“Aalis ka ulit?” tanong ko kay Russel. Kababangon ko lang mula sa kama at naabutan ko siyang nagbibihis ng suit and tie. Napapasimangot akong yumakap mula sa kaniyang likuran. “I miss you. Hindi ka na nagtatagal dito sa bahay.”
He stunned. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya na parang namomroblema. “I'm sorry. May meeting kami ni Lolo ngayon...”Marahan akong tumango. “I understand.”Nanatili akong nakayakap sa kaniya sa loob ng ilang minuto para damahin siya. These days ay talagang nagiging busy na siya. Maaga siyang umaalis at ginagabi rin ng uwi. Sa tuwing pinatutulog ko si Alias ay nadadamay ako kaya imbes na mahintay ko siya, nakakatulog ako nang maaga bago pa siya dumating. Sa umaga naman, halos hindi ko na rin siya naaabutan dahil matakaw akong matulog. Hindi rin naman niya ako ginigising dahil alam niyang naaalimpungatan ako sa madaling araw kapag nagliligalig ang anak namin.Ngayon ko lang siya naabutan at sa tingin ko'y may sapat pangIlang minuto lamang matapos kong tawagan si Russel ay bumiyahe na kami papunta sa sinabing lugar ni Venus. Dahil hindi ako mapakali ay panay ang tanong ko sa kaniya kung ayos lang ba siya. Wala naman daw siyang sugat o ano, maliban sa sunog sa kaniyang pisngi na naging sanhi ng powder.“I'm sure some goons are looking for her at this moment,” si Russel na nagmamaneho. Naputol ang meeting nila ni Senior Clausen dahil sa biglang pagtawag ko. Agad naman siyang umuwi matapos kong ibalita sa kaniya ang nangyari kay Venus.I nodded. Sa tindi ng kaba ko'y tipid ako kung magsalita. “I... I don't think her mom can do that...” nag-aalangang sabi ko. Buhat nang tumawag si Venus ay hindi na ito nawala sa isip ko.I don't really think Tita Chime, her mother, can do that to her. Oo nga't strikta iyon pagdating sa kaniya at prangka palagi, hindi pa rin ako naniniwalang magagawa niyang saktan ang sariling anak. I have witnessed how she cared for Venus those times of her s
Daimler is the most tensed among all of us. Hanggang sa makarating kami sa mansion ng Senior Clausen ay hindi siya natigil sa kakasalita. Venus is now unconscious.Naghihintay na pala sa loob ang private doctor ng Senior. Ngayon ay alam ko na kung bakit dito kami pinapunta ni Daimler.Dinala kaagad si Venus sa isang pribadong silid. Si Daimler lang ang pinasama sa loob ng medyo striktang doktora kaya naiwan kami sa malawak na bulwagan. Tinawagan ko si Nanay at nagpasya nang ipaalam sa kanila ang nangyari. Nireplyan ko na rin ang messages ni Olive. Inihabilin ko lang si Alias sa kanila dahil hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. I don't think I can leave Venus here. Bagama't may kutob akong walang kinalaman si Tita Chime dito ay nakiusap ako kay Daimler na 'wag muna siyang kokontakin. Malalim ang pinaghuhugutan ni Venus at ang pinanggagalingan niya. She won't act that scared if she didn't see her mother's face. Ang tanong, sigurado ba sya?Lumabas m
“Hindi ko 'yan magagawa sa anak ko!” Malakas na lumapat ang mga palad ni Tita Chime sa mesa nang hampasin niya iyon. Ang mga kamay niya'y nanginginig dala ng galit at ang mga mata'y namumula dulot ng nagbabadyang luha.“This is why we're asking you, Madame,” mahinahong anas ni Arcel. Hawak niya ang puting papel kung saan niya isinusulat ang statements ni Tita Chime.Sa babasaging mesang nasa gitna ay doon naman nakapatong ang mga dokumentong dala nila, kasama ang mga larawang mula sa CCTV ng hospital, kuha mula sa iba't ibang parte. Kalmado siyang pumasok sa silid ni Venus at kalalabas lang ng nars sa mga sandaling iyon. Halos kalahating oras ang lumipas bago siya lumabas. Sa mga larawan ay kita ang pagtakbo niya na mukhang nagmamadaling umalis. “How dare you accuse me!” nanggagalaiting sigaw ni Tita Chime.Arcel frustratingly shut his eyes. He's been composing himself for hours now. Nasasayang ang oras dahil hindi nila makausap nang maayos ang i
That night, someone emailed me. He wants to set a commission with me which I immediately replied to. Since any day will be fine with the client, ako na ang nag-ayos ng schedule. I'll be meeting him tomorrow in the morning before going back to Senior's house. And of course, kasama ko pa rin si Russel papunta roon. Heck, hindi ko yata kakayaning magtungo roon mag-isa sa sobrang sungit sa akin ng Senior. Baka nasa gate pa lang ako, bulyawan na ako no'n. “Who?” Russel asked after I told him about the email. Mula sa screen ng aking cellphone ay bumaling ako sa kanilang dalawa. Alias is sitting on his flat tummy while they're playing. Patawa-tawa ang anak ko sa mumunting galaw ng kaniyang ama. Russel would then act like he's trying to frighten Alias by playing dead. At ang aming anak, imbes na matakot ay natutuwa pa. Sapilitang bubuklatin ni Alias ang mga mata ni Russel sabay hahagalpak ng tawa. “A client,” I answered as I continued on my thing.Inilipat ko
Ito ang pangalawang beses na binisita ni Tita Chime si Venus. Nang makarating kami ni Russel sa mansion ay naroon na siya. Samantala, mukhang seryosong nakaantabay sa kaniya si Arcel dahil ilang segundo rin lamang ang pagitan ng pagdating namin. Hindi gaya kahapon na may dalawang lalaking nakatambay sa bakuran ay mag-isa lang si Arcel ngayon. Dala pa rin niya ang mga dokumentong nagpapatunay na si Tita Chime nga ang gumawa no'n kay Venus. Talaga ngang dedicated siya sa trabaho niya. Halatang aburido ang Senior nang sunod-sunod kaming dumating. Inaasahan na niya ang madalas na pagbisita namin ngunit mukhang masama pa rin ang loob niya sa mga apo base sa ipinakikitang ekspresyon. Ako man ay nahihiya na ring magpabalik-balik dito ngunit wala namang ibang mapupuntahan si Venus. Hindi naman puwede sa bahay namin dahil sentro iyon. Mahirap na, baka mamalayan na lang namin, tambak na ang media sa labas. Senior Clausen's mansion holds the tightest security that's why Venus is safe h
“What do you want?” kunot-noong tanong ko kay Alodia.Paalis na kami ngayon. Ililipat na si Venus sa ibang bahay at ayon sa narinig ko, she will be sent to Daimler's property; malayo sa karahasan at malayo sa kaniyang ina. Hangga't hindi nareresolba ang kaso at hangga't nagmamatigas si Tita Chime ay hindi siya puwedeng lumapit kay Venus. Ilang beses siyang nakiusap sa akin pero wala naman akong maitutulong sa kaniya. It's her daughter who decided. Ni ayaw siyang makasama ni Venus kahit ilang minuto lang. Her daughter is in legal age and she has the right to decide for her own. Sa bagay na iyan ay hindi puwedeng magpumilit si Tita Chime. Nakasakay na si Venus sa kotse ni Daimler. She's fine now. Wala na siyang ibang sakit na nararamdaman. May tapal pa rin ang kabilang pisngi niya pero hindi na raw ito humahapdi kapag natatamaan ng hangin. We are all gathered here at the mansion's front yard. Magkatabi lang ang sasakyan nina Daimler at Russel samantalang nasa bandang un
The investigation went on and on. Walang balak si Venus na ipatigil ang imbestigasyon sa kaniyang ina kahit pa nitong mga nakaraang araw ay nabalitaan naming nagtangkang tumakas si Tita Chime dahilan para pwersahan na itong kunin ni Arcel. Dinala ito sa istasyon nila at doon ipagpapatuloy ang interrogation. Kung tutuusin ay masyadong maluwag si Tita Chime sa sitwasyon. Sa katiting na respeto sa kaniya ni Venus, kahit papaano'y hindi ito nagsasampa ng kaso laban sa kaniya.Subalit bagama't walang kaso ay nakiusap si Venus na paimbestigahan ang kaniyang ina upang malaman ang totoo. At kapag dumating ang araw na malinawan na kaming lahat, saka pa lamang magdedesisyon si Venus sa susunod na gagawin. Kung mapatunayan mang may kasalanan nga si Tita Chime, ani Venus ay hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ang sariling nina. At kung wala naman, babalik sa dati ang lahat, sa normal na takbo ng buhay nila. Inihatid ako ni Russel pabalik sa bahay pagkatapos kong dalawin si
“Hindi pumasok?” Nakapamaywang si Euckleen nang tanawin niya ang entrance ng shop. Basa pa ang buhok at kasusuklay lamang nito. Naka-ternong jersey at sukbit na ang itim na backpack na ginagamit sa mga lakad niya. Ang tinutukoy yata niya ay si Blythe.“Hindi, eh. Sinundo ni Alodia kahapon,” sagot ko.“Sinong Alodia?”Napatingin na rin ako sa entrance nang may sasakyang pumasok doon. Ngunit tila nahawa ako sa pagkadismaya ni Kleen nang malamang hindi si Blythe ang dumating. Nito ko lang napagtanto na inihahatid ng kotse si Blythe sa tuwing pumapasok. Kung relative niya si Alodia, malamang nga'y may kaya sila sa buhay. Marahil ay may sarili siyang driver. Ngunit ang tanong, bakit siya nagtatrabaho rito? “Tinawag niyang ate si Alodia. Maybe her sister?” walang kasiguraduhang tugon ko. Nangunot ang mga kilay ni Kleen habang animo'y nag-iisip nang malalim. Ang tingin niya'y hindi matanggal-tanggal sa bukana na para bang tinatalunton ang daan patungo s