CHAPTER 01: TATTOO
Natulala ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya lumabas. Si Kuya Felix ba 'yon?Napatitig ako sa katawan ko at biglang tumulo ang luha dahil sa labis na hiya at pagsisisi. Anong ginawa ko?Mabilis kong kinuha ang mga damit at underwear na nasa malamig na sahig at pumunta ng bathroom. Napaawang ang labi ko nang makita ang katawan ko mula sa malaking salamin. Namumula ang halos lahat ng parte ng katawan ko at ramdam ko pa rin ang labi at kamay ni Felix sa katawan ko."Hindi..." Umiling ako at kaagad na pumailalim sa shower para sabunin ang katawan. Pinalitan ko pa ng cold ang warm shower para mahimasmasan at magising ako."Ang tanga mo!" paninisi ko sa sarili at mabilis na inalis sa isip si Felix.Nag-mouth care na rin ako bago nagbihis at lumabas. Sinubukan kong matulog pero mukha ng lalake ang nakikita ko.Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Kuya ko 'yon tapos—Paano kung malaman ni Cloud? Nina tita at tito?Napatili ako dahil sa inis para sa sarili. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagre-review hanngang sa muli ko na iyong makatulugan."Aphrodite!"Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatatok. Napatingin ako sa desk clock at nakitang tatlumpung minuto na lang au alas otso na!May exam pa ako ng 8AM!Mabilis akong tumayo at pinagbuksan si Clyde. Nakita kong nabigla pa siya. "Bakit hindi ka pa naka-ready?""Sorry! Nakatulog kasi ako ulit!" natatarantang sagot ko at nagmadali nang maligo at nagbihis. Kinuha ko na lang ang bag ko nang matapos dahil may mga gamit naman ako roon na pang-ayos."Clyde!" tawag ko sa kapatid nang makababa pero wala siya roon.Iyong kuya pa niyang ayaw kong makita ang naabutan ko sa living room. Prente itong nakasandal sa sofa at nakabukaka pa. Nakasuot ito ng black long sleeves na bukas ang unang dalawang butones. Fitted ang black pants niya at may tent pa sa gitna no'n. Sa baba ay leather shoes and suot niya. May silver pa siyang relo sa kaliwang palapulsuan."Nauna na," bored niyang sagot.Napanguso ako dahil sa irita at nagsimula nang lumabas. Ramdam kong sumunod siya sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad."Ihahatid na kita.""Ayaw ko," mabilis na sagot ko at tinignan ang bakanteng parking lot. Nasaan ang mga kotse rito? Tatlo ang kotse nila, ah?Magko-commute na lang ako. Bahala na kung ma-late!"Tss!" narinig kong asik ng lalakeng nasa likuran ko nang magtuloy-tuloy ako ng lakad matapos pagbuksan ng bodyguard namin.Nakita ko ang hindi pamilyar na Mercedes Benz sa malapit. Sa sobrang kintab nito ay parang bago lang."Hop in."Nagbingi-bingian ako at nilampasan ang kotseng iyon nang biglang may humigit sa braso ko. Para akong nakuryente kaya mabilis ko iyong binawi. Ni hindi ko siya magawang tignan!"Clyde told me to drive you. Sumakay ka na," mahinahon pa rin ang boses niya."Magco-commute ako.""So you're avoiding me after what happened night?" nag-iba na ang tono niya. May bahid na roon ng pang-aasar.Biglang uminit ang mukha ko. Pati na ang gilid ng mga mata ko dahil sa inis! "P'wede ba, hayaan mo na lang ako!" pagtapos ko sa usapan at naglakad kahit mainit na ang sikat ng araw.Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pamilyar na kotseng sumusunod sa akin. Napabuntonghininga ako at hinarap iyon. May exam pa ako! Hindi ngayon ang oras para itaas ang pride ko."Fine, ihatid mo 'ko!" pagbawi ko sa unang sagot dahil nakabukas ang bintana ng kotse niya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.Kaso ngumisi siya. "Beg for it."Mariin akong lumunok at huminga ng malalim para magtimpi. "Please...""Please what?" Mas lumaki ang ngisi niya."Please, Kuya Felix. Ihatid mo 'ko sa School.""Kuya, huh?" Narinig ko ang halakhak niya kaya uminit lalo ang pisngi ko. "Okay, sakay na."Pinagbuksan niya ako ng pinto. Iyong sa tabi niya. Agad kong naamoy ang pamilyar na panlalakeng amoy niya nang makapasok ako. Mabango iyon at nakakaakit ang amoy. Isinardo niya ang pinto at bintana bago nagsimulang magmaneho. Tahimik akong nagsuot ng seatbelt at hindi na siya nilingon."So, you're that girl who adopted by Daphne? How old are you?"Imbes na sumagot ay binuksan ko ang bag at nagsimula nang suklayin ang basang buhok. Naglagay na rin ako ng powder, light eyeshadow at lipstick. Sinunod ko ang pagsuot ng contact lens ko. Matapos no'n ay nagbasa na ako ng notes. Alas-otso na at malapit na kami."Dito na lang," sambit ko nang makarating sa tapat pero ipinasok niya pa ang kotse at hinatid ako sa building namin. "Salamat."Sinubukan kong buksan ang pinto pero bigo ako. "Paano 'to?""Tell me your age first."Mariin akong napakagat sa sariling ngipin. Napipikon na ako sa kanya! "20! Buksan mo na 'to, late na ako!""Okay, baby."Tumayo ang balahibo ko sa batok nang sabihin niya iyon sa senswal na boses.Ten minutes akong na-late. Mabuti na lang ay hindi fifteen minutes kaya nakapag-take ako ng exam. Sinagutan ko iyon at pilit na nag-concentrate kahit minsan ay pumapasok sa isip ko iyong ipinangtawag sa akin ni Felix kanina.Baby, huh?!"Aphrodite!"Inirapan ko si Clyde nang makita siya sa labas ng classroom namin at nilampasan. "Ano na naman? Bakit ang sungit mo sa akin?""Iniwan mo 'ko kanina!" nagtatampong sagot ko."Nagpasundo kasi si Maddie. Hindi ka ba hinatid ni kuya? Sabi niya—""Hinatid niya ako!" pagtatama ko habang naiinis pa rin."'Yon naman pala! Umalis kasi sina mommy at daddy tapos sina yaya nag-grocery kaya wala 'yong ibang sasakyan," natatawang paliwanag niya at inakbayan ako. "Ang bait ni kuya, 'no?"Mas lalo akong umirap nang sabihin niya iyong panghuli. Anong mabait do'n? E, kung ano-ano ang ginawa niya sa akin kagabi tapos kanina ay ang lakas pa niya mang-asar! Nakakainis!"Isabay mo ako lagi! Nakakahiya sa kuya mo," hiling ko dahil ayaw kong mapalapit sa malanding kapatid niya."Sige, kaya 'wag ka nang ma-late gumising, okay?" pang-aasar niya.Hinampas ko na lang siya at sumabay sa kanya nang yayain niya akong kumain ng dinner sa labas."Sabi ni kuya ililibre niya raw tayo.""Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko nang makarating kami sa tapat ng isang high-end na Restaurant.Hinila lang ako ni Clyde at sumunod sa isang waiter nang sabihin nitong ihahatid niya kami sa VIP room kung saan nagpa-reserve ng seat si Felix."This way, ma'am, sir.""Thank you po," pasasalamat ko rito pero si Clyde ay excited na pumasok.Kitang-kita ko kung gaano ka-ganda ang ambiance sa lugar. Kung hindi ko lang alam na nandito si Felix ay baka mas na-appreciate ko ang lugar. Minsan lang kasi ako makalabas at makapunta sa mga lugar na ganito.Kaagad kaming nilapitan ng service crew at mabilis na dumating ang order namin. "Order ka pa kung gusto mo, Aphrodite. Libre 'to ni kuya!" tuwang-tuwang ani Clyde.Tumango na lang ako at muling in-enjoy ang pagkain habang nakikinig sa malumanay na tugtog ng violin at piano. Ang sasarap ng mga pagkain pero kaunti lang ang serving. Hindi ko alam kung worth it ba sa price nilang napakamahal.Napatingin ako kay Clyde nang tumunog ang phone niya at hinayaan siyang tumayo para sagutin iyon. Nag-order pa ako ng panibagong meal dahil pakiramdam ko deserve ko naman 'to dahil nakaka-drain ang exam namin kanina. At isa pa, gusto kong sulitin dahil baka matagal pa bago ako makakain ulit sa five star Restaurant na ganito."Aphrodite, nagpapasundo si Maddie. Kakatapos lang kasi ng exam nila.""Huh? Paano 'yong pagkain mo?""Okay na, busog na ako. Dito ka lang, on the way na raw si kuya."Napatayo ako nang lumakad siya palabas. Humalakhak pa siya at pinigilan akong sumunod sa kanya."Kumain ka muna. 'Wag kang mahiya kay kuya. Mabait 'yon! Babalikan ko na lang kayo rito mamaya tapos kakain ulit ako ulit.""Okay, bilisan mo."Tinawanan niya lang ang sinabi kong iyon bago siya tuluyang nagpaalam. Kung kanina ay relax akong kumain, ngayon ay nate-tense na ako. Ni hindi ko na magalaw ang mga pagkaing nasa harap ko.Napatingin ako sa double door nang bumukas iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Felix. Gano'n pa rin ang suot niya kanina. Ang nag-iba lang ay ang buhok niya medyo magulo na pero bagay pa rin sa kanya.At iyong longsleeves niya, nakatupi na iyon ngayon sa siko niya. Bumaba ang tingin ko sa lantad na braso niya sa kanang kamay. May tattoo roon, marami! Pakiramdam ko ay buong kanang braso niya ay may tinta.Parang iyong sa lalake noon.Nanlamig ako at napapikit nang muling pumasok sa isip ko ang itsura ng patay na lalakeng maraming tattoo. Isa siya sa mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga magulang ko!Bumalik ang takot sa dibdib ko at naging sunod-sunod ang pagtulo ng luha nang maalala ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas.CHAPTER 02: ADOPT"Happy birthday, princess!" Malaki ang ngiti ko nang makita si pappa. Finally, he's here to celebrate my birthday! Muntik na akong mawalan ng pag-asang darating siya. He's a Governor in the first place. I'll understand if he wouldn't make it here because he is serving the people of our Province. "Thank you, pappa! I love you so much!" Niyakap ko siya ng mahigpit bago tinanggap ang regalong hawak niya. "Mamaya ko na lang po bubuksan! I want to spend more time with you!" Lumapit si mamma sa amin at nakita ko ang pagngiti niya kay pappa. "I told you, darling! She wants to be with you. Pagbigyan mo na ang prinsesa natin," paglalambing niya. "Alright, I'll just greet the visitors later," dahil sa sagot niyang iyon ay napangiti kami ni mamma at niyaya na siyang umupo sa table namin para kumain at makisaya. "I saw the Saavedras, did you greet them, princess?" "Saavedra? Hindi ko po sila kilala," pag-amin ko dahil wala talaga akong kakilala sa mga kaibigan nina mamma at
CHAPTER 03: KISS"Why? Why are you crying?" ulit ni Felix habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko pero mas lalo lang akong naiyak. "Lumayo ka sa akin!" sigaw ko sa kanya. Narinig ko ang pagmura niya bago siya sumunod sa sinabi ko. "What now? What is this, Aphrodite? Tell me what happened!" Napatakip ako ng dalawang tenga at mariing napapikit nang sumigaw siya. Iyong mga alaalang matagal ko nang kinalimutan, bigla iyong bumalik. Iyong mga putok ng baril, iyong mga dugo. "Shhh. It's okay. I'm sorry, I didn't mean to shout." Napamulat ako nang marinig ang marahang boses ni Felix at natagpuan ang sarili sa bisig niya. Kaya pala nalalanghap ko ang pabango niya. "Please, 'wag kang lumapit," pakiusap ko at iniwas ang tingin sa braso niya. "Natatakot ako, Felix!" "Why? Could you atleast tell me? I'm confused!" tila nagpipigil pa siyang sumigaw. "Ayaw ko sa tattoo! Natatakot ako! Bumabalik 'yong dati! Kaya please! Iwan mo muna ako!" Umigting ang panga niya
CHAPTER 04: PLAYKinuha niya ang laptop at iniwan ako roon. Sakto naman dahil mag-isa na lang ako roon nang makapasok si Clyde. "Hi, Aphrodite! Sorry ngayon lang. Dumating ba agad si kuya? Nabusog ka ba sa dinner?" sunod-sunod na tanong niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap sa akin gaya ng lagi niyang ginagawa. "Oo. Umuwi rin kami agad kaya nagre-review na ako. Mag-review ka na rin," medyo kabado kong sagot sa kanya. "Turuan mo 'ko!" masiglang sagot niya at tumatawang umupo sa pwesto kanina ni Felix. "Ang dami mo namang pagkain!" "Nabo-bored kasi ako sa pagre-review," dahilan ko at kumuha ng chips para mas kapani-paniwala. Sinabayan niya akong mag-review. Parehas lang naman kasi ang kurso at year level namin. Iyon nga lang, magkaiba kami ng section dahil ayaw nilang may magka-apilyedo kaya pinaghiwalay kami. "Grabe! Ayaw ko na! Ang sakit na ng ulo ko!" reklamo ni Clyde. Ni hindi pa nga kami nakaka-sampung minuto sa pagre-review. "Bahala na bukas! Good
CHAPTER 05: GOODNIGHT KISSKaagad na kumunot ang noo ko. "Hindi kita pinaglalaruan," mariing sambit ko. "Really?" Ngumisi siya. "You let me fucking kissed that night then you kissed and slept with my brother after? What do you call that, Aphrodite?" Napabuntong hininga ako at napailing. "Gano'n talaga si Clyde kapag naggo-goodnight. Saka nasa kwarto ka no'n, ayaw ko namang tumabi sa 'yo kaya kay Clyde na ako nakitulog. Sa sofa. Hindi sa tabi niya," paglilinaw ko para mabura ang kung ano mang masamang iniisip niya sa amin ng kapatid niya "Let's kiss before you sleep, then. I'm also your brother..." sagot niya na hindi ko inasahan kahit alam kong malandi siya. "...and a daddy in bed." "Baliw ka talaga!" Inirapan ko siya at uminom na lang ng juice. Humalakhak siya pero hindi ko na siya ulit pinansin. Ano bang meron sa para mag-react ang katawan ko ng ganito? Porque gwapo siya, matangkad at maganda ang katawan? Marami naman akong kakilala na gano'n din. May mga manliligaw pa nga ako
CHAPTER 06: SORRYKinilabutan ako at nalaglag ang panga ko nang maabutan na ang ingay ng babae ay nasa kwarto ni Felix. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya naririnig iyon sa labas. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon para isarado. Nakakainis! Bakit kailangang marinig ko pa iyon? Gutom ako nang bumaba pero halos wala akong gana nang kumain. "Ma'am, hindi niyo po ba nagustuhan ang luto ko?" nag-aalalang tanong ni Ate Gina nang makita ang tirang pagkain sa plato ko nang tumayo na ako. "Hindi po. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya wala akong gana," paliwanag ko at nagpaumanhin na gano'n ang inisip niya dahil sa akto ko. Nag-angat ako ng tingin nang makasalubong ko sila. Si Felix at 'yong kasama niyang magandang babae na nakasuot ng oversize t-shirt. 'Di ko alam kung may suot siyang pang-ibaba dahil hindi ko naman makita. Napalunok ako nang may maramdamang bara sa lalamunan ko nang makitang hawak ng babae ang braso ni Felix na may tattoo. Tumakbo ako paakyat para mabilis
CHAPTER 07: BIRTHDAY GIFTBinisita ko ang account niya at nang makita ang latest post niyang beach view ay nag-follow back na agad ako. May mga buildings din siyang pino-post. Parang halos lahat ng mga pictures niya ay sinasamahan niya ng lugar kung nasaan siya. Ang aesthetic ng feed niya! Pinindot ko ang post niyang beach photo. Hindi pa kasi ako nakapunta sa gano'n. Sa swimming pool pa lang ako nakasubok na magbabad. Hindi kasi ako marunong lumangoy gaya ni Clyde. Napangiti ako nang kaagad ko iyong natapos. Maliit lang naman kasi ang canvas ko. Pinirmahan ko iyon sa likod at nilagyan ng date pati na ang username ni Travis. Gano'n kasi ang ginagawa ko sa lahat ng ipinipinta ko. Nilalagay ko kung kanino ko ginaya. Pinatuyo ko iyon bago muling nag-browse sa account. Nakita kong nag-heart si Travis sa mga posts ko. Napangiti ako at ginantihan din ng heart ang mga pictures niya. Nagagandahan din naman kasi ako roon. Maya-maya ay may nag-notif na naman. Felix Saavedra started followi
CHAPTER 08: NEW PROFESSORPuyat ako nang magising kinabukasan. Nakakainis talaga si Felix! Hindi niya ako tinantanan kagabi hangga't hindi mamanhid at mamaga iyong labi ko sa kakahalik niya! "Good morning!" Napaungol ako sa inis nang basta na naman siyang pumasok sa kwarto ko. Malawak ang ngiti niya at suot niya pa rin iyong hoodie na iniregalo ko sa kanya kagabi. "Pwede ba, 'wag ka bigla-biglang pumapasok dito?" reklamo ko at padabog na pumunta sa banyo. Hindi ko iyon naiisara nang pumasok din siya. "Ano ba, Felix?!" Humalakhak siya at niyakap ang bewang ko. "Come on, bakit ang sungit mo na naman sa akin? Dapat sweet ka lang palagi." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Bitawan mo 'ko!" "Give me my good morning kiss first." Inilapit niya pa ang mukha sa akin. Mabuti na lang ay mabilis akong nakalayo. "Mamaya na! Sige na, lumabas ka na muna!" pagsuko ko. Mas lumaki naman ang ngisi niya at niyakap ako ng mahigpit na parang nanggigigil siya. Bumuntong hininga na lang ako at nap
CHAPTER 09: SAME SURNAMENapatingin ako kay Felix at kita kong natigilan siya. "Why?" walang emosyong tanong niya kasalungat sa ekspresyon ni Clyde na malawak ang ngiti. "Crush siya ni Aphrodite!" Halos mapaubo ako nang ipatong ni Felix ang kamay niya sa kanang hita ko. Tinawanan ako ni Clyde at inabutan naman ako ni mommy ng tubig at tissue. "Nahihiya ka pa kay kuya!" tukso niya sa akin. "I'm busy," sagot ni Felix at pinisil ang hita ko. Ngumiwi si Clyde at muling dumaldal para ipagtanggol ako. Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa paghaplos at pisil ni Felix sa hita ko. Uminom na ako ng tubig nang maubos ang lahat ng nasa plato at hinawakan ang kamay ni Felix na nasa hita ko para alisin. "Una na po ako," paalam ko at tumayo nang sa wakas ay bitawan ako ni Felix. "Goodnight po," bati ko sa kanila at yumakap sa mga magulang. Hindi ko na ginawa iyon sa magkapatid. Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago ako naglinis ng katawan at nagbihis ng pantul