Later uli ~
Chapter 33SA LOOB ng isang café, nakaupo si Sandy, naka-makeup na mukhang angelic style para magmukha siyang mabait habang hinihintay ang isang tao.Ngayon ay espesyal siyang nagdamit ng puting bestida na may dalawang laso sa magkabilang balikat, na nagbigay sa kanya ng mukhang inosente at kaakit-akit na itsura. Hindi niya alam kung anong tipo ng babae ang gusto ni Eric, pero alam niyang ligtas na pumorma ng pure image dahil kadalasan, iyon ang nakakaakit sa mga kalalakihan. Pagkatapos ng mahigit sampung minuto, isang matangkad na lalaki na naka-asul na suit ang lumitaw sa hagdan ng café. Nagliwanag ang mga mata ni Sandy, dahan-dahan siyang tumayo habang may banayad na ngiti sa labi."Mr. Pimentel, nandito ka pala?" malambing niyang bati.Tiningnan siya ni Eric nang mabilis, saka iniwas ang tingin at tumango nang magalang.Magalang si Eric na tao, pero nang maalala ang nangyari kagabi, hindi naging maganda ang ekspresyon nito sa mukha. Pagkaupo sa reserved table, nagtanong si Eric
Chapter 34ANG PAGLIPAT mula sa isang high-end na apartment papunta sa maliit na inuupahang bahay na ito, napansin ni Camila na hindi niya naramdaman ang malaking pagbabago. Siguro dahil nandito si Braylee. Basta kasama ang anak, kaya niyang maging masaya kahit pa mahirap ang lahat. "Braylee, anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ni Camila habang hinahaplos ang ulo ng bata.Nakanguso si Braylee, mukhang inis pa rin sa nangyari kanina. "Mommy, ayoko dun sa babaeng ‘yun. Pwede ba, huwag mo na siyang kausapin at huwag siyang pupunta rito?""Hindi puwede, Braylee. Kaibigan siya ni Mommy. Lagi niya akong tinutulungan noon. Hindi ko puwedeng talikuran ang isang kaibigan.""Pero bad woman siya! Hindi ko siya gusto!" sagot ni Braylee nang masama ang loob.Pinagmasdan ni Camila ang anak, sabay haplos sa ulo nito. "Braylee, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan kung wala kang ebidensya. Paano kung sabihin ng ibang tao na hindi ka mabuting bata at sabihan ako na hindi na kita dapat alagaan? An
Chapter 35SA APARTMENT si Camila at Sandy nauwi. Habang kumakain ng hapunan na inihanda ng babysitter, nagkukuwentuhan sina Camila at Sandy tungkol sa nakaraan.Habang umiinom ng alak, napabuntong hininga si Sandy."Camila, hindi ko akalain kayang gawin sa ’yo ang tatay mo at ang kapatid mo 'to. Ikaw ang legitimate at panganay na anak ng Perez family pero napipilitan kang tumira dito sa maliit na lugar na 'to na parang squatters kasama si Braylee."Medyo exaggerated ang tawagin itong squatters. Ordinaryong two bedroom apartment naman ang tinitirhan nila Camila at Braylee pero para kay Sandy, na isang anak-mayaman, parang lugar ito ng mga mahihirap na tao. Uminom si Camila ng wine na dala ni Sandy, inilapag ang baso, tumingin kay Braylee na tahimik ngayon at marahang nagsalita."Hindi ko hahayaang ganito ang buhay ni Braylee, Sandy. Balang araw, kukunin ko lahat ng dapat na para sa akin.""Hindi madaling gawin 'yan," umiling si Sandy."Alam ko, pero hindi ako susuko."Tinitigan siya
Chapter 36NAGLAKAD ang lima papunta sa sofa na malapit.“Ladies first,” sabi ni Mr. King, habang nakatayo sa tabi ng sofa at nag-abot ng kamay kay Camila na parang iniimbitahan siya. Akala nito ay mukha itong maginoo sa ginawa nito. Hindi tumanggi si Camila at umupo sa kaliwang bahagi ng sofa habang si Sandy naman ay umupo sa katapat niyang upuan. “Sandy…”Napatigil si Camila. Iniisip niya si Sandy na nakaupo sa tabi niya.“Huh?” tanong ni Sandy, halatang naguguluhan.Napabuntong-hininga si Camila. “Wala, okay lang.”“Miss Camila, pwede ba akong umupo sa tabi mo?” tanong ni Mr. King habang papalapit na sa kanya.Ngumiti si Camila nang mapilit. “Syempre, malaking karangalan ito sa akin.”Umupo si Mr. King at biglang lumubog ang malambot na sofa dahil sa bigat nito. “Napakaganda talaga ng tinig ni Miss Camila, para akong hinehele.”Tanging pilit na ngiti ang ginawa niya. Masaya ang usapan nilang lima, tila nagkakasundo. Pero napansin ni Camila na tila nagkasundo rin ang tatlong CEO
Chapter 37NANG halos mamatày na sa bugbog ang tatlong lalaki na naroon at iyong dalawa ay wala pa ring tigil sa paghingi ng tawad—si Mr. King, at Mr. Diego—tumigil din si Brix at Eric kalaunan dahil baka mapatày nga nila ang mga iyon. Nagsalita si Brix nang malamig. "Sino sa inyo ang naghubad ng damit ni Camila?"Si Mr. Diego na kanina ay pakilala sa sarili ay gentleman ay nanginginig ngayon sa takot habang nakahiga sa sahig.Itinaas ni Brix ang kilay at nagbanta gamit kanyang tingin, "Dahil ayaw n'yong magsalita, eh di...""Siya!" Sabay-sabay na itinuro nina Mr. King at Mr. Casim si Mr. Diego."May nag-utos lang sa akin!" Mabilis na lumuhod si Mr. Diego at sunod-sunod na yumukod kay Brix. Ang dati nitong kayabangan ay tuluyan nang nawala. Alam nito na sukol na ito. "Si Miss Sandy! Si Miss Sandy… Sandy Manahan... ahhh—!"Hindi pa ito natatapos magsalita nang apakan ni Brix ang kamay nito gamit ang itim na sapatos sabay diin dito.Namutla ang matabang mukha ni Mr. Diego, tila nawala
Chapter 38SI CAMILA ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Pagkatapos tumitig sa kisame ng dalawang segundo, bigla siyang napaupo.Nasaan siya? Hindi ba't nawalan siya ng malay kagabi? Umaga na ngayon!Agad niyang inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanya at sinuri ang buong katawan niya. Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang isang lalaki na hindi niya inaasahang makita. Nakatayo si Brix sa may pinto, may hawak na baso ng gatas at naaasar itong nagsalita. "Now you know how to be afraid? Pero ano bang ginagawa mo bago mangyari ang lahat?"Mabilis na tinakpan ni Camila ang sarili gamit ang inalis na kumot, punong-puno ng pagtatanggol at inis sa kanyang mga mata. "Ikaw ang may kagagawan nito kagabi! Walanghiya ka!"Mula sa maaliwalas na ekspresyon ni Brix, bigla itong naging malamig. Tiningnan niya si Camila nang may galit sa mga mata at madilim ang ekspresyon na nagsalita. "Get out.""Aalis din naman talaga ako." Tumayo si Camila at lumakad papunta sa pinto habang p
Chapter 39NABIGLA SI Camila sa biglaang pagdating ni Brix at ang ginawa nitong pagtulak sa kanya. Ngayon, tumingin siya nang masama kay Brix. "Ano'ng ginagawa mo?""Are you really tight on money that you resorted to that kind of stuff?"Pagkasabi noon, tinanggal ni Brix ang coat, binuksan ang kuwelyo ng kanyang shirt at bigla siyang hinalîkan sa labi nang marahas."Brix, anong kahibangan 'to!"Pilit itong tinutulak ni Camila, pero wala siyang magawa."Di ba kailangan mo ng pera? Eto, sapat na ba 'to?"Basta na lang niyang hinagis ang isang black card na walang limitasyon sa halaga at muli si Camila hinalîkan nang mas marahas."Anong problema mo...!""Mommy—! Ano'ng ginagawa n'yo?"Biglang lumabas si Braylee mula sa kwarto kaya pareho silang napatigil. Lumayo si Brix nang bahagya at hinawakan ang baba ni Camila:"Sabihin mo lang kung kailangan mo ng pera. Bakit mo kailangang ipahiya ang sarili mo sa pang-aakit sa mga matatandang lalaki? Akala mo ba mas mapapadali nito ang buhay mo?"N
Chapter 40SA EROS HOTEL, naglalakad papaloob si Camila sa reserved table. Pagkaupo ni Camila doon ay agad siyang uminom ng cold tea na nasa mesa. Pagkatapos maibsan ang uhaw, inilagay niya ang bag sa gilid at tiningnan si Sandy sa harap niya."Anong nangyari? Bakit mo ako pinatawag dito nang ganito ka-urgent?"Katatapos lang niyang makatanggap ng tawag mula kay Sandy. Sinabi nitong may mahalaga silang pag-uusapan kaya't iniwan niya ang lahat ng ginagawa at nagpunta rito agad.Pagmasdan niya nang maigi si Sandy, pero parang wala namang bakas ng pagmamadali sa itsura nito.Napabuntong-hininga si Sandy bago tumitig kay Camila."Camila, maganda ba ang samahan niyo ni Mr. Eric Pimentel?"Kumunot ang noo ni Camila. "Medyo. Bakit mo naman naitanong?""Uhmm..." Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Sandy.Pagkatapos ng ilang saglit, nagtanong ito, "Nagugustuhan mo ba si Mr. Pimentel?"Natigilan si Camila sandali bago unti-unting naintindihan kung bakit siya ipinatawag ni Sandy."Hindi," sag
Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na
Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at, ayon sa utos ng mayordomo, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa, at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga kristal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Mata
Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus
Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry
Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhi
Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan
Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k
Chapter 77YUMAKAP si Daisy sa leeg ni Brix habang umiiyak at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Camila. Kung nahanap lang kita agad, hindi ka sana nasaktan. Kasalanan ko ito lahat..."Pagkasabi nito, tumingala ito kay Brix na parang aping-api. "Billy, dapat ibaba mo na ako. Ayos lang ako. Tulungan mo na si Camila."Napangisi si Camila at nagsalita sa paos na boses. "Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo? Hindi ka ba napapagod umiyak araw-araw?""Hindi ako nagpapanggap, Camila… Bakit mo naman sinasabi ‘yan sa akin? Gusto ko lang naman tumulong sa 'yo at ayoko rin na mapahiya si Billy."Idinikit ni Daisy ang ulo nito sa balikat ni Brix at mayamaya pa’y basa na ang damit ng lalaki dahil sa luha.Lumingon si Brix, nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha. "Camila, pwede ba ayusin mo ang ugali mo? Huwag kang maging walang utang na loob. Kung hindi dahil kay Daisy na tumawag sa akin, baka...""Billy, tigilan mo na si Camila. Wala naman siyang kasalanan sa akin."Habang naririn