HAHAHA. natatawa ako kay Sico
Binalikan ko si Morious at Rachelle sa loob matapos kong kausapin si Sico. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang dalawa na naglilinis. “Morious, sorry talaga,” nahihiya kong sabi. “Baliw kasi si Sico minsan,” dugtong ni Rachelle “Bakit niya ba ako pinagsi-selosan?” takang tanong ni Morious at tumingin naman ako kay Rachelle. “Dahil sa asawa niya,” pagkasabi ko no’n, tumawa siya. See? Pareho na sila minsan ni Rico nang ugali. Napailing nalang si Morious sa amin. Ano na kaya ang iniisip niya? Matapos naming maglinis ay nagpadeliver ako ng pagkain but kasama namin si Rachelle para ng sa ganoon hindi magselos si Sico oras umabot sa kaniya ang balita na nagdinner kami ni Morious na magkasama. Libre ko, nakakahiya naman kay Morious. Pag-uwi namin ni Rachelle, naligo agad ako bago ko tinawagan ang mga anak ko pero si Zeym ang sumagot. “Uy, how’s Spain?” natatawang aniya. “It’s still the same,” nakangiting sabi ko. Zeym is still beautiful. Mas lalo pa siyang gumanda nga ngay
“Sigurado ka ba ate na hindi mo sasabihan si Sico na uuwi ka?” umiling ako. “I wanted to surprise him,” isa pa, hindi na rin ako mapakali. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari. Binabagabag ako sa sinabi ni Zeym tungkol kay Kua. “Paano naman ang mga anak mo?” “Nasa kay Zeym pa sila ngayon. Baka doon ako una diderestso sa kanila para sabay kaming pupunta kay Sico kasama ng mga bata.” Bumuntong hininga si Rachelle at tumango. “Mag-iingat ka sa byahe ate, susunod kami sa Pinas,” aniya Ngumiti ako at kinuha ang maleta ko at pumasok sa airport. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga anak ko. Naging mabuti naman ang naging byahe ko, walang masyadong komplikasyon. Nakapagpahinga rin ako ng tama sa ilang oras na eroplano ako. Ngayon nga ay nakasakay na ako ng taxi at papunta na sa bahay ni Zeym. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi ko alam bakit pero kinakabahan ako. Matapos ang ilang oras, nakarating na rin a
Maaga akong nagising at chineck ang temperature ni Kua, kanina umaga ay inapoy siya ng lagnat. Agad ko siyang pinainom ng gamot at ginawa ang lahat na bumaba ang lagnat niya. Habang nagluluto ako, biglang dumating si tita—ang ina ni Sico. For 3 years mula ng legal na annul na si Zeym at Sico, doon na mas naging bukas ang relasyon ko sa kanila. I started calling them tita at tito bilang fiancée na ako ni Sico. “Nakauwi ba si Sico at Zeym kagabi?” ang tanong ni tita. Umiling ako. “Wala pa rin pong balita,” Mababakas sa mukha niya na nag-aalala siya. “Sinusundan na nila Vicente at Mr. Shein ang dalawa. Actually, lahat ng kasapi ng org ay kumikilos na rin. In no time, mahahanap ang principal na iyon,” Ilang oras pa lang ang paghahanap nila, kaya baka abutin pa ng isang linggo o mahigit. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. “Si Kua?” “Panay po iyak niya kahapon. Inapoy rin siya ng lagnat kanina,” Umiiyak na napaupo si tita sa couch. “Mapapatay ko talaga ang taong iyon oras na mak
Napasama namin si Kua na bumaba sa sala at kumain na rin siya. Kumpara kanina ay hindi na siya nanginginig sa takot ngayon. Kausap niya ngayon ang lola niya. Marami akong nalaman tungkol sa kaibigan niyang si Hanny. At napagtanto ko rin na ninong ng bata ang principal. Kung tama ang hinala ko, saka lang lumaki ang issue na ito nang makita ni Kua ang lahat. Mukhang sa kwento niya ay matagal ng biktima itong kaibigan niyang si Hannyke. “Ah, tita, pwede po bang maiwan ko sandali sa inyo si Kua?” “Saan ka pupunta?” “May importante lang po akong pupuntahan,” ang sabi ko. Kita sa mukha niya na nag-alala siya, si Kua naman ay parang ayaw akong payagang umalis. Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok niya. “Mabilis lang si mama,” sabi ko. Nang makaalis ako sa bahay, agad akong pumara ng taxi at nagpahatid papunta ng skwelahan. Hindi rin ako mapakali na nasa bahay ako at walang ginagawa. Panatag naman na ang loob ko na maayos na si Kua at naroon pa si tita. Pagdating ko sa skwelahan, ex
Pinilit ko ang sarili ko na ihakbang ang mga paa ko. Hindi pwedeng hindi. Nasa panganib ang anak ko. Nang mabawi ko ang ulirat ko mula sa kaba, agad akong tumakbo sa likuran. Nasa loob na si tita, kaya possibleng dumaan sa likuran ang sino mang pumasok sa bahay. Agad kong kinuha ang hedge shears na nasa garden ng bahay ni Zeym na siyang nadaanan ko. Wala akong madalang kahit na anong armas na panlaban kun’di ito lang. Hindi ako gaya ni Zeym na magaling sa martial arts at pakikipaglaban. Pero kaya kong protektahan ang anak ko kung kinakailangan. Kinakabahan ako habang tinatahak ang daanan sa likuran ng bahay. At nakita ko ang anak ko na nagpupumiglas mula sa lalaking may hawak sa kaniya. Nakatakip ang kamay ng lalaking iyon sa bibig ng anak ko kaya hindi makasigaw si Kua. Mas lalo akong nagulat na ang inabutan ko kanina ng isang libo ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung ganoon, siya si principal Ablante? Ang demonyong nagtangka sa buhay ng anak ko? “Tahimik!” Galit na sa
ZEYM Kua is crying nonstop that night. He even insisted na gusto niyang puntahan si Elizabeth sa hospital kahit hindi pwede. I cried too and wanted to blame myself for what happened but am I really at fault? I transferred my son in private school cause that’s how I feel as his mother. Ano naman kung nilipat ko siya sa marangyang skwelahan mula sa public school? Masama ba ang desisyon ko? We were just fine for years, and what the principal did is out of my control. I overthink. I blame myself kahit wala namang naninisi sa akin sa nangyari kay Elizabeth. Pero kung sakali mang si Kua ang napahamak, baka nga ay sisihin ko talaga ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko kayang makita ang anak ko na nasa kritikal ang lagay. Baka na-question ko na ang pagiging ina ko. Baka naisip ko na, na hindi ako karapat-dapat na ina para sa kaniya dahil no’ng kinuha ko siya, napahamak siya. Mabigat ang loob ko habang tinatahak ang daan papunta kay Ablante. Nanginginig ang kamay ko habang naglalakad. M
“When you hold the gun, you should relax your reflexes as well as your shoulder. Focus on your target and fire,” ipinutok agad ni Kua ang baril na hawak niya na tumama sa paanan ng target. “I can’t hit the center point, mama,” ang sabi niya. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. “It’s alright, honey. You did a great job for a beginner,” ang sabi ko. Hindi siya satisfy sa ginawa niya but that’s understandable since unang hawak niya ng baril ito. He’s good actually, dahil kahit papaano, may natamaan siya. “Can I practice more?” “Yes,” ang sabi ko at lumayo ng bahagya sa kaniya para bantayan siya. It’s his first day on his training in firing. Last week, we did some martial arts, una naming prinaktis ang arnis. He’s exceptionally natural when it comes to it. I remembered his answer when I ask him why he’s good at it. “I joined a group mama, well for you you’ll call it gang but for me, it’s just a group of children who form a rebellion against adults. I joined cause I want to be
Pagkadating ni Moni ay kasama niya si Lando. Matapos humaIik ni Lando sa gilid ng noo ko, sinabi ko sa kaniya na tignan niya muna si Rit kung maayos na ba ang kalagayan nito. “Bumaba na ang lagnat niya. Don’t worry.” Sabi niya sa amin. Tumango ako at nilapitan si Rit para haIikan ang noo nito. “Are you okay?” bulong niya sa akin. Tumango ako. “Pwede mo bang e check rin si Sico?” Tumitig si Lando sa mga mata ko bago tumango. “No need, Lando. I’m fine,” “Sico, you’re not. Titignan lang ni Lando ang kalusugan mo dahil baka mamaya, bigla kang mag collapse.” Sabi ko “Kuya, sige na please. You need to stay healthy for your sons. Nag-aalala na nga sila para kay ate Eli tapos paano nalang kung pati ikaw ay madala sa hospital?” sabi ni Moni. Natahimik si Sico at kalaunan ay pumayag na rin. Chineck na siya ni Lando at kami ni Moni ay nakamasid lang sa kanila. “So far, maayos naman ang heart, liver, intestine, esophagus—" “Are you making fun of me, Lando?” Sinamaan siya nang tingin ni