Chapter 11.1NAGULAT si Camila sa biglaang pagkilos ni Brix at mga ilang segundong hindi nakakilos. Nang makita ang ayos nilang dalawa, namula sa galit ang mukha niya. ‘Hindi ito pwede! Kailangan kong ipakita kay Brix na hindi na ako ang dating Camila na sunod-sunuran sa kanya! Pinangako mo iyon sa sarili mo, Camila, kaya kumilos ka! Hindi ka na pwedeng saktan muli ni Brix!’ sigaw ng isip niya at dahil doon, parang nagkaroon ng lakas si Camila. Dinampot niya ang magasin sa mesa na katabi ng sofa at malakas na hinampas iyon sa ulo ni Brix. Napaigtad si Brix noong masaktan sa ginawa ni Camila. Nang makita iyon, mabilis na tinulak ni Camila ang lalaki na nakadagan sa kanya at agad ding lumayo rito. "Kung ayaw mong makipag-divorce, Mr. Monterde, hindi kita pipilitin. Pero, Mr. Monterde, ihanda mo ang sarili mo sa resulta kung ipipilit mo ang sarili sa akin!" sabi ni Camila habang nakangiwi sa galit, saka mabilis na umalis palabas ng office ni Brix. Si Brix na kanina lang ay parang wa
Chapter 11.2"WHY is your face swollen once again? Who hurt you this time, Camila?" seryosong tanong ni Eric at agad naisip na baka si Brix ang nanakit kay Camila. Mariing naglapat ang mga labi nito bago nagsalita muli. "Hindi ko dapat hinayaan na magpunta kang mag-isa diyan." Dahan-dahan ni Eric hinawakan ang namumulang marka sa mukha ni Camila at narinig ang mahina nitong daing sa sakit.Napangiti si Camila nang mapait at pumikit nang pagod kay Eric. Pagod na pagod na ito sa lahat ng nangyari ngayong araw. "Umuwi na tayo, Eric."Naroon din si Braylee kasama ni Eric dahil susunduin nila si Camila. Itinaas ni Braylee ang kamay at hinaplos ang namamagang pisngi ni Camila. Nakanguso ang bata, parang maiiyak na."Mommy, pwede ba kong bang blow ang face mo?" Mahinang hinaplos ni Braylee ang mukha ng ina at marahang hinipan ito. "Hindi na masakit ‘pag hinipan ni Braylee ang face mo, Mommy."Hinaplos ni Camila ang ulo ng anak niya at ngumiti."Sino ang nanakit sa’yo? ‘Yung uncle ba na pin
Chapter 11.3SA RESTAURANTNang makita ni Dale na parang kumikinang na ang mga mata ng kapatid niyang si Daisy habang nakadikit kay Brix, bahagya siyang umubo at nagsalita, "Matagal na akong hindi nakakauwi. Hindi ko akalain na nagbago na pala ang dekorasyon dito.""Oo nga, Kuya, maraming nagbago. At may mga hindi naman importanteng tao na bumalik pa," sagot ni Daisy na may pait sa tono.Bago pa man makapag-react si Brix, muling ngumiso si Daisy at hinila ang manggas ni Brix nang may pagmamakaawa sa mukha."Billy, sorry na sa nangyari kanina. Hindi na dapat tayo nag-away dahil kay Camila, eh!""Brix!" Binigyan ito ni Dale ng tingin. Brix hurt her sister's feelings just because of his ex-wife? Dahil sa kanyang mabuting kaibigan, bahagyang tumango si Brix."Just remember your identity next time and don't make excessive comments on irrelevant matters in the future."Wala nang ibang sinabi pa si Brix at hudyat iyon na hindi na ito galit pa sa babae. Natawa si Dale at ginulo ang buhok n
Chapter 12.1"OKAY, now that she's gone, no one will bully you anymore. So, eat something, hmm?" sabi ni Brix habang yumuko at marahang hinaplos ang ulo ni Braylee. Nagbago ang seryosong ekspresyon niya mula kanina na madilim. Pero sa hindi inaasahan, napasimangot ulit ang bata at tumingin nang may pagkadismaya kay Brix. "Uncle, hindi mo ba alam na mabu-bully ka kapag uto-uto ka?"Napamangha si Brix sa tapang ni Braylee, pero hindi niya magawang magalit. Iniisip siguro nito na 'na-bully' siya dahil sinigawan siya ni Daisy bago umalis at ang babae pa ang matapang. Sa halip na magalit sa sinabi nito, may naramdaman siyang kakaibang lambot sa puso niya dahil nag-aalala sa kanya ang bata. This angry look of this child is becoming more and more like him that Brix thought it's too surprising. "Except for a little kid like you, no one can talk to your uncle like this," sagot ni Brix habang hinahaplos ang ulo ng bata. Para bang nagkaroon siya ng ilusyon na sariling anak niya ito.Sinubukan
Chapter 12.2GALIT na galit si Brix noong mga oras na iyon. Iniputan siya sa ulo ni Camila at Eric at nagkaroon pa sila ng anak! His child died and yet, that woman couldn't wait to have a child with other man and she really did so! Hininto ni Brix ang sasakyan sa gilid ng ilog dahil nandidilim ang paningin niya sa galit. Tumama sa manibela ang kamao ni Brix nang paulit-ulit. Puno ng galit, halos mabasag niya siguro ang steering wheel ng sasakyan. Tuwing naiisip niya na ang dalawang iyon ay may anak, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkadismaya. Sayang at gusto niya pa naman si Braylee at malapit ito sa kanya. Pero ngayong anak ito ng dalawang iyon, napupuno ng poot ang puso niya. "You have a child with another man, Camila? Then, I'll do the same," sabi niya sa sarili.Nagpakawala si Brix ng malalim na hininga, puno ng galit ang mga mata na pinaandar muli ang kotse at saka pumunta sa pinakamalapit na bar doon. "Serve me the best wine and liquors here!"With a
Chapter 13NAMUMULA ang ilong ni Camila, parang gusto niyang umiyak. Hanggang ngayon, si Lolo Herman lang ang nagparamdam sa kanya ng init ng isang pamilya. Pero alam niyang hindi na ito magiging katulad ng dati dahil hiwalay na siya sa apo nito. Dahan-dahan siyang umatras, pilit na ngumiti sa matanda kahit masakit ang kalooban at hinawakan ang mga kamay nito. "Lolo, babalik na lang po ako sa ibang araw para bisitahin ka, okay?"Napabuntong hininga ang matanda at dismayado talaga sa apong si Brix. Matanda na ito pero parang lito pa rin sa desisyon sa buhay. Tumingin si Lolo Herman kay Camila at nagbigay rin ng makahulugang tingin. "Hindi mo naman kayang alagaan mag-isa lang ang bata, di ba, Camila?"Biglang natigilan si Camila. Paano nalaman ni Lolo Herman ang tungkol kay Braylee? Nanlamig ang likod niya at nagsimula siyang pagpawisan habang hindi maapuhap ang mga sasabihin kay Lolo Herman. Pilit niyang pinanatili ang pagiging kalmado, bahagyang niyuko ang ulo at nagpaalam na. Hin
Chapter 14NAGTAAS baba ang dibdíb ni Vivian sa sinabi ni Camila.'Ano? Nagpakasal lang ba ako kay Carlos para mauwi sa wala ang lahat at hindi ma-enjoy ang yaman at ipaglaban ang karapatan ni Charlotte?' sigaw ng utak ni Vivian habang pinapàtay sa tingin si Camila. "Camila, mas mabuti sigurong isipin mo muna ang posisyon mo sa kumpanya. Isa ka lang hamak na deputy director sa Public Relations Department pero ang lakas na ng loob mong mag-ambisyon na mamanahin ang buong Perez Empire. Hindi ba masyado kang nangangarap?""Ang gusto lang naman ni Papa ay ma-develop ang kakayahan ko. Hindi n'yo na kailangan masyadong mag-alala at problemahin ako."Nagkunwaring hindi naintindihan ni Camila ang sinabi ni Vivian at ngumiti lang siya. Alam niyang matagal na nitong inaasam ang Perez Empire pero hindi ito magtatagumpay.Huminga ng malalim si Vivian at tumango nang ilang beses habang may panghahamak pa rin sa tingin kay Camila. "May pakpak ka na at ang tapang mo nang sumagot sa akin?""Auntie,
Chapter 15"IT'S PRETTY clear your stepmother manipulated your father into leaving this mess for you. Why not rise to the challenge? Considering your family's situation, when will you finally outshine Charlotte?"Sinimulan ni Eric na ipaliwanag ang sitwasyon para ipakita na tama ang desisyon niya. Gusto rin niyang ipakita na siya ang taong maaasahan ni Camila.Nagsisimula na sanang tumutol si Camila para pigilan si Eric nang biglang nag-ring ang cellphone ni Camila. Sinagot niya ang tawag. "Ano 'yon?" tanong niya."Ang sabi ng mga boss, ikaw ang bahala sa usapan ng partnership sa Pimentel Group ngayon. Kailangan magtagumpay ka, Miss Perez, at hindi pwedeng pumalpak."Pagkatapos sabihin ito, ibinaba ng director ng public relations department ang tawag nang mabilisan. Napakunot ang noo ni Camila."Did you put pressure on them to pick me?" tanong niya kay Eric."Sabi ko lang, ikaw lang ang gusto kong kausap sa partnership na 'to, wala nang iba," sagot ni Eric, halatang alam na nito na an
Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
Chapter 119SA PANGUNGUNA ng matandang babae, naglakad ang lima sa isang makitid at matinik na daan.Matataas at matataba ang mga punong kahoy sa gilid ng daan kaya’t halos hindi makapasok ang sikat ng araw. Dahil dito, ramdam ng grupo ang malamig na hangin sa ilalim ng mga puno.May hamog pa sa mga damo sa gilid ng daan kaya nabasa ang pantalon ni Camila. Ramdam niya ang malamig na dampi nito sa kanyang balat.Napansin niyang kahit mukhang nasa sitenta na ang matanda at buto’t balat ang mga binti nito, mabilis pa rin itong maglakad.Napaisip siya kung sino talaga ang matandang ito. Isa ba itong ermitanyo? O baka naman isang matandang may kakaibang kakayahan at may alam sa panghuhula?Kung isa itong bihasa sa mga ganitong bagay, baka matutulungan siya sa paghahanap kay Braylee at Daisy.Matapos ang halos isang oras ng paglalakad, maraming liko at pasikot-sikot, saka sila dumaan sa isang madilim na kagubatan. Tumigil ang matanda at nagsalita. "Narito na tayo." Napahinto ang lima at tu
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na