Malakas na tumikhim si Max. Kumunot ang noo niya dahil iyon pa talaga ang maabutan niya. Nanginginig ang kamay niya hang bitbit ang scented candles na kakabli lang niya sa mall. Nang mapatingin si Khelowna sa kaniya, agad itong tumayo at lumayo kay Austin.“Nandito ka na..” Sabi ni Khelowna, pero ang totoo e gusto niya lang iwasan ang tanong na iyon ng kaibigan. Agad na lumamlam ang pagtingin ni Max kay Khelowna at agad na hinawakan ang kamay nito. May kasama iyong ibayong haplos na siyang nagpatayo ng balahibo sa batok ni Khelowna.“Scented candles for you.” Puno rin ng lambing ang boses ni Max. Agad yung kinuha ni Khelowna. Batid niyang nakatingin sa kanila si Austin. Hindi siya makalingon dahil alam niyang pinapanood sila nito ng taimtim at ayaw rin niyang makita kung ano man expression ang naroon sa mata nito.“Ang mga bata?” tanong ni Max. Malumanay lang ang boses niya kahit na nagpupuyos siya sa galit pagdating niya kanina.“Nasa loob.. May pinagawa ako.”Tumango si Max at lumin
“May trabaho ka, walang maiiwan sa mga bata.” Deritsang sabi ni Khelowna. She’s still wondering bakit may paganto pa. Naninibago tuloy siya.Kung pwede lang niyang sabihin na iligpit na ang mga hinanda ay ginawa na niya pero ayaw niyang maging rude lalo’t mukhang pinaghandaan ito ni Max. She finds it strange tho.“So this is what it feels like to be a real parent.” Sabi ni Max. Mayroong init sa puso niya matapos sabihin ni Khelowna na may trabaho siya at walang maiiwan sa mga paslit nila. Masaya ang damdamin niya na nakapag-usap sila ng gaya nito, ng tungkol sa mga anak nila.“Para saan ito Max, I hope you don’t mind I ask.”“Ang ano? This set up?”“Yes.”“Does it makes you uncomfortable?”Nagbaba ng tingin si Khelowna. “I just find it strange. Hindi mo naman kailangang gawin ito.”Lihim na kumuyom ang kamao ni Max. Clearly, she’s putting some boundaries.“Bakit hindi nalang natin ituon ang pansin natin sa oras na ito at e enjoy ang moment?”“Wala naman akong sinasabing mali. Nabigla
“Tumabi ka ba sa akin kagabi?” pasimpleng tanong ni Khelowna nang makitang busy na ang tatlo niyang anak matapos siyang tuksuin.“Nope.” Sagot ni Max at tumingin sa kabilang banda, maiwasan lang ang mapanuring mata ni Khelowna.“Anong nope? Paano mo maipapaliwanag ang nakita ko kanina sa iPad ni Chicago?”Nakagat ni Max ang labi niya. Kagabi, hindi siya sumunod agad kay Khelowna dahil nasaktan siya sa ginawa nito. Inubos niya mag-isa ang champagne at nanatili lang siya sa labas.Bandang ala una na nang nagpasya siyang pumasok. Nadatnan niya ang apat na natutulog sa foam mattress pero walang niisang nakahiga sa kama.Mahina siyang natawa at napakamot sa batok niya. Nakita niya ang mga anak niyang nagsisitandayan na ng paa sa isa’t-isa. Umupo siya at tinitigan ang mukha ng apat.“Walang duda, anak ko nga ang mga ito.” Proud na sabi niya habang nakatingin sa mukha ng mga anak niya. “Pero mabuti nalang sa mama kayo nagmana ng ugali. Pfft..” Halos mawala na ang mata niya nang ngumiti siya.
“Austin, bakit mo naman sinabi yun?”“Bakit? Wala ba akong pag-asa Khe?”Hindi mabasa ni Khelowna kung ano ang iniisip ng kaibigan niya. Wala siyang intention na masira ang meron sa kanila ni Austin. Alam niyang hindi niya ito gusto sa kung paano siya nito ginusto. Tanging pagkakaibigan at kapatid lang talaga ang pagtingin niya kay Austin.“Alam mo ang sagot diyan Austin.” Mahinahon niyang sabi. “Ayoko ng pumasok pa ulit sa isang relasyon. Nakakatakot sumugal.”“Hindi ka naman kailangan matakot sa akin dahil hindi naman kita sasaktan. Hindi kita pababayaan.”Nag-alala ang mukha ni Khelowna habang nakatingin sa kaniya. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin Austin. Alam kong mabait kang tao pero baka masktan lang kita kasi hindi ako handa.”Kinuha ni Austin ang kamay niya. “Maghihintay ako, Khe. Maghihintay ako hanggang sa handa ka na. Bigyan mo lang ako ng chance. At hindi ko yun sasayangin.”Alam ni Khelowna yun. Alam niya kung gaano kamaalaga at sincere si Austin. Pero siya ang may probl
“Ah, coffee?” alangan na sabi ni Khelowna habang inaangat ang kape na kakakuha lang niya sa counter.“Ah sige.. Salamat..” Kinuha ni Maxine ang kape at nagpunta sila sa pinakamalapit na table.“Ako pala si Maxine.” Sabi niya. Medyo nagulat si Khelowna lalo’t naalala niya si Max. Parehong may Max ang pangalan. Hindi niya namalayan na nakangiti na siya.“Why? Pamilyar ba ang pangalang Maxine?” nakangiting tanong ni Maxine sa kaniya.“Ah, hindi… may naalala lang ako. May Max kasi akong kilala.”“Asawa mo ba?”Agad siyang umiling. “Ay hindi. Hindi ko siya asawa. Hindi na…” humina na ang boses niya sa huli.“Hindi na? Divorce kayo?”Napakamot si Khelowna sa ulo niya. “Ganoon na nga. Ako pala si Khelowna.” Sabay angat sa kamay niya para makipagkamay.“Hello Khelowna. It’s nice meeting you.” Sabi nito. “So mahihilig ang mga anak mo sa sweets? Maliit pa ba sila?”“Ah yes.. They like sweets kaya napadalaw ako dito.”“How about their father? Hilig din ba yun sa sweets?”“No.” Natawa si Khelowna
Paglingon ni Khelowna sa kaniya, ang malulungkot na mata ni Max ang nakita niya.. “Paano mo nalaman?”“Someone informed me. Pinagkalat niya sa hospital na manliligaw mo siya.” Nakayukong sabi niya. Sobra ring pula ng pisngi nito hanggang tenga.He looked like a kid. Hindi tuloy alam ni Khelowna kung nagbibiro lang ba si Max o hindi. Kilala niya si Max bilang cold-hearted ex-husband, ang emotion na nakikita niya ngayon ay bago.“May Mavi ka-"Agad na tumayo si Max. “Wait here..” Sabi niya at nagmamadaling lumabas. Nagtaka si Khelowna sa gagawin niya, at nang bumalik ito, may dala na itong papel na nagsasaad na single siya at wala siyang asawa.“Kahit operahan mo ‘ko ngayon at buksan ang puso ko, wala ng Maveliene dito.” Seryosong sabi ni Max.“Hindi kaya nabigla ka lang? Hindi kaya, hindi mo naman pala ako gusto at gusto mo lang ay maging masaya ang mga anak natin?”Hinawakan ni Max ang kamay niya… “I know how I feel Khe.. Kasi kung wala ako kahit na konting pagtingin sayo, I don’t thin
“Stop acting like a kid, Max..” mahinahong sabi ni Khelowna sa tabi. Kung noon, hindi niya ito nagagawa, ramdam niyang iba na ngayon.Pakiramdam niya ay nawala ang mabigat na pader sa pagitan nila. At masaya siya sa pagbabagong yun.“Kailan ka aalis?” tanong ni Max na nagseryoso na sa tabi.“Kakarating ko lang, gusto mo na akong umalis kaagad?”“Yeah. Nagba-bonding kami PAMILYA. Hindi ka naman kasali.”Tumingin si Maxine kay Khelowna, tila nanghihingi ng tulong. Kaya pasimpleng sinipa ni Khelowna ang paa ni Max sa ilalim ng mesa.“You’re siding with her?” hindi makapaniwalang tanong ni Max sa kaniya.“Hindi pero pwede namang makipag-usap sa kapatid mo matapos nating kumain ng cake.”Humaba ang nguso ni Max at bahagyang humiga sa mesa at tinitigan si Khelowna. Agad no’n nagreact ang katawan ni Khelowna dahil bigla itong pinamulahan ng mukha kahit na hindi naman siya nakatingin kay Max.‘What is he doing?’ tanong niya sa isipan niya.Si Maxine namay ay mahinang natawa.‘Side effect ba i
Nang mapatingin si Maxine kay Khelowna, nanlaki ang mata niya nang makitang umiiyak ito. Napahawak siya sa noo niya.“I know you sense na sinusubukan lang kita. I’m not trying to criticize you.” Sabi ni Maxine at nagbaba naman ng tingin si Khelowna. Alam niya na sinusubukan lang siya ni Maxine pero hindi niya mapigilan ang luha niya.Hindi niya masisisi ang puso niya kasi noon pa siya naghahangad na sana kampihan siya ng asawa niya kahit isang beses lang. Na sana ipagtanggol siya nito.Marami siyang narinig noon na masakit na salita, ni isa walang naniwala.Dapat si Max ang kakampi niya kasi asawa niya ito pero si Max pa ang unang humusga sa kaniya.Nang tumingin si Max sa kaniya, namutla ito agad nang makita siyang umiiyak. “N-No.. I’m sorry.. K-Khe, I’m sorry..” Kabadong sabi niya. “I didn’t mean to hurt you. I’m sorry Khe.. God, I’m sorry…”Umiling si Khelowna, ang palad ay nasa mukha na. “No.. Salamat.. Salamat at pinagtanggol mo ‘ko..” Nang ibaba niya ang kamay niya, nakita ni Max
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P