Share

Chapter 65

Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita sina Grandma at Mommy na nag-uusap sa sala. Seryoso ang mga mukha nila.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanila.

"Ang gwapo kong apo," sabi ni Grandma pagkatapos kong halikan ang pisngi niya. "Mabuti naman at ginupitan mo na 'yang buhok mo."

Ngumiti ako sa sinabi ni Grandma. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa barber shop. Medyo may kahabaan na rin kasi ang buhok ko.

Lumapit ako kay Mommy at hinalikan din ang kaniyang pisngi. Bakas sa mukha ng aking ina ang gulat sa aking ginawa. I'm not mad at her. Medyo awkward pa rin para sa akin na kausapin siya. Hindi ako naging mabuting anak sa kaniya. Marami siyang pagkukulang sa akin dati at napapansin ko naman na bumabawi siya sa akin ngayon.

"Nakauwi na pala ang mabait kong kapatid."

Nawala ang aking ngiti nang narinig ko ang boses ng nag-iisa kong kapatid. Naglalakad pababa ng hagdan si Clint. Nilingon ko sina Grandma at Mommy. Naghahanap ako ng sagot kung bakit
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status