MATULING lumipas ang isang linggo at magkikita na sina Triana at Caleb kinabukasan sa Paris. Tamang-tama lang dahil umalis ang kanilang magulang papuntang Barcelona para magbakasyon ng ilang araw. Pagkatapos ay magkikita-kita silang pamilya sa Iceland para doon mag-celebrate ng Christmas. It was Triana’s idea to celebrate the Christmas Eve under the Northern lights. Pagkatapos ay uuwi sila sa Pilipinas para doon mag-celebrate ng New Year at ng fourth death anniversary ng kanyang ama. “Ang saya mo ngayon ah.” Puna ni Devance habang nag-aayos siya ng mga gamit. “Of course, finally I can see the love of my life after almost three months! The well is getting dry na.” Maang na napatingin sa kanya si Devance sabay ng pagkunot ng noo. “The what?” “Oh, never mind.” Bahagya siyang natawa. Nahawa na yata siya sa mga dirty jokes nito at kumportable na siya rito. “Did I hear it right? The well is getting dry?” Humagalpak ng tawa ni Devance. “Sorry for being slow. I didn’t know you have this
BUO ang loob ni Triana na bumalik sa suite na inookupa nila ni Devance. Hindi niya dito ipinaalam na babalik siya. It was almost ten in the evening. Baka nasa syudad ito kasama ni Austin at abala mambabae. Pero kung maaabutan niya ito roon ay gagawin niya agad ang binabalak. Halatang nagulat si Devance nang makita siyang pumasok sa loob ng suite. Pabalibag niyang itinapon ang itim na travelling bag. “Hey, what happened to the wild night in Paris?” gulat na tanong ni Devance. Hindi niya ito kinibo. Dumeretso si Triana sa banyo at naligo. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Devance pero hindi naman ito nag-usisa pa. Sana lang hindi nito nahalata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Triana had a warm shower to calm her nerves. Paulit-ulit na umuukilkil sa isip niya ang mga malalaswang ginagawa ni Caleb kasama ang babaeng iyon. Lalong nagpupuyos ang kanyang damdamin. Hanggang ngayon wala siyang maapuhap na sagot kung bakit iyon nagawa sa kanya ni Caleb. Mas maiintindihan niya pa kung naging
NAGLIBOT si Triana sa Paris kasama sina Devance at Austin. Sumaglit sila sa Louvre Museum dahil na rin sa kagustuhan niyang malibang. Wala kasi si Lara dahil biglang bumisita ang kapatid nito noong nakaraang araw at may pinuntahan silang malapit na kamag-anak. Wala tuloy siyang mapagsabihan tungkol sa maraming bagay na bumabagabag sa kanya. Hanggang sa bumalik sila sa hotel na tinutuluyan at nakatanggap siya ng mensahe mula kay Caleb bandang takipsilim. Kasalukuyan silang nasa veranda ng hotel malapit sa may swimming pool. Tahimik silang umiinom ng black coffee. Darling, I’m already here at the hotel. I know you were just pranking me, right? See you! Lihim na napalunok si Triana nang mabasa ang message na iyon. Nahalata ni Devance na biglang natigilan si Triana kaya agad itong nagtanong. “Is there a problem?” his forehead creased. Huminga nang malalim si Triana. “Caleb just texted he’s here in Paris.” “What’s your plan?” kaswal na tanong ni Devance sabay lagok ng kape mula sa t
THEY flew to Iceland to spend the Christmas there. Pansamantalang nakalimutan ni Triana ang bigat na kanyang dinadala dahil sa pamosong Aurora Borealis. The Northern Lights were mesmerizing to see as it blinked proudly covering the entire sky. Hindi sumama si Austin dahil humingi ito ng Christmas at New Year break na pinagbigyan naman ni Devance para makasama ang pamilya nito. Maging ang mga magulang ni Devance ay tuwang-tuwa habang nakamasid sa makulay na berdeng liwanag sa kalangitan. Kasalukuyan silang nasa kanilang private cabin sa Reykjavic. Napapalibutan sila ng niyebe. It was freezing in winter. Kaya suot nila ang makakapal na fur jackets para maibsan ang lamig na kanilang nararamdaman. “It’s magical!” bulalas ni Triana habang nakamasid sa polar lights. “I know, let’s get inside. We’ll suffer a frostbite here. And it’s almost midnight.” Yakag ni Devance sa kanya. Naabutan niyang umiinom ng tea ang mga magulang. Bakas sa mukha ng mga ito ang saya habang pinagmamasdan sila. It
“SHIT! Ang gwapo!” Hindi mapigilang bulong ni Clariz na napahawak pa sa braso ni Triana dala ng sobrang kilig. “Ladies and gentlemen, meet the new Chairman of the Board, Devance Chaudhary. His wife will be here soon, and she’s our new Chief Executive Officer.” Pagpapakilala ng private secretary ni Devance na si June Alejandro. He even emphasized the word ‘wife’ at saglit itong tumingin kay Triana sa hindi kalayuan. Nagsitayuan at nagpalakpakan naman ang lahat ng naroon pwera kay Triana na mas pinagtuunan ng pansin ang mga mukha ng mga Board of Directors. Tiyak na isa sa mga ito ang may kinalaman kung bakit may mga naging disbursement noon na walang naging kaukulang dokumento. She found over a billion of funds went missing. Even though his father had mismanaged it, for sure there were other persons involved. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinili niyang maging low profile muna. Kailangan niyang masiguro na ang lahat ng kanilang tauhan ay mapagkakatiwalaan. Agad namang nagyaya ang
“HOW’S your first day of work?” tanong ni Austin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Ito kasi ang itinalaga ni Devance na maghatid-sundo sa kanya kaysa sa private driver nila. Pero sinisiguro ni Triana na dapat walang makakita sa kanilang magkasama papunta sa trabaho. Baka kasi malaman agad ang sekreto niya. “Well, it’s good. Until I found out that Eshvi is our new product endorser.” Hindi niya napigilan ang mapairap. Natawa naman si Austin nang tingnan siya mula sa rear-view mirror. “Eshvi the supermodel?” “Walang iba. Nagtataka nga ako kung anong ginagawa ng babaeng ‘yon sa kumpanya. Imagine she threatened me in my face that she’ll steal Dev from me. Ang cheap ha. Hindi talaga nabibili ang breeding.” Naiinis na sambit niya. “Don’t mind her. She is just an ex who could not get over with the past. Are you bothered? Or perhaps threatened by her presence?” “Why should I? I’m the wife,” taas-noong wika niya. Kahit ang totoo ay may mumunting kurot na nararamdaman siya. Kung para sa
NAGANAP ang welcome party sa isang kilalang hotel sa syudad nang sumunod na gabi. There was a long red carpet on the aisle stretching up to the stage. Napapalibutan ang venue ng mga pabilog na mesa sa gilid ng malawak na dance floor at napakaraming makukulay na mga bulaklak sa paligid bilang dekorasyon. Sa bandang gilid ng stage at mayroong orchestra na siyang nagpapatugtog ng malamyos na tugtugin. Litaw na litaw ang tunog ng violin. Pinanindigan ni Triana ang pagpapanggap na ibang tao kaya isang simpleng itim na signature empire gown ang kanyang napiling isuot. She looked perfect in her disguise. Hindi kasi niya inalis ang kanyang makapal na salamin at nakatirintas pa rin ang buhok niya. Samantalang isang dark green na suit ang napiling isuot ni Devance na agaw pansin sa mga kababaihan. Hindi siya sumabay dito dahil nauna silang umalis ni Austin at sabay sila ni Lara na pumasok sa loob ng hotel. Hindi rin maiwasan na makakuha ng atensyon ang kaibigan niya sa suot nitong purple na tr
“YES, June?” Umangat ang ulo ni Devance nang biglang pumasok ang kanyang private secretary. “The winning contractor from the bidding the other day wants to meet you.” Napaangat ang isang kilay niya. “Do they have an appointment?” “I’m afraid none. But CEO is here, and he said it’s urgent.” Natawa nang pagak si Devance. “Urgent, my foot,” bulong niya bago muling itinuon ang atensyon kay Mr. Alejandro, “All right. Let him in.” Maya-maya pa ay tumambad sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Caleb Ortega. He did not give him a chance to be with his wife again last night after the dance. Bagama’t nagpalit-palit siya ng kasayaw pagkatapos nila ni Triana. He made sure that his wife would only dance with Lara and Austin. Triana was sensitive enough to grasp what was going on. Kaya nanatili na lang ito sa mesa nito kasama si Clariz. Umayos ng upo si Devance. “Please have a seat, Engineer Ortega. What brought you here?” Naupo ito sa bakanteng mahogany chair sa harap ng kanyang mesa. “