Mapapahamak ka talaga Mavi sa ginagawa mo.
Pagdating ni Max sa office ni Khe, nakita niya si Chicago na nakayuko ang ulo sa mesa at natutulog."Son?" tawag niya. Nag-angat ng tingin si Chicago sa kaniya. Naluluha pa ang mata nito dahil sa lagnat. "Why you didn't call me?""I'm sorry papa.. Si mama po nasaan?" tanong niya."Wala pa. May ginagawa pa siya. Let's go, you need to eat para makainom ka ng gamot."Umiling si Chicago. "Dito lang ako papa. I'll wait for mama.""Babalik rin tayo dito. Kailangan mo munang kumain.""Dito nalang ako kakain papa.."Napabuntong hininga si Max. Suko na siya. Hindi niya talaga mapipilit ang mga anak niya na umalis kaya wala siyang choice kun'di tawagan si Johanson na padalhan sila pagkain."Papa, I saw your ex-wife earlier."Napatingin si Max kay Chicago dahil sa sinabi nito. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang kakaiba sa'yo?""Wala but she talked to me."Napakuyom ang kamao ni Max at sandaling natigilan. Agad siyang lumapit kay Chicago at hinawakan ang dalawang balikat nito. "If ever sh
Isang malakas na katok ang pumukaw kay Khe at Max. "Baka yung ulam na yan ni Mina." Sabi niya."Ako na kukuha mama," sabi ni Chicago."Ako na kuya. Hindi ka pa tapos sa assignment mo." Sabi naman ni Paris at siya ang naglakad palapit sa pinto. Pagbukas niya no'n, tumambad sa kaniya ang mukha ni Sonya."Hello baby girl." "Ma!!" Sigaw ni Paris kaya si Khelowna ay nagmamadaling nagpunta sa tabi niya. Nagulat siya nang makita niya si Sonya na may hawak na ulam at nakangiti."Hi Dr. Khe, pinapabigay ni Mina.""Wife, sino yan?" tanong ni Max. Lumapit rin siya at napahinto agad nang makitang si Sonya ito."Hi Max." Sabi ni Sonya."Anong ginagawa mo dito Sonya?""Nautusan ako ni Mina na dalhin ito sa inyo. Pwede ba akong pumasok?" aniya. Nagsidatingan na rin si Rome at Chicago kasama ni Sydney."Hello sa inyo mga bata. Ako ang tita Sonya niyo. Kapatid ni Dr. Smith.""Hello po." Si Sydney lang ang sumagot. Ang triplets ay seryoso lang ang mukha. Tumingin si Khelowna kay Rome. "Please bring yo
Itinulak ni Sonya si Mina sa semento kaya napapikit ito ng muntik ng tumama ang ulo niya doon."Hindi ka pwedeng umuwi Mina. Isusumbong mo ko kay kuya, tapos ilalayo niya ako kay Khelowna at Max. Tingin mo naman papayag ako?"Nagsimula ng umiyak si Mina. "Hindi kita isusumbong. Please, huwag mo lang akong saktan Sonya. Please..."Tumawa si Sonya. "Sawa na ako sa mga pangako Mina. Nangako rin sa akin noon si Max na hindi siya iibig kay Khelowna. Pero tignan mo naman kung anong ginawa niya sa akin. Niloko niya ako, pinagpalit pa rin niya ako. Minahal niya si Khelowna at iniwan ako.""Pero Sonya.." humagolgol na ng iyak si Mina. "Iba naman ako kay Max. Hindi ba naging mabait ako sa'yo? Pwede bang hayaan mo na akong umalis?""Mabait?" tumawag ulit si Sonya. "Paano ka naging mabait e isa ka ring bwesit sa buhay ko. Pakialamera ka at gusto mong magreyna-reynahan sa bahay. Mas sinusunod ka pa ng mga katulong kesa sa akin kahit na ako ang kadugo ng amo nila."Humanap si Mina ng pwede niyang ga
Kinabukasan, pagdating ni Dr. Smith sa hospital, nagulat siya nang makita si Khe sa harapan ng office niya na tila ba hinihintay siya. "Kamusta ang lakad niyo ni Max kahapon?""Ayos naman." Sabi ni Khelowna. "Ahm.. Doc, pwedeng magfile ng leave?""Bakit?" kunot noong tanong niya. "Pupunta kasi ako ng Hongkong kasama ni Sydney. Nagdamdam kasi ang batang yun na puro nalang daw kami work ng papa niya. Kaya naisipan namin ni Max na magbakasyon muna.""Ilang araw ba?""Pwede mga dalawang buwan?""Hindi ka pwedeng mawala ng ganoon katagal Khe. 1 month, is that enough?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Sige Doc. Salamat.""Kuya, Khelowna!" Dumating na naman si Sonya at nakangiti siya ngayon sa dalawa."Hello Dr. Khe." Sabi niya kay Khelowna pero si Khelowna ay wala man lang expression ang mukha niya. "By the way doc, alam mo bang nagpunta kahapon ang kapatid mo sa bahay namin?"Nawala ang ngiti ni Sonya sa labi niya. 'Anong binabalak ng babaeng to?' "Oo. Nasabi nga niya sa akin." Sabi ni
Iniwan ni Khelowna sa parking lot na namumutla si Sonya. Pumasok siya ng sasakyan niya kung saan ay hinihintay pala siya ni Max."Are you okay wife?" tanong ni Max habang sinusuotan ng seat belt si Khe."Hindi ba talaga natin sasabihin kay Dr. Smith na nakaalala na siya?""Hindi. Magtiwala ka sa plano ko. Kilala mo si Dr. Smith, he's not a friend nor a foe. He's not also the type of person na magbubulagbulagan kahit kapamilya ka niya. He's hard to read." "Pero kapatid niya si Mavi."Tumingin si Max sa mga mata ni Khe. "I know. But naniniwala talaga akong gagawin niya ang tama. As of now, just stay kung nasaan ang mga anak natin. And let us wait to see her downfall. She was given a second chance, pero pinili niya yung sayangin." Tumingin si Max kay Sonya at alam niyang hindi magtatagal ay mabibisto rin ni Dr. Smith ang tinatago nito.Umalis sila at umuwi. Samantala, si Dr. Smith, hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya. Yung isipan niya ay nasa kay Mina lang."Doc, ayos lang b
Pagpasok ni Sonya sa kwarto niya, agad niyang kinuha ang pinakamahal na alahas na meron siya na bigay ng kuya niya.Natatawa siyang lumabas muli at pumunta doon sa katulong na ngayon ay naliligo ng sariling dugo.Agad niyang nilagay ang necklace niya sa bulsa ng katulong na si Flor at bumalik sa kwarto niya. "Ang perfect naman ng timing na sira ang CCTV sa sala." Aniya.Umupo siya sa vanity niya at agad na sinuklay ang kaniyang buhok. Nakangiti siya tapos ay tatawa na para bang nasisiraan ng bait. "Masiyado niyang iniidolo si Mina kaya tinulungan ko na siyang puntahan ito. Kamusta na kaya sila? Nagkita na ba sila sa impyerno?" Tumingin siya sa cellphone ni Mina. Balak niya sanang e text ang kuya niya kanina, magkukunwari siyang siya si Mina pero nagulantang siya ng biglang tumunog ang phone nito. "Ganito ka ba kabaliw sa babaeng yun kuya? Maya maya mo siya tinatawagan. Hindi ko man lang mabuksan ang cellphone niya." Pagkatapos niyang suklayin ang mahaba niyang buhok, nagpasa na siy
"Opps, wala pala akong best friend na criminal!" natatawang sabi ni Maxine. Nakagat ni Sonya ang labi niya. Makikita sa mata niya ang kalungkutan habang nakatingin sa tinuring niyang matalik na kaibigan. "Maxine,""Sayang ang luha ko sa'yo Maveliene. Iyak iyak pa ako noon, tapos malalaman kong maitim pala ang budhi mo.""Pati ba naman ikaw nalason ng babaeng yun ang utak mo?"Sinampal siya muli ni Maxine. "You shut your mouth Maveliene. She's my sister in law baka nakakalimutan mo."Napahawak si Sonya sa pisngi niya. "What happened to you?" halos magcrack ang boses niya. "You used to be on my side. Maxine, I'm your best friend. Ako ang kampihan mo. Namiss kita ng husto Maxine.""Best friend? Used to be on your side? Not anymore. Hindi ako pwedeng tatahimik knowing winawalanghiya mo ang pamilya ko."Tumulo ang isang luha sa mata ni Sonya. Katherine may be her sister by blood, pero kay Maxine niya naramdaman paano magkaroon ng tunay na kapatid. She treasures her dearly."Maxine, please
Agad na tumayo si Dr. Smith, naglibot libot siya sa kwarto ni Mina, at nakita niya ang knitted baby clothes na pinakita nito sa kaniya dati.Para siyang mahihimatay sa labis na kasiyahan. Walang pasidlan ang tuwa na nararamdaman niya ngayon na magkakaroon na siya ng anak."Bakit hindi ko napansin? She's really pregnant." Nakangiti siya the whole time habang nagtitingin sa kwarto nito. Maliban doon sa baby clothes, nakita rin niya ang journal ni Mina.Nang buklatin niya yun, lahat ng nakalagay doon ay tungkol sa pagbubuntis niya. Napaupo siya sa kama at napabasa doon.Day 01 of pregnancyHi baby. Mag 2 months ka na palang dala ni mommy, hindi man lang niya alam. Yung mga sakit ng ulo ko, dahil na pala yun sa dala dala na kita sa tummy ko. Mommy will take care of you. Thank you for coming into my life, my love. Hindi alam ni Dr. Smith kung bakit pero para na rin siyang naiiyak habang binabasa ang unang journal ni Mina. Binasa pa niya ang ibang pahinga hanggang sa napunta siya sa Day 0
“Galit ka ba sa akin?” ang tanong ni Mina nang pumasok siya sa kwarto ni Dr. Smith. Nagbabasa ito ng taimtim.Sinabi kasi ni Khelowna sa kaniya na nasabi na ni Max ang lahat ng nangyari kay Dr. Smith doon sa rooftop.“Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo?”Umupo si Mina sa tabi niya. Agad naman niyang hinawakan ang tiyan nito.“Yung antidote, nasa akin pero hindi ko pinainom sa kaniya. At kahit buhay ako, hindi ako nagpakita sayo. We deliberately made you to kill her.”Natigilan si Dr. Smith at agad na napatingin sa mukha niya.“Alam kong plinano ito ni Max. S-Sinabi niya sa akin. Pero marami na akong binigay kay Sonya na pagkakataon. At mas malungkot pa ay pinatay pa niya si Flor.”Naging malungkot ang mukha ni Mina. Malapit sa kaniya si Flor. Tinuring niya rin ito bilang kaibigan niya. At no’ng nalaman niya na namatay si Flor, grabe ang iyak niya.“Pero kahit na gaano kalaki ang galit ko sa kapatid ko, handa pa rin akong patawarin siya kung nagsisi lang siya sa huli, handa akong ib
Malaking pinsala ang natamo ni Dr. Smith sa ininom niyang lason. Without the antidote, baka pati buhay niya ay wala na rin.“His liver is severely damage as well as his limbs.” Ang sabi ni Khelowna na nakatingin ng diretso kay Mina.Tumango si Mina. “Salamat doc. Ang importante ay buhay siya dahil aalagaan ko naman siya at hindi ko iiwan kahit na ano pang mangyari..”“I know Mina… Kung nahuli lang si Max ng ilang segundo, baka talaga hindi na natin naisalba ang buhay niya. Before his blood carries the poison throughout his body, na-neutralize na iyon sa antidote kaya maayos pa ang ibang organs niya.”Tumango ulit si Mina at tinignan si Dr. Smith na ngayon ay wala pa ring malay sa hospital bed.“And for Sonya, anong gagawin natin sa katawan niya?” tanong ni Khe.“We will open her coffin again. Doon natin ilagay ang bangkay niya. She will bury as Maveliene Reyes and not as Sonya Smith. Hindi naman niya pinahalagahan ang buhay na meron siya as Sonya. Pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang b
--The day na pinuntahan ni Mina si Sonya sa bahay ni Max at Khelowna“Max,” takot na takot na sabi ni Khe. “Follow them.” Aniya na hindi na kumukurap. “M-Malakas ang kutob ko na mapapahamak si Mina at baby niya.”“Yes wife. Plano ko rin sila sundan kahit hindi mo sabihin.” Sabi ni Max na isa rin sa kinakabahan pagka’t nakumpirma na nila na nakaalala na ito. HinaIikan niya ang ulo ni Khe at umalis na para sundan si Mina at Sonya sa taxi.Napaupo si Khe sa sofa. Nang umalis ang dalawa kanina, bigla niyang naalala ang nangyari sa kaniya noon sa kamay ni Mavi. Hindi niya alam bakit kinakabahan siya para kay Mina.Sa pagsunod ni Max, nakarating sila sa dating bahay ni Mavi. Hindi siya lumabas ng sasakyan niya, nanatili muna siya sa loob at nagmamasid. Kapag may narinig siyang sigaw mula kay Mina, saka siya papasok.Pero nagtaka siya na lumipas na ang halos isang oras ay hindi pa sila lumalabas. Lumabas siya ng sasakyan niya para sana puntahan ang loob ng bahay ng makita niyang lumabas si So
"I have decided. Iiwan ko sa'yo ang hospital Khe." Nakangiting sabi ni Dr. Smith kay Khelowna."Huh? Pero bakit?""Kasi mamamatay na ako?" natatawa pa niyang sabi.Kumuyom ang kamao ni Khelowna. "Bakit ka mamamatay? Ipakulong mo siya. Alam kong makakakuha ka ng ebidensya. Sa dami ng pera mo.""Sana ganoon lang kadali. She killed Mina and my child, hindi ko kayang ipakulong lang siya."Tumulo ang luha ni Khelowna. "Then bakit pati ikaw mamamatay?""Dahil tama ka. Hindi rin ako magiging okay kung pinatay ko siya tapos ako lang ang mabubuhay. Mas doble ang sakit na mararamdaman ko kasi ako ang naiwan. Hindi ba mas maganda kung sabay namin ni Sonya sundan si Mina?""Do you really believe na wala na si Mina?"Tumulo ang luha ni Dr. Smith. "Kung hindi ko tatanggapin, baka nabaliw na ako ng tuluyan. Kailangan kong tanggapin na patay na siya ng sa ganoon, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang sarili namin ni Sonya." Kahit sa puso niya, may parte na umaasa na sana buhay pa ito. "A-Anong
"Kuya-" gulat na gulat si Sonya sa sinabi ni Dr. Smith "Let's stop pretending na wala ka pang naaalala. I know now na naaalala mo na ang lahat lahat sa nakaraan mo."Naubo si Dr. Smith at sumuka ng dugo."What's going on?" tanong ni Sonya na clueless pa rin sa lahat.Akmang tatayo na siya ng bigla siyang nahilo at napaupo muli sa upuan.Nang tignan niya ang kuya niya, malungkot itong nakangiti sa kaniya."I'm sorry Mavi... You are my little sister.." umiyak ito. "And I love you.""A-Anong ginawa mo kuya?" takot na takot na tanong niya. Nang hawakan niya ang ilong niya, nakita niyang may dugo na rin doon.Naalala niya ang wine. Bigla siyang kinabahan. "May lason ang w-wine?" tanong niya.Napapikit si Sonya nang maramdaman na parang sinusunog ang loob ng tiyan niya."Kuya...." umiiyak na siya.. "Kuya bakit? Bakit mong patayin ang mga sarili natin?" May nilabas si Dr. Smith na dalawang antidote. "Don't worry, we will survive . As your kuya, it's my job to protect you." "Akin na yan kuy
"Desidido ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Khelowna na nag-aalala."Yeah." Nakangiting sabi ni Dr. Smith. "Inisip ko ang sinabi mo, and I realized you were right. Baka pagsisihan ko rin ang gagawin ko kung basta ko siya patayin dahil sa galit ko sa kaniya that's why I came up to this."Nanubig ang mata ni Khelowna. Agad niyang niyakap si Dr. Smith. "What a fool doctor." "I guess I am a fool. Hindi ko man lang sila nailigtas. Kasalanan ko itong lahat. Kung hindi lang sana ako naging kampante na wala pang naaalala si Sonya, baka buhay pa si Mina ngayon at ang anak namin."Nakagat ni Khelowna ang labi niya. Hindi niya alam anong sasabihin. Pagkatapos niyang yumakap, agad siyang nilapitan ni Max."Do you want me to help you to prepare for your dinner date with her?""Ayos lang ba yun sa'yo?"Tumingo si Max. "Yeah. Khe will stay here to take care of the kids.""Okay." Tumingin si Dr. Smith kay Khelowna. "Sige Khe, salamat sa lahat."Hindi magawang tumango ni Khelowna. Paano siya tatanggo
Nang makita ni Max na nakapasok na si Dr. Smith sa kwarto nito, tumalikod na rin siya para umalis nang hawakan siya ni Sonya sa kamay.“S-Samahan mo muna ako sandali Max. Namiss kita.”Binawi ni Max ang kamay niya. “Stop pestering me woman. Kung hindi ka masaya sa buhay mo then huwag kang mandamay ng ibang tao.”"Max naman, huwag naman ganto please… Hindi ba nangako tayo sa isa’t-isa?”“Hindi mo ba talaga naiintindihan? May pamilya na ako. Ibang babae ang hinarap ko sa altar at hindi ikaw. Si Khelowna ang pinangakuan ko sa mata ng Diyos at mata ng maraming tao. Kaya tigilan mo na ako bago pa ako may nagawang masama sayo.” Malakas na itinulak ni Max si Sonya kaya napaupo ito sa sahig.Naririndi na siya sa paulit ulit na salita ni Sonya. Si Dr. Smith, nakatingin sa itaas ng hagdan bago siya pumasok ng kwarto niya.Kung anu-ano ng naiimagine niya kanina. At ang totoo niyan, gusto niya pa rin yung gawin.Itinapon na lang niya ang sarili niya sa kama at piniling matulog.Kinaumagahan, nagi
“Uuwi ka na?” tanong ni Khelowna nang makitang tumayo si Dr. Smith. Alas tres na ng madaling araw, at hindi pa sumisikat ang araw.“Oo..”“Pero ayos ka lang ba talaga? Baka mamaya may gawin kang pagsisisihan mo.”“Totoo ngang mabait ka Dr. Khe. Ayaw mo bang may gawin akong masama sa kapatid ko?”Mariing umiling si Khelowna. “Inaalala kita. Kahit pagbaliktarin ang mundo, kapatid mo siya. Maaaring may magawa kang masama sa kaniya ngayon dahil sa galit mo pero pagkatapos niyan, gagaan ba ang loob mo? O mas lalo ka lang magdudusa?”“Alam mo ba anong nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko ay magagaya ako sa pamilya niya. Pakiramdam ko ay masisiraan na rin ako ng bait.” Natatawa habang umiiyak na sabi niya. “Hatid na kita,” mariing sabi ni Max. “Kung uuwi ka, ihahatid kita. Kung may gawin ka mamaya sa kaniya, sabihan mo ‘ko kung gusto mong pigilan kita.”Tumango ang basang mukha ni Dr. Smith. Umalis na silang dalawa ni Max at umuwi. Akala ni Max ay walang magiging problema dahil alas tres pa
Agad nilapitan ng mga pulis si Maxine bago pa may gawing masama si Sonya sa kaniya."Maxine, tara na.. Bakit ka ba natatakot sa akin? Ako ang best friend mo.""Hindi na kita kaibigan. Ayaw na kita maging kaibigan kaya umalis ka na.""Bakit ayaw mo na? Tuluyan na ba talagang binilog ni Khelowna ang isipan mo?""Paalisin niyo na siya." Sabi ni Maxine sa mga pulis."Aalis ako Maxine. Pero sa susunod na punta ko dito, sana tumino ka na. Tandaan mo, kaibigan mo ko. Nanumpa tayo sa isa't-isa na magkakampi tayo lagi. At sana maalala mo ang pinagsamahan natin. Hindi magtatagal, ay magpapakasal din naman kami ni Max kaya magkakapamilya na tayo."Umalis si Sonya pagkatapos niyang sabihin yun. Napainom si Maxine ng tubig habang inaalalayan siya ng mga pulis papasok sa loob ng bahay. 'At talagang ako pa ang sinabihan niya na tumino?' Samantala, matapos malaman ni Max ang nangyari, agad siyang umuwi sa bahay nila. Agad niyang nakita ang kapatid niya na nakaupo katabi ni Sydney.Agad niyang dinaluh