"Craig, what brought you here again?" tanong ni Aivan nang salubungin siya. Pagkagaling sa condo ni Maxine ay sa bar ni Aivan siya tumuloy. Alam niyang napapadalas na ang pagparoon niya. Ibig sabihin at talagang malaki ang gumugulo sa isipan niya ngayon. "Can you not ask a question, Aivan! I'm not in the mood, okay! May tao ba sa private room? If wala, bring me drinks!" utos niya rito. Pumanhik agad siya sa silid na para sa kanilang magbabarkada. Nagtanong siya baka kasi maratnan na naman niya roon si Baron na may ginagawang milagro. Wala siya sa mood maging ang mga kabaliwan na ginagawa ni Baron.Buti na lang at walang gumagamit ng silid pagpasok niya. He needs privacy. Kahit hindi naman talaga magiging exclusively private para sa kanya dahil naroon si Aivan. Walang preno pa naman ang bibig nito lalo kapag curiosity strikes. Kabaliktaran ng personalidad nila ni Baron si Aivan. He's a happy go lucky kind of guy. Ginagawang katatawanan lahat kahit na mabigat na problema pa iyon."Ano
"Stop!" saway nito sa kanya. Hindi nagustuhan ang pagsigaw niya. Napangisi siya nang mahalata ang kakaibang tono sa boses ng kaibigan. Biglang nabaliktad ang sitwasyon. "Wow! You really are in love! "Knock it off!" saway bigla nito sa kanya. "It's not like I want to keep her beside me. It's not gonna happen!" aniya. "Hindi ako katulad ninyo!" asik pa nito. Pagak siyang natawa. Bigla ay nag-iba na rin ang mood niya. Thanks to his friend. "Why not? Tell me, maybe I can be a help..." sabi niya. Sinalinan ang baso nito ng alak. "Cheers to you, bro!" "Fúck off!" babala nito bigla. Agad na nilagok ang laman ng kanyang baso. Ang pait ay sumigid sa lalamunan nito. Hindi nito akalaing mahuhuli siya ng kaibigan sa paraang iyon. Akala niya ay kaya niyang itago. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Craig. "Bakit hindi puwede? Is she married?" Napatda ito. Hinuhuli lamang naman niya ito pero hindi niya inaasahang maaring iyon nga ang problema kaya ayaw nitong mapalapit sa babaeng gusto nit
It was a lonely night. Hindi na nila muling in-open ang kani kanilang mga problema. They just sit there and drink all night. Hating gabi na noong magpaalam siya sa mga kaibigan na uuwi na. Lalo't may trabaho siya. Hindi naman siya puwedeng maging iresponsable dahil may pinapatakbo siyang kompanya. "I'll call my driver to send you home," offer ni Aivan nang pasuray-suray siyang naglakad papunta sa pinto. Ngumisi siya dito. Hindi din nakaligtas sa mga mata niya si Baron na lugmok na sa kinauupuan. Paano ay hindi na lang baso-baso ang ininuman nito. Sa bote na talaga ito uminom."Nah!"tanggi niya sabay kaway sa kamay para pigilan ito. "I have my own driver. I can call him by myself. Iyang si Baron ang ipahatid mo," aniyang tuluyang tumalikod na.Mapungay ang mga mata niyang halos pumipikit na nang makalabas siya sa bar. May mga nakasunod sa kanyang mga guard ni Aiden na agad niyang pinaalis nang makarating siya sa kanyang sasakyan. Wala naman maglalakas ng loob na saktan siya lalo at n
Napalunok si Maxine sa narinig. Parang sinaksak ang puso niya dahil hanggang ngayon, ibang babae pa rin ang hinahanap nito. Kahit naroon na si Sofia ay iba pa rin ang laman ng puso nito. Si Althea pa rin talaga.Parang ilaw na nagliwanag sa kanya ang lahat. Nang muli siyang pumindot sa pass code sa pinto ay bumukas iyon. Mapait siyang napangiti. "So still her, Craig? Siya pa rin talaga ang mahal mo..." anas niya. Kaarawan ni Althea ang pass code na gamit ng lalaki. Ibig sabihin, mula noon hanggang ngayon, hindi nito talaga kinalimutan ang babae. Na nagsisinungaling ito sa naging payo nito kay Sharon tungkol sa pag-ibig. Hindi nito kayang kalimutan ang babaeng minamahal.Kung nakakagulat sa kanya ang pagbanggit ng pangalan ng lalaki kay Althea, mas nagulantang siya sa bumungad sa loob ng unit nito.Mula pa lamang sa pinto ay naglalaman na ng mga memorabilya ng babae ang living room. Bumungad agad sa kanya ang malaking painting ni Althea na nasa dingding. Nakaharap ang sofa sa paint
Mas lalong nakaramdam ng pananakit ng ulo si Craig nang malaman na si Maxine ang nag-uwi sa kanya. Ang mas nagpapasakit sa ulo niya ay kung paano sila nakapasok sa kanyang condo? Did he tell her his pass code? Nakita ba nito iyon?"Why do I care?" saad niya sa sarili.Pero habang lulan ng sasakyan ay hindi siya mapakali."Turn back, Mang Berto. Go to Maxine's place," aniya. Imbes na sa opisina ay mas gusto niyang makausap si Maxine. Kung anong sasabihin niya ay hindi niya alam. Basta gusto niyang makita ang babae. Agad naman na tumalima si Mang Berto. Nagtataka siya sa inaasal ng among lalaki. Ilang araw na rin niyang napapansin ang kakaibang mga kilos nito. Pero dahil drayber lamang siya nito ay hindi siya nangahas na magsalita. Kilala niya ang temper ng amo. Mahirap ng mawalan pa ng trabaho.Samantala, inip na inip si Craig sa biyahe. Iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Maxine ngayong baka natuklasan na nito ang kanyang sikreto. Nahilot niya ang kanyang sentido nang muling sumi
Dahil mas inisip niya ang bata. Nagawa niyang sipain sa paa ang lalaki. Tumama iyon sa binti nito.."Ouch!" reklamo nitong napayuko at napahimas sa nasaktan na paa. Bumakat pa sa itim at plantsado nitong slacks ang sapatos niya.Muli niyang pinandilatan ng mga mata ang lalaki bilang babala bago niya lingunin ang bata. Buti na lamang at pumikit ito at nagtakip ng mga mata. Though may maaninag na ngiti sa mga labi ng bata. Muli niyang sinulyapan si Craig na hinihimas pa rin ang tinadyakan niya. Magpasalamat ito dahil hindi ang gitna nito ang tinuhod niya. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na ang mag-ina. Kumaway pa ang batang lalaki sa kanila para magpaalam. Ngumiti siya ta kumaway samantalang si Craig ay nakasimangot at hindi na maipinta ang mukha. Naiwan na naman silang dalawa sa elevator."You know what, tama si Baron, a cat needs to be tamed! Marunong ng sumuway at mangalmot!" litanya nitong madilim ang mukha. Masakit pa rin ang paang natadyakan kanina.Hindi na maintindihan ni
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Maxine ay nagpaiwan siya kay Mang Berto uoang mapag-isa. Nakaupo lang naman siya sa kanyang sasakyan sa harap ng gusali ng condo ni Maxine. Hindi siya gumalaw doon hanggang sa gumabi na. Nagawa lamang niyang umalis at nagtungo sa kompanya nang pagabi na. Magtatrabaho na lamang siya ngayon gabi. It will distract him kahit papaano. Nagsisiuwian na ang mga empleyadong pang-umaga nang makarating siya. Bumabati ang mga ito sa kanya pero ni hindi niya magawang bumati pabalik. Okupado ang isip niya sa mga alalahaning bumabagabag sa kanya.Maging sa elevator ay okupado ang isip niya. Napasandal siya sa dingding ng elevator. Nakapikit siya habang hinihintay ang pagdating niya sa opisina.Nang tumunog ang elevator ay hindi pa siya agad tumalima. Parang may nakadagan sa kanyang dibdib. Nang bumukas ang elevator ay parang wala siyang enerhiyang naglakad papasok. "Craig, buti narito ka na..."Nagulat siya nang sumalubong sa kanya si Sofia. Akala niya ay wala ng ta
Nakaharap na siya sa body mirror at sinisipat ang sarili. Nakasuot siya ng ng itim na casual dress. Hanggang tuhod niya ang haba ng damit na pinatungan niya ng shawl. Backless kasi ang damit na binili pa nila ni Craig sa isang sikat na store nang isama siya nito sa isang work related out of the country. Nag-attend kasi sila noon ng party kaya napabili sila ng wala sa oras. Naisuot niya naman iyon kahit papaano na hindi tinatakpan ang sarili. Malayo kasi iyon sa ibang mapanghusgang mga mata. Mga dayuhan ang nakakasalamuha nila. At naroon si Craig sa tabi niya. May lumapit man noon ay hanggang bati lang at tingin ang mga ito. Nagkaroon siya ng confidence suot iyon. Pero doon lamang iyon. Iba pa rin talaga kapag sinanay na niya ang sarili sa nakagawian. Hindi dahil mas gugustuhin niyang pangit siya sa mata ng lahat. Gusto niya lang na iwas siya sa mga mata ng mga kalalakihang katawan ang tinitignan.Nang makitang maayos na kahit papaano ang itsura niya ay nagawa na niyang gumayak. Nagma
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th