“YES, June?” Umangat ang ulo ni Devance nang biglang pumasok ang kanyang private secretary. “The winning contractor from the bidding the other day wants to meet you.” Napaangat ang isang kilay niya. “Do they have an appointment?” “I’m afraid none. But CEO is here, and he said it’s urgent.” Natawa nang pagak si Devance. “Urgent, my foot,” bulong niya bago muling itinuon ang atensyon kay Mr. Alejandro, “All right. Let him in.” Maya-maya pa ay tumambad sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Caleb Ortega. He did not give him a chance to be with his wife again last night after the dance. Bagama’t nagpalit-palit siya ng kasayaw pagkatapos nila ni Triana. He made sure that his wife would only dance with Lara and Austin. Triana was sensitive enough to grasp what was going on. Kaya nanatili na lang ito sa mesa nito kasama si Clariz. Umayos ng upo si Devance. “Please have a seat, Engineer Ortega. What brought you here?” Naupo ito sa bakanteng mahogany chair sa harap ng kanyang mesa. “
“CALEB found out where my office is,” pagbibigay alam ni Triana kay Devance nang makauwi sila sa bahay kinagabihan. Kasalukuyan siyang nagbibihis sa loob ng kanilang silid. “Oh?” Tumingin si Devance sa kanya. Halos magkasabay silang dumating at hinuhubad din nito ang suot na coat kaya inalalayan niya. “He wanted to take me out for lunch,” kaswal na wika niya. Ipinatong niya ang coat nito sa kama. “Pumayag ka?” Nagsalubong ang kilay ng asawa. “Crazy, no! Mabuti na lang sumulpot si Lara, we ate lunch together.” “Good.” Biglang nagliwanag ang mukha nito. He loosened his blue striped tie. “Though I have made another lie.” Pilya ang ngiting gumuhit sa labi niya. “What do you mean?” His forehead creased. Hinubad nito ang suot na sapatos. “I told my officemates I am a widow, and they invited me for a sort of blind date.” Napahalakhak siya. “Widow, you say?” Mabilis na tinanggal ni Devance ang pagkakabutones ng damit nito. “I should get the compensation for refusing to kiss me when I
HINDI nakatanggi si Triana na sumama sa group random date na kinukulit ni Clariz nang sumunod na gabi. Ipinaalam na niya lang kay Devance na uuwi rin siya kaagad para pagbigyan ang mga kasama sa trabaho. Dala niya ang sariling sasakyan at siya mismo ang nagmaneho. Nakisabay sa kanya si Clariz at panay ang kwento nito habang nasa biyahe. “Alam mo minsan iniisip ko kung anong pagkakaiba ng trip ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Isipin mo kailangan pa nating mag-organized ng group date para makakilala ng matinong partner. Samantalang sila kapag may nagustuhan sa isang gathering, date kaagad tapos kasal.” Natawa si Triana. “Hindi naman. Wala naman sa status ang pagkakaroon ng matinong love life. These rich people often think about business, including marriages. Kaya maraming hindi masaya at nauuwi sa hiwalayan.” “Pero nakakainggit pa rin. Isipin mo, kapag mahirap halos motor lang ang afford hanggang roadtrip lang sa mga date. Kapag mayaman may mga chopper, gano’n. Anong tawag do’n? Clo
DUMIIN ang pagkakahawak ni Triana sa kamay ni Devance para ipahiwatig na tutol siya sa mga nangyayari. But it seemed that he picked the wrong signal. Or maybe he intentionally chose it that way. “Oh, hello, Miss Eshvi. If you want to join the fun, I’m afraid you’ll have to fall in line as well,” magiliw na wika ni Devance. Tila naman nag liwanag ang mukha ni Eshvi. “Really? I won’t mind then.” Taas-noo itong naglakad para pumila sa likuran ng mga babaeng empleyado. But it seemed they were intimidated to the point that they gave way instead. Biglang kumulo ang dugo ni Triana sa nangyari lalo na nang bitawan ni Devance ang kamay niya. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagsisisi siyang nagpakilala sa mga taong narito sa ibang katauhan. Ayaw naman niyang masira ang planong nasimulan kaya hindi siya makapalag kahit harap-harapang nililingkis ni Eshvi ang asawa. At isa pa, wala rin siya sa lugar para mainis. She once suggested that she and Devance would only share a bed with no strings a
HINDI na nakatiis si Triana na sitahin si Devance kung bakit bigla na lang itong umastang galit sa mga nangyayari gayung ito naman ang nagsimula ng lahat. Kung hindi lang ito naging magiliw sa pag-entertain kay Eshvi kanina ay hindi niya maiisipang yayain si Caleb na mag-usap sila. Dahil hangga’t maaari ay gusto na niyang iwasan ang dating kasintahan para sa ikakapanatag nilang lahat. “Should I apologize for disturbing your intimate moment with your ex-boyfriend? Oh, sorry then,” sarkastikong saad ni Devance. “What is your problem?!” iritadong sita ni Triana sa asawa. “I am just concerned when you finally revealed your identity as the company’s CEO, our employees will gossip about you and Caleb.” Madilim ang mukhang sabi ni Devance. Nanatiling nakatutok ang atensyon nito sa daan. Triana chuckled. “Caleb and I, really? Then what about you and Eshvi, then?” Sandaling hindi kumibo si Devance. Kitang-kita ang pagtiim-bagang nito. “What’s with this act? It seemed you’re acting lik
MABILIS na dumaan ang mga araw. Kapwa naging abala ang lahat sa trabaho. Mula nang mangyari ang insidente sa group date ay hindi na nagpakita ng anumang dahilan si Devance para magduda ang mga empleyado sa totoong pagkatao ni Triana. He had been busy with business, and he was taking it seriously. Madalas rin silang mag-discuss sa bahay tungkol sa kanilang negosyo at hindi basta nagdedesiyon si Devance sa malalaking projects nang hindi kinokunsulta si Triana at hinihingi rin nila ang suhestiyon ng ama. Lara and Austin became civil, mainly because the Tan family had announced Lara’s engagement to Chen Yang—a young billionaire from China. And just like that, Valentine’s Day came at last. Muli ay abala ang mga empleyado sa kung anong pakulo sa opisina sa araw ng mga puso. Hindi naman nagtaka si Triana dahil sa ngayon ay alam na niya ang activities ng mga empleyado nila sa tuwing may importanteng okasyon. Lumapit si Clariz sa abalang si Triana habang may hawak itong water tumbler. Mula k
NANG SUMUNOD na buwan ay nag-organize ang ilang department ng outing. Ginanap iyon sa kilalang resort sa Batangas. Minsan pang nagtalo sina Devance at Triana na itigil na ang pagpapanggap niya bilang ibang tao dahil lampas na sa sixty days iyon mula nang simulan niya. Pero humingi siya ng extension. Natutuwa kasi siya sa ginagawa at may tamang panahon para magpakilala siya. Samantalang si Austin ay tuluyang nag-file ng indefinite leave kaya wala ito ngayon. Wala silang balita kung kailan ito babalik. Kaya maging si Lara ay hindi na rin pumapasok sa AGC dahil bumalik na ito sa sariling kumpanya ng pamilya. At abala na rin ito sa nalalapit nitong kasal. Mukhang hindi na talaga iyon mapipigilan. Lara agreed with her marriage to Chen, and she had no plans of backing out unless Austin told her so, na malabo ring mangyari dahil hindi nga sa kanila nagpaparamdam si Austin. Magkakasama ang Marketing, Engineering, at Executive Department sa nasabing early summer getaway. Hindi na nagtaka si T
ILANG araw na nagpahinga si Triana dahil isinugod siya sa ospital matapos ang insidenteng nalunod siya sa dagat. Mabuti na ang pakiramdam niya at handa na siyang bumalik sa trabaho. “Are you sure about going back to work?” Nagdududang tanong ni Devance habang nagbibihis si Triana ng kulay maroon na business suit sa loob ng kanilang silid. “Yes, I’m bored here,” siguradong sagot ni Triana. Devance helped her to button her suit. Si Triana naman ang nag-ayos ang pulang kurbata ng asawa. He wore a chestnut-colored three-piece suit. “You look gorgeous, as usual, Kanchhi.” Humahangang bulalas ni Devance. Ngayon kasi ang araw na magpapakilala siya bilang CEO ng kanilang kumpanya. Hindi na iyon maiiwasan dahil alam na ng lahat ang totoong relasyon nila dahil sa nangyari sa outing. Hindi sana ganito ang plano ni Triana pero wala na siyang magagawa dahil hindi naman nila inaasahan na maaksidente siya. It was a big news in the office and employees were gossiping about it. Their private drive
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a
SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria
NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d
TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang