“Ah, coffee?” alangan na sabi ni Khelowna habang inaangat ang kape na kakakuha lang niya sa counter.“Ah sige.. Salamat..” Kinuha ni Maxine ang kape at nagpunta sila sa pinakamalapit na table.“Ako pala si Maxine.” Sabi niya. Medyo nagulat si Khelowna lalo’t naalala niya si Max. Parehong may Max ang pangalan. Hindi niya namalayan na nakangiti na siya.“Why? Pamilyar ba ang pangalang Maxine?” nakangiting tanong ni Maxine sa kaniya.“Ah, hindi… may naalala lang ako. May Max kasi akong kilala.”“Asawa mo ba?”Agad siyang umiling. “Ay hindi. Hindi ko siya asawa. Hindi na…” humina na ang boses niya sa huli.“Hindi na? Divorce kayo?”Napakamot si Khelowna sa ulo niya. “Ganoon na nga. Ako pala si Khelowna.” Sabay angat sa kamay niya para makipagkamay.“Hello Khelowna. It’s nice meeting you.” Sabi nito. “So mahihilig ang mga anak mo sa sweets? Maliit pa ba sila?”“Ah yes.. They like sweets kaya napadalaw ako dito.”“How about their father? Hilig din ba yun sa sweets?”“No.” Natawa si Khelowna
Paglingon ni Khelowna sa kaniya, ang malulungkot na mata ni Max ang nakita niya.. “Paano mo nalaman?”“Someone informed me. Pinagkalat niya sa hospital na manliligaw mo siya.” Nakayukong sabi niya. Sobra ring pula ng pisngi nito hanggang tenga.He looked like a kid. Hindi tuloy alam ni Khelowna kung nagbibiro lang ba si Max o hindi. Kilala niya si Max bilang cold-hearted ex-husband, ang emotion na nakikita niya ngayon ay bago.“May Mavi ka-"Agad na tumayo si Max. “Wait here..” Sabi niya at nagmamadaling lumabas. Nagtaka si Khelowna sa gagawin niya, at nang bumalik ito, may dala na itong papel na nagsasaad na single siya at wala siyang asawa.“Kahit operahan mo ‘ko ngayon at buksan ang puso ko, wala ng Maveliene dito.” Seryosong sabi ni Max.“Hindi kaya nabigla ka lang? Hindi kaya, hindi mo naman pala ako gusto at gusto mo lang ay maging masaya ang mga anak natin?”Hinawakan ni Max ang kamay niya… “I know how I feel Khe.. Kasi kung wala ako kahit na konting pagtingin sayo, I don’t thin
“Stop acting like a kid, Max..” mahinahong sabi ni Khelowna sa tabi. Kung noon, hindi niya ito nagagawa, ramdam niyang iba na ngayon.Pakiramdam niya ay nawala ang mabigat na pader sa pagitan nila. At masaya siya sa pagbabagong yun.“Kailan ka aalis?” tanong ni Max na nagseryoso na sa tabi.“Kakarating ko lang, gusto mo na akong umalis kaagad?”“Yeah. Nagba-bonding kami PAMILYA. Hindi ka naman kasali.”Tumingin si Maxine kay Khelowna, tila nanghihingi ng tulong. Kaya pasimpleng sinipa ni Khelowna ang paa ni Max sa ilalim ng mesa.“You’re siding with her?” hindi makapaniwalang tanong ni Max sa kaniya.“Hindi pero pwede namang makipag-usap sa kapatid mo matapos nating kumain ng cake.”Humaba ang nguso ni Max at bahagyang humiga sa mesa at tinitigan si Khelowna. Agad no’n nagreact ang katawan ni Khelowna dahil bigla itong pinamulahan ng mukha kahit na hindi naman siya nakatingin kay Max.‘What is he doing?’ tanong niya sa isipan niya.Si Maxine namay ay mahinang natawa.‘Side effect ba i
Nang mapatingin si Maxine kay Khelowna, nanlaki ang mata niya nang makitang umiiyak ito. Napahawak siya sa noo niya.“I know you sense na sinusubukan lang kita. I’m not trying to criticize you.” Sabi ni Maxine at nagbaba naman ng tingin si Khelowna. Alam niya na sinusubukan lang siya ni Maxine pero hindi niya mapigilan ang luha niya.Hindi niya masisisi ang puso niya kasi noon pa siya naghahangad na sana kampihan siya ng asawa niya kahit isang beses lang. Na sana ipagtanggol siya nito.Marami siyang narinig noon na masakit na salita, ni isa walang naniwala.Dapat si Max ang kakampi niya kasi asawa niya ito pero si Max pa ang unang humusga sa kaniya.Nang tumingin si Max sa kaniya, namutla ito agad nang makita siyang umiiyak. “N-No.. I’m sorry.. K-Khe, I’m sorry..” Kabadong sabi niya. “I didn’t mean to hurt you. I’m sorry Khe.. God, I’m sorry…”Umiling si Khelowna, ang palad ay nasa mukha na. “No.. Salamat.. Salamat at pinagtanggol mo ‘ko..” Nang ibaba niya ang kamay niya, nakita ni Max
Maraming nagulat nang biglang pumasok si Khelowna sa hospital. “DR. KHEEEE!” Pagbati ng mga kaibigan niyang nurses at ilang mga doctors. “Teka, bakit nandito ka na? Akala ko ba ay next week ka pa?”“May nagbabantay na kasi sa mga anak ko.” Alangan niyang sagot.Natigilan ang iba at nanlaki ang mata. “Hala, totoo nga ang balita na may mga anak ka na. Grabe, hindi namin alam doc…”Hindi rin naman kasi sila nagtanong kaya wala ring rason si Khelowna para ipagsabi na may anak na siya. And besides, bagong lipat na doctor siya.Maliban kay Austin, wala na talaga siyang matatawag na malapit sa kaniya.“Akala namin doc e single ka pa kaya ka nililigawan ni Dr. Austin.”Ngumiti si Khelowna at sinabing, “hindi ko naman manliligaw si Austin noong una.”“Pero hindi ba ngayon ay nanliligaw na siya? Ang swerte mo Dr. Khe. Ang gwapo pa naman ni doc Austin.”Hindi alam ni Khelowna kung anong iri-react niya sa mga sinasabi ng mga nurse sa kaniya. Alam niyang gwapo si Austin at maswerte nga siya kung s
Natigilan ang lahat at napatingin kay Khelowna. Halata sa mukha nila ang pagtataka kung bakit kamukha ni Chicago ang dalawang bata.“I’m sorry b-but I have to go..” Kinakabahang sabi niya.“Doc-" napahinto siya nang tawagin siya ng kasama niya. “Ikaw ba ang dating asawa ni Mr. Linae?”Nakagat ni Khelowna ang labi niya. She changed her last name, para lang makaiwas sa gulo. Kung tutuusin, hindi na siya kailangan mangamba dahil nagkita na sila ni Max at nagkaayos na..Pero natatakot siyang pagchi-chismisan na naman siya… na huhusgahan ulit. Tapos na siya sa mapanakit na karanasan na yun. Ayaw na niyang bumalik pa.“P-Paano naman magiging ako?” tumawa siya pero halatang pilit. “H-Hindi ba patay na ang asawa niya?”“Kung ganoon, paano mo maipapaliwanag ang picture na nakita ko kanina?”Hindi makasagot doon si Khelowna. Wala siyang makitang palusot. At habang iniintriga siya, parating naman ang apat sa kinakainan nila.Ang picture na sinend ni Paris sa kaniya ay kanina pa yun nakunan. Ngay
“May I sit with you guys?” nakangiting sabi ni Khelowna sa mga anak niya. Nagulat ang mga bata lalo na si Max sa presensya niya.“Why are you here mama? Your friends are still there.” Sabi ni Paris sabay turo sa mga kaibigan ng mama niya.“Yeah but my favorite angels are here.”“Kasama po si papa, mama?” singit ni Chicago. Napasulyap si Khelowna kay Max, hindi niya yun inaasahan.Si Max naman ang nahiya. Napatingin siya sa gilid. Kutang-kuta na siya sa mga anak niya. Pero hindi naman siya nagri-reklamo. “O-Of course. Mama likes him kasi favorite siya ng mga favorites ni mama.” Palusot ni Khelowna at tumikhim.Parang nagniningning ang mata ni Max sa narinig. Gusto niya tuloy ipaulit iyon. “Mama, tabi ka kay papa.” Sabi ni Chicago kaya walang nagawa si Khelowna kun’di ang tumabi kay Max. “I think, magkakaroon tayo ng scandal bukas.” Bulong ni Khelowna.Tumingin si Max sa mga kasamahan niya at nauunawaan na niya agad ano ang ibig sabihin nito. “It’s alright. No one can harm you and the
Sabado, at gaya ng napag-usapan, may date si Khelowna kay Austin. Naglalagay siya ngayon ng lipstick sa labi niya, pero yung light orange lang. Simple lang rin ang ayos niya.Kakatapos lang din naman ng duty niya at pauwi na siya. Iniisip niyang simpleng dinner lang ito dahil matagal naman na nilang ginagawa ni Austin ang magdinner na sabay.“You looked so pretty today,” sabi ni Austin sa kaniya.“Thank you, Austin.”Nagdine-in sila sa isang famous restaurant na binabalikan nila palagi. Minsan lang silang mapunta dito buhat sa mahal ang mga pagkain.Pagkaupo nila sa kanilang reserve seat, nilapitan sila agad ng waiter para tanungin kung anong kakainin nila.Nag-order lang sila ng steak, dessert at isang champagne. It’s indeed a romantic date, ngunit parang normal dinner lang kay Khelowna.She smiled when she has to, tapos kakain lang.“Mabuti na take down lahat ang lumabas sa media tungkol kina Paris at Rome.” Ang sabi ni Austin habang kumakain na sila.Kanina pa siya nag-iisip ng pwed
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P