Sumisilip na ang mga nakatakas na sinag ng araw nang magmulat ako. Unti-unti kong nasilayan ang liwanag ng umaga na idinaan ko sa pagkurap-kurap. Ang mahabang binti at matipunong braso ni Russel ay nakadagan sa akin na siya ring nagbalik sa akin sa antok. Ngunit tapos na ang magdamag at panibagong araw na ito kaya't itinuloy ko na ang pagbangon.
Sakto rin ang pagtunog ng doorbell, aligaga akong nabalik sa wisyo. Akmang tatayo ako ngunit napagtanto kong tanging kumot lang ang nakabalot sa akin ngayon. Napahilamos ako.
“Russel...” Tinapik-tapik ko ang kaniyang mukha.
Patuloy ang pagtunog ng doorbell na para bang inip na ang pumipindot noon kaya mas lalo akong naalarma.
He groaned. Saglit na nagmulat ngunit umambang pipikit ulit.
“Bangon na, Russel! May bisita ka!”
Tamad siyang bumangon. He even checked his wristwatch like he's confirming something.
Tumayo siya kaya't naiwan sa akin ang kumot. Buti pa siya, naka-boxer! Hindi man l
Makailang ulit kong pinasadahan ang establisyilemento kung saan ko tatagpuin si Venus. Bago pa man kami makarating dito ay sinabihan ko na siyang kasama ko si Russel nang sa ganoon ay hindi magulat.Sa isang maaliwalas at malawak na coffee shop na kahit tanghali na'y maeengganyo magkape ang sinoman.“I can wait for you here,” pagbabago ng isip ni Russel.“Sumama ka na.” Inangkla ko ang aking kamay sa braso niya at hinila siya papasok.Agad kong inilibot ang tingin ko upang maghanap ng magandang puwesto. Pinili ko ang sa bandang dulo, sa tabi ng bintana.“Sigurado kang ayos lang na nandito ako?” paninimbang niya.“Okay nga lang. Bakit hindi? Wala namang isyu.”I checked my phone. May message si Venus na nagsasabing malapit na siya. Habang nasa cellphone ang aking atensyon ay pansin ko naman ang tingin sa akin ni Russel kaya binalingan ko siya.“Bakit?”“Not
Marahas na tumayo si Venus at hindi makapaniwalang hinarap si Daimler.“What are you doing here?” aniya sa galit na tono. Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ni Daimler.Prente itong umupo sa bakanteng upuan.“Daimler!” Venus ranted.Hinawakan ko siya sa braso para awatin. “Kalma, Venus. Maraming nakatingin...”Dahil sa galit kaya maging ang mga taong nakikiusyoso sa amin ay matalas na binalingan ni Venus. Nagulat ang mga ito at sila na rin ang kusang umiwas.“Magkita na lang tayo ulit sa ibang araw,” mahinang saad ko.Hindi iyon nakapagpakalma sa kaniya. Padabog siyang umupo sa harap ni Daimler. Nanatili akong nakatayo roon habang si Russel naman ay nasa tabi ko na.“Speak up! Come fucking on!” inip na singhal sa kaniya ni Venus.“I thought you're going to slap me... I'm waiting...” mabagal ngunit naghahamong sagot ni Daimler.Napabuga si
Nanatili ang hindi maipintang mukha ni Alodia kahit nang simulan ko ang birthday message ko sa kaniya.“Uh, hi... I don't know you personally and I got invited here without knowing what for so I didn't know it's your birthday. I do hope you'll enjoy this day and, uh, happy birthday! You're beautiful!” tipid kong sabi.Ibinalik ko na ang mic sa lalaki.“Thanks,” hilaw na saad ni Alodia.May mga ilan pa rin namang pumalakpak at nag-cheer.“K, next!” Alodia exclaimed.Dumiretso ako kay Russel. “Ikaw na.”He nodded. “Wait for me here.”Siya naman ngayon ang pinanood kong pumunta sa unahan. Siguro dahil alam ng mga bisita na may nakaraan sila kaya kakaiba ang tono ng cheers na naririnig ko. And I admit, hindi ko iyon nagugustuhan.Iniabot ni Russel ang papel sa lalaki.“Five facts about Alodia!” malakas na anunsiyo nito sa mic.Malaki ang ng
Tumatakbo sa isip ko ang tungkol kay Lionel habang nag-uusap kami ni Russel. Napansin niya ang pananahimik ko kaya tumigil siya sa pagsasalita.“You're spacing out,” puna niya.Ibinaba ko ang baso matapos sumimsim sa juice.“Nalaman ko na... d-dalawa ang kinikilalang nanay ni Lionel. Is it true?”“Yeah but it's a long story. Kaunti lang ang alam ko tungkol doon, Alliyah. I can't feed your curiosity.”Tumango ako. Ayos lang naman. Nagtataka ako pero wala naman akong balak manghimasok. I'm just concerned because Lionel is my student.Hindi ko na muling binanggit pa kay Russel ang tungkol doon. Dismissal na't nag-aya si Lionel sa ice cream shop kaya't kasama rin ako papunta roon. Nakasabay pa namin ang ilang mga bata, pare-parehong nag-aaya sa kani-kanilang magulang.“You love ice cream?” tanong ko kay Lionel pagkapasok namin.“Yes po!”Naupo kami sa tatluhang mesa
Balisa ako habang naghahanda sa pag-alis. Hindi pa rin umuuwi si Russel kaya medyo tagilid ako ngayon. Nagpresinta si Luke na siya na ang maghahatid sa amin ni Lionel sa shop kaya't sinang-ayunan ko na lang. Ang huling mensahe ni Russel ay baka tanghali na siya makakaalis doon. Nadidismaya ako pero wala naman akong magagawa. Iintindihin ko na lang ang sitwasyon ni Denise. Gaya nga ng inasahan ko, kakaiba ang sigla ngayon ni Lionel lalo pa't ang papa niya ang mismong maghahatid sa kaniya. Sa biyahe ay panay ang kwentuhan ng mag-ama habang ako naman ay lumilipad ang isip. Nahihiya akong paghintayin si Luke kaya hindi na ako dumaan sa gallery. Mamayang hapon na lang ako bibisita roon. “Good luck, son.” Luke patted Lionel's head. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. “I'll send you the reference.” I nodded. Iginiya ko silang dalawa sa loob. Dahil kasabay ko si Lionel, siya pa lang ang estudyanteng narito. Saglit na inilibot ni Luke ang tingin sa loob at mu
Panay ang pangaral sa akin ni Nanay tungkol sa relasyon namin ni Russel lalo na't minsan ay nakikitulog ako sa condo nito. I can't blame her though. Ang mahalaga, alam ko ang ginagawa ko at kung mangyari man ang mga bagay na wala sa inaasahan, paninindigan ko. “Hayaan mo na, Allissa. Nasa edad naman na si Alliyah,” singit ni Tiya Marga sa usapan namin. Bihira akong makasabay sa kanila sa agahan dahil sa farm sila kumakain. Mas maaga silang nagigising kaya madalas akong naiiwan sa bahay. Ngayon naman, sadyang inagahan ko ang paggising dahil may commission ako kay Luke. “Oo nga. Basta ba'y pakakasalan ka, hija,” segunda ni Tiyo Carlos. I smiled at them. I appreciate their concern. Wala pa rin naman akong balak mag-asawa. It's just that... may mga pagkakataong hindi napipigilan ang bugso ng damdamin. Nobyo ko si Russel at imposibleng makaiwas ako sa tuksong dala niya. “Ang sinasabi ko lang, sana'y hindi magpadalos-dalos dahil alam niyo naman ang
Katatapos lang naming mag-almusal nang dumating si Luke kasama si Lionel. They both smiled at us. Nang alukin ko ng pagkain, tinanggihan ni Luke dahil nakapag-almusal na rin sila.“I'm excited!” si Lionel na kanina pa nanonood sa ginagawa ko. Kahit hindi niya sabihin, bakas na bakas ang galak sa kaniya.Kaming dalawa lang ang narito sa sala dahil sina Russel at Luke ay mukhang may seryosong pinag-uusapan sa kusina.Mayroon ding sariling canvas at easel si Lionel. Determinado siyang sundan ang gagawin ko. I can't help but smile at him sa tuwing namamangha siya sa bawat galaw ko. Hindi gaya sa huli kong commission, katamtaman lang ang sukat nitong pangatlo. I think the girl here is matured than the last pero hindi naman nabawasan ang ganda. Her face shows the same innocence and peace, bagay na sana'y 'wag mawala sa kaniya. Mas lalong tumindi ang kuryosidad ko kung bakit at paano nagkaroon ng malaking problema si Luke at ang asawa niya. Mukha kasi itong
Pagkagaling ko sa shop, umuwi muna ako sa bahay at ayos lang sana sa akin na mag-commute na lang pero nagpumilit si Russel kaya pati si Lionel ay nakarating doon. Tuwang-tuwa si Nanay. Natatandaan kong minsan na ring niyang pinangarap magkaroon ng anak na lalaki ngunit pinagdamutan siya ng kapalaran dahil maagang kinuha sa amin si Tatay. “Good afternoon po!” Lionel greeted them. Nasa terasa sina Nanay at Tiya Marga, nagbabalot ng suman. Si Tiyo Carlos naman ay nasa farm pa't mamaya pa uuwi. Samantala, parehong nasa eskwelahan pa ang magkapatid na sina Olive at Kleen. Bakas sa hitsura ni Lionel ang pagiging kuryoso sa ginagawa nina Nanay kaya lumapit siya sa kanila. Si Russel naman ay nanataling nakatayo sa tabi ko. “Aba, may naligaw na bata!” bulalas ni Nanay. Lumapad ang ngiti ni Tiya Marga matapos magmano ni Lionel sa kanila. “Anak po ni Luke... at estudyante ko,” pagbibigay ko ng impormasyon. Napasinghap si Nanay. “Kaya pala