Kinabukasan, maagang nagising si Khelowna pwera sa mga bata. Nakatulog siya na hindi na niya nababaan pa si Austin. Batid niyang nasa bahay ito, hindi lang niya naasikaso dahil mas inuna niya ang mga anak niya.“Kuya, nakauwi ba si Austin kagabi?”“Oo. Hindi ka na niya nahintay kasi may pasok pa siya ng maaga.”“Nakatulog ako agad. Napagod ako kakalaro sa mga anak ko.”“Ayos lang. Naiintindihan naman niya. Nga pala Khe, nabalitaan mo na ba na pinapaikli ni Max ang suspension mo?”Nanlaki ang mata ni Khelowna at umiling. “Hindi. Sinong nagsabi?” Tanong niya sabay kuha ng mug at mainit na tubig.“Austin. Nabanggit niya na baka next week daw e pwede ka ng magtrabaho ulit.”“Pero bakit gagawin yun ni Max?”“That’s what I’m asking too. Why? Nagkabalikan na ba kayo?”Agad na umiling si Khelowna. “Hindi.. Saka may Mavi na yun kuya kaya pwede ba huwag mo ng ipilit? Kay aga-aga kuya, sinisira mo ang araw ko.” Aniya sabay lagay ng coffee powder sa tasa.“Hindi ko sinisira ang araw mo. Aba Khe,
Hinayaan ni Khelowna sa labas ang mga anak niya. Pumasok siya sa loob at dala-dala pa niya ang isang bulaklak na bigay ni Max.“Bakit dala mo yan? Mga bata? Sinundan ka nila sa labas.”“Nasa labas kuya.. Max is here. At bigay niya rin tong halaman.”Pinagsingkitan siya ng mata ni Thompson. Kaya agad siyang nagpaliwag para hindi na mag-isip ng iba ang kuya niya. “He’s here dahil magbi-breakfast kami gaya ng napagkasunduan. Kukunin ko lang ang mga gamit ng mga bata.”“Si Rome? Sasama ba?”“I don’t know kuya. Aayain ko pa mamaya matapos kong makuha ang gamit ni Paris at Chicago.”“Ask him.. Mukhang gusto no’n sumama.” Sabi ni Thompson at bumalik ang attention niya sa cellphone niya.Sa labas, nakatingin lang si Rome sa mga kapatid niya na nakalambitin sa papa niya. Kita niya kung gaano kasaya si Paris at Chicago.Sa matagal niyang pagtitig, hindi niya napansin na nakatingin si Max sa kaniya.“Wanna come with us, son? Magbi-breakfast tayo sa bahay.”Napatigil ang dalawa at napatingin sa k
Pag-uwi nila ng bahay, dumiretso agad sila sa dining area kung saan e nakahanda na ang lahat ng mga pagkain na pinaluto ni Max.Tuwang tuwa siya sa mga nakikita niya. It feels like, they are happy and complete family. He didn’t notice, pero hindi lang si Chicago ang nangarap no’n.Pati rin naman siya…“Wow… May birthday po ba, mama?” tanong ni Paris na agad natakam sa mga pagkain sa mesa.“Wala.. But papa prepared this dahil minsan lang tayo magkaroon ng family breaktfast.” Max said.Tumingin si Paris sa kuya Rome niya na tuwang tuwa. Si Rome naman ay nag-iwas tingin pero sobrang gaan ng puso niya.As a child, ito rin ang gusto niya.. Ang magkaroon sila ng ganitong bonding. Kung hindi niya narinig ang sinabi ng tito Thom niya tungkol sa papa niya, he wouldn’t be here. Baka hindi pa rin nabawasan ang galit at tampo niya kay Max.“Umupo na kayo…” Sabi ni Khelowna at pinagtulak sila ng upuan. Rome was carefully eyeing his mom, at nang matapos umupo ni Paris sa upuan, nakita niya kung paa
Naghihintay na ng taxi si Thompson nang bigla siyang tawagin ni Maxine. “Excuse me!” napatingin siya sa likuran.“Sukli mo, naiwan mo.” Sabi nito.Mahinang natawa si Thompson. “Wala akong sukli. I used my card.” Aniya.Natawa rin si Maxine sa sinagot niya. “I know. I just want to get your attention.”Tumaas ang sulok ng labi ni Thompson.“Saan ka pala uuwi?”“Bakit? Liligawan mo ‘ko?” he jokingly said.“Kung magpapaligaw ka..”Nasamid siya ng sariling laway doon. “Anong sabi mo?”“Sabi ko, kung papayag kang ligawan kita, why not?” tumingin si Maxine sa harapan ng pantalon na suot niya bago siya kindatan at nilagpasan.Sumakay ito ng sasakyan niya at umalis dala ang nakakalokong ngiti. Si Thompson na natulala ng ilang sandali, biglang natawa at napailing. But something inside his pants woke up.“She’s weird,” sabi niya na hindi sineryoso si Maxine.Inside the car, agad na kinausap ni Maxine ang tauhan niya to locate Thompson’s house. “You see that man outside the supermarket?”“Yes ma’
Matapos nilang magbreakfast, agad na naligo ang mga bata sa pool. Nakatingin si Khelowna sa tatlo na ngayon e may kaniya-kanyang salbabida.Tumabi si Max sa kaniya.Agad naisip ni Khelowna ang napag-usapan nila ng kuya niya Thom niya. Iniisip niya kung ano marahil ang iniisip ni Max bakit siya nito tinutulungan na makabalik agad sa hospital."Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Khelowna."Yeah.. What is it?" tanong ni Max pabalik kasama ang matalim nitong pagtitig na tumatagos hanggang buto.'Weird,' saad ni Khelowna sa isipan niya. "Ano, nabanggit ni kuya sa akin ang mga ginawa mo. But I wanna know why.... you did that.."Nag-isip si Max sandali kung ano ang marahil na tinutukoy nito. May ideya siya but he wanted to prolong the conversation they have."That... What?" he softly said.“Nasabi ni kuya sa akin na tinutulungan mo raw ako na makabalik agad sa hospital. Bakit? Anong rason mo?”Natahimik si Max at tumingin sa mga anak nila. “Is it a bad thing?”“No.. Pero nagtataka lang ako.”
Dahan-dahang sinara ni Rome ang kotse. Narinig niya ang usapan ng papa at tito niya.. Habang tumatagal, nababago na ang paningin niya sa papa niya at gusto niya ang mga pagbabagong yun.“Do you think may pag-asa ka pa sa kaniya? Marami ng nagbago.. Iba na ang gusto ng kapatid ko.” Sabi ni Thompson.Nagulat si Max. Kasabay ng gulat niya ay takot. Takot na marahil ay may gusto na nga si Khelowna na iba.“Kilala mo si Khelowna, Max.. Alam mong ikaw lang ang ginusto no’n. Alam mong simpleng salita mo lang, susundin ka na niya.. Hindi mo ba nakikita? Kaya ka na niyang sagutin ngayon dahil matagal na siyang tapos sayo. Matagal ng tapos ang pagkabaliw niya sayo.”Kita ni Thompson kung paano nag-iba ang expression sa mukha ni Max. Nakita niya ang pagkabigla at takot. Pero sarado ang utak niyang magpatawad, ayaw na niyang magkabalikan ang dalawa.“Mauna na kami…” Mahinang tugon na lang ni Max at umalis.Mas pinili niyang lumayo kesa may masabi siyang hindi kaaya-aya kay Thompson. Gusto na niya
“W-What?” hindi makapaniwalang bulalas ni Khelowna sa anak niya.“Papa is off to work.. So I thought mama should give him a kiss to like what we did.”“I agree with kuya.” Sabi ni Paris na nakapikit ang isang mata.Chicago chuckled.“Are you guys are best friend now?” tanong ni Khelowna kay Rome.“No. Papa is papa.” Sabi ni Rome na tila hindi niya alam anong ginagawa niya.Si Max naman ay pomorma na ang ngiti sa labi niya. Ngunit pinipigilan pa rin niyang hindi makita ni Khelowna ang ngiti niya lalo’t kita niya kung paano inatake ng pagkapula ang mukha nito. Kung ngingiti siya ay baka mas lalo itong mahiya.Tumingin si Khelowna sa kaniya na tila ba nanghihingi ng tulong.Max smiled and stepped closer to her. He leaned on and kissed her forehead. Saglit lang but it put smile on their children’s faces.“Bye,” halos pabulong na sabi niya at umalis na.Napatakip naman si Paris sa labi niya. Then Chicago looked at Rome and Rome winked at him. “That’s how you do it.” Sabi pa niya.Ni hindi
Malakas na tumikhim si Max. Kumunot ang noo niya dahil iyon pa talaga ang maabutan niya. Nanginginig ang kamay niya hang bitbit ang scented candles na kakabli lang niya sa mall. Nang mapatingin si Khelowna sa kaniya, agad itong tumayo at lumayo kay Austin.“Nandito ka na..” Sabi ni Khelowna, pero ang totoo e gusto niya lang iwasan ang tanong na iyon ng kaibigan. Agad na lumamlam ang pagtingin ni Max kay Khelowna at agad na hinawakan ang kamay nito. May kasama iyong ibayong haplos na siyang nagpatayo ng balahibo sa batok ni Khelowna.“Scented candles for you.” Puno rin ng lambing ang boses ni Max. Agad yung kinuha ni Khelowna. Batid niyang nakatingin sa kanila si Austin. Hindi siya makalingon dahil alam niyang pinapanood sila nito ng taimtim at ayaw rin niyang makita kung ano man expression ang naroon sa mata nito.“Ang mga bata?” tanong ni Max. Malumanay lang ang boses niya kahit na nagpupuyos siya sa galit pagdating niya kanina.“Nasa loob.. May pinagawa ako.”Tumango si Max at lumin
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P