag ako sa sinabi ni Zeym tungkol kay Kua. “Paano naman ang mga anak mo?” “Nasa kay Zeym pa sila ngayon. Baka doon ako una diderestso sa kanila para sabay kaming pupunta kay Sico kasama ng mga bata.” Bumuntong hininga si Rachelle at tumango. “Mag-iingat ka sa byahe ate, susunod kami sa Pinas,” aniya Ngumiti ako at kinuha ang maleta ko at pumasok sa airport. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga anak ko. Naging mabuti naman ang naging byahe ko, walang masyadong komplikasyon. Nakapagpahinga rin ako ng tama sa ilang oras na eroplano ako. Ngayon nga ay nakasakay na ako ng taxi at papunta na sa bahay ni Zeym. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi ko alam bakit pero kinakabahan ako. Matapos ang ilang oras, nakarating na rin a
Maaga akong nagising at chineck ang temperature ni Kua, kanina umaga ay inapoy siya ng lagnat. Agad ko siyang pinainom ng gamot at ginawa ang lahat na bumaba ang lagnat niya. Habang nagluluto ako, biglang dumating si tita—ang ina ni Sico. For 3 years mula ng legal na annul na si Zeym at Sico, doon na mas naging bukas ang relasyon ko sa kanila. I started calling them tita at tito bilang fiancée na ako ni Sico. “Nakauwi ba si Sico at Zeym kagabi?” ang tanong ni tita. Umiling ako. “Wala pa rin pong balita,” Mababakas sa mukha niya na nag-aalala siya. “Sinusundan na nila Vicente at Mr. Shein ang dalawa. Actually, lahat ng kasapi ng org ay kumikilos na rin. In no time, mahahanap ang principal na iyon,” Ilang oras pa lang ang paghahanap nila, kaya baka abutin pa ng isang linggo o mahigit. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. “Si Kua?” “Panay po iyak niya kahapon. Inapoy rin siya ng lagnat kanina,” Umiiyak na napaupo si tita sa couch. “Mapapatay ko talaga ang taong iyon oras na mak