Magtatago na ako..
Kinabukasan, pagdating ni Dr. Smith sa hospital, nagulat siya nang makita si Khe sa harapan ng office niya na tila ba hinihintay siya. "Kamusta ang lakad niyo ni Max kahapon?""Ayos naman." Sabi ni Khelowna. "Ahm.. Doc, pwedeng magfile ng leave?""Bakit?" kunot noong tanong niya. "Pupunta kasi ako ng Hongkong kasama ni Sydney. Nagdamdam kasi ang batang yun na puro nalang daw kami work ng papa niya. Kaya naisipan namin ni Max na magbakasyon muna.""Ilang araw ba?""Pwede mga dalawang buwan?""Hindi ka pwedeng mawala ng ganoon katagal Khe. 1 month, is that enough?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Sige Doc. Salamat.""Kuya, Khelowna!" Dumating na naman si Sonya at nakangiti siya ngayon sa dalawa."Hello Dr. Khe." Sabi niya kay Khelowna pero si Khelowna ay wala man lang expression ang mukha niya. "By the way doc, alam mo bang nagpunta kahapon ang kapatid mo sa bahay namin?"Nawala ang ngiti ni Sonya sa labi niya. 'Anong binabalak ng babaeng to?' "Oo. Nasabi nga niya sa akin." Sabi ni
Iniwan ni Khelowna sa parking lot na namumutla si Sonya. Pumasok siya ng sasakyan niya kung saan ay hinihintay pala siya ni Max."Are you okay wife?" tanong ni Max habang sinusuotan ng seat belt si Khe."Hindi ba talaga natin sasabihin kay Dr. Smith na nakaalala na siya?""Hindi. Magtiwala ka sa plano ko. Kilala mo si Dr. Smith, he's not a friend nor a foe. He's not also the type of person na magbubulagbulagan kahit kapamilya ka niya. He's hard to read." "Pero kapatid niya si Mavi."Tumingin si Max sa mga mata ni Khe. "I know. But naniniwala talaga akong gagawin niya ang tama. As of now, just stay kung nasaan ang mga anak natin. And let us wait to see her downfall. She was given a second chance, pero pinili niya yung sayangin." Tumingin si Max kay Sonya at alam niyang hindi magtatagal ay mabibisto rin ni Dr. Smith ang tinatago nito.Umalis sila at umuwi. Samantala, si Dr. Smith, hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya. Yung isipan niya ay nasa kay Mina lang."Doc, ayos lang b
Pagpasok ni Sonya sa kwarto niya, agad niyang kinuha ang pinakamahal na alahas na meron siya na bigay ng kuya niya.Natatawa siyang lumabas muli at pumunta doon sa katulong na ngayon ay naliligo ng sariling dugo.Agad niyang nilagay ang necklace niya sa bulsa ng katulong na si Flor at bumalik sa kwarto niya. "Ang perfect naman ng timing na sira ang CCTV sa sala." Aniya.Umupo siya sa vanity niya at agad na sinuklay ang kaniyang buhok. Nakangiti siya tapos ay tatawa na para bang nasisiraan ng bait. "Masiyado niyang iniidolo si Mina kaya tinulungan ko na siyang puntahan ito. Kamusta na kaya sila? Nagkita na ba sila sa impyerno?" Tumingin siya sa cellphone ni Mina. Balak niya sanang e text ang kuya niya kanina, magkukunwari siyang siya si Mina pero nagulantang siya ng biglang tumunog ang phone nito. "Ganito ka ba kabaliw sa babaeng yun kuya? Maya maya mo siya tinatawagan. Hindi ko man lang mabuksan ang cellphone niya." Pagkatapos niyang suklayin ang mahaba niyang buhok, nagpasa na siy
"Opps, wala pala akong best friend na criminal!" natatawang sabi ni Maxine. Nakagat ni Sonya ang labi niya. Makikita sa mata niya ang kalungkutan habang nakatingin sa tinuring niyang matalik na kaibigan. "Maxine,""Sayang ang luha ko sa'yo Maveliene. Iyak iyak pa ako noon, tapos malalaman kong maitim pala ang budhi mo.""Pati ba naman ikaw nalason ng babaeng yun ang utak mo?"Sinampal siya muli ni Maxine. "You shut your mouth Maveliene. She's my sister in law baka nakakalimutan mo."Napahawak si Sonya sa pisngi niya. "What happened to you?" halos magcrack ang boses niya. "You used to be on my side. Maxine, I'm your best friend. Ako ang kampihan mo. Namiss kita ng husto Maxine.""Best friend? Used to be on your side? Not anymore. Hindi ako pwedeng tatahimik knowing winawalanghiya mo ang pamilya ko."Tumulo ang isang luha sa mata ni Sonya. Katherine may be her sister by blood, pero kay Maxine niya naramdaman paano magkaroon ng tunay na kapatid. She treasures her dearly."Maxine, please
Agad na tumayo si Dr. Smith, naglibot libot siya sa kwarto ni Mina, at nakita niya ang knitted baby clothes na pinakita nito sa kaniya dati.Para siyang mahihimatay sa labis na kasiyahan. Walang pasidlan ang tuwa na nararamdaman niya ngayon na magkakaroon na siya ng anak."Bakit hindi ko napansin? She's really pregnant." Nakangiti siya the whole time habang nagtitingin sa kwarto nito. Maliban doon sa baby clothes, nakita rin niya ang journal ni Mina.Nang buklatin niya yun, lahat ng nakalagay doon ay tungkol sa pagbubuntis niya. Napaupo siya sa kama at napabasa doon.Day 01 of pregnancyHi baby. Mag 2 months ka na palang dala ni mommy, hindi man lang niya alam. Yung mga sakit ng ulo ko, dahil na pala yun sa dala dala na kita sa tummy ko. Mommy will take care of you. Thank you for coming into my life, my love. Hindi alam ni Dr. Smith kung bakit pero para na rin siyang naiiyak habang binabasa ang unang journal ni Mina. Binasa pa niya ang ibang pahinga hanggang sa napunta siya sa Day 0
"Ah, by the way, from now on, no bodyguards na for you."Nanlaki ang mata ni Sonya sa sinabi ni Dr. Smith. "Huh? Bakit kuya?""Dahil narealize ko na dapat hayaan na kitang matutunan ang lahat ng meron sa mundo na ikaw lang mag-isa."Lumaki ang ngiti ni Sonya. Kahit na may bodyguard siya, nakakaalis pa rin naman siya dahil niloloko niya ang mga ito gaya nalang nong pinuntahan niya si Max.Sabi sa café lang siya but she went to the back door para lang makaalis ng hindi napapansin ng bantay niya. Ngayon na tinatanggalan na siya ng kapatid niya ng bantay, mas mapapadali ang buhay niya.Hindi na niya kailangan mangamba na baka mahuli siya."Salamat kuya." Lumapit siya kay Dr. Smith at niyakap niya ito."Sige.. I'll go ahead." Sabi ni Dr. Smith at umalis.Nang makapasok si Dr. Smith sa sasakyan niya, agad niyang tinawagan ang mga bantay ni Sonya. "Follow her kahit saan siya magpunta pero huwag kayong magpapakita sa kaniya.""Masusunod po sir."Sunod niyang tinawagan si Max."Tinanggalan ko n
Agad nilapitan ng mga pulis si Maxine bago pa may gawing masama si Sonya sa kaniya."Maxine, tara na.. Bakit ka ba natatakot sa akin? Ako ang best friend mo.""Hindi na kita kaibigan. Ayaw na kita maging kaibigan kaya umalis ka na.""Bakit ayaw mo na? Tuluyan na ba talagang binilog ni Khelowna ang isipan mo?""Paalisin niyo na siya." Sabi ni Maxine sa mga pulis."Aalis ako Maxine. Pero sa susunod na punta ko dito, sana tumino ka na. Tandaan mo, kaibigan mo ko. Nanumpa tayo sa isa't-isa na magkakampi tayo lagi. At sana maalala mo ang pinagsamahan natin. Hindi magtatagal, ay magpapakasal din naman kami ni Max kaya magkakapamilya na tayo."Umalis si Sonya pagkatapos niyang sabihin yun. Napainom si Maxine ng tubig habang inaalalayan siya ng mga pulis papasok sa loob ng bahay. 'At talagang ako pa ang sinabihan niya na tumino?' Samantala, matapos malaman ni Max ang nangyari, agad siyang umuwi sa bahay nila. Agad niyang nakita ang kapatid niya na nakaupo katabi ni Sydney.Agad niyang dinaluh
“Uuwi ka na?” tanong ni Khelowna nang makitang tumayo si Dr. Smith. Alas tres na ng madaling araw, at hindi pa sumisikat ang araw.“Oo..”“Pero ayos ka lang ba talaga? Baka mamaya may gawin kang pagsisisihan mo.”“Totoo ngang mabait ka Dr. Khe. Ayaw mo bang may gawin akong masama sa kapatid ko?”Mariing umiling si Khelowna. “Inaalala kita. Kahit pagbaliktarin ang mundo, kapatid mo siya. Maaaring may magawa kang masama sa kaniya ngayon dahil sa galit mo pero pagkatapos niyan, gagaan ba ang loob mo? O mas lalo ka lang magdudusa?”“Alam mo ba anong nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko ay magagaya ako sa pamilya niya. Pakiramdam ko ay masisiraan na rin ako ng bait.” Natatawa habang umiiyak na sabi niya. “Hatid na kita,” mariing sabi ni Max. “Kung uuwi ka, ihahatid kita. Kung may gawin ka mamaya sa kaniya, sabihan mo ‘ko kung gusto mong pigilan kita.”Tumango ang basang mukha ni Dr. Smith. Umalis na silang dalawa ni Max at umuwi. Akala ni Max ay walang magiging problema dahil alas tres pa
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila