NAGLIBOT si Triana sa Paris kasama sina Devance at Austin. Sumaglit sila sa Louvre Museum dahil na rin sa kagustuhan niyang malibang. Wala kasi si Lara dahil biglang bumisita ang kapatid nito noong nakaraang araw at may pinuntahan silang malapit na kamag-anak. Wala tuloy siyang mapagsabihan tungkol sa maraming bagay na bumabagabag sa kanya. Hanggang sa bumalik sila sa hotel na tinutuluyan at nakatanggap siya ng mensahe mula kay Caleb bandang takipsilim. Kasalukuyan silang nasa veranda ng hotel malapit sa may swimming pool. Tahimik silang umiinom ng black coffee. Darling, I’m already here at the hotel. I know you were just pranking me, right? See you! Lihim na napalunok si Triana nang mabasa ang message na iyon. Nahalata ni Devance na biglang natigilan si Triana kaya agad itong nagtanong. “Is there a problem?” his forehead creased. Huminga nang malalim si Triana. “Caleb just texted he’s here in Paris.” “What’s your plan?” kaswal na tanong ni Devance sabay lagok ng kape mula sa t
THEY flew to Iceland to spend the Christmas there. Pansamantalang nakalimutan ni Triana ang bigat na kanyang dinadala dahil sa pamosong Aurora Borealis. The Northern Lights were mesmerizing to see as it blinked proudly covering the entire sky. Hindi sumama si Austin dahil humingi ito ng Christmas at New Year break na pinagbigyan naman ni Devance para makasama ang pamilya nito. Maging ang mga magulang ni Devance ay tuwang-tuwa habang nakamasid sa makulay na berdeng liwanag sa kalangitan. Kasalukuyan silang nasa kanilang private cabin sa Reykjavic. Napapalibutan sila ng niyebe. It was freezing in winter. Kaya suot nila ang makakapal na fur jackets para maibsan ang lamig na kanilang nararamdaman. “It’s magical!” bulalas ni Triana habang nakamasid sa polar lights. “I know, let’s get inside. We’ll suffer a frostbite here. And it’s almost midnight.” Yakag ni Devance sa kanya. Naabutan niyang umiinom ng tea ang mga magulang. Bakas sa mukha ng mga ito ang saya habang pinagmamasdan sila. It
“SHIT! Ang gwapo!” Hindi mapigilang bulong ni Clariz na napahawak pa sa braso ni Triana dala ng sobrang kilig. “Ladies and gentlemen, meet the new Chairman of the Board, Devance Chaudhary. His wife will be here soon, and she’s our new Chief Executive Officer.” Pagpapakilala ng private secretary ni Devance na si June Alejandro. He even emphasized the word ‘wife’ at saglit itong tumingin kay Triana sa hindi kalayuan. Nagsitayuan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon pwera kay Triana na mas pinagtuunan ng pansin ang mga mukha ng mga Board of Directors. Tiyak na isa sa mga ito ang may kinalaman kung bakit may mga naging disbursement noon na walang naging kaukulang dokumento. She found over a billion of funds went missing. Even though his father had mismanaged it, for sure there were other persons involved. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinili niyang maging low profile muna. Kailangan niyang masiguro na ang lahat ng kanilang tauhan ay mapagkakatiwalaan. Agad namang nagyaya ang
“HOW’S your first day of work?” tanong ni Austin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Ito kasi ang itinalaga ni Devance na maghatid-sundo sa kanya kaysa sa private driver nila. Pero sinisiguro ni Triana na dapat walang makakita sa kanilang magkasama papunta sa trabaho. Baka kasi malaman agad ang sekreto niya. “Well, it’s good. Until I found out that Eshvi is our new product endorser.” Hindi niya napigilan ang mapairap. Natawa naman si Austin nang tingnan siya mula sa rear-view mirror. “Eshvi the supermodel?” “Walang iba. Nagtataka nga ako kung anong ginagawa ng babaeng ‘yon sa kumpanya. Imagine she threatened me in my face that she’ll steal Dev from me. Ang cheap ha. Hindi talaga nabibili ang breeding.” Naiinis na sambit niya. “Don’t mind her. She is just an ex who could not get over with the past. Are you bothered? Or perhaps threatened by her presence?” “Why should I? I’m the wife,” taas-noong wika niya. Kahit ang totoo ay may mumunting kurot na nararamdaman siya. Kung para sa
NAGANAP ang welcome party sa isang kilalang hotel sa syudad nang sumunod na gabi. There was a long red carpet on the aisle stretching up to the stage. Napapalibutan ang venue ng mga pabilog na mesa sa gilid ng malawak na dance floor at napakaraming makukulay na mga bulaklak sa paligid bilang dekorasyon. Sa bandang gilid ng stage at mayroong orchestra na siyang nagpapatugtog ng malamyos na tugtugin. Litaw na litaw ang tunog ng violin. Pinanindigan ni Triana ang pagpapanggap na ibang tao kaya isang simpleng itim na signature empire gown ang kanyang napiling isuot. She looked perfect in her disguise. Hindi kasi niya inalis ang kanyang makapal na salamin at nakatirintas pa rin ang buhok niya. Samantalang isang dark green na suit ang napiling isuot ni Devance na agaw pansin sa mga kababaihan. Hindi siya sumabay dito dahil nauna silang umalis ni Austin at sabay sila ni Lara na pumasok sa loob ng hotel. Hindi rin maiwasan na makakuha ng atensyon ang kaibigan niya sa suot nitong purple na tr
“YES, June?” Umangat ang ulo ni Devance nang biglang pumasok ang kanyang private secretary. “The winning contractor from the bidding the other day wants to meet you.” Napaangat ang isang kilay niya. “Do they have an appointment?” “I’m afraid none. But CEO is here, and he said it’s urgent.” Natawa nang pagak si Devance. “Urgent, my foot,” bulong niya bago muling itinuon ang atensyon kay Mr. Alejandro, “All right. Let him in.” Maya-maya pa ay tumambad sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Caleb Ortega. He did not give him a chance to be with his wife again last night after the dance. Bagama’t nagpalit-palit siya ng kasayaw pagkatapos nila ni Triana. He made sure that his wife would only dance with Lara and Austin. Triana was sensitive enough to grasp what was going on. Kaya nanatili na lang ito sa mesa nito kasama si Clariz. Umayos ng upo si Devance. “Please have a seat, Engineer Ortega. What brought you here?” Naupo ito sa bakanteng mahogany chair sa harap ng kanyang mesa. “
“CALEB found out where my office is,” pagbibigay alam ni Triana kay Devance nang makauwi sila sa bahay kinagabihan. Kasalukuyan siyang nagbibihis sa loob ng kanilang silid. “Oh?” Tumingin si Devance sa kanya. Halos magkasabay silang dumating at hinuhubad din nito ang suot na coat kaya inalalayan niya. “He wanted to take me out for lunch,” kaswal na wika niya. Ipinatong niya ang coat nito sa kama. “Pumayag ka?” Nagsalubong ang kilay ng asawa. “Crazy, no! Mabuti na lang sumulpot si Lara, we ate lunch together.” “Good.” Biglang nagliwanag ang mukha nito. He loosened his blue striped tie. “Though I have made another lie.” Pilya ang ngiting gumuhit sa labi niya. “What do you mean?” His forehead creased. Hinubad nito ang suot na sapatos. “I told my officemates I am a widow, and they invited me for a sort of blind date.” Napahalakhak siya. “Widow, you say?” Mabilis na tinanggal ni Devance ang pagkakabutones ng damit nito. “I should get the compensation for refusing to kiss me when I
HINDI nakatanggi si Triana na sumama sa group random date na kinukulit ni Clariz nang sumunod na gabi. Ipinaalam na niya lang kay Devance na uuwi rin siya kaagad para pagbigyan ang mga kasama sa trabaho. Dala niya ang sariling sasakyan at siya mismo ang nagmaneho. Nakisabay sa kanya si Clariz at panay ang kwento nito habang nasa biyahe. “Alam mo minsan iniisip ko kung anong pagkakaiba ng trip ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Isipin mo kailangan pa nating mag-organized ng group date para makakilala ng matinong partner. Samantalang sila kapag may nagustuhan sa isang gathering, date kaagad tapos kasal.” Natawa si Triana. “Hindi naman. Wala naman sa status ang pagkakaroon ng matinong love life. These rich people often think about business, including marriages. Kaya maraming hindi masaya at nauuwi sa hiwalayan.” “Pero nakakainggit pa rin. Isipin mo, kapag mahirap halos motor lang ang afford hanggang roadtrip lang sa mga date. Kapag mayaman may mga chopper, gano’n. Anong tawag do’n? Clo
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a
SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria
NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d
TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang