Nakahinga ako ng maluwang nang may nakita kaming isang matandang amerikano na nagwawalis sa labas ng kaniyang bahay. Namilog ang kaniyang mga mata nang tingnan niya kami. "Who are you?" tanong ng matandang amerikano. "Please help us. We need to escape. Someone tried to kill us!" Hinihingal na sabi ni Liam bago niya ibinaba si Max. Nataranta ang matandang amerikano. Hindi siya nagdadalawang-isip na papasokin kami sa loob ng kaniyang bahay. May pinindot siya sa gilid ng aparador at bigla itong bumukas. "You can hide here." Sabi ng matanda. "An underground?" Curious kong tanong. Tumango ang matanda at tinulongan niya kami sa pagbaba ng aming mga gamit. "You can press this button if you want to go out." Sabi ng matandang amerikano at ipinakita sa amin ang pagbukas at sirado ng pintuan sa underground. "I'll be back. Just stay here." Pinindot ko ang close button pag-alis ng matandang amerikano. "Mommy where are we?" Curious na tanong ng aking anak at tiningnan ang paligid. "Nasa un
Nakahinga ako ng maluwang at napalitan ng saya ang kabang nararamdaman ko kanina nang may nakita akong malalaking gusali. Mas lalo akong nakaramdam ng gutom sa sari-saring amoy ng mga pagkain sa paligid. The man stopped and looked at us. "You need to hide the guns you're carrying. I'll look for a pawnshop where we can pawn the smartwatch. You need the money to get back to your families." Ibinigay namin sa lalaki ang aming mga baril. Maingat niya itong itinago. Muli niyang binuhay ang makina ng tricycle at pinark ang kaniyang ito sa harap ng isang pawnshop. Bumaba kami at sumunod sa lalaki. Kinausap niya ang guwardiya bago kami pumasok. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng pawnshop dahil sa suot namin. Tinakpan ko ang mukha ni Max. Umupo kami sa bakanteng upuan at hinihintay ang lalaki na matapos. Makalipas ang mahigat isang oras na paghihintay ay natapos din siya. Nakangiti siyang bumalik sa amin dala ang pera. "I had a hard time pawning your limited edition smartwatch, so I
The moment I opened my eyes, I squinted them as the light from the open window filled my sight. "You're awake." I heard a familiar voice. It's Lucas. Luminga-linga ako, sinusuri ang buong paligid. Pinag-aralan kung nasaan ako. But this is my room. Paano ako napunta rito? Ipinikit ko muli ang aking mga mata. "Mommy!" Muli kong idinilat ang aking mga mata nang narinig ko ang boses ng aking anak. Mabilis siyang umakyat at pumatong sa akin."Let's eat, Mom." "She needs to rest, Max." Sabi ni Lucas at kinuha si Max. "But I want to eat with her, Tito." Dahan-dahan akong bumangon. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking paa. Inalis ko ang kumot para tingnan ito. Nakabenda ang dalawa kong paa. Tiningnan ko ang aking sarili. Nakapagbihis na rin ako ng damit. Ang huli kong naaalala ay nasa loob kami ng taxi. Sinubokan kong igalaw ang aking mga paa. "Hindi ba ako nananaginip?" Curious kong tanong at nag-angat ng tingin kay Liam. Hinawakan ko ang aking mukha at pinisil ito. "You're not. Ligtas n
Makalipas ang isang linggo ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Maayos na rin ang mga sugat ko sa aking paa kaya nakakalakad na ako. Inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga dokumento tungkol sa aming kompanya. Pinuntahan ko rin ang mga pamilya ng mga empleyadong namatay at binigyan sila ng cash assistance. Naging mainit ang aking pangalan sa media mula nang nagpakita ako sa publiko. Palaging ako ang laman sa mga balita araw-araw. May nababasa akong positive at negative feedbacks sa ibang tao. Ginawa kong motivation ang mga sinasabi ng mga tao sa akin para magpatuloy. Sa susunod na linggo ay opisyal na akong magiging CEO sa kompanya. Gusto ni Daddy na maging pormal ang pagpapakilala niya sa bagong CEO pero mas pinili ko ang hindi dahil natatakot ako na baka maulit ang nangyari sa resort namin. Maraming nadamay at nasawi. Kinuha ko sa loob ng drawer ang sticky notes. Isinulat ko ang mga taong may kinalaman sa pagka-aksidente namin noon at sa nangyari ngayon. I printed their
Ikinuyom ko ang aking mga palad. Minor de edad pa si Axyl at wala itong sapat na lakas para labanan ang pang-aabuso ng sarili niyang mga magulang. "I'll be back, Dr. Analyn. I'll leave Max here for now," I said before gently setting Max down to follow them. "Wait, Mrs. Crawford!" I interrupted them as I caught up with them in the hallway. Mrs. Crawford didn't turn around. She was busy pulling her child along, who continued to cry. "Mommy, it hurts..." Axyl whimpered to his mother. "You'll get hurt if you don't come with me!" Mrs. Crawford shouted. "Your child is in pain!" I said, unable to resist getting involved. I quickly took Axyl and hid him behind me. I was surprised when he suddenly hugged my legs. Mrs. Crawford smirked. "Who are you to meddle in this?" Suminghap ako. "You are physically abusing the child, Mrs. Crawford. That is not beneficial for Axyl," I said. "And who told you that I am abusing him? Was it Dr. Analyn?" She laughed again and placed her hand on her wa
Scoth Liam's POV"Ako na ang maghahatid nito kay Daddy." Sabi ko kay Anton pagkatapos niyang ibigay sa akin ang mga dokumentong kailangan ko."Sure ka bang ayos lang sayo? Pwede naman nating ipahatid na lang." Sabi ni Anton habang inaayos niya ang mga dokumento. "May meeting ka rin mamaya. Baka matagalan ka roon.""Kakausapin ko rin si Daddy. Babalik ako agad pagkatapos namin mag-usap." "Magaling na ba ang sugat mo sa hita?" Nag-aalalang tanong ni Anton sa akin.Ngumiti ako at tumango. "Malayo naman sa bituka ang sugat ko."Natutuwa ako sa aking sekretarya dahil parang nakakatandang kapatid ko na siya. Palagi ko siyang sinasabihan na bawasan niya ang pagiging pormal sa akin kapag kaming dalawa lang. Mas matanda siya sa akin ng sampung taon. "Mag-ingat ka sa biyahe. Tawagan mo ako kapag matatagalan ka sa pagbalik dito." Sabi ni Anton bago ako tuloyang sumakay ng elevator.Mabilis akong nakarating sa kompanya ng aking mga magulang. Hindi naman kalayoan ang biyahe at hindi rin traffic
"Ate Marites, hintayin niyo ako rito. May pagkain doon sa mini-refrigerator baka nagugutom na si Selena. Iiwan ko muna kayo rito dahil may meeting pa ako," sabi ko kay Ate Marites pagdating namin sa aking opisina. "Daddy matatagalan ba ang meeting niyo?" tanong ng aking anak. Nakaupo siya sa couch. "Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos, hija. Update na lang kita kapag medyo matatagalan ako. Pagkatapos mong gawin ang mga takdang-aralin ay pwede ka naman matulog. Nandiyan si Ate Marites na magbabantay sa 'yo." Hinalikan ko ang noo ng aking anak at pinisil ang kaniyang pisngi. "Kanina pa naghihintay ang mga bagong investors natin. Naiinip na sila." Sabi ni Anton paglabas ko ng opisina. "Ang iba naman ay umuwi na." "What? Ilan na lang ang natira?" tanong ko kay Anton at binilisan ang paglalakad patungo sa elevator. "Malaki ang lugi natin at kailangan natin makabawi." "I know. Dismayado ang ibang investors dahil kanina ka pa nila hinihintay. At nasabi rin ng iba na baka sa Cop
Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita sina Grandma at Mommy na nag-uusap sa sala. Seryoso ang mga mukha nila. "Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanila. "Ang gwapo kong apo," sabi ni Grandma pagkatapos kong halikan ang pisngi niya. "Mabuti naman at ginupitan mo na 'yang buhok mo." Ngumiti ako sa sinabi ni Grandma. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa barber shop. Medyo may kahabaan na rin kasi ang buhok ko. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan din ang kaniyang pisngi. Bakas sa mukha ng aking ina ang gulat sa aking ginawa. I'm not mad at her. Medyo awkward pa rin para sa akin na kausapin siya. Hindi ako naging mabuting anak sa kaniya. Marami siyang pagkukulang sa akin dati at napapansin ko naman na bumabawi siya sa akin ngayon. "Nakauwi na pala ang mabait kong kapatid." Nawala ang aking ngiti nang narinig ko ang boses ng nag-iisa kong kapatid. Naglalakad pababa ng hagdan si Clint. Nilingon ko sina Grandma at Mommy. Naghahanap ako ng sagot kung bakit