UMUWI si Triana sa Naga nang sumunod na araw kasama ang kambal. Tuwang-tuwa si Lucia nang makita ang mga apo. Nagpaiwan si Devance dahil sa ilang business meetings na kailangan nitong daluhan. Triana stared at their house for a long time. She realized she had missed this place. The house was newly painted greyish white. Namumukadkad din ang sari-saring bulaklak sa malawak nilang hardin. Hindi niya lubos akalain na nalampasan nila ang madilim na bahagi ng nakaraan mula nang mamatay ang kanyang ama. Slowly, they achieved financial prosperity through the years. Maraming kasambahay na nagkalat sa paligid and they had hired two drivers. Malaki rin ang ambag nina Travis at Tristan upang makabawi sila. Sa kabila ng mga bata nitong edad. “We miss you, Lola!” sabay na yumakap ang mga bata kay Lucia nang makapasok sila sa loob ng bahay. “I miss you so much, little munchkins!” pinaliguan nito ng halik ang dalawa. Nanatiling nakamasid lang si Triana habang nakangiti. “What happened to Akhil?
DINAANAN sila sa bahay ni Caleb kinabukasan gamit ang kulay itim na pickup truck nito. They were on a convoy. Tatlong sasakyan ang dala nina Triana at Devance dahil kasama ang dalawang kasambahay at mga bodyguard. Caleb’s private resort was located in the fourth district of Camarines Sur. It took them almost two hours to reach there. Pero sulit ang mahabang oras ng biyahe dahil sa ganda ng dagat na nadatnan nila. The weather was cloudy, and the crushing of the waves was like music to Triana’s ears. Ilang taon na kasi nang huling makapunta sila sa dagat. “Welcome to my private beach.” Caleb looked proud. Tuwang-tuwa naman ang kambal na kahit kakababa pa lang ng sasakyan ay nagsitakbuhan agad sa puting buhangin. “Kids, careful!” paalala ni Triana sa dalawa. “This place is good.” Inilinga ni Devance ang mata sa paligid. He wore dark sunglasses and a red polo exposing his chest paired with white shorts. “Let’s get in.” Yakag ni Caleb. Sumunod naman silang lahat sa lalaki pati na rin
Five years ago Madison Hotel, Kathmandu, Nepal NAHILOT ni Devance ang sentido dahil sa labis na kirot niyon. Dahan-dahan siyang bumangon at pilit na inaalala ang nangyari kagabi habang umiinom sila sa bar kasama si Rana pati na rin sina Dexa at Eshvi. What the hell happened? Napahilamos siya sa mukha. He looked at his wristwatch, and he gaped as he saw it was past nine in the morning! Napabalikwas si Devance at nagtaka siya kung bakit boxer shorts lang ang tanging saplot niya sa katawan. Nahagip ng mata niya ang note sa bedside table katabi ng kanyang cellphone. It was written by Rana telling him he passed out last night. Halos wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Naroon din nakatupi ang kanyang mga damit sa mahabang sofa. Jesus Christ! Nagmadali siyang nagbihis. Ni hindi na nga siya naligo dahil bigla niyang naalala si Triana. Tiyak na nag-aalala na ito sa kanya lalo na at nangako siyang uuwi nang maaga kahapon. Darn! He cursed even more. Sinubukan niya itong tawagan nang mak
MAANG na napatingin si Triana sa asawa matapos marinig ang kuwento nito. Halos hindi siya makapagsalita at pakiramdam niya bigla siyang nanlamig. She had no idea about it! Napakaraming taon ang sinayang nila dahil sa isang hindi pagkakaintindihan. “I… I’m sorry, Dev. I didn’t know.” Ilang ulit siyang napalunok. Marahas na nagbuga ng hangin si Devance. “Now that I’ve seen Caleb with his woman. I had to rethink if what you said is true.” Tumingin ito sa kanya. Malamlam ang liwanag na nagmumula sa bonfire kung saan abalang nag-iihaw ng isda ang dalawang bodyguard. Parang itinulos si Triana sa kinauupuan nang gumalaw ang kamay ni Devance at iniangat ang kanyang baba. “Hindi mo ba talaga ako iniwan noon dahil mas pinili mo si Caleb?” Marahan siyang tumango. “Pinakiusapan ko lang siya noon. I was deeply hurt back then, Dev. I was overjoyed to learn I was pregnant with twins…then I accidentally saw you entering Madison Hotel, yet you denied it.” Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata ni
HINDI matawaran ang saya ni Triana dahil sa mga nangyari. Parang natanggal ang malaking bara sa kanyang puso nang magkaliwanagan sila ng asawa. They would have a fresh start. Nag-usal siya ng pasasalamat sa langit dahil sa wakas ay buo nang muli ang pamilya nila at wala nang anumang balakid. Sinulit nila ang bakasyon sa private resort ni Caleb. Masayang-masaya naman ang mga anak nila dahil nagsawa ang mga ito sa paglangoy sa dagat. “Thanks for letting us stay here. We had fun.” Tinapik ni Devance ang braso ni Caleb nang magpaalam na silang uuwi na pagkatapos ng tatlong araw. “Don’t mention it. You guys are welcome here anytime.” Ngumiti si Caleb. Katabi nito si Anya na nakapulupot ang kamay sa braso ng lalaki. “We’re going.” Nakipag-beso si Triana kay Anya. Samantalang humalik naman ang kambal sa pisngi ng magkasintahan. “Bye, Papa Caleb and Auntie Anya!” Halos sabay na saad nina Ravi at Rini. “We’ll see you again.” Magiliw na saad ni Anya. Agad na umalis ang pamilya ni Triana
AGAD na nag-dial sa cellphone si Eshvi nang tuluyang mawala ang sasakyan ni Triana sa paningin niya. Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya. “Yes, Eshvi?” “We’ll immediately proceed to Plan A, Liam.” Nagbuga siya ng hangin. Marami siyang nakaplano sa muling pagbabalik ni Triana sa buhay nila ni Devance. Halos hindi siya makapaniwala dahil akala niya tuluyan na nitong kinalimutan ang babae sa nakalipas na taon. Kung bakit naman kasi umeksena pa ang kambal na anak ng dalawa. Kung hindi sana ay tuluyan nang nakipag-divorce si Devance sa asawa nito. “Sure. I will do everything you want. At the right price,” sabi ng baritonong tinig. Pinaikot ni Eshvi ang mata. “No problem. I’ll give you a bonus once you succeed.” Natawa si Liam sa kabilang linya. “You doubt my charm? But… you know I’m not after money, sweetie.” “Then tell me what you want. Another sports car? A house?” “Hmm. I already have those. I’m freakin’ rich!” Liam chuckled, “how about a two-week vacation in the Baham
BUMALIK na si Triana sa AGC pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. Wala namang naging problema sa kanyang Uncle Danny dahil malugod naman nitong tinanggap ang kanyang pagbabalik. Inayos na rin ng isang kilalang interior designer ang kanyang dating opisina kaya nang pumasok siya ay kita na ulit ang feminine touch sa loob niyon. Kapansin-pansin ang mga mamahaling indoor plants na naroon na nagbibigay ng calming vibe sa silid. Agad siyang nagpatawag ng meeting para na rin siguruhin na maayos ang magiging transition sa kanyang pagbabalik. Wala siyang napansin na kahit anong anomalya. She commended her husband for doing a great job in preserving the company. Mabuti na lang at hindi na masyadong pinag-uusapan ang nangyaring iskandalo. Lalo na nang nag-post si Triana sa kanyang social media account ng larawan nilang buong pamilya kasama sina Caleb at Anya. Kaya wala nang malisyosong chismis. Maliban na lang kay Eshvi na kahit hindi niya nakikita ay alam niyang susulpot ito dala ang probl
NAGULAT si Liam nang may biglang humila sa kanya nang makapasok siya sa loob ng clubhouse. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito patungo sa gilid ng comfort room malapit sa isang malaking indoor plant na malalaki ang dahon. “What the hell, Eshvi?” inis na sita ni Liam sa dalaga. “Have you seen what happened? I look stupid! I would never do this thing if it weren’t for you!” Tumingin muna si Eshvi sa paligid para siguruhing walang makakita sa kanila. “You are not doing your job! I have agreed to go with you in the Bahamas.” Liam groaned. “I am trying!” “Malakas ang bilib mo sa sarili ‘di ba? Alam kong tipo mo ang gusto ni Triana. You are not making enough effort to seduce her!” Nangangalaiti si Eshvi. Nasa hindi kalayuan lang siya lihim na nanood kanina mula nang nilapitan ni Liam ang babae. Lalo lang umusok ang ilong niya dahil biglang dumating si Devance. Kahit sobrang nagseselos na si Eshvi habang pinagmamasdan ang mag-asawa. Nangingilid na lang ang luha niya sa mata habang tini
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a
SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria
NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d
TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang