Share

Chapter 75

CHAPTER 75

BIGLA na lamang nagkagulo ang buong bahay ni Arthuro. Ang mga maid niya ay nagsisigawan kaya mabilis niyang nilisan ang kaniyang kuwarto. Sa mgaoras na iyon ay hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Isa lang ang una niyang naisip, pinuntahan niya si Owen sa sarili kuwarto nito.

“Aaah!” malakas nasigaw na nanggagaling pa sa labas ng bahay.

Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan at may takot na tanong niya sa sarili habang mabilis na tinungo ang kuwarto ni Owen.

Nang makarating na siya doon ay naiwang bukas ang pintuan ng kuwarto nito. Nakaramdam na agad siya ng kaba at baka ay may masamang nangyari sa kaniyang anka.

“Aaah!” sigaw ulit na nanggagaling naman sa kusina.

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit maraming nagsisigawan. Wala naman siyang naririnig na putok ng baril. Sandali niyang pinasok ang kuwarto ngunit wala doon si Owen.

“Owen!” sigaw niya sa pangalan nito habang nasa loob pa siya. Nang lumabas siya aysinigaw niya rin ulit ang pangalan nito.

Mul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status