Nagtataka si Khelowna bakit hindi sumunod si Max sa kaniya. Ngunit agad rin niyang inalis sa isipan niya ang tungkol dito at nagfocus nalang sa dalawang anak niya na ngayon ay nasa kwarto at naglalaro at nag-uusap.Nasa kusina siya at kasalukuyang nagluluto para sa hapunan habang si Paris naman ay sinabi sa kapatid niya na may kapatid pa sila na ang pangalan ay Rome.“Rome?” kunot noong tanong ni Chicago.Tumango si Paris. “Yes kuya. May isa pa tayong brother at yun ay si kuya Rome.”Biglang pumasok sa isipan ni Chicago ang mukha ni Rome na nakilala niya sa hospital. Nagtataka tuloy siya kung sino marahil ang tinutukoy ng kapatid niya. Iyon bang Rome na nakilala niya sa hospital o ibang Rome.“You don’t believe me kuya?” tanong ni Paris dahil nakikita niya sa mukha ni Chicago na para bang hindi naniniwala ang kapatid niya sa kaniya na may kapatid pa silang isa.“Is he our twin too?”“Hmm.. Triplet tayo siguro.” Sabi ni Paris. “Kasi same birthday kami ni kuya Rome at same birthday ka ri
“Anong sabi mo? Si Paris at kapatid ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Thompson.“Yes. They are with me at sa akin na sila titira ngayon kasama ng anak ko na ayaw mong ibigay sa akin.”Nalukot ang mukha ni Thompson. Gusto niyang umalis at puntahan ang kapatid niya pero hinawakan na siya ng mga bodyguard ni Max.“What are you doing?” nabigla na rin siya at kinabahan.Agad na lumapit si Max sa kaniya at kinuha si Rome. “LET ME GO! ROME!” Sigaw ni Thompson dahil hindi siya makawala sa mga taong hawak siya.Hindi nakinig si Max. Rome is his son kaya siya ang masusunod kung anong gusto niya at ang makuha si Rome ang nais niya.Nag-alala naman ang mukha ni Rome at nagpupumiglas kay Max pero hindi siya hinayaan ng ama niya.Max carried his son out of the resort. “Stop moving son… Your tito will be fine. Uuwi ka lang kasama ko.”“Son? I’m not your son.”“Bakit hindi? Paris is my daughter and she’s your sister so I’m your father.”Nalukot ng husto ang mukha ni Rome at sinamaan siya ng tingin.
Matapos ang tawag na yun, wala ng sinayang na oras si Austin. Agad siyang nagpunta sa bahay ni Max para kunin si Khelowna. If he needs to drag her out, gagawin niya dahil isa siya sa mga saksi kung gaano ka naghirap si Khelowna sa kamay ni Max noon.“Doc, saan ka?” tanong ng nurse na nakasalubong pa niya. Pero hindi niya na iyon sinagot. Nagmamadali siyang lumabas. Nagpunta siya ng parking lot kung nasaan ang sasakyan niya at nagtungo sa bahay ni Max.Matapos ang tatlongpung minutong byahe, nakarating si Austin sa bahay ni Max. Ngunit gaya ng dati, hindi siya nakapasok… Hindi siya pinapasok."Where's Dr. Khe?" he confronted the guards."Nasa loob pero bawal kayong pumasok."Austin glared at them but he knew his effort on shouting Khelowna's name would be put in vain dahil batid niyang hindi pa rin nito maririnig ang boses niya.Kaya kinuha niya ang phone niya para tawagan si Khelowna. First ring pa lang, sinagot na ni Khelowna ang tawag."Austin?""Did you pack your things? Lumabas n
Agad na hinapit ni Max ang bewang ni Khelowna palapit sa kaniya. Namilog ang mga mata ni Khelowna lalo’t konti nalang, maglalapat na ang labi nila ni Max. Si Austin na nakasaksi ay nagulat at agad na nasaktan.Ni hindi siya nakakilos agad sa kinatatayuan niya.“Max!” Khelowna“What? I said what I said. Kiss me.” Utos niya.Nagalit si Khelowna. Ramdam niyang kahit na tanyag na siyang doctor e kay dali pa rin kay Max na hamakin siya. Pakiramdam niya e kahit pa siguro maging presidente siya ng bansa, maliit na tao pa rin ang paningin ni Max sa kaniya.Hindi siya nito niri-respeto. Ni hindi man lang nito ginalang ang desisyon niya.“Sa tingin mo ba, dito sa ginawa mo e mapapatawad kita? Akala ko ba gusto mong mabuo tayo bilang pamilya?” puno ng gigil na tanong ni Khelowna.Doon natigilan sandali si Max. Pero naalala niya si Khelowna na nakahawak sa kamay ni Austin kanina. Nagalit siyang muli.“Gusto mo akong layasan!”“Hindi kita gustong lasayan.”“Hindi? Naabutan kitang nakahawak sa kama
Pumasok si Max sa loob ng kwarto kung saan nagsisiksikan si Khelowna kasama ng tatlong anak nila. Ang naabutan niyang gising ay si Rome na nakaupo sa kama at ilang beses na napapabuntong hininga.Habang mahimbing naman na natutulog si Paris, Chicago at Khelowna.Nang makita siya ni Rome na pumasok si Max, agad siya nitong pinagkunutan ng noo. Max cleared his throat at nagkunwaring hindi siya naaapektuhan sa pinapakita ng anak niya.Kahit na nasasaktan siya.. Gusto niyang marinig na tawagin siyang papa ni Rome.“Why are you here? Hihiga ka pa dito sa kama? Para na kaming mga isda sa lata.”Mahinang natawa si Max nang marinig na hinambing ni Rome ang sitwasyon nila sa isang sardinas.“Nag-usap kayo ni Chicago?” pag-iiba niya ng usapan.“We’re friends.. Nagkita kami doon sa hospital.”Nagulat si Max doon dahil wala siyang alam na nagkakilala na pala ang dalawa niyang anak noon. Na curious tuloy siya kung ano ang naging detalye ng pagkikita ni Rome at Chicago sa hospital.“Really? Naging
Nabigla si Khelowna sa biglaang ginawa ni Rome. She didn’t expect that to happen. Totoong may allergy siya sa daisy flowers pero hindi niya aakalain na alam ng dalawang anak niya.Nakatingin siya kay Rome ngayon na masamang nakatingin kay Max. Kikilos sana siya para lapitan si Rome nang bumahing na naman siya ulit.“Johanson,” tawag palang ni Max sa secretary niya, nagmamadali na itong pumasok kaagad.“Sir?”“Throw that bouquet out of this house. Make sure na walang kahit na anong Daisies ang maiiwan sa bahay ko.”Napatingin si Johanson kay Khelowna at nawari niya agad ang sitwasyon. Agad niyang kinuha ang bulaklak na tinapon ni Rome sa basurahan.Nang matangay ni Johanson ang bulaklak, nilingon ni Max si Khelowna. “I’m sorry… A-Anong gagawin ko para mawala ang allergy mo?” medyo kinakabahan na tanong niya.“Mawawala rin ito kaya huwag ka ng mag-abala pa.”“I’m sorry Khe.. I-I didn’t know.” Pag-amin niyaMas lalong kumunot ang noo ni Rome. He just realized na hindi gaya sa mga napapano
When Chicago left, doon sumabog si Khelowna. She glared Max as if he was the most wanted criminal on Earth.“Bakit ka nagsinungaling?” tanong niya.“White lies.. I need that to win them.”“White lies o ano pa mang kulay ang pagsisinungaling na iyan, it still cannot defies the fact na binibilog mo ang utak ng anak mo!”Max looked at her. “Then ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Torture your brother and Austin para mautusan ko silang sabihin sa anak ko na hindi ako masamang ama?”“What? Naisip mong gawin yun?”“OO!” He snapped! “Oo Khe dahil galit na galit ako lalo na sa kuya mo. Sarili kong anak ayaw sa akin dahil anu-ano nalang ang pinagsasabi niya.”“Iyon ay dahil hindi ka naman naging ama sa kanila! Kung galit man si Rome sayo iyon ay dahil hindi ka naman niya kilala.”“Dahil hindi ko naman alam na may Rome at Paris pala!”“Exactly! Hindi mo alam. Hindi mo alam na tatlong bata ang pinagbubuntis ko noon dahil hindi mo naman ako inuuwian dito. Wala kang pakialam sa akin noon kaya
Good day, readers.What time is it? 11:06 ng isulat ko ito. If you’re really a reader of mine sa story pa lang ni Eliot (He Tricked Me Into Becoming His Daughter’s Nanny) hindi na kayo magugulat sa message ko na ito.Kaya po isa lang ang UD ko at may absent pa, iyon ay dahil nagri-review ako for my board exam. At this September 29 na yun magaganap kaya puspusan pagmemorize ko now ng concepts kasi inuna ko ang pagsusulat noong mga nakaraang buwan. HAHA kaya naghahabol ako ng lessons. Pashnea talaga.Nagpaalam ako sa editor ko kung pwede ba ako umabsent mag update, at pumayag naman siya. She told me too na mag iwan ng note sa inyo na readers ko para malaman niyo ang reason ko bakit parang ang tagal ko mag update at kung bakit medyo matagal ako mawawala.Guys, hindi po ako mabagal mag update. Iyong mga readers ko before, alam nila yan.. Isa ako sa mga author dito sa GN na mabilis makatapos ng isang book. Saka lang talaga ako bumabagal kapag compromise ang time ko gaya nito. Kung wala akon
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P