(Author's Note: This chapter has been edited. Please remove the book from your library and add it again to access the updated chapter. Thank you!) Malaki ang pinagbago ni Greg. Mas naging matured ang mukha niya. Hindi ko aakalain na after almost six years ay magkikita ulit kami. At pagmamay-ari niya ang mall na 'to. "How are you? It's been awhile nang huli kitang nakita at nakausap." Sabi ni Greg pagkaupo ko sa ibinigay niyang silya. "Ayos lang, gano'n pa rin." Sagot ko. "Ikaw kumusta ka na?" "Same. Mukha at edad ko lang yata ang nagbago." Pabirong sagot ni Greg. "Anyway, congratulations on passing the bar exam. Hindi ko aakalain na ikaw pala ang nawawalang anak nina Tita Diana at Tito Apollo. When I saw you at first, akala ko ay kamukha mo lang ang kapatid mo na si Britney." "Thank you, Greg. Paano mo pala nakilala ang mga magulang ko? And you know my twin? Ang liit lang talagang mundo." Natatawang sabi ko. "Well, nasa business industry rin ang mga magulang ko. Na-meet ko ang m
Nagugulohan ako kung sino ang uunahin kong puntahan. Si Max ba na anak ko o si Selena. Natatakot akong lumapit kay Max dahil baka biglang sumabog ang bomba sa katawan ni Selena. Kahit hindi kami magkaayos ng kaniyang ina, bata lang siya at kapatid siya ni Max sa ama. "Mommy, help me!" Sigaw ni Max habang umiiyak. "Please help, Ma'am!" Pagmamakaawa naman ni Selena. Nag-vibrate ang aking cellphone. Nanginginig ang aking mga kamay nang tingnan ko kung sino ang nag-text. Muntik ko nang nabitawan ang aking cellphone pagkatapos kong basahin ang mensahe. From: 09******200 Nanganganib ang buhay ng mga bata. Kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas mo at kung sino ang hahayaan mong mamatay. Bilisan mong magdesisyon dahil tumatakbo ang oras. Sasabog ang bomba pagkatapos ng dalawampung minuto. Umiiling-iling ako. "No... Hindi ko kailangan mamili. Ililigtas ko sila pareho. Walang buhay ang mawawala!" Sigaw ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking sasakyan para kumuha ng gunting sa l
Scoth Liam's POV "Mommy, we're going to crash!" Max shouted. Ito ang huli kong narinig bago naputol ang tawag. Mas lalong kumabog ng mabilis ang aking dibdib. Sinubokan kong tawagan ulit si Francine ngunit hindi ko na ito makontak. Binilisan ko ang pagmamaneho ng sasakyan. Paulit-ulit na nagdadasal na ayos lang silang lahat. Napamura ako nang napansin ang mataas na traffic. Bumaba ako ng sasakyan para tingnan kung ano ang nangyayari. May malaking sasakyan ang nakaharang sa kalsada. Luminga-linga ako sa paligid, nagbabasakali na makita sina Francine at ang mga bata. Tumakbo ako patungo sa malaking sasakyan habang tinatawagan ang numero ni Francine. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang malapit na ako. "Tulongan niyo ang bata!" "Tumawag kayo ng ambulansiya!" "Tulongan niyo ang driver!" Ilan sa mga naririnig kong sigawan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang pakiramdam ko nang tuloyan ko ng nakita ang isang sasakyan. Pinapalibutan ito ng mga tao hab
Hindi ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pagsilip sa bintana para tingnan ang kalagayan nina Max at Francine. Dumagdag pa sa aking iniisip ang pagtawag ni Vanessa gamit ang numero ni Francine. Paano napunta sa kaniya ang numero o cellphone ni Francine? At sino ang gustong pumatay sa kaniya? Ginulo ko ang aking buhok. Kailangan kong i-charge ang aking cellphone para tawagan ulit siya. Nagugulohan ako sa mga nangyayari. Ano ang nalalaman ni Vanessa? Ano ang sasahihin niya sa akin? "Daddy!" I let out a heavy sigh as I saw my daughter running towards me, followed by Celine and Auntie Angeline. Masamang tumingin sa akin si Tita. Ngumiti ako bago niyakap ang aking anak. Nagpalasalamat ako dahil hindi nalagay sa alanganin ang buhay niya. At nag-aalala ako sa kalagayan ng mag-ina sa loob ng operating room. Ilang minuto na ang dumaan at hindi pa rin sila lumalabas. "Let's go home, Dad..." Sabi ni Selena nang kumalas siya sa pagyakap sa akin. "Mamaya pa ako uuwi, h
Pagkatapos naming kausapin ang doctor at nailipat sa mas maayos na kwarto si Selena, napagdesisyonan ng aking mga magulang na umuwi muna sa bahay para makapagpahinga. Lalong-lalo na si Daddy. Hindi pa rin magaling ang mga pasa niya sa katawan. Kailangan niyang maka-recover. Si Clint naman ay nagpaiwan dahil gusto niyang makita si Francine. Gusto ko sanang lumabas at i-check ang kalagayan ng mag-ina kaso walang magbabantay sa aking anak. Baka magising siya at wala ako sa tabi niya. Mamaya na lang ako pupunta kapag gising na si Selena. Dalawang oras na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Selena. Kanina pa ako hindi mapakali. Pabalik-balik ako sa paglalakad habang iniisip kung kumusta na ang kalagayan ng mag-ina at kung saan nakuha ni Selena ang pagiging colorblind. Umupo ako sa silya malapit sa kama ng aking anak. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. All these years, wala akong alam na may problema sa mata ang aking anak. Wala akong ideya kung ano ang pi
"She has never been married?" Pag-uulit ko sa sinabi ni Britney. "Paano nangyari 'yon? May dalawa siyang anak at wala siyang asawa?" "Oo. May dalawa nga siyang anak. Paano mo nalaman?" Nakakunot na ang noo ni Britney nang tingnan niya ako. "Dahil sinabi niya. May sarili na siyang pamilya siya at may dalawang anak." Sagot ko. Sinapo ni Lucas ang kaniyang noo. "Britney, dapat hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo." Sabi ni Lucas sabay iling ng kaniyang ulo. "Hindi mo ako sinabihan na pupunta pala ang lalaking 'to rito. Akala ko ay umuwi na siya." Sabi ni Britney at tumabi kay Lucas. "Wala ba kayong balak ipaliwanag sa akin kung paano nagkaroon ng kambal si Francine? It's been awhile at matagal ko na rin hindi nakikita ang babaeng 'yon. Tapos sasalubongin ako ng kambal niya. Parang biglang huminto saglit ang paghinga ko nang nakita ko 'tong kambal niya." Singit ni Andrew habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga. "Akala ko talaga si Francine ang lumabas
Napalunok ako. Kinakabahan sa gustong ipagawa ni Britney. Seryoso ang mukha niya. Binaba ko ang aking tingin sa singsing. "What? Ano ang gusto mong gawin ko?" Curious kong tanong kay Britney. "Mag-promise ka muna na gagawin mo ang gusto ko." Ipinikit ko ang aking mga mata. Ikinuyom ko ang aking palad at mahigpit na hinawakan ang singsing. Hindi na ako makapaghintay na makita si Francine at maisuot ang singsing na 'to. "Okay. I promise to do what you want. What do you want me to do?" I asked nervously. "I want you to stay away from her," Britney answered. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ng singsing. Bumigat ang pakiramdam ko. Parang kinarga ko ang langit at lupa. "No. I can't do that, Brit. Mahal ko ang kapatid mo." Protesta ko. Umiling-iling ako. "Nangako ka na, Liam. Narinig 'yon ng mga kaibigan mo. Ni-record ko rin ang sinabi mo." "What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sinapo ko ang aking noo. "Pinagkaisahan niyo ako. Hindi ako lalayo sa kaniya. Hindi ko siya iiwan kag
Hindi ako makagalaw sa aking tinatayoan. Tahimik ang buong kuwarto at tanging monitor lang ang naririnig ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng ama ni Francine. I killed someone. I don't know how it happened or when it occurred. "You killed him, Liam..." Tito Apollo's voice was hoarse as he spoke to me. He glanced at his unconscious daughter. "You killed Don Alberto, the father of Henry Lacsamana.""Henry Lacsamana? Ang step father ni Vanessa?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang si Tito Apollo. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga kamay. Bumaba ang aking paningin sa nanginginig kong mga kamay. Tumingin ako sa mga mata ni Tito Apollo at nagbabasakali na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Pero nang tingnan ko ito, seryoso siya habang nakatingin sa akin. "Hindi totoo ang sinasabi mo. Hindi ako mamamatay tao..." Sabi ko sabay iling-iling ng aking ulo. "Bata ka pa lang nang nangyari 'yon, Liam. Nakita ka ng anak ko kung paano mo kinuha ang baril at pinutok ito kay Don Albe