TAHIMIK na kumain ang mag-anak. Maging ang tiyuhin ni Devance ay nakisalo rin sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga bata sa pagkain na nakahain kaya magana silang nagsalo ng maagang hapunan. Dev had prepared authentic Nepali food. “How’s everything here?” tanong ni Devance sa matandang lalaki. “As usual. This place is filled with tourist. If only Chantin is here, we’ll be roaming around the village every morning.” May bakas ng lungkot ang tinig nito na ang tinutukoy ay ang namayapa nitong asawa kamakailan lang. “I’m sorry about that,” ani Devance. Abala ito sa pag-alalay kay Rini sa pagkain ng lentil soup. Samantalang tahimik lang si Triana katabi si Ravi na panay ang higop ng sabaw. Agad naman silang natapos na kumain at hindi nagtagal ay nakatulog na ang kambal. Natagpuan ni Triana ang sariling kasama si Devance sa terrace ng bahay sa ikalawang palapag na umiinom ng beer. The night was chilly. The last time she checked the temperature, it was negative eight degrees centigrade. Kapwa s
KAPWA nagulantang ang mag-asawa sa mga nalaman. Nagmadaling nagbihis muli si Triana. Isinuot niya ang sweatshirt at saka siya nakaramdam ng hiya. Kung hindi sila naantala kanina malamang mauuwi iyon sa mainit na tagpo. Her face blushed as she looked at her estranged husband. Baka iniisip nitong mabilis siyang bumigay sa isang kalabit lang nito. She could not blame herself though. Devance was still irresistible. Dahil sa nangyari ay pareho sila nahimasmasan. Pero nanatiling walang pang-itaas na damit si Devance. Nakaupo ito sa gilid ng kama malapit sa may lampshade habang abalang nag-scroll sa screen ang kanyang cellphone. “Damn it!” he cursed repeatedly. Nanlaki ang mata ni Triana nang mabasa ang isang article tungkol sa kanilang tatlo at may mga larawan na kuha ang mga sweet na tagpo nila ni Caleb. Worse, marami sa mga iyon ay kasama nila si Devance na tila ba kinukunsinti nito ang kanyang panlalaki. The article even highlighted they were both wearing their wedding rings, yet Caleb
AGAD na lumipad ang buong pamilya ni Triana pabalik sa Pilipinas mula Nepal kinabukasan. Devance was determined to kill the rumors since it would affect the twins in the near future. Isa pa ay sanay sila sa pribadong buhay at hanggang maari ay gusto nilang mapanatili iyon. Nagpaalam sila nang maayos sa magulang at hindi naman lingid sa kaalaman nito ang nangyari. Agad namang umaksyon ang ama at ipinatanggal sa lahat ng sites ang malisyosong chismis sa kanilang pamilya. Sa dating townhouse nila sa Alabang sila tumuloy. Tuwang-tuwa ang kambal dahil ito ang unang beses na nakarating sila sa Pilipinas. “Philippines is hot, Nanay,” reklamo ni Rini. “It’s amazing! Everything is green!” namamanghang wika ni Ravi. Natawa na lang sina Triana at Devance. Plano nilang pumunta sa AGC at isama ang mga anak para maiwasan na rin ang pag-usapan sila ng mga empleyado tungkol sa iskandalo. The new issue would shut them up. Inihanda ni Triana ang sarili dahil siguradong makikita niya roon si E
“ARE you sure you’re back here for good?” Nilingon ni Triana ang nagsalita. It was her Uncle Danny in his blue suit. He was in his mid-fifties at matikas pa rin tingnan. Kasalukuyan kasi siyang nasa loob ng kanyang dating opisina na ito na ngayon ang gumagamit. The usual feminine interior design had changed. It was more manly compared before. “Is there a problem, Uncle?” tipid siyang ngumiti. “None at all. You’re the CEO, I am just a mere substitute when you left.” Naglakad ito patungo sa mesa at naupo sa swivel chair. “I’ll give you two weeks to get all the things done here. I’ll be using this office again.” Inilinga niya ang paningin sa kabuuan ng opisina. Alam niyang biglaan ang desisyon niyang ito. Pero kaya niya namang pagsabayin ang sariling negosyo dahil pagdating dito sa AGC ay katuwang niya si Devance. Ngumiti ang lalaki. “Sure, no problem, my dear niece. I also need time to unwind. I’m glad you’re back. Medyo tumatanda na rin kasi ako. I want to retire early.” Tumang
UMUWI si Triana sa Naga nang sumunod na araw kasama ang kambal. Tuwang-tuwa si Lucia nang makita ang mga apo. Nagpaiwan si Devance dahil sa ilang business meetings na kailangan nitong daluhan. Triana stared at their house for a long time. She realized she had missed this place. The house was newly painted greyish white. Namumukadkad din ang sari-saring bulaklak sa malawak nilang hardin. Hindi niya lubos akalain na nalampasan nila ang madilim na bahagi ng nakaraan mula nang mamatay ang kanyang ama. Slowly, they achieved financial prosperity through the years. Maraming kasambahay na nagkalat sa paligid and they had hired two drivers. Malaki rin ang ambag nina Travis at Tristan upang makabawi sila. Sa kabila ng mga bata nitong edad. “We miss you, Lola!” sabay na yumakap ang mga bata kay Lucia nang makapasok sila sa loob ng bahay. “I miss you so much, little munchkins!” pinaliguan nito ng halik ang dalawa. Nanatiling nakamasid lang si Triana habang nakangiti. “What happened to Akhil?
DINAANAN sila sa bahay ni Caleb kinabukasan gamit ang kulay itim na pickup truck nito. They were on a convoy. Tatlong sasakyan ang dala nina Triana at Devance dahil kasama ang dalawang kasambahay at mga bodyguard. Caleb’s private resort was located in the fourth district of Camarines Sur. It took them almost two hours to reach there. Pero sulit ang mahabang oras ng biyahe dahil sa ganda ng dagat na nadatnan nila. The weather was cloudy, and the crushing of the waves was like music to Triana’s ears. Ilang taon na kasi nang huling makapunta sila sa dagat. “Welcome to my private beach.” Caleb looked proud. Tuwang-tuwa naman ang kambal na kahit kakababa pa lang ng sasakyan ay nagsitakbuhan agad sa puting buhangin. “Kids, careful!” paalala ni Triana sa dalawa. “This place is good.” Inilinga ni Devance ang mata sa paligid. He wore dark sunglasses and a red polo exposing his chest paired with white shorts. “Let’s get in.” Yakag ni Caleb. Sumunod naman silang lahat sa lalaki pati na rin
Five years ago Madison Hotel, Kathmandu, Nepal NAHILOT ni Devance ang sentido dahil sa labis na kirot niyon. Dahan-dahan siyang bumangon at pilit na inaalala ang nangyari kagabi habang umiinom sila sa bar kasama si Rana pati na rin sina Dexa at Eshvi. What the hell happened? Napahilamos siya sa mukha. He looked at his wristwatch, and he gaped as he saw it was past nine in the morning! Napabalikwas si Devance at nagtaka siya kung bakit boxer shorts lang ang tanging saplot niya sa katawan. Nahagip ng mata niya ang note sa bedside table katabi ng kanyang cellphone. It was written by Rana telling him he passed out last night. Halos wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Naroon din nakatupi ang kanyang mga damit sa mahabang sofa. Jesus Christ! Nagmadali siyang nagbihis. Ni hindi na nga siya naligo dahil bigla niyang naalala si Triana. Tiyak na nag-aalala na ito sa kanya lalo na at nangako siyang uuwi nang maaga kahapon. Darn! He cursed even more. Sinubukan niya itong tawagan nang mak
MAANG na napatingin si Triana sa asawa matapos marinig ang kuwento nito. Halos hindi siya makapagsalita at pakiramdam niya bigla siyang nanlamig. She had no idea about it! Napakaraming taon ang sinayang nila dahil sa isang hindi pagkakaintindihan. “I… I’m sorry, Dev. I didn’t know.” Ilang ulit siyang napalunok. Marahas na nagbuga ng hangin si Devance. “Now that I’ve seen Caleb with his woman. I had to rethink if what you said is true.” Tumingin ito sa kanya. Malamlam ang liwanag na nagmumula sa bonfire kung saan abalang nag-iihaw ng isda ang dalawang bodyguard. Parang itinulos si Triana sa kinauupuan nang gumalaw ang kamay ni Devance at iniangat ang kanyang baba. “Hindi mo ba talaga ako iniwan noon dahil mas pinili mo si Caleb?” Marahan siyang tumango. “Pinakiusapan ko lang siya noon. I was deeply hurt back then, Dev. I was overjoyed to learn I was pregnant with twins…then I accidentally saw you entering Madison Hotel, yet you denied it.” Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata ni
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a
SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria
NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d
TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang