"Bakit ka umiiyak dyan? Hindi naman kita sinaktan ah? Para sinampal ko lang naman si Kurt nagiging emotional ka na agad? Ayusin mo ang sarili mo dahil parating na ang Daddy at Kuya mo!" seryosong wika ni Mommy. Hindi ko naman alam kung matatawa ako o lalong iiyak sa sinabi nito." Mom, pwede po bang
"Christian...tama na iyan!...Nonsense na kung daanin mo pa sa pagiging bayolente ang lahat. Nangyari na ito at wala na tayong magagawa pa!" maawturidad na wika ni Daddy. Umupo ito sa katapat na sofa at tinitigan si Kurt. Natigilan naman si Kuya habang nanlilisik ang mga mata na tumitig kay Kurt. Pag
"Sorry na Bro! Hindi ko na uulitin ito promise!" natatawang sagot ni Kurt. Lalo naman nagsalubong ang kilay ni Kuya."Paano mo pa uulitin eh nahulog na sa mga kamay mo si Bella. Pasaamat ka at itinuturing pa rin kitang kaibigan. Kung hindi, baka hindi lang sapak ang inabot mo sa akin!" asar na sagot
CARISSA POVSinindihan ko ang kandila sa puntod ng mga magulang ko pati na din kay Ate Ara. Tinitigan ko ang mga nakangiting larawan habang hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ang bilis ng panahon. Aminado ako na hindi nagiging masaya ang childhood days kasama sila pero gayunp
Maraming bagay ang dapat na ipagpasalamat sa Diyos. Nalagpasan ko ang maraming pagsubok sa buhay na dumaan sa akin. Masaya o malungkot na pangyayari alam kong magagamit ko ang mga iyun para lalong maging matatag sa buhay.Napag-usapan na din namin ni Kurt na itutuloy ko ang pag-aaral kahit kasal na
"Huwag mong isipin na hindi ka nya mahal Bella. Mahal na mahal ka niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ng ipinagkatiwala ka niya sa amin noon. Wala lang siguro siyang choice noon kaya ka ibinigay sa amin. Reclusion perpetua ang hatol sa kanya kaya alam niyang hindi ka nya mabibigyan ng
"Super excited na ako Ate.. Hindi ko akalain na matutupad din sa wakas ang matagal ko ng pangarap na magiging Mrs. Santillan. Imagine big dream ko lang ito noon at ngayun sa wakas matutupad na!." masaya kong sagot. "I know little Sissy! Kahit naman anong pagsubok na dumating sa inyong dalawa kung k
CARISSA POVHindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang naririnig ko ang pagpapalitan ng "I do's" ng mga ikinakasal. Masaya ako sa isiping ito ang gusto ni Arabella noon pa man. Ako ang nagpalaki sa kanya at malaking accomplishments sa parte ko ang makita siyang masaya sa pinili
CARISSA VILLARAMA POV Hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko habang nakatanaw ako sa mga nagkakasayahan! Parang kailan lang noong mga panahon na lumuha ako at nasaktan dahil sa pag-ibig. Mga panahon na walang kasiguraduhan kong magiging masaya ba ako sa buhay ko. Mga panahon
ELLA POV Hindi ako makapaniwala habang titig na titig ako sa dokumentong hawak ni Kenneth. Hindi ko akalain na noon pa man, nagplano na pala siyang gawin ito. Na isurpresa ako at ang buo kong pamilya dahil sa malaki niyang regalo na hatid sa aming lahat. "Naku, nag-abala ka pa! Nakakahiya! Sapat
ELLA POV Hindi man kami masyadong nakatulog ni Kenneth dahil sa sobrang ingay sa paligid, wala kaming choice kundi ang bumangon. Malambot na ang hinihigaan namin dito sa tent kaya hindi na nagreklamo pa si Kenneth na sumasakit ang likod niya. Pagkalabas namin ng tent, siyang papasok naman ang mga
ELLA POV Mainit na nga dahil katanghaliang tapat, lalo pang pinainit ni Kenneth ang buong sandali. Parehong naliligo kami sa pawis pagkatapos naming maiparamdam kung gaano kami kasabik sa isat-isat. Mabuti na lang at maginoo itong asawa ko dahil siya pa talaga ang nagpunas ng pawis sa buo kong k
ELLA POV "Anong sabi mo? Nagsinungaling si Vina sa akin?" kaagad na tanong ko kay Kenneth pagkapasok namin dito sa bahay. Nandito kami sa kusina at sabay na pinagsaluhan ang request kong tinolang manok kanina. Mabuti na lang at nakisama ang baby sa sinapupunan ko at tinagap lahat ng pagkain na isi
ELLA POV Para akong nakalutang sa alapaap habang pilit na inaabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Kenneth ngayun. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. Ang magpruposed sya ng kasal na aminado akong matagal kong hinintay. "Oo naman! Siyempre! Gusto ko...gustong-gusto kong magpakas
ELLA POV "Si Kenneth, nasa labas siya? Paanong---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong kalabitin ni Thalia. Nagtatakang nakatitig siya sa akin. "Oo, Kenneth nga daw ang pangalan! Kilala mo Ate?" tanong niya sa akin. Tumango ako at mabilis ang hakbang na lumbas ng bahay. Kaagad
ELLA POV Pagkatapos kumain ng agahan muli akong pumasok sa kwarto at nahiga. Medyo mainit dito sa loob ng kwarto kaya itinutok ko talaga sa katawan ko ang nag-iisa naming electric fan. Ilang saglit lang kaagad na din naman akong nakatulog. Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin. Pupungas-pungas
ELLA POV "Uyyy Ondo? Ang aga mo naman! Wala ka bang trabaho ngayun?" narinig kong sambit ni Nanay nang labasin niya kung sino mang bisita ang tumatawag sa labas. Hindi ko na napigilan pa na mapahilot sa sarili kong sintido. Kakatapos ko lang makipag-usap sa sugo ng tagahanga ko na nagbigay ng s