Share

Kabanata 119

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-03-24 23:47:35

Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng sasakyan, pero hindi iyon sapat para pakalmahin si Jhaira. Pawis na pawis siya kahit na halos sagad na sa lamig ang aircon. Nanginginig ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit, habang ang puso niya ay parang binabayo ng napakabilis na tibok.

"Diyos ko, please… huwag namang mapahamak si Zach..."

Napapikit siya ng mariin, pilit nilalabanan ang matinding takot na bumabalot sa kanyang sistema. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaba niya—pero hindi niya rin alam kung paano niya iyon pipigilan.

Naiisip niya pa lang ang posibilidad na nasaktan si Zach nang malubha, parang gusto na niyang mawalan ng malay.

Kailangan niyang makita ito. Kailangan niyang marinig mismo mula kay Zach na ayos lang siya.

Bumagal ang sasakyan, hudyat na narating na nila ang ospital. Sa sobrang pagka-atat, hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng driver. Agad niyang binuksan ang pinto at bumaba, halos hindi na iniinda kung sumasakit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Ailene Ibañez Sambog
hayy naku author masyadong nmn ninyo dinamihan,ang pahirap..baka abutin Tayo ng 2026 nito
goodnovel comment avatar
Tata Java Andrino
wala na updated..
goodnovel comment avatar
Vilma Ramos
anu ba Yan...parang alam Kona ang mangyayari...nanaman masasaktan nanaman c jhaira!!!anuba authur wag naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 120

    Nakahinga nang malalim si Jhaira bago lumapit kay Zach. Pilit niyang nilalabanan ang kaba sa dibdib, pero habang palapit siya, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid, s********p sa natitira niyang lakas. Ang tibok ng puso niya ay parang kulog na umaalingawngaw sa loob ng kanyang dibdib.“Zach…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas ang boses niya. Pakiramdam niya, isang maling hakbang lang ay guguho na ang mundo niya.Napatigil ang babae sa tabi ni Zach at tumingin sa kanya. Isang mabilis na pagsipat lang, pero sapat para maramdaman niya ang bigat ng tingin nito. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Ang gusto lang niya ngayon ay makita si Zach, makausap siya, yakapin siya. Ang tanging nais niya ay marinig ang boses nito, maramdaman ang init ng kanyang presensya.Pero hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.Dahan-dahang lumingon si Zach sa kanya, ngunit ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi ang pamilyar na titig na puno ng pa

    Last Updated : 2025-03-25
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 121

    Jhaira's hands trembled as she clenched them into fists, her nails digging into her palms. Ang buong katawan niya ay nanginginig sa galit habang nakatitig sa babaeng mahigpit pa ring nakahawak kay Zach—si Ace. Hindi na niya kaya. Hindi niya hahayaang may ibang babaeng umaangkin sa lalaking siya mismo ang pinakasalan.Hindi siya nagdalawang-isip. Sa isang mabilis na kilos, hinila niya si Ace palayo kay Zach, dahilan upang mabitawan nito ang braso ng lalaki. Halos napasigaw si Ace sa gulat, pero bago pa ito makasigaw ng protesta, hinila na siya ni Jhaira palabas ng kwarto.Pagkasara ng pinto, binitiwan niya ito nang malakas, halos matumba ito sa sahig."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Ace, pilit inaayos ang sarili niyang postura.Matalim ang tingin ni Jhaira rito, punong-puno ng poot at determinasyon. Hindi siya makakapayag. Hinding-hindi."Huwag na huwag mong nilalapitan ang asawa ko," madiin niyang sabi, ang boses niya ay mababa pero puno ng pananakot. "For your

    Last Updated : 2025-03-29
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 122

    Tahimik na nakaupo si Jhaira sa tabi ni Lola ni Zach habang iniisip kung paano ipapaliwanag ang lahat. The old woman's presence was comforting, but the weight of everything still pressed down on her. Hindi niya alam kung paano magsisimula, pero alam niyang wala na siyang ibang kakapitan.Sa huli bumuntong hininga siya sinimulan ang pag e-explain mula sa pinaka-umpisa hanggang sa humantong na nawalan ng alalala si zach"Lola..." she started, her voice slightly shaky. "S-si A-ace-----kilala niyo po ba siya?"Napakunot-noo ang matanda. Bago ito bumuntong hininga, hinawakan ng matanda ang kamay niya"Ace is zach's childhood friend, bata palang sila ay magkasama nila... Ace liked my grandson ever since pero hindi siya gusto ni zach that's why nagkahiwalay na din sila paglaki nila, but i'm surprise na pati si Ace ay ginagamit ng asawa ko para makuha niya ang gusto niya sa apo namin... I felt sorry for zach and also for you jhaira, I'm sorry"Napakuyom ng kamao si Jhaira. "He wants me out of

    Last Updated : 2025-03-29
  • Billionaire found his Soulmate   Author's note

    Hi po sa mga readers at nag aabang sa story, first of all po alam kong matagal ng wala akong update pero huwag po kayong mag worry dahil hindi pa po end ng story yung last chapter na ini update ko.Busy lang po talaga me sa upcoming exam ko bukas and sa friday so please po bear with me and paki hintay po ang pagbabalik nila zach at jhaira, after po ng exam talaga ay babawi ako sa mga chapters na i u-update ko. Take note po: puwede po kayong mag message saakin sa f*, nag re-reply po ako doon sa lahat ng gusto niyo pong sabihin either positive or negative comment ang sasabihin po ninyo. (f* name: MAyka Faye, profile 3 cute cats)Muli po, naway maintindihan ninyo ang aking sitwasyon ngayon and thank you po sa patuloy na nag su-support sa story. Thank you po

    Last Updated : 2025-04-02
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 123

    Tahimik ang buong silid ni Zach. Tanging ang mahinang pag-ugong ng aircon at ang kalmadong tunog ng heart monitor ang naririnig. Sa gilid ng kama, nakatayo si Jhaira, tahimik na pinagmamasdan ang lalaking nakahiga sa puting kama—ang lalaking mahal niya.Si Zach.Hindi pa rin siya makapaniwala na naroon siya. Na katabi niya ulit ito. Na kahit wala pa ring malinaw na alaala ang binata, naramdaman pa rin niya ang init ng halik nito... at ang pagbalik ng koneksyon nilang hindi kayang burahin ng kahit anong trauma o pagkalimot.Sa tabi ni Zach, may isang nurse na abala sa pagche-check ng vitals. Panaka-naka ang pagtipa nito sa tablet habang sinusuri ang oxygen level, heart rate, at iba pang importanteng detalye sa kalagayan ng binata."Okay na ang progress niya. Pero kailangan niyang magpahinga," mahina ngunit malinaw na sabi ng nurse habang isinusulat ang obserbasyon sa chart.Tumango lang si Jhaira, pinilit ngumiti kahit ramdam na ramdam niya ang pagod. Inalalayan niya ang sarili habang

    Last Updated : 2025-04-05
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 124

    Ang tahimik na ospital ay biglang nabuhay nang bumukas ang pinto ng silid ni Jhaira."Anak!" sigaw ni Jaem habang kasunod ang dalawa sa kanilang kasambahay—parehong may bitbit na mga plastic at basket ng prutas, lugaw, tinola, juice, vitamins, at kung anu-ano pang mukhang pangisang linggong stay sa hospital.Napapikit si Jhaira, alam na niya kung ano ang susunod."Ma..." mahina niyang bungad.Pero hindi pa man siya natatapos ay sunod-sunod na ang sinabi ng ina niya habang papalapit ito sa kama niya. "Hindi ka ba marunong mag-ingat? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo, Jhai! You're pregnant! Dapat nagpapahinga ka sa bahay natin! Nakatambay, chill lang, may aircon, may kumpletong vitamins—eh ngayon tingnan mo sarili mo, nasa ospital ka!"Napangiwi siya habang bumuka ang bibig. "Ma... sinabi ko naman po 'di ba? Tungkol kay Zach..."Nag-pout pa siya, parang batang nahuli sa kalokohan."Still!" putol ni Jaem habang nilalagay ang kamay sa bewang. "That doesn't mean you'll risk your health.

    Last Updated : 2025-04-05
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 125

    Pagkatapos ng mahabang oras ng pagbisita, muling nagpaalam si Jaem at ang mga kasambahay. Sabi ng ina niya, may kailangan lamang silang asikasuhin at babalik rin agad. Wala nang ibang sinabi si Jaem, at wala ring tanong na ibinato si Jhaira. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may kakaibang kaba sa dibdib niya. Isang kutob na hindi niya maipaliwanag.Pero pinili na lang niyang balewalain iyon.Pinilit niyang i-distract ang sarili. Ilang beses siyang nagpalinga-linga sa paligid, naghahanap ng kahit anong makakapukaw ng atensyon niya. Sa loob ng ilang minuto, sumagi sa isip niyang bisitahin si Zach sa kabilang kwarto. Gusto niyang makita ito—kamustahin, silipin, o kahit matanaw lang ang maamong mukha nito.Pero bago pa siya makabangon, muling bumalik sa isip niya ang nangyari kanina... Ang dugo. Ang spotting. Ang takot. At ang hindi niya maipaliwanag na kaba para sa anak nila."Baka kung pilitin ko pa 'yung sarili ko, may masamang mangyari." Napakagat siya sa labi. Kahit gustong-gusto na

    Last Updated : 2025-04-05
  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 126

    FlashbackZACHI was in the middle of sorting the files I secretly compiled for weeks—bank records, transactions under dummy names, inconsistencies sa ilang contracts na pabor lahat kay Lolo. The more I looked at it, the clearer it got: matagal na niya kaming nilalaro. Gusto ko nang tapusin ‘to, not just for me—but for her. For Jhaira and our child.I leaned back sa couch, pinikit sandali ang mata habang pinapaikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri ko. Hindi ko na nga siya nabibisita. She doesn't know how deep this is running. Hindi niya alam gaano kabigat ‘to.My phone buzzed.Hospital. My brows pulled together. I didn’t like random calls from them, not after what happened to Lola.Saglit akong natigilan bago sinagot. “Hello?”But what I heard wasn’t the nurse or the usual doctor."Zach..." a familiar voice, faint pero matatag.Nanlaki ang mata ko. "L-Lola?"Tumayo ako agad, automatic. Para akong binuhusan ng malamig na tubig."You're awake? Kailan pa? Bakit wala—""Calm down, apo

    Last Updated : 2025-04-08

Latest chapter

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 137

    Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sa likod ng 7-Eleven, bigla akong natigilan. Parang bumagsak ang mundo ko sa sahig. Sa harap ko, isang hanay ng itim na sasakyan ang nakapila. Mga lalaking naka-black suit, may hawak na baril, at lahat nakatingin sa direksyon ko.Pero hindi sila ang bumuhay ng kaba sa dibdib ko.Nandoon siya.Ang matandang mukhang lumalamon ng galit at poot. Si Lolo ni Zach. Hindi ko man siya kilala nang lubusan, pero sa isang iglap lang ng titig niya — ramdam ko agad.Papatayin niya ako."PUTA!" sigaw niya habang mabilis akong nilapitan, mas mabilis pa sa paghinga ko. "PUTA KANG MALAS KA!"Isang sampal.Sunod-sunod. Wala akong oras para makaiwas.Sumabog ang tenga ko. Ang pisngi ko, parang tinuklap ang balat. Parang nagdilim ang paningin ko. Parang ang buong katawan ko ay nilunod ng apoy.Hinila niya ako palapit. Kinwelyuhan. Parang wala akong kwenta. Parang basura lang akong pinulot sa daan."Lahat, LAHAT NAWALA DAHIL SA'YO! DAHIL SA KALANDIAN MO!""A-ano—?"Hindi k

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 136

    Hindi pa sumisikat ang araw nang maramdaman kong gumalaw ang mga pilikmata ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, pero sapat na ang liwanag ng buwan sa labas para makita ko ang madilim na silweta ng kwartong kinabibilangan namin ngayon.Tahimik. Malamig ang hangin galing sa aircon, pero mas mainit ang katawan ni Zach na nakayakap sa'kin mula sa likod.Nakahiga siya, ang isang braso niya nakaakbay sa baywang ko habang ang isa nama'y nakaipit sa ilalim ng leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap niya nang bahagya, para bang kahit sa pagtulog niya ay ayaw niya akong pakawalan.Napalingon ako. Doon ko nakita ang mukha niyang nakalapat sa unan, mahimbing ang tulog, pero halatang pagod. Namumula pa ang ilalim ng mga mata niya, may kaunting eyebags na tinatago ng makakapal niyang pilikmata. Magulo ang buhok niya, bahagyang namumula ang labi, at halatang hindi siya natulog agad kagabi.Ni hindi ko alam kung nakatulog nga ba siya ng maayos.Paano ba naman, imbes na tapusin niya 'yung mga papeles

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 135

    Pinagmasdan ko kung paano iligo ni Zach ang perfume ng strawberry scent sa kanyang katawan, pati buhok niya ay ini sprayan nya rin. Halos maubos na ang bagong bottle ng pabango dahil sa pag lalagay niya rito, kulang nalang ay gawin na niya itong sabon sa katawan"Done, can I hug you now?" tanong niya ng matapos siya Naka-upo ako sa sofa habang siya ay nakatayo sa harapan ko at tinatakpan ang pinapanood kong movie. Relax na relax lang ako rito pero siya ay kanina pa problemado dahil hindi ko pinagbigyang lumapit siya saakin kanina "Lika na baby ko" ngiti ko at inilahad ang aking kamay sa kaniya Sobrang lawak ng ngiti naman niyang binato sa likuran niya ang pabango sa sahig at agad akong nilapitan. Mabilis niya akong niyakap at agad na sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib, ang kaniyang kamay ay pumasok sa loob ng aking blouse at hinaplos ang bewang. Ayaw na ayaw talaga nito na walang mahawakang balat saakin, kailangan ay may pisikal contact sa aming dalawa kung hindi ay para na si

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 134

    Lutang akong nakatingin sa kawalan habang nakayakap saakin si zach mula sa aking likuran, ang kaniyang kamay ay nakayakap sa aking bewang at ang isa ay nakahaplos sa aking tiyan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ng aking leeg Ngumuso ako at sinulyapan siya, naabutan kong pikit na ang kaniyang mata at mukhang patulog na. Humarap ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang panga "Ayaw mo na ba saakin? ayaw mo na sa katawan ko?" tanong ko, halata ang pagtatampo sa boses Paano kasing hindi ako magtatampo ay inayawan niya ang ginawa kong pan lilinlang sa kaniya, pagkatapos niyang makita ang itsura ko sa lingerie ay agad niya akong kinumutan sa buong katawan at sinabing magpalit daw ako at baka lamigin ako, ibig sabihin ay palpak ang ginawa ko. Kitang kita ko pa naman ang pagtayo ni junjun niya kanina pero sa huli, mas nagtagumpay ang kanang kamay ni zach sa loob ng cr para palabasin ang dapat palabasin kanina Ang akala ko ay tulog na siya pero bigla niyang nilapit an

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 133

    Nagising ako at naabutan ang sarili sa loob ng kuwarto namin ni zach, madilim na ang ulap at mukhang natulugan ko ang pag-uwi namin kanina mula sa club ni Raven. Kinusot ko ang aking mata at napansing nakasuot na ako ngayon ng pajama pantulog, mukhang pinalitan ako ng damit ni zach kanina"Zach" tawag ko sa kaniyang pangalan at unti unting bumangon, ramdam ko ang pagkalam ng aking tiyan at ang kaunting pagkahilo ko Lumabas ako ng kuwarto at nakitang naka patay na ang ilaw sa sala at kusina kaya naisipan kong puntahan siya sa kaniyang opisina "Zach" Mapupungay ang aking matang binuksan ang kaniyang kusina at naabutan siya roonNakaupo sa kaniyang desk at nagkalat ang mga papeles sa lamesa, suot suot niya ang kaniyang specs habang seryosong nag t-type sa kaniyang lapyop. Naka white na t-shirt at simpleng blacks shorts lang ang suot niya kaya kitang kita ang kaniyang mga muscles mula ulo hanggang paa. Nag-angat siya kaagad ng tingin ng makita ako sa pintuan "Zach nagugutom ako" aniko

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 132

    "Let's go home?" Mahinang bulong ni Zach sa tenga ko habang ang kamay nitoy nakapulupot sa aking bewang. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang ihip ng hangin mula sa labas ng club. Malambing ang tono niya, pero may bigat sa boses. Lumingon ako sa kanya, may ngiting mapang-akit sa labi. "Saglit lang. Nandito na rin naman tayo, 'di ba?"Napakunot ang noo niya, pero hindi galit. Curious lang, saka 'yung parang... ina-analyze kung seryoso ba talaga ako. "You sure? Hindi ka pa pagod?."Tumango ako, sabay ngiti pa lalo. "Hindi pa."Hindi na siya nakasagot. Napailing lang siya habang hawak ko na ang kamay niya at marahan siyang hinila papasok pabalik sa loob ng club. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa Pagpasok namin, agad akong sinalubong ng tunog ng malalakas na bass, nakaka-adik na ilaw na palipat-lipat ang kulay, at 'yung halimuyak ng alak, usok, at pabangong mahal. Maraming tao ang bumungad saakin paglabas namin sa underground, ang iba ay nasa dancefloor at ang iba

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 131

    Tumapos na ang laban. Mabigat ang hangin. Hindi dahil sa pawis o pagod, kundi dahil sa kung anong hindi maipaliwanag na presensya sa loob ng arena. Parang hindi lang dugo ang iniwan ni Raven sa ring—parang may tinapon din siyang bahagi ng sarili niya roon. Tahimik siyang bumaba mula sa platform. Walang lingon. Walang paki. Parang wala siyang nakita, kahit pa nagsigawan ang crowd para sa pangalan niya.Sa kabilang gilid ng bleachers, si Jhaira, tahimik lang. Hawak niya ang maliit na tubig sa kamay, pero hindi iyon ang rason kung bakit nanginginig ang daliri niya. Hindi niya alam. Pero parang may iba. Something feels off. And she felt it the moment her eyes caught the silhouette of the girl sitting alone.Maganda ito—hindi sa flashy na paraan, kundi 'yong effortless. May mga hikaw na naggagalaw sa bawat kilos niya, habang nakatingin sa ring na para bang... may pinipilit siyang ibalik.Biglang napangiwi ang babae, halos hindi halata sa una. Pero nang marinig ni Jhaira ang bahagyang impit

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 130

    "Zach, tubig,"Ngumuso si Jhaira habang nilulunok ang huling kagat ng hamburger. Medyo may tumulong sauce sa gilid ng labi niya pero hindi na niya pinansin, gutom na gutom siya kanina pa.Zach glanced at her quickly, then reached for the plastic cup of water without saying a word. Hindi niya inalis ang tingin sa daan masyado, pero enough yung saglit na sulyap para malaman niyang aware siya sa lahat—kahit sa konting uhaw, kahit sa dulo ng labi niya na may sauce."Here, baby."Inabot niya iyon kay Jhaira, making sure mahigpit ang takip bago ibigay. "Drink slowly, baka maubo ka."She smiled a little and took the water. "Thanks.""You want more?"His voice was low, soft. Bago pa man siya makasagot, pinunasan ni Zach gamit ang hinlalaki niya ang gilid ng labi ni Jhaira. Dahan-dahan. Para bang ayaw niyang masaktan siya kahit sa balat."May konting sauce ka rito," he murmured, eyes flickering to her lips for a second before focusing back on the road.Jhaira giggled. "Busog na ako. Okay na 'k

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 129

    Kakapihit lang ng doorknob ng banyo nang lumabas si Zach, bagong paligo at may butil pa ng tubig na dumadaloy mula sa kaniyang buhok pababa sa leeg. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya, at habang inaabot ang isa pang tuwalya para punasan ang kanyang buhok, ay napako ang tingin niya sa kama. Tumigil siya sa paglalakad.Nandoon si Jhaira.Nakabalandra sa malambot na kutson, nakatagilid pero nakabuka ang katawan, parang bata na mahimbing ang tulog. Magulo ang buhok, nakaangat ng bahagya ang laylayan ng oversize shirt niya—kay Zach din 'yon—at kitang-kita ang maputing balat na palaging kinaiinggitan ni Zach kahit araw-araw niya 'tong nakikita. Pero kahit sa gulo ng posisyon nito sa kama, hindi nawala ang ganda niya.She was a mess, but she was beautiful.Lumingon si Zach sa kanya habang pinupunasan pa ang sarili, at hindi na nakatiis. Lumapit siya ng dahan-dahan, tahimik na naupo sa gilid ng kama, saka yumuko para halikan siya sa noo. Isa pang halik sa labi na magaan, mahigpit pero puno

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status