Good day, readers.
What time is it? 11:06 ng isulat ko ito. If you’re really a reader of mine sa story pa lang ni Eliot (He Tricked Me Into Becoming His Daughter’s Nanny) hindi na kayo magugulat sa message ko na ito.
Kaya po isa lang ang UD ko at may absent pa, iyon ay dahil nagri-review ako for my board exam. At this September 29 na yun magaganap kaya puspusan pagmemorize ko now ng concepts kasi inuna ko ang pagsusulat noong mga nakaraang buwan. HAHA kaya naghahabol ako ng lessons. Pashnea talaga.
Nagpaalam ako sa editor ko kung pwede ba ako umabsent mag update, at pumayag naman siya. She told me too na mag iwan ng note sa inyo na readers ko para malaman niyo ang reason ko bakit parang ang tagal ko mag update at kung bakit medyo matagal ako mawawala.
Guys, hindi po ako mabagal mag update. Iyong mga readers ko before, alam nila yan.. Isa ako sa mga author dito sa GN na mabilis makatapos ng isang book. Saka lang talaga ako bumabagal kapag compromise ang time ko gaya nito. Kung wala akong review, nasa 100 plus chapters na siguro tayo ngayon. Nauubusan lang po talaga ako ng time magsulat. Sorry po.
Kaya humihingi ako ng pag-unawa sa inyong lahat. Titigil muna ako mag update at babalik po ako sa October 1. AyoS lang ba sa inyo magfocus muna ako sa review? Babalik naman ako e. Next month, every day na ang UD. At 2 or more ang ma-e a-update ko lagi.
Sinusubukan ko siyang pagsabayin (magsulat while nagri-review) pero hindi ko na kinakaya lalo’t whole day ang final coaching ko sa OR at RC. Parang sasabog utak ko lalo't ang laki pa ng problema sa ugali ni Max na need e fix tapos ang dami pang ganap kay Rizal. haha
Halo halo na po lahat sa braincells. hahahaha. Maawa kayo sa Miss A niyo. Charet. Tawa tawa lang ako pero yung kaba ko, hindi na masukat. HAHAHAH.
Ito lamang po ang message ko… Sana po e mauunawaan niyo ko. Hehe... hesitant ako magtell sana ng reason (kasi mamaya niyan, jugsak ako.. chareeeng! claim ko na, papasa ako!) pero anyway, inencourage ako ng edi2r kaya no choice si accla!
So hooooping po hindi niyo ko isumpa kung wala akong update sa susunod na araw.. Magsu-surf muna si Ms. A niyo sa alon ng buhay niya.
Nasa delivery room si Khelowna. Dumudugo ang labi niya sa tindi ng kaniyang pagkagat habang namumutla ang mukha. Ang kanang kamay niya ay mariing nakahawak sa mattress ng hospital bed habang ang kaniyang kaliwang kamay ay may hawak na telepono.Kasalukuyan niyang tinatawagan ang asawa niya ngunit hindi nito sinasagot. Tumingin siya sa ulit sa teleponong hawak niya, at tinawagan niya ulit ito. At gaya kanina, hindi pa rin siya sinagot.“Paano nga naman niya ako sasagutin kung ngayon rin pala ang kasal niya sa iba?” tumulo ang luha sa isang mata ni Khelowna. “Ni wala man lang siyang pakialam na ngayon ko ipapanganak ang anak namin.” Sabi niya sa sarili niya.Akala niya e magiging masaya sila bilang pamilya. Akala niya e mababago ang isipan ni Max no’ng magkakaroon na sila ng anak pero nagkamali siya. Alam niyang aksidente lang ang pagbubuntis niya pero nasaktan pa rin siya sa sinabi ng asawa niya sa kaniya."Ipanganak mo ang bata. Papalakihin ko siya, bibigyan ko ng pangalan, at ang baba
Umalingawngaw ang iyak ni Chicago sa buong villa ni Katherine.Naiirita na si Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene. "Hindi ba titigil kakaiyak ang batang yan? Naririndi na ako sa iyak niya! Mana talaga siya sa namayapa niyang ina. Mga walang silbi!""Ma, 'wag mong sabihin 'yan. Anak ni ate Mavi si Chicago at hindi ng asong yun!”"Whatever! Papunta na si Max dito, hindi ba? At bakit hindi pa rin bihis ang batang yun at nag-iinarte pa rin? Mabuti pang turuan mo ng leksyon ng matuto. Lumalaking sutil e.""Hindi pwede! Paano kung malaman ng iba? Kahit na ayaw ni Max kay Khelowna, tunay pa rin niyang anak si Chicago."Bagama't kinasusuklaman ni Katherine si Chicago, alam niyang si Chicago ang tanging tagapagmana ni Max. Kung gusto niyang mapalapit kay Max, dapat siyang magkunwari na mahal niya ang anak nito.”Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa, at hindi nila napansin na umakyat si Chicago sa bintana, sinusubukang tumakas….Bang!Pagkatapos ay sumigaw ang guwardiya sa labas ng pinto, "M
"Who do you think you are? Dapat nga matuwa ka pa na ikaw ang mago-opera kay Chicago. Kung may mangyari man sa young master, ikaw ang sisisihin namin!” Galit na sigaw ni Katherine na tila gustong magpapapel kay Max."How ridiculous! Tinulak ko ba siya? Bakit responsibilidad ko siya?" Sigaw ni Khelowa pabalik.Namutla ang mukha ni Katherine. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Nahulog si Chicago mag-isa at walang tumulak sa kanya. Doktor ka ba talaga? Nasa operating room na ang bata, andito ka pa! Anong kasalanan niya para ganituhin mo?" Depensa niya.Ayaw niyang magka-ideya si Max sa ginawa niya kay Chicago.Pagkasabi no’n ni Katherine, agad niyang hinarap ang direktor. "Ano bang doktor ang kinuha mo? She’s unprofessional! Ito ba ang pinagmamalaki mo? Pwes! Magsasampa ako ng kaso sa ospital na ito!"Sa sobrang takot ng direktor ay humingi siya agad ng paumanhin at mabilis na pinatawag si Dr. Jacob upang maisagawa na agad ang operasyon.Dumating si Dr. Jacob at napansin niya agad ang
Mabilis na naglalakad si Max sa corridor ng ospital at walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito.Binuksan niya ang pinto ng opisina, ngunit hindi niya nakita si Khelowna.Nang mabalitaan ng direktor na hinahanap ni Max si Khelowna, nag-alala siya na baka magkaroon na naman ng alitan ang dalawa, kaya nagmadali siyang pumunta sa opisina ni Khelowna. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala si Khelowna dito."I'm sorry, Mr. Linae, hindi po ito kasalanan ng bagong doktor. Marami po kasi siyang inoperahan kanina. Kasalanan ko po na pinilit ko po siyang mag-opera kahit na pagod siya, na ikinagalit niya. Ako po ang may kasalanan. Responsibilidad ko ito lahat." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang direktor para kay Khelowna.Hindi siya nilingon ni Max, bagkus ay kinuha niya ang business card na nasa mesa at tinitigan itong mabuti na nagpakunot ng noo niya.Galit niyang nilukot ang business card sa kanyang mga kamao, at sinabi sa direktor, "Gusto k
Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.And his ex-wife is his prey.Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?""Still acting?" Max asked coldly.Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged
Nang makaalis si Max.Agad na pumasok ang mga nurses na nakakita na lumabas si Max sa opisina ni Khelowna. Natigilan silang lahat ng makita na umiiyak ito.“Doc Khe!” Sigaw nila at nag-aalalang nilapitan ito. “Sinaktan ka ba ni Mr. Linae?” Hindi makasagot si Khelowna dahil umiiyak pa rin siya kaya isang nurse ang agad na pinuntahan si Doc Austin para isumbong na umiiyak si Khelowna.Alam kasi nilang matalik na magkaibigan si Austin Santos at Khelowna. Kaya wala silang ibang maisip na pwedeng gawin kun’di puntahan ito.“Doc, may nangyari po kay Doc Khe.”Agad na napatayo si Austin kahit na may ginagawa pa ito at nagmamadaling umalis sa opisina niya para puntahan si Khelowna.“Ano bang nangyari? Bakit siya umiiyak?” tanong niya.“Hindi po namin alam doc pero nakita po namin si Mr. Linae na galing ng office niya.”Kumuyom ang kamao ni Dr. Austin at pagdating niya sa opisina ni Khelowna ay naabutan pa niya itong umiiyak.“Khe!” Agad na niyakap ni Austin si Khelowna ng makapasok siya sa lo
“Nababaliw ka na ba?” galit na tanong ni Khelowna. Umikot pa siya sa kabilang kama kung saan naroon si Katherine.“Baliw? Sino ka ba? Doctor ka lang naman!”“Doctor ako ni Chicago. At hindi tama ang ginagawa mo sa bata.”Ngumisi si Katherine sa kaniya. Wala kang magagawa kung sasaktan ko ang batang ito. Umulit pa si Katherine. Piningot pa niya ang isang tenga ni Chicago kaya napa-aray ang bata.Labis na talaga ang galit ni Khelowna at gigil niya. Naaawa siya sa anak niya. Hindi niya kayang tignan lang ang anak niya na sinasaktan ng ibang tao.Agad niyang hinablot ang buhok ni Katherine para malayo kay Chicago. “Anong ginagawa mo sa bata. Walanghiya ka!”Hindi siya makakapayag na may tao pang mananakit sa anak niya. Sobra na ang hirap na dinanas ni Chicago. Hidni maatim ng puso niya na pabayaan ito.Kaya kahit magkakamatayan pa, ipaglalaban niya ang anak niya.Kukunin niya si Chicago at hindi siya natatakot sa pamilyang Linae.“BITAWAN MO ‘KO! BWESIT KA!”Napahiga si Katherine sa sahig.
“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Max kay Khelowna.“Anong klase kang ama? Bakit hindi mo magawang protektahan si Chicago?”“Hindi ka pa rin ba titigil? Talaga bang igigiit mo ang gusto? Para ano?”“Ginigiit? Totoo ang sinasabi ko.” Sabi ni Khelowna. “Bakit naman ako magsisinungaling e kaligtasan ng bata ang inuuna ko.”Nginisihan siya ni Max.“Bakit naman ako maniniwala sa kagaya mong criminal? Anak ko na ang nagsabi na hindi siya sinaktan ni Katherine.”Natigilan si Khelowna. Kumuyom ang kamao niya sa labis na galit. Lumapit siya kay Max at binulong. “Kahit kailan, wala kang silbi. Putang.ina mo!”Sa tindi ng galit ni Max, agad niyang hinablot ang braso ni Khelowna.“BITAW!” Nagtaas na ito ng boses habang masamang nakatingin sa ex-husband niya.Ramdam na ni Chicago ang tension na nagaganap sa mga magulang niya. Using his weak voice, he called out his father.“H-Huwag niyo pong pagalitan si Dr. Khe, papa.”Napatingin silang dalawa sa anak nila. “Mabait po si doc sa akin. A-A