Chapter 10.1PAKIRAMDAM ni Charlotte ay parang wala siyang magagawa at malungkot niyang tiningnan si Carlos, ang ama nila ni Camila. "Alam ko naman po na mahalaga ang pagkakaisa ng pamilya natin, Papa. Kaya hindi ko na sasabihin kung sino ang may gawa nito sa akin. At saka, hindi naman po ako napahamak, Pa. Natakot lang ako kaya wala kang dapat ikabahala. Kaya, Papa, huwag na po kayong magalit." Kinuha pa nito ang kamay ng lalaki at nagpakita ng kaawa-awang ekspresyon. Mabilis na gumana ang utak ni Carlos sa narinig. Pamilya? Si Carlos, Si Vivian, si Charlotte at si Camila lang naman ang myembro ng Pamilya Perez. Sa ngayon, ang kulang lang sa kanila ay si…Si Camila? Ito ba ang tinutukoy ni Charlotte?! Lalong nagalit si Carlos at agad nitong inisip na may kinalaman si Camila. Sa ugali ng anak nito, hindi malayong saktan nito si Charlotte dahil inggetera ang batang iyon kaysa sa malambing na anak na si Charlotte.Galit ang bumakas sa may katandaang mukha ng lalaki. At sinamantala na
Chapter 10.2“ANG MAG-INANG iyon ay hindi talaga ako tinitigilan. Sila na nga ang nagpilit na umuwi ako rito sa Pilipinas para sa blind date, tapos ngayon gusto pa akong pagbintangan dahil hindi nila natuloy ang plano nilang akitin ang isang tao.”Umiling si Camila, huminga nang malalim, at umupo. Tumabi sa kanya si Eric at nag-aalalang tumingin sa kanya. “…Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari kay Papa. Parang sunud-sunuran siya sa mag-inang iyon. Ngayon, pinalayas niya pa ako kahit na nagsasabi naman ako ng totoo na wala akong kinalaman sa plano ng Vivian at Charlotte na iyon...”Biglang may narinig na tunog mula sa kwarto ni Braylee kaya natigilan si Camila. Napatingin din si Eric sa direksyon na tinitingnan nila at naisip nilang may batang pasaway na nakikinig sa usapan ng matatanda. Narinig ni Braylee na tumahimik kaya nagsalita ang bata dahil nahuli na ito pero gusto pa ring lumusot. “Tumama lang ang bola ko sa pinto! Hindi ako nakikinig, Mommy, Uncle!”Napangiti si Cami
Chapter 11.1NAGULAT si Camila sa biglaang pagkilos ni Brix at mga ilang segundong hindi nakakilos. Nang makita ang ayos nilang dalawa, namula sa galit ang mukha niya. ‘Hindi ito pwede! Kailangan kong ipakita kay Brix na hindi na ako ang dating Camila na sunod-sunuran sa kanya! Pinangako mo iyon sa sarili mo, Camila, kaya kumilos ka! Hindi ka na pwedeng saktan muli ni Brix!’ sigaw ng isip niya at dahil doon, parang nagkaroon ng lakas si Camila. Dinampot niya ang magasin sa mesa na katabi ng sofa at malakas na hinampas iyon sa ulo ni Brix. Napaigtad si Brix noong masaktan sa ginawa ni Camila. Nang makita iyon, mabilis na tinulak ni Camila ang lalaki na nakadagan sa kanya at agad ding lumayo rito. "Kung ayaw mong makipag-divorce, Mr. Monterde, hindi kita pipilitin. Pero, Mr. Monterde, ihanda mo ang sarili mo sa resulta kung ipipilit mo ang sarili sa akin!" sabi ni Camila habang nakangiwi sa galit, saka mabilis na umalis palabas ng office ni Brix. Si Brix na kanina lang ay parang wa
Chapter 11.2"WHY is your face swollen once again? Who hurt you this time, Camila?" seryosong tanong ni Eric at agad naisip na baka si Brix ang nanakit kay Camila. Mariing naglapat ang mga labi nito bago nagsalita muli. "Hindi ko dapat hinayaan na magpunta kang mag-isa diyan." Dahan-dahan ni Eric hinawakan ang namumulang marka sa mukha ni Camila at narinig ang mahina nitong daing sa sakit.Napangiti si Camila nang mapait at pumikit nang pagod kay Eric. Pagod na pagod na ito sa lahat ng nangyari ngayong araw. "Umuwi na tayo, Eric."Naroon din si Braylee kasama ni Eric dahil susunduin nila si Camila. Itinaas ni Braylee ang kamay at hinaplos ang namamagang pisngi ni Camila. Nakanguso ang bata, parang maiiyak na."Mommy, pwede ba kong bang blow ang face mo?" Mahinang hinaplos ni Braylee ang mukha ng ina at marahang hinipan ito. "Hindi na masakit ‘pag hinipan ni Braylee ang face mo, Mommy."Hinaplos ni Camila ang ulo ng anak niya at ngumiti."Sino ang nanakit sa’yo? ‘Yung uncle ba na pin
Chapter 11.3SA RESTAURANTNang makita ni Dale na parang kumikinang na ang mga mata ng kapatid niyang si Daisy habang nakadikit kay Brix, bahagya siyang umubo at nagsalita, "Matagal na akong hindi nakakauwi. Hindi ko akalain na nagbago na pala ang dekorasyon dito.""Oo nga, Kuya, maraming nagbago. At may mga hindi naman importanteng tao na bumalik pa," sagot ni Daisy na may pait sa tono.Bago pa man makapag-react si Brix, muling ngumiso si Daisy at hinila ang manggas ni Brix nang may pagmamakaawa sa mukha."Billy, sorry na sa nangyari kanina. Hindi na dapat tayo nag-away dahil kay Camila, eh!""Brix!" Binigyan ito ni Dale ng tingin. Brix hurt her sister's feelings just because of his ex-wife? Dahil sa kanyang mabuting kaibigan, bahagyang tumango si Brix."Just remember your identity next time and don't make excessive comments on irrelevant matters in the future."Wala nang ibang sinabi pa si Brix at hudyat iyon na hindi na ito galit pa sa babae. Natawa si Dale at ginulo ang buhok n
Chapter 12.1"OKAY, now that she's gone, no one will bully you anymore. So, eat something, hmm?" sabi ni Brix habang yumuko at marahang hinaplos ang ulo ni Braylee. Nagbago ang seryosong ekspresyon niya mula kanina na madilim. Pero sa hindi inaasahan, napasimangot ulit ang bata at tumingin nang may pagkadismaya kay Brix. "Uncle, hindi mo ba alam na mabu-bully ka kapag uto-uto ka?"Napamangha si Brix sa tapang ni Braylee, pero hindi niya magawang magalit. Iniisip siguro nito na 'na-bully' siya dahil sinigawan siya ni Daisy bago umalis at ang babae pa ang matapang. Sa halip na magalit sa sinabi nito, may naramdaman siyang kakaibang lambot sa puso niya dahil nag-aalala sa kanya ang bata. This angry look of this child is becoming more and more like him that Brix thought it's too surprising. "Except for a little kid like you, no one can talk to your uncle like this," sagot ni Brix habang hinahaplos ang ulo ng bata. Para bang nagkaroon siya ng ilusyon na sariling anak niya ito.Sinubukan
Chapter 12.2GALIT na galit si Brix noong mga oras na iyon. Iniputan siya sa ulo ni Camila at Eric at nagkaroon pa sila ng anak! His child died and yet, that woman couldn't wait to have a child with other man and she really did so! Hininto ni Brix ang sasakyan sa gilid ng ilog dahil nandidilim ang paningin niya sa galit. Tumama sa manibela ang kamao ni Brix nang paulit-ulit. Puno ng galit, halos mabasag niya siguro ang steering wheel ng sasakyan. Tuwing naiisip niya na ang dalawang iyon ay may anak, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkadismaya. Sayang at gusto niya pa naman si Braylee at malapit ito sa kanya. Pero ngayong anak ito ng dalawang iyon, napupuno ng poot ang puso niya. "You have a child with another man, Camila? Then, I'll do the same," sabi niya sa sarili.Nagpakawala si Brix ng malalim na hininga, puno ng galit ang mga mata na pinaandar muli ang kotse at saka pumunta sa pinakamalapit na bar doon. "Serve me the best wine and liquors here!"With a
Chapter 13NAMUMULA ang ilong ni Camila, parang gusto niyang umiyak. Hanggang ngayon, si Lolo Herman lang ang nagparamdam sa kanya ng init ng isang pamilya. Pero alam niyang hindi na ito magiging katulad ng dati dahil hiwalay na siya sa apo nito. Dahan-dahan siyang umatras, pilit na ngumiti sa matanda kahit masakit ang kalooban at hinawakan ang mga kamay nito. "Lolo, babalik na lang po ako sa ibang araw para bisitahin ka, okay?"Napabuntong hininga ang matanda at dismayado talaga sa apong si Brix. Matanda na ito pero parang lito pa rin sa desisyon sa buhay. Tumingin si Lolo Herman kay Camila at nagbigay rin ng makahulugang tingin. "Hindi mo naman kayang alagaan mag-isa lang ang bata, di ba, Camila?"Biglang natigilan si Camila. Paano nalaman ni Lolo Herman ang tungkol kay Braylee? Nanlamig ang likod niya at nagsimula siyang pagpawisan habang hindi maapuhap ang mga sasabihin kay Lolo Herman. Pilit niyang pinanatili ang pagiging kalmado, bahagyang niyuko ang ulo at nagpaalam na. Hin
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami