Share

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2021-10-04 20:21:52

Maaga akong nagising at naligo para sa aming klase. Nagsuot ako ng grey turtle neck na long sleeves, pinatungan ko ito ng black coat. Pinaresan ko ito ng itim na slacks bago isinuot ang sapatos kong may hindi kataasang takong. Mahirap kasi kung masyadong mataas ang takong dahil minsan kailangan mo magmadali na napapatakbo ka na lang kung kinakailangan. Inayos ko ang abot hanggang d****b kong buhok at hinayaan na nakalugay ito. Patapos na ko sa pagaayos ng aking mga gamit ng makarinig ako ng ingay mula sa baba. Agad akong lumabas ng kwarto para tignan kung ano iyon. Pagkababa ko naabutan ko sila sa sala na nagbabangayan.

"Tangina mong babae ka! Wala ka talagang silbi! Alam kong may pera ka kaya ibigay mo na sakin!" sigaw niya ngunit umiling si Mama.

"Wala nga akong pera Carlos. Kakabayad ko lang ng mga utang natin. Wala na akong may maibibigay pa sayo," mahinahong untag ni Mama.

"Eh sa kailangan ko nga ng pera eh! Tanga ka ba?" dinuro duro niya ang noo ni Mama kaya napaatras ito at muntik nang nawalan ng balanse.

"Buti sana kung nagtatrabaho ka hindi sana tayo ganito mababaon sa utang," mas lalong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ng asawa nito.

Nang akmang hahampasin ni Carlos si Mama agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinalag ang kamay niya.

"Gago ka ah! Sige, subukan mong saktan siya at itatarak ko sayo to!" sigaw ko sa kanya at tinulak siya papalayo samin. Agad kong kinuha ang gunting na nasa mesa at itinutok ito sa kanya.

"Sige, gawin mo! Tignan natin kung makakapag abogado ka pa!" singhal niya.

"Self defense ang ginawa ko. Eh ikaw? Subukan mong saktan si Mama at sisiguraduhin ko na sa loob ng malamig na rehas ka titira." ngumisi ako sa kanya.

Hinampas niya ng malakas ang mesa dahilan upang bahagyang mapatalon ang katabi ko sa gulat. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "Kailangan ko ng pera mamayang gabi. Kung wala kang maibigay sakin, malilintikan ka talaga sakin," pagbabanta nito bago lumabas ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako.

Bumaling ako kay Mama na magulo ang ayos. Nagaalalang tumingin ako sa kanya. "Ma, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba ng gagong yun?" tanong ko habang sinisipat ko ang buong katawan nito.

Si Carlos, ang tarantadong lalaki na kinakasama ng Mama ng ilang taon na. Kaya nung una ko pa lang siyang makilala five years ago, alam ko nang hindi mapagkakatiwalaan 'to eh. Sa una bait-baitan pa ang eksena niya pero nung nagtagal na sila, hindi natiis at nilabas din ng tarantadong yun ang ugali niya. Hindi ko nga alam kung saan nagmana yung anak niyang si Giovanni eh ang layo sa ugali niya.

Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko. "Okay lang ako. Wag muna akong intindihin. Hindi naman ako nasaktan. Pagpasensyahan na lang natin ang Papa mo," napatiim bagang ako sa sinabi niya.

Marahas kong binawi ang aking mga kamay at puno ng galit at hinanakit na tumingin sa kanya. "Ikaw na ba ngayon ang abogado niya? Bakit ang hilig mong pagtakpan ang mga katarantaduhang ginagawa niya? Mama naman! Hanggang kailan ka ba magtitiis sa lalaking yun? At ano, Papa? Ha! Ni minsan di ko siya tinuring na ama. Kung ganun ba naman ang ugali ng ama ko, it would be much better nga kung wala siya. Nang hindi ka na niya o si Gio nasasaktan. Tignan mo nga yang sarili mo, Ma." tumayo ako para kumuha ng bimpo at dinampi sa sugat niya.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan niya sa gagong yun. Kung di ba naman alak at sigarilyo ang hawak, pagsusugal at babae naman ang inaatupag.

"Sinabihan kita nung una pa lang na hindi ko gusto ang lalaking yun dahil nagpapakitang tao lang yun. Pero hindi mo ako pinakinggan. Oh, anong nangyari ngayon? Oh diba tama ako? Mama naman. Hanggang kailan ka magtitiis sa kanya? Kung hindi ko pa nakita na sinasaktan ka niya at si Gio, hindi ko malalaman ang pinanggagagawa niya sa inyo," hindi siya nakaimik dahil sa sinabi ko.

"Ayokong iwan siya. Mahal ko si Carlos," parang nauupos na sambit niya. Padarag kong binitawan ang bimpo at tumayo.

"Tangina, mahal?!" pagak akong napatawa sa kanya.

Narinig kong dali daling bumaba si Gio at lumapit samin.

"Ma, Ate, anong nangyayari dito?" naguguluhang tanong habang palipat lipat samin ang tingin niya. Ramdam ang tensyon sa buong bahay dahil sa aming dalawa ni Mama.

Bumaling ako sa kanya habang tinuturo ang aming ina. "Alam mo kung ano ang sabi niya? Tangina, mahal niya daw ang putanginang gagong tatay mo!" mapang-uyam kong sagot sa kanya. Napangisi ako.

"Tangina. Tangina. Putanginang pagmamahal yan, Ma! Pagmamahal pa ba yan kung sinasaktan ka niya? Oo, mahal mo siya. Pero ang tanong, mahal ka ba niya? Minahal ka ba niya talaga? O baka naman pera lang ang habol niya sayo? Sa tingin ko Ma, hindi ka naman mahal o minahal talaga ng tarantadong yun. Kasi kung may pagmamahal siya para sayo, hindi niya gagawin ang mga ginagawa niya ngayon. Hindi ka dapat nagpapakatanga o maging martir para sa gagong walang alam kundi ang saktan ka. Kaya pwede ba Ma, tigil tigilan mo na ang pagiging tanga mo para sa kanya!" sigaw ko sa kanya. Agad na dumapo ang kanyang palad sa aking mukha dahilan upang mapabaling ito sa kaliwa. Napasinghap si Gio sa akin tabi.

Humahangos ako ng mabilis. Taas baba ang aking d****b dahil sa galit at hinanakit na patuloy na kumakawala sa akin. Ramdam ko din ang init ang aking pisngi mula sa pagkakasampal sakin.

"Ma!" gulat na sambit ni Gio at dinaluhan ako ngunit para akong posteng nakatuod sa harap ng aming ina. Para akong nawalan ng lakas sa harap niya.

Hinaklit niya ang magkabilang balikat ko at mahigpit na hinawakan ito. "Wala kang alam! Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan dahil hindi naman kita tunay na anak!" niyuyugyog niya ang balikat ko habang sinasabi ito sabay tulak habang umiiyak siya. Bahagya pa akong napaatras mula sa kanya.

Naghari ang katahimikan sa buong bahay. Agad na gumuhit ang sakit sa aking mga mata. Napayuko na lang ako. Malalim akong napabuntong hininga dahil sa bigat at sakit. Rinig namin ang mga mahinang hikbi niya.

Ah... Tama nga siya. Wala naman talaga akong karapatan kasi hindi naman talaga niya ako anak. Umayos ako ng tayo sabay suklay ng buhok kong tumatabon sa aking mukha. "H-hmm, t-tama ka..." tango-tango kong sambit. Paulit-ulit kong tinapik ang sapatos ko sa sahig. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "P-pharynne..." tawag niya sakin. Sinubukan niyang abutin ang mga kamay ko ngunit agad ko itong iniwas. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"T-tama ka nga, Ma. W-wala nga akong r-right para sabihin ang lahat ng yun sayo. Pero ikaw ang kinalakhan kong ina," pinunasan ko ang mga luha sabay tumalikod sa kanila.

"Hanggang maaga pa lang, isalba mo na ang sarili mo, Ma. Dahil sinasabi ko na ngayon pa lang, ikamamatay mo ang pagmamahal na yan," huling sambit bago umalis sa harap nila.

Matapos ang pagtatalong iyon ay agad na akong umalis sa bahay. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din init ng kabilang pisngi ko. Siguradong namumula ito dahil sa lakas ng pagkakasampal. Hindi ko alam kung ano ang pinakain ng tanginang yun sa kanya at hindi niya maiwan-iwan. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaintindi na hindi na tama ang ginagawa niya.

Pumara ako ng jeep papunta sa university na pinapasukan ko. Mula sa bahay ay kailangan kong sumakay ng halos isang oras papunta sa unibersidad. Nasa kalapit lang din ang pinapasukang school ni Gio. Member ng varsity basketball team si Gio kaya naman may discount yung tuition niya pero kahit ganun, malaki-laki pa din ang kailangang bayaran sa skwelahan niya.

Nagtext ako sa kanya na puntahan ako sa cafe kung saan ako nagtatrabaho bago siya umuwi. Anak si Gio ni Carlos sa una niyang asawa. Ang sabi ni Mama dati, namatay daw ang asawa nito sampung taon na ang nakalilipas. Limang taon naman ang tanda ko sa kanya. Mabait naman siya kaya magkasundo kami. Nagtataka nga ako kung bakit yun ang tatay niya eh di hamak na mas matino siya dun.

Papasok na ko sa klase ng may biglang tumawag sakin mula sa nalayo. Agad akong napalingon kung saan nanggaling ang boses at agad kong nakita si Heydrich.

"Pharynne, kumain ka---" napatigil ito ng makita ang mukha ko.

"Anong nangyari sa mukha mo? Bat namumula yan?" hindi ako nagsalita. Nag-iigting ang kanyang panga ng makita ito.

"Wala," tanggi ko.

Bahagya akong lumayo at umiwas ng tingin sa kanya. Hinuli niya ang braso ko at hinawakan ang baba ko. Sinipat-sipat niya ng tingin ang mukha ko bago binitawan iyon.

"Tsk. Let's go." ani niya bago ako hinatak. "Teka, saan---" pag-aapela ko sa kanya ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.

Tumahimik ako. Gago, kaya ayaw ko siyang nakikita kapag ganito itsura ko eh. Sangkatutak na sermon na naman ang maririnig ko mula sa kanya. Ang daldal, daig pa ang babae kung makatalak sakin. Minsan nga nung nagtanong ako kung lalaki ba talaga siya. Pero yung siraulo binatukan ako.

Pumasok kami sa cafeteria saka ako pinaupo. "Wag kang aalis dyan, Pharynne. I'm warning you." madiing utos niya saka umalis.

Heydrich's been with me for more than five years already. I remembered the first time I met him at the playground nung nalaman ko na titira na sa bahay namin sina Carlos kasama ang anak niyang si Gio.

Nasa gitna ako ng aking pag-aaral ng marinig ko ang mga malalakas na katok at boses mula sa labas ng pinto. Pinahinaan ko ang volume ng speaker para madinig siya.

"Pasok! Sino yan?" tanong ko.

"Ako to anak." sagot ni Mama saka pumasok.

"Bakit po, Ma? Kailan pa po ba kayo dumating?" tanong ko sa kanya habang subsob pa din sa pag-aaral. May apat na quiz pa naman kami bukas kaya madami pang kailangan pagaralan.

"Kanina pa. Sumama ka na samin kumain. Nandito ang Tiyo Carlos mo at ang anak niyang si Giovanni" napahigpit ang hawak ko sa lapis at napatiim bagang. Inangat ko ang ulo at pilit na kinakalma ang sarili.

"Ihinto mo muna yan. May paguusapan tayo sa baba," kapagkuwan pang sambit ni Mama.

Pinanliitan ko ng mata ang kaharap. Tahimik na lang akong tumango sa kanya. Nagtagal pa ang kanyang tingin sakin na parang tinitimbang ang reaksyon ko bago siya lumabas. Napasandal na lang ako sa aking inuupuan.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita niya sa Carlos na yon. Unang punta pa lang niya sa bahay, alam ko nang hindi siya makakabuti para samin, lalo na kay Mama. Ilag din naman ako sa kanya dahil mabigat ang loob ko sa kanya.

Unang beses na nagsumbong ako ay nang nasa hapagkainan kami, sinabi ko sa kanya na nakita kong may ibang babae na kasama si Carlos, pinabulaanan agad ito ni Carlos at sinabing katrabaho lang daw niya ito. Naniwala naman ang una sa kanya.

Ilang beses kong nahuhuli na may kasamang iba't ibang babae si Carlos. Sinasabi ko naman ito kay Mama ngunit hindi naman siya naniwala at nagagalit pa sakin. Hindi daw ito magagawa ni Carlos sa kanya dahil mahal daw siya nito. Na binibigyan ko lang daw ng malisya ang nakikita ko. Na ginagawa ko lang daw ito dahil ayaw ko sa kanya.

Simula nun, hindi ko na sinasabi sa kanya ang mga katarantaduhang ginagawa sa kanya ni Carlos. Kahit na gustong gusto ko sabihin sa kanya at may mga patunay akong pinapakita sa kanya, hindi naman siya naniniwala.

 Itinabi ko sa gilid ang aking mga libro saka lumabas. Mula sa taas ay dinig na dinig ko ang mga boses nila. Tahimik ako habang pababa ng hagdan.

Pagkapasok sa hapagkainan, agad akong nakita ni Carlos na ngiti-ngiti pang napatayo.

"Pharynne, kumain ka na kasama namin." pag-aanyaya niya ngunit binalewala ko ito.

Tahimik lang akong umupo at kumuha ng pagkain. Tumikhim siya saka umiwas ng tingin dahil sa pagkapahiya. Umupo ito sa tabi ni Mama na nasa harap ko.

Napabaling ang atensyon ko sa batang masayang inaasikaso ni Mama. Sa itsura nito mukhang pinapabayaan eh. Masyadong payat at mabilis kung kumain na parang gutom na gutom. Nanliit ang mga mata ko ng umangat ang tingin sakin ng bata.

Tinaasan ko ito ng kilay at binigyan siya ng matalim na tingin kaya napaiwas naman ito. Hindi naman ako galit sa kanya, ayoko lang talaga sa kanila lalo na kay Carlos.

Nakakailang subo pa lang ako ng magsalita si Mama.

"Pharynne, dito na satin titira sina Carlos. Magsasama na kaming dalawa,"  pabagsak kong nilapag ang kutsara at tinidor dahilan upang tumigil silang lahat.

"Pharynne!" saway niya

"Nawalan na ko ng gana. Aakyat na ko sa taas. Madami pa kong gagawin." padarag akong tumayo at akmang aalis na ako ng hinuli niya ang braso ko.

"Pharynne, kailangan mong tanggapin na dito na sila titira at magiging isang pamilya na tayo."

"Hindi! Sinabi ko na sayo Ma, niloloko ka lang ng tarantadong lalaking yan! Hindi siya makakabuti satin," sambit ko sabay bawi ng braso.

Sinampal niya ako dahilan upang mapabaling ang aking mukha sa kaliwa. Napahawak ako sa pisnging sinampal niya. Nanlalaki ang mga mata kong napaharap sa kanya.

She slapped me.  Hindi ako makapaniwala na nasaktan niya ko. Unang beses. Ito ang unang beses na sinampal niya ko at dahil yun kay Carlos.

"Dito na sila at wala ka nang magagawa dun!" giit niya.

"Kahit anong gawin mo Ma, hinding hindi ko siya matatanggap" umiling-iling at puno ng hinanakit na sambit ko saka tumakbo papalabas ng bahay. Papalayo sa sariling inang hindi kayang paniwalaan ang kanyang anak. Papalayo sa taong hindi ko inaalala na kaya niya akong saktan.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang playground. Umupo ako sa lilim ng isang puno. Niyakap ko ang aking mga tuhod at ipinatong ang ulo habang hinayaan ang aking mga mata na lumuha.

I hate her! I hate the both of them! Galit na galit ako sa kanila lalong lalo na si Carlos. I couldn't believe that she chose to hurt me just because of that man! Mas nanaisin niya pa na masaktan ako than leaving that two-faced man. Harap harapan na nga ang panloloko sa kanya pero hindi siya naniniwala.

Naramdaman kong may nakatayo sa harap ko ngunit hindi ko ito pinansin at iyak lang ako ng iyak.

"Why are you crying?" said by a thick voice.

Inangat ko ang aking mukha at sinamaan siya ng tingin. "Pakialam mo ba?! Umalis ka nga sa harap ko!" pagtataboy ko.

Umupo siya sa harap ko at natigilan ako ng pinunasan niya ang mga luha ko.

"You shouldn't cry though. Don't be sad. You can tell me what happened," he said.

"At bakit naman ako magsasabi sayo? Ni hindi nga kita kilala. At wala din namang may naniniwala sakin," ani ko.

"I'm here. I'll listen to whatever you will say. They said that it's better to open up your problems with strangers than those you knew because they won't judge you." pangungumbinsi niya.

Napatanga ako sa kanya, patuloy pa din siya sa pagpunas ng luha ko. His face is stoic but his eyes. Para akong natulala habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha.

"T-talaga? Maniniwala ka sakin?" paninigurado ko. Tumango naman siya ng suminghot ako. Inayos niya ang magulong buhok ko at nilagay naman sa tenga ang mga takas kong buhok. Pinanliitan ko siya ng mata dahilan upang bahagya siyang ngumiti.

Umayos ako ng upo bago nagsimulang magkwento sa kanya. Tumitigil ako para tignan kung nakikinig siya saka babalik sa pagkwekwento, kinukumpas pa ang mga kamay, damang-dama ang pagkwekwento sa kanya.

"Tapos alam mo ba, kaya ako tumakbo papalayo sa bahay namin kasi sinaktan ako ng Mama ko. That was the first time na pinagbuhatan niya ko ng kamay. I didn't expect na sasampalin niya ko dahil lang sa lalaking yun. Halata namang ginagamit lang siya---" dire-diretsong sabi ko ng mapatingin ako sa kanya. Hinampas ko siya sa braso dahilan upang magulat siya.

"Aww! That hurts. Why did you do that?" ungot niya habang hinihimas ang braso niya.

"Di ka kasi nakikinig. Kanina pa ko salita ng salita dito ayaw mo naman pala makinig." nakasimangot kong untag sa kanya. Kaya pala tahimik to akala ko pa naman nakikinig.

"Hey, I'm listening huh," paglalaban niya.

"Oh sige nga, ano yung huling sinabi ko?" hamon ko.

"Your mom hurt you because of your stepfather." Napatikom ako sa kanyang sinabi. Bigla na lang bumalik ang sakit at lungkot sakin. Tumayo siya dahilan para mapatingala ako sa kanya.

Tinitigan niya muna ako bago tumalikod. I'm about to ask him where he will go but he already left. Napayuko na lang ako at nagpakawala ng malalim na hininga.

Hayst. Siguro kaya siya umalis kasi hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ko. Siguro narealize niya na baka gawa-gawa ko lang ang mga kinekwento ko. Sa sobrang daldal ko siguro kaya---

"Tangina!" mura ko ng makaramdam ako ng kung anong malamig sa pisngi ko.

"You shouldn't curse, lady." sermon niya. Nagulat ako ng makita ko ulit siya. Akala ko umalis na siya. May hawak siya na ice coffee in can habang yung isa naman ay nakadikit niya sa pisngi ko.

"Akala ko umalis ka na eh," nakanguso kong untag sa kanya.

"Does it still hurts?" tanong niya habang hawak pa din ang inumin na nasa pisngi ko. Umiling ako at iniwas ang mukha kaya mas dinikit niya pa ito ng konti. Nilapag niya ang isang iced coffee na hawak sa damuhan.

"Ihh, ayoko na. Malamig eh," reklamo ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para ilayo ang iced coffee. Bahagya pa siyang natigilan ng mahawakan ko siya.

"At tsaka, bat ka ba english ng english? Wala tayo sa ibang bansa woi," dagdag ko pa.

Gamit ang isang kamay, hinuli niya ang baba ko para ipirmi ako at dinikit ulit ang lata sa pisngi ko. Sinamaan niya ako ng tingin ng sinubukan kong iiwas ang mukha ko.

Nag-iigting ang panga niya at sobrang seryoso sa ginagawa. "Galit ka ba sakin?" malungkot kong tanong sa kanya. Nakasalubong pa kasi ang kanyang kilay at kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa pisngi ko.

Hindi siya sumagot. Matapos ang ilang minuto, binaba niya ang hawak na iced coffee at binuksan muna ito saka binigay sakin. Kinuha ang kanyang panyo at puno ng pag-iingat na pinunasan ito.

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "I'm not mad at you. I'm just mad that you got hurt..." he said while softly caressing my redinning cheek with his thumb. "And, I'm can't speak Filipino but I can certainly understand what you're saying."

Napa 'O' ang bibig ko sa kanyang sinabi at napatango-tango. Wow, nakakamangha na may ganun pala. Umayos siya sa pagkakaupo at bumaling sa harap namin saka binuksan ang kanyang iced coffee at uminom.

Hapon na at papalubog na ang araw. Hindi na din masyadong mainit sa gawi namin hindi katulad kanina.

"Tsk, cute." he mumbled something.

"Ha? May sinabi ka?"

Umiling lang siya kaya nagkibit-balikat na lang ako saka tumingin sa papalubog na araw. Namangha ako sa ganda nito. Teka, kanina ko pa siya kinakausap pero hanggang ngayon, di ko pa alam kung ano pangalan niya.

Kunot noo akong bumaling sa kanya habang kagat ang pang-ibabang labi. Gusto ko tanungin kung ano ang edad niya pero nahihiya ako. Mukha kasing mas matanda pa siya ata sakin. Umiling na lang ako at ibinalik ang tingin sa harap.

"I'm just a year older than you, I presume you're 17 years old already." sambit niya dahilan upang mapunta sa kanya ang atensyon ko.

Salubong ang kilay kong napalingon sa kanya. Pano niya nalaman na yun ang gusto kong itanong sa kanya? Mind reader ba siya? Psychic?

"I am not what you're thinking. It's just that your face asks so." ani niya bago uminom. Ahh. Napatango naman ako sa kanya.

Ano kaya ang pangalan niya?

"Heydrich. Heydrich Miklos Raleigh. That's my name." ani niya saka naglahad ng kamay.

"Pharynne. Pharynne Mauridelle Cortés."

Ngumiti ako sa kanya saka tinanggap ang kamay niya.

Related chapters

  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 2

    I came back to my senses when I felt something cold touches my swollen and reddining cheek. I got shocked making me jolt in surprise. "Tangina!" mura ko. Nang inangat ko ng aking paningin para tignan ko kung sino, it was Heydrich standing in front of me. It is the same gestures and expression exactly what I remembered during the first time that I met him. "Heydrich," tawag ko. Seryoso ang kanyang tingin. May hawak siyang iced coffee in can na nakadikit sa namumula kong pisngi, habang may hawak siyang isa pa na nasa kabilang kamay niya. "Hindi pa ba tayo babalik sa room? Baka andun na si Attorney Diaz." nakakunot noo kong tanong. Heydrich and I are both future lawyers. Simula ng magkakilala kami, halos hindi na kami mapaghiwalay. I already met his parents before, mabait sila at ang gaan ng loob ko sa kanila. Wala na sila sa Pilipinas ngayon dahil s

    Last Updated : 2021-10-04
  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 3

    I went to Afí Caffé after my last class for this day where I work as a part-timer. Kahit na medyo may kalakihan ang sweldo ko sa lawfirm nila Heydrich, hindi pa din sasapat yun para sa mga expenses at mga bills na dapat bayaran. Maganda ang spot ng Afí Caffé dahil pinalilibutan ng mga university, condominiums, different establishments at workplace ang caffé. Few meters across the caffé, mga establishments and buildings ang andun tulad ng kompanya at restaurants. May mga condominiums and at may kalapit din na grocery store. Nasa kabilang street naman ang law school na ilang layo lang din sa university ni Gio. Maganda ang caffé dahil pagpasok mo pa lang bubungad na astyleng magandang interior nito. The caffé is a two storey establishment, sa first floor ay may apat na sections: one with a forest inspired design, meron ding minimalist design, a library inspired, and yung exhibit part kung saan may mga masterpiece na nakadisplay, may it be &

    Last Updated : 2021-10-06
  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 4

    Madaming tao ang naghihintay kanina sa labas ng dumating ako. Hindi pa man kami nagbubukas ng bar pero dagsa na agad ang mga tao. Sikat ang Blue Wave ni Hirajah dahil ito ang pinakaunang branch ng bar niya at madalas dito ginaganap ang mga gigs ng mga sikat na banda. Madami ding mga celebrities ang pumupunta dito dahil na din sa kilala ang pamilya nila. Sikat din ito dahil sa dami ng naging babae nito. He's just like Ivanovich Xinne.Alas nueve pa lang pero halos mapuno na ang buong bar. Ako ngayon ang tumayong bartender sa baba.The lights are dancing all over the place and the smoke that came from the machine. Ang nakakaaliw na tugtog ang nagbibigay buhay sa mga nasa dancefloor.Ang sigawan at hiyawan ng mga tao ay mas lalong lumakas ng iniba ng DJ ang tugtog. The crowd became more wild na kahit ang mga kasama ko ay minsanang napapaindak sa sayaw. Napailing na lang ako sa kanila. Kahit ako ay bahagyang napapahead bang

    Last Updated : 2021-12-05
  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 5

    I went out of the police station while si Heydrich ang nag-aasikaso ng complaint ko. Nakita ko sina Bullet na nakatayo sa gilid ng Rolls-Royce Sweptail. Yun yung sasakyang pinahiram sakin kanina ni Hirajah. Agad naman akong lumapit sa kanila. "Oh, how was it? Where are the two?" Bullet asked. Napabaling ang atensyon ng iba samin. "Hirajah's with Heydrich. They're probably settling about the damages." I said. Napapikit ako ng makaramdam ako ng pagod. I feel so drained. What happened earlier is so much for this day. I could feel his presence beside me. "Are you okay?" he asked. Hindi ako sumagot bagkus ay hinayaan ko lang ito. Hindi na ito muling nagsalita habang nanatili lang akong nakapikit. "Hmm... I am." I mumbled. "Mauridelle" he called. "Everybody calls you Pharynne, but Mauridelle suits you more."

    Last Updated : 2021-12-05
  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 0

    Paano nga ba natin masasabi na ginawa natin ang lahat? Hanggang saan ba dapat natin ibigay ang lahat? But what if you already did everything but still it isn't enough? Kailan ba yung tamang moment for us to stop? When will be the right time to take a rest from everything?"We're here. Are you ready?" sabi niya ng huminto ang sasakyan sa harap ng De Luca Hotel.Madaming mga taga press ang nakaantabay sa labas dahil sa mga naglalakihang taong imbitado sa party. Politicians, artists, mga negosyante, kahit ang mga mula sa kilalang pamilya sa iba't ibang bansa ay narito din.Agad siyang bumaba at inalalayan ako dahilan upang magkagulo ang mga taga-media samin. Lumapit naman ang mga bodyguards upang daluhan kami at ng mailayo sa mga nagkakagulong paparazzi."Will you gonna be fine? You might see them there." nagaalalang tanong niya."Your Highness, who is she?""Is

    Last Updated : 2021-10-04

Latest chapter

  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 1

    Maaga akong nagising at naligo para sa aming klase. Nagsuot ako ng grey turtle neck na long sleeves, pinatungan ko ito ng black coat. Pinaresan ko ito ng itim na slacks bago isinuot ang sapatos kong may hindi kataasang takong. Mahirap kasi kung masyadong mataas ang takong dahil minsan kailangan mo magmadali na napapatakbo ka na lang kung kinakailangan. Inayos ko ang abot hanggang d****b kong buhok at hinayaan na nakalugay ito. Patapos na ko sa pagaayos ng aking mga gamit ng makarinig ako ng ingay mula sa baba. Agad akong lumabas ng kwarto para tignan kung ano iyon. Pagkababa ko naabutan ko sila sa sala na nagbabangayan. "Tangina mong babae ka! Wala ka talagang silbi! Alam kong may pera ka kaya ibigay mo na sakin!" sigaw niya ngunit umiling si Mama. "Wala nga akong pera Carlos. Kakabayad ko lang ng mga utang natin. Wala na akong may maibibigay pa sayo," mahinahong untag ni Mama. "Eh sa kailangan ko nga ng pera eh! T

  • Beyond What It Seems (FILIPINO)   CHAPTER 0

    Paano nga ba natin masasabi na ginawa natin ang lahat? Hanggang saan ba dapat natin ibigay ang lahat? But what if you already did everything but still it isn't enough? Kailan ba yung tamang moment for us to stop? When will be the right time to take a rest from everything?"We're here. Are you ready?" sabi niya ng huminto ang sasakyan sa harap ng De Luca Hotel.Madaming mga taga press ang nakaantabay sa labas dahil sa mga naglalakihang taong imbitado sa party. Politicians, artists, mga negosyante, kahit ang mga mula sa kilalang pamilya sa iba't ibang bansa ay narito din.Agad siyang bumaba at inalalayan ako dahilan upang magkagulo ang mga taga-media samin. Lumapit naman ang mga bodyguards upang daluhan kami at ng mailayo sa mga nagkakagulong paparazzi."Will you gonna be fine? You might see them there." nagaalalang tanong niya."Your Highness, who is she?""Is

DMCA.com Protection Status