Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita sina Grandma at Mommy na nag-uusap sa sala. Seryoso ang mga mukha nila. "Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanila. "Ang gwapo kong apo," sabi ni Grandma pagkatapos kong halikan ang pisngi niya. "Mabuti naman at ginupitan mo na 'yang buhok mo." Ngumiti ako sa sinabi ni Grandma. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa barber shop. Medyo may kahabaan na rin kasi ang buhok ko. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan din ang kaniyang pisngi. Bakas sa mukha ng aking ina ang gulat sa aking ginawa. I'm not mad at her. Medyo awkward pa rin para sa akin na kausapin siya. Hindi ako naging mabuting anak sa kaniya. Marami siyang pagkukulang sa akin dati at napapansin ko naman na bumabawi siya sa akin ngayon. "Nakauwi na pala ang mabait kong kapatid." Nawala ang aking ngiti nang narinig ko ang boses ng nag-iisa kong kapatid. Naglalakad pababa ng hagdan si Clint. Nilingon ko sina Grandma at Mommy. Naghahanap ako ng sagot kung bakit
Hinihilot ko ang aking ulo dahil sumasakit na naman ito. Bumangon ako sa pagkakahiga para kumuha ng gamot sa loob ng drawer at tubig sa mini refrigerator. Pagkatapos kong uminom ng gamot lumabas ako sa aking silid. Gusto kong matulog sa guest room na siyang tinutulogan ni Francine dati. Bumuntong hininga ako bago binuksan ang pintuan. The room is in the same state when she left. Pinapalinisan ko ang kwarto niya palagi. Sinisiguro ko rin na hindi gagalawin ng mga katulong ang mga gamit na naiwan ni Francine dito. Humiga ako at niyakap ang kaniyang unan. Ilang taon na ang nakalipas at nagbabasakali pa rin ako na babalikan ako ni Francine. I'm so obsess with her. Ngumiti ako ng mapait nang naalala ko ang nangyari sa US. Hindi ko aakalaing makikita ko siya muli roon. Ang alam ko lang ay nasa US siya kasama ang kaniyang totoong pamilya. Pero hindi ko alam na anak pala siya ng mag-asawang Maxey. Inimbitahan kami ng pinsan ni Mrs. Coper na dumalo sa isang recognition event ng mga top em
"Liam, we need to go..." Nagmulat ako ng mata. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako. Bumangon ako sa pagkakahiga. Nakita ko si Grandma na nakaupo sa gilid ng kama. "What are you doing here? It's been years mula nang iniwan ka ni Francine, hijo." "Hindi niya ako iniwan, Grandma. Ako ang nang-iwan sa kaniya para sa pamilya natin." "Huwag mong sabihin 'yan, Liam. Nag-propose ka sa kaniya 'di ba? Pero anong ginawa niya? Hindi niya tinanggap! Pareho lang silang dalawa ni Vanessa!" "Huwag mong itulad si Francine kay Vanessa, Grandma. Magkaiba silang dalawa. Alam kong nahihirapan sa sitwasyon si Francine kaya niya ni-reject ang proposal ko." "Still, she rejected you! Tinulongan ko na kayong dalawa para matigil na ang kahibangan nina Angeline at Celso sa pagpapakasal sa inyong dalawa ni Celine. Bumili ako ng singsing para makapag-propose ka sa kaniya at maasikaso natin ang kasal ninyo. Pero umuwi ka ng hindi siya kasama, Liam!" Bumuntong hininga ako bago bumaba sa kama. "S
Nanginginig ang aking kamay pagkatapos kong basahin ang ipinadalang mensahe ni Tito Celso. "Ayos ka lang ba, Liam?" Nag-aalalang tanong ni Anton sa akin. Bakas sa mukha ni Anton ang pagtataka. Kinuha ang aking phone. Napatakip siya sa kaniyang bibig pagkatapos niyang basahin ang mensahe. "Damn it! Seryoso 'to?" "Bullshits!" Sigaw ko. "They're threatening me. Papatayin nila si Daddy kung hindi ko papakasalan si Celine!" "Anong gagawin mo? Hawak nila ang tatay mo ngayon, Liam!" Dinial ko ang numero ni Daddy at tinawagan ito. Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Paulit-ulit ko itong tinatawagan. Ikinuyom ko ang aking mga palad. Mas lalo akong kinabahan. Natatakot ako sa kalagayan ni Daddy. Hindi ugali ni Tito Celso ang magbiro ng ganito. "Kailangan ko na bang i-upload sa media ang mga videos na nakuha natin?" Tanong ni Anton sa akin. Mabilis akong umiling at pinigilan siya sa kaniyang gagawin. "Hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos sa mga plano natin, Anton. Malakas ang kalaban
Napapikit ako nang nakita ko sina Mommy, Clint at Grandma sa iisang table, nagtatawanan. "Saan ka galing, Liam? Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni Grandma bago uminom ng tubig. "Kasama mo ba ang Daddy mo?" Napalunok ako at muling tiningnan ang oras sa aking relo. Hinigpitan ko ang paghawak ng aking phone. "Mommy..." Tawag ko sa kaniya. "Are you alright?" Mommy asked me pagkaupo ko sa kaniyang tabi. "Nakita mo ba ang Daddy mo?" Tanong niya at luminga-linga sa paligid. "Mommy, si Daddy po ay -" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil naagaw ni Clint ang atensiyon ng lahat. Muntik na siyang mahulog sa kaniyang inupuan. "Nandiyan na ang kaibigan ko. Susundoin ko lang sa entrance." Sabi ni Clint bago tumayo at tinalikuran kami. "A friend? Allow ba ang magdala ng ibang kaibigan sa birthday ni Celso?" Tanong ni Grandma kay Mommy. "Yes, Mom. Hindi naman siguro magagalit si Celso kapag alam niyang isa ito sa kaibigan ng pamilya natin." Sagot ni Mommy. "Naiihi ako. Saan ba ang
Palipat-lipat ang paningin nina Mommy at Grandma sa amin. Nanatili akong nakatitig sa babaeng kasama ni Clint. Ang birthmark sa kaniyang balikat ang palantandaan na siya si Francine. Naglakad ako patungo sa kanila. "Take off your mask." Sabi ko. "She cannot do that, Liam." Saway sa akin ni Clint at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa baywang nito. "For Celso's sake, huwag kayong mag-away rito. Nakakahiya sa pamilya ni Celso ang ginagawa niyo." Saway sa amin ni Grandma. "Why? Gusto ko lang naman makita ang mukha ng kaibigan niya." Sarkastikong sagot ko. "Hindi naman kami nag-aaway, Grandma." Masamang tumingin si Clint sa akin. Wala akong pakialam kung nakatingin silang lahat sa amin. "Liam, marami ang nakatingin sa ating table. Pauupuin mo muna ang kaibigan ni Clint." Sabi ni Mommy pero hindi ko ito pinansin. "Hindi siya makakaupo hangga't hindi niya ipinapakita ang mukha niya sa atin, Mom. Huwag kang magtago sa maskara na 'yan kung hindi nga ikaw si Francine." Sabi ko. "That
Francine's POV We just arrived at the new house that Daddy bought here in the Philippines. They sold our previous house after we had an accident and they moved to the US. "Sure ka ba na ayos lang sa 'yo na ako ang dadalo sa kaarawan ni Mr. Coper?" Tanong ng aking kambal na si Britney habang tinutulongan niya ako sa paglagay ng mga gamit ni Max sa loob ng closet. "Yes, Brit." Tipid kong sagot. Three years ago, the two of us invested in Coper Group of Companies. This went against Daddy's wishes because he believed that we were helping bad people rise. However, we didn't let Daddy's words discourage us because the company is owned by our grandfather. We need to reclaim it.Britney and I agreed to buy the remaining shares from the investors of their company. We discreetly carried out each transaction, especially since our families are well-known in public.We wanted to let their company fail, but we wanted even more to see them fail because of us. It wasn't easy for us to execute the p
Nanatili akong nakatitig sa bata. Hindi ako makapagsalita. I heard Clint chuckled. Napalingon ako sa kaniya. "Kunting respeto naman sa pamilya mo, Liam. Kasama mo sila ngunit ibang babae ang hinahanap mo at napagkamalan mo pa ang kaibigan ko na siya si Francine." Bulong ni Clint sa kaniyang kapatid. Napalunok ako habang nakatingin kay Clint. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag malaman niyang ako at si Francine ay iisa. "Shut up, Clint!" Asik ni Liam sa kaniyang kapatid. "Clint?" Napapikit ako nang narinig ko ang boses ng babaeng kinaiinisan ko. Napansin ko ang paglingon niya sa akin. Para bang pinag-aaralan ang aking itsura. "My future sister-in-law..." Sambit ni Clint at lumapit kay Celine para makipagbeso. Kinuha ni Celine ang bata at kinarga ito. Inilagay niya sa baywang ni Liam ang isa niyang kamay. "Is this your girlfriend? Ang swerte niya na-" "No. She's not my girlfriend, Celine." Clint cut her off. Mas lalong inilapit ni Celine ang kaniyang bibig