Share

Kabanata 181

“Tapos na ang honeymoon. Hindi na kailangang pumunta sa malayo.” Nagdulot ng tawanan ang sinabi ni Arcel.

Pinagsisihan kong napadaan ako rito sa gilid nila, although may pader na humaharang. Sinamaan ko ng tingin si Arcel kahit hindi niya iyon kita. Nagsalin siya ng alak sa shot glass sabay tungga roon.

Tumalilis ako sa kabilang direksyon nang makita ko ang pagdating ng mga inaasahang bisita. Nandito na sina Luke at Daimler. Sa table naman ay kanina pa roon nakaupo sina Arcel, Tiyo Carlos, Kleen, at Sebastian.

Oo, tama. Nakarating na rin dito si Sebastian dahil sa pag-iimbita ni Tiyo Carlos. Ipinagpaalam muna niya sa amin ni Russel iyon at bakit naman kami tatanggi? Kilala naman ng mga Clausen si Sebastian. Hindi ba nga, anak ito ng mahusay na magsasaka sa farm ng mga Clausen kaya wala namang problema. Nang pumayag kami'y agad na itong sinundo ni Tiyo Carlos gamit ang auto nila.

Wala akong nakikitang problema sa bonding ng mga lalaki. Kleen seemed more comfortable with Sebastian than
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status