CHAPTER 09: SAME SURNAMENapatingin ako kay Felix at kita kong natigilan siya. "Why?" walang emosyong tanong niya kasalungat sa ekspresyon ni Clyde na malawak ang ngiti. "Crush siya ni Aphrodite!" Halos mapaubo ako nang ipatong ni Felix ang kamay niya sa kanang hita ko. Tinawanan ako ni Clyde at inabutan naman ako ni mommy ng tubig at tissue. "Nahihiya ka pa kay kuya!" tukso niya sa akin. "I'm busy," sagot ni Felix at pinisil ang hita ko. Ngumiwi si Clyde at muling dumaldal para ipagtanggol ako. Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa paghaplos at pisil ni Felix sa hita ko. Uminom na ako ng tubig nang maubos ang lahat ng nasa plato at hinawakan ang kamay ni Felix na nasa hita ko para alisin. "Una na po ako," paalam ko at tumayo nang sa wakas ay bitawan ako ni Felix. "Goodnight po," bati ko sa kanila at yumakap sa mga magulang. Hindi ko na ginawa iyon sa magkapatid. Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago ako naglinis ng katawan at nagbihis ng pantul
CHAPTER 10: TAKE CARE OF YOUHindi ko alam ang gagawin ko kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Felix. Kinuha ko ang bag ko bago ako dahan-dahang bumaba. Maaga pa. Alas singko pero nakabihis at nakaayos na ako. Hangga't maaari ay gusto kong sundin ang gusto ni Felix. Para rin naman sa amin iyon."Ma'am, ang aga niyo naman po?" si Ate Gina lang pala. Muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa gulat."Opo. May kailangan kasing asukasuhin sa School," dahilan ko at tumingin sa paligid bago lumapit sa kanya at bumulong. "Gising na po ba si Felix?" "Hindi pa naman po, ma'am. Magpapahatid ka ba sa kanya?""Hindi po!" mabilis na sagot ko. "Kakain na ako at magpapahatid na kay Kuya Tino." "Sige, ma'am! Ipaghahanda na kita. Ano bang gusto mo ngayon?"Binilisan ko ang pagkain ko na para bang may hinahabol. Nag-mouth care muna ako at nagsuot ng contact lens bago lumabas at magpahatid sa driver gaya ng plano. Nag-text na lang ako kay Clyde na nauuna na ako. Pati kina mommy
CHAPTER 11: PINAPAASA"Mahiga ka na ro'n! Kung anu-ano na ang sinasabi mo!" sita ko at hinila pa siya pahiga sa kama. Humalakhak siya bago dumapa at niyakap ang unan ko. Inamoy pa niya iyon kaya napailing na lang ako.Cup noodles at nilagang itlog na lang ang hinanda ko para mabilis. Nakakahiya naman kasing gisingin sina Ate Gina para lang magpaluto ng dinner namin ni Felix.Kumuha na lang din ako ng dalawang bottled water para inumin namin bago ako umakyat habang dala ang mga iyon sa tray. Naabutan ko siyang kalmado na sa kama ko. Inihanda ko ang bed table para ro'n na lang siya kumain. Binuksan ko rin ang air purifier para hindi mangamoy sa buong kwarto ang noodles."Felix, kain na," tawag ko sa kanya at inalis na ang pagkakatakip ng cup noodles. Hinalo ko iyon at napatingin kay Felix nanag hindi siya gumalaw."Hoy! Bumangon ka na muna r'yan! Kain ka saglit," tawag ko at napatingin sa pang-upo niya. Pinalo ko iyon at napaungol naman siya.Salubong ang kilay niya at may ngisi sa labi
CHAPTER 12: PERSONALIZED PAINTTinutuyo ko ang basang buhok nang makalabas ako ng bathroom. Kumunot ang noo ko nang makita si Felix na kasalukuyang inaayos ang kama ko. "Bakit nandito ka pa? Si Clyde?" tanong ko sa kanya at sinundan siya ng tingin nang lumapit siya sa akin. Napalunok ako at hindi mapigilang mamangha sa itsura niya. Parang mas malakas ang niya ngayong bagong gising lang siya. Bagay na bagay sa kanya ang magulong buhok at namumungay na mga mata.Niyakap niya ang bewang ko at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning!" Ginantihan ko ang ngiti at bati niya. "Good morning din! Kamusta ang tulog mo? Masakit pa ba ang ulo mo?""Nah, this was the most satisfied morning I ever woke up from, Aphrodite."Tumango ako at umupo sa harap ng study table para suklayin at patuyuin ang buhok. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin pero sa kama ko siya umupo."E, si Clyde, anong sinabi mo?" "Tinanong ko kung natutulog ka rin sa kwarto niya o siya sa kwarto mo. Sinabi niya namang
CHAPTEDR 13: FAVORITE ART'S ARTWORKMay girlfriend pala si Felix na marunong sa Art? What if magpaturo ako kung paano gumawa ng portrait?"Ewan ko kung anong tawag do'n basta parang anime style na ginawang cute 'yong mukha. Para kasing pambata rin 'yong art tapos pangalan sa may likod," hirap na paliwanag niya sa akin.Anime style na cute? Chibi? Parang sa paraan ng pag-describe niya ay iyon ang ginawa ko pero hindi naman ako iyong girlfriend niya! Hay! Ewan!Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa nang makarating ako sa floor kung nasaan ang classroom namin. Dahil maaga pa at nakapag-advance reading naman na ako kaninang madaling araw ay nag-online ulit ako. Nag-search ako ng mga magagandang puntahan para sa bakasyon. Baka kasi magpa-suggest si Felix kung saan namin gustong pumunta. E, wala naman akong masyadong alam na lugar dahil minsan lang ako lumabas.Na-distract ako nang may mag-notif. Si Travis, may bago siyang pinost at naka-tag pa ako! Kaagad ko iyong pinindot para tignan. Napang
CHAPTER 14: FLOOD HEARTS"Yes, Aphrodite. Sa motherside."Namangha ako roon at sinimulan ang pagkikwento tungkol sa mga natutunan ko sa lola niya. Nakikinig naman siya at minsan tumatawa at sinasagot ang mga tanong ko. Halos hindi ko na rin namalayan ang oras. Natigil lang ako nang bumagal na ang pagpapatakbo niya sa kotse dahil malapit na ang bahay namin."Thank you ulit sa paghatid, Travis!" maligayang sambit ko bago hinubad ang seatbelt. Napangiti ako nang pagbuksan niya pa ako ng pinto. "Ang gentleman mo talaga, 'no? Salamat ulit!""You're always welcome, Aphrodite. See you tomorrow!""See you!" sagot ko at kumaway sa kanya. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse niya bago ako pumasok. Binati ako ni Kuya Gino nang makita niya ako. Tinignan ko ang Parking Lot at nakita ko roon ang kotse ni Felix.Nakauwi na siya?!Dali-dali akong umakyat at kumatok sa kwarto niya. Nang walang sumagot o nagbukas ay napanguso ako at dumiretso na sa sariling kwarto. Pagbukas ko ay nanlaki ang mga mata ko
CHAPTER 15: TREMBLING"Ano? Nasaan na raw si Clyde?" iritado nang tanong sa akin ni Felix. Limang beses na iyon at halatang naiinip na siya ngayon. "'Di pa rin siya sumasagot o nagre-reply. Offline din siya," paliwanag ko at tumayo. "Nag-aalala na ako! 'Di naman siya ganito dati." "Tsk! Kumain ka na. Ako nang maghahanap!" pinal na sagot niya at lumabas ng kwarto ko. Kung seven o'clock ang last subject ni Clyde, supposedly by eight ay nakauwi na siya tulad ng dati. Pero ngayon, alas nuebe na wala pa rin siya! Wala man siyang text na paalam kung magagabihan siya o mag-sleepover sa ibang lugar. Nilukob ng takot ang puso ko. Gusto kong sumama kay Felix pero baka umuwi na rito si Clyde at magkasalisi kami. Bumaba ako at sa living room naghintay. Hindi ako makakain dahil sa kaba. Tanging pag-inom lang ng tubig ang nagawa ko para bawasan ang gutom. Napatayo ako nang marinig ang pag-ring ng phone ko. Hindi rehistradong numero iyon. Ang bilin nina mommy at daddy, 'wag kong sasagutin kapa
CHAPTER 16: SELOSNaligo ako, nagbihis at nag-ayos nang matapos kumain. Paalis na ako ng kwarto nang tumawag sa akin si Travis. "Good morning, Aphrodite!" Napangiti ako dahil sa bati niya. "Good morning din!" "Can I know if nakaalis ka na?" "Sa bahay?" litong tanong ko. "Paalis pa lang ako, e. Bakit?" "Susunduin sana kita. If okay lang sa 'yo." Bigla kong naalala si Felix. Ang sabi niya ihahatid niya ako. Pero baka busy siya? Pwede naman akong magpahatid kay Travis. "May maghahatid na kasi sa akin, Travis. Pero para sure, ask ko muna siya kung maihahatid niya ako o magpapasundo na lang ako sa 'yo." "Sure! Just text me your answer, Aphrodite." "Sige! By the way, nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya. "I'm on my way for drive thru." "Ah! Okay, eatwell! Ask ko na lang si Felix tapos text kita." "Sure, Aphrodite. Thank you," marahan pa ring sambit niya bago nagpaalam. Ang sweet niya talaga kahit kailan! Sinigurado kong maayos na ang itsura at mga gamit ko bago lumabas. "