Pumasok si Max sa loob ng kwarto kung saan nagsisiksikan si Khelowna kasama ng tatlong anak nila. Ang naabutan niyang gising ay si Rome na nakaupo sa kama at ilang beses na napapabuntong hininga.Habang mahimbing naman na natutulog si Paris, Chicago at Khelowna.Nang makita siya ni Rome na pumasok si Max, agad siya nitong pinagkunutan ng noo. Max cleared his throat at nagkunwaring hindi siya naaapektuhan sa pinapakita ng anak niya.Kahit na nasasaktan siya.. Gusto niyang marinig na tawagin siyang papa ni Rome.“Why are you here? Hihiga ka pa dito sa kama? Para na kaming mga isda sa lata.”Mahinang natawa si Max nang marinig na hinambing ni Rome ang sitwasyon nila sa isang sardinas.“Nag-usap kayo ni Chicago?” pag-iiba niya ng usapan.“We’re friends.. Nagkita kami doon sa hospital.”Nagulat si Max doon dahil wala siyang alam na nagkakilala na pala ang dalawa niyang anak noon. Na curious tuloy siya kung ano ang naging detalye ng pagkikita ni Rome at Chicago sa hospital.“Really? Naging
Nabigla si Khelowna sa biglaang ginawa ni Rome. She didn’t expect that to happen. Totoong may allergy siya sa daisy flowers pero hindi niya aakalain na alam ng dalawang anak niya.Nakatingin siya kay Rome ngayon na masamang nakatingin kay Max. Kikilos sana siya para lapitan si Rome nang bumahing na naman siya ulit.“Johanson,” tawag palang ni Max sa secretary niya, nagmamadali na itong pumasok kaagad.“Sir?”“Throw that bouquet out of this house. Make sure na walang kahit na anong Daisies ang maiiwan sa bahay ko.”Napatingin si Johanson kay Khelowna at nawari niya agad ang sitwasyon. Agad niyang kinuha ang bulaklak na tinapon ni Rome sa basurahan.Nang matangay ni Johanson ang bulaklak, nilingon ni Max si Khelowna. “I’m sorry… A-Anong gagawin ko para mawala ang allergy mo?” medyo kinakabahan na tanong niya.“Mawawala rin ito kaya huwag ka ng mag-abala pa.”“I’m sorry Khe.. I-I didn’t know.” Pag-amin niyaMas lalong kumunot ang noo ni Rome. He just realized na hindi gaya sa mga napapano
When Chicago left, doon sumabog si Khelowna. She glared Max as if he was the most wanted criminal on Earth.“Bakit ka nagsinungaling?” tanong niya.“White lies.. I need that to win them.”“White lies o ano pa mang kulay ang pagsisinungaling na iyan, it still cannot defies the fact na binibilog mo ang utak ng anak mo!”Max looked at her. “Then ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Torture your brother and Austin para mautusan ko silang sabihin sa anak ko na hindi ako masamang ama?”“What? Naisip mong gawin yun?”“OO!” He snapped! “Oo Khe dahil galit na galit ako lalo na sa kuya mo. Sarili kong anak ayaw sa akin dahil anu-ano nalang ang pinagsasabi niya.”“Iyon ay dahil hindi ka naman naging ama sa kanila! Kung galit man si Rome sayo iyon ay dahil hindi ka naman niya kilala.”“Dahil hindi ko naman alam na may Rome at Paris pala!”“Exactly! Hindi mo alam. Hindi mo alam na tatlong bata ang pinagbubuntis ko noon dahil hindi mo naman ako inuuwian dito. Wala kang pakialam sa akin noon kaya
Good day, readers.What time is it? 11:06 ng isulat ko ito. If you’re really a reader of mine sa story pa lang ni Eliot (He Tricked Me Into Becoming His Daughter’s Nanny) hindi na kayo magugulat sa message ko na ito.Kaya po isa lang ang UD ko at may absent pa, iyon ay dahil nagri-review ako for my board exam. At this September 29 na yun magaganap kaya puspusan pagmemorize ko now ng concepts kasi inuna ko ang pagsusulat noong mga nakaraang buwan. HAHA kaya naghahabol ako ng lessons. Pashnea talaga.Nagpaalam ako sa editor ko kung pwede ba ako umabsent mag update, at pumayag naman siya. She told me too na mag iwan ng note sa inyo na readers ko para malaman niyo ang reason ko bakit parang ang tagal ko mag update at kung bakit medyo matagal ako mawawala.Guys, hindi po ako mabagal mag update. Iyong mga readers ko before, alam nila yan.. Isa ako sa mga author dito sa GN na mabilis makatapos ng isang book. Saka lang talaga ako bumabagal kapag compromise ang time ko gaya nito. Kung wala akon
“Mama, are we going to stay here for good?” tanong ni Rome kay Khelowna matapos siya nitong pahigain sa tabi ni Paris na natutulog na sa kama.“No, babalik rin tayo sa bahay.” She answered na siyang narinig ni Chicago na papasok na sana sa loob ng kwarto. Napahinto ito sandali at hindi agad nakakilos. Lumakas bigla ang kabog sa dibdib niya at napahawak lang ng mahigpit sa doorknob.Kakaligo lang niya at excited sanang tumabi kay Khelowna at sa mga kapatid.“Then why are you acting like everything is fine and okay? Ayos na ba ang relationship niyo ng daddy ni Chicago?” Sabi ni Rome na ayaw talagawang tawaging dad o papa si Max.“Rome-"“Mama, ayoko dito. I want to go home. If you want, sama natin si Chicago. Iwan natin dito ang dad niya.”“Ayaw umalis ni Chicago dito Rome.”“Then… we’ll force him. Bakit mama? Gusto mo na ba dito?”“Of course not, anak. Ayaw ni mama dito. Gusto ko pa ring umuwi sa atin.”Hindi na pinagpatuloy pa ni Chicago ang pakikinig niya. Umalis na siya agad habang
“Tapos na…” Sabi ni Khelowna at bahagya siyang tinulak. “Nakakarami ka na. Sweet lang tayo sa harapan ng mga bata but pag tayo lang dalawa, huwag na tayo maging sweet.”“Stop spoiling the moment, Khe. It’s a privilege to hug me.”Halos malaglag ang panga ni Khelowna sa sinabi ni Max. “Wow. So ipagpapasalamat ko pa pala sayo na niyakap mo ‘ko?”Natawa si Max sa sinabi niya.“Alam mo, sayo siguro nagmana si Rome.” Sabi ni Max at umupo. “I’m starving…”Napabuntong hininga si Khelowna at agad siyang pinaghandaan ng pagkain.“I’ll prepare your food at aalis ako pagkatapos.”Nakatalikod na si Khelowna sa kaniya.“Baby..”Napahinto siya sa pagkuha sa plato nang marinig ang boses ni Max. “Huh?” aniya sabay lingon dito.“Baby.. Do you like that endearment?”Biglang kumalat ang pula sa mukha ni Khelowna. Hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Max. “A-A-Ano b-bang s-sinasabi m-mo diyan M-Max?” nauutal na tanong niya.“Why? Ayaw mo ba sa baby?”“Ano y-yang p-pakulo mo na yan?”“Normal lang sa m
Kumukurap kurap si Khelowna sa mesa. Katabi pa rin niya si Max at nasa harapan naman nila ang tatlong mga anak nila. Hindi halos maipinta ang mukha ni Rome, hindi siya natutuwa na nakikipagmabutihan ang mama niya sa papa niya.“You want chicken, son?” nakangiting tanong ni Max kay Rome.“No, thank you.” Supladong sagot nito.Napatingin sa gawi niya si Chicago. Siya ang nasasaktan sa pinapakita ni Rome sa papa nila.“Papa, thank you for the food!” Sabi ni Paris nang nakangiti.“You’re welcome, princess. Papa was glad that I made you happy.” Ang sabi pa niya. Pagkatapos ay agad niyang inakbayan si Khelowna, and Rome is waiting na itutulak ng mama niya si Max pero hindi niya yun nakita.Sa paningin niya, para bang ayos lang sa mama niya ang lahat.That’s why he wondered. Ang linaw pa sa isipan niya ang pag-uusap nila kagabi ng mama niya.So what’s the change of heart?Tumingin si Max sa relo niya. Aalis pa siya para sa trabaho kaya plano niyang umalis na ngayon.Nagpunas siya sa bibig ni
Hinatid ni Max si Rome at Khelowna pabalik sa bahay na tinitirhan noon ni Khelowna at ng mga bata. Hindi nagsasalita si Max, si Khelowna naman sa likuran e tahimik lang rin habang yakap yakap si Rome.Hindi na ito umiiyak gaya kanina pero humihikbi pa rin ito. And Max was guilty and ashamed na lahat ng ito ay dahil sa kagagawan niya.Marami siyang what ifs. What if nanindigan siya noon? What if imbes na kamuhian si Khelowna, e nagbulag-bulagan nalang siya sa nangyari kay Maveliene? What if naging mabuting asawa siya?Hindi sana siya kakamuhian ng anak niya.Pakiramdam niya, ito ang karma niya. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Ang ipagtulakan siya ni Rome palayo ay nakakadurog ng damdamin niya.He wanted to make everything right pero hindi niya naman alam paano.Sobra ang balik sa kaniya ng kapalaran. Sobra ang balik sa kaniya ng karma.He wanted to hug his son, he wanted to be called dad by him, pero alam niyang suntok sa buwan yun mangyari.And right now, hinahatid
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila