Malakas na napasinghap si Elyssa nang maramdaman ang mainit na katawan ni Louie. Wala itong suot na pang-itaas marahil ay ‘di pa rin nakapagbihis dahil kahit ang suot nitong pantalon ay basa pa rin. Mukhang naligo pa ulit ito sa dagat upang palamigin ang pagtatampo sa kanya.Naramdaman ng dalaga na hinapit pa siya ng lalaki sa baywang habang siya ay napakapit sa balikat nito. Nakahiga na ito sa buhanginan at siya naman ay nakapaibabaw dito. Nag-angat siya ng mukha at kahit madilim ang gabi ay nakita niya kung gaano katiim ang titig nito sa kanya. Pero ‘di siya umiwas ng tingin. Their bodies pressing against each other.Malamig ang paligid ngunit hindi iyon ramdam ni Elyssa dahil sa init na binibigay ng katawan ni Louie. Her mind was clouded with emotions that she couldn’t comprehend. She likes being in Louie’s arms. Gusto niya na magkadikit ang katawan nila ng boss niya. Damn! Am I really falling so badly for this guy? How about Jevy?Napalunok si Elyssa nang bigla siya nitong hinawaka
Once upon a time, a few mistakes agoI was in your sight, you got me all alone,Napasinghot si Elyssa nang marinig ang sumunod na musika na pinatugtog ni Louie. Napahigpit ang hawak niya sa bote ng beer pero ang mukha ay nakatingala kay Louie na may nakapaskil na ngiti sa labi habang siya ay blangko ang mukha. Nanatili silang magkayakap. A very familiar song was playing and she couldn’t help but feel a bit down. This song used to be her favorite when she was still with Jevy.Hindi niya maiwasang mag-isip. Mahilig din yata ito sa kanta ni Taylor Swift? Parang si Jevy rin. Magkapareho sila ng hilig. Agad na naramdaman ni Elyssa ang pamamasa ng mata kaya kumalas siya sa pagkakayakap ng binata at pasimpleng yumuko. Pinigil niya ang luhang gustong sumingaw sa mga mata sa pamamagitan ng mabilis na pagkurap. Naalala na naman kasi niya si Jevy."Hindi ko alam na idolo mo rin pala si Taylor Swift?" tanong niya. Umikot siya upang tumingin sa karagatan. Mahina ang boses niya baka mahalata nito na
Mag-aalas nuwebe na nang umaga at mag-uumpisa na ang board meeting ngunit wala pa rin si Louie na lalong nagpapakulo ng dugo ni Dexon. Kanina pa siya sa opisina ng Line factory, dati niyang opisina pero si Louie na ang gumagamit, ngunit ni anino ng hinihintay ay hindi niya mahagilap. Tatlong tasang kape na rin ang naubos niya at halos ibalibag niya ang walang lamang tasa dahil sa sobrang inis. This was an emergency meeting on a weekend but the person in charge of the company was absent. Sino’ng hindi kukulo ang dugo?Kumpleto at naghihintay sa meeting room ang mga miyembro ng board at tanging sila na lang ni Louie ang hinihintay. Muling sumulyap sa hawak na cellphone si Dexon. Kanina pa niya kinokontak ang kapatid pero hindi ito sumasagot. Hindi na maipinta ang mukha niya."Nasaan na naman ang lalaking ‘yon?" tanong niya sa sarili. Lalong nagkasalubong ang kilay niya dahil wala pa ring natatanggap na mensahe mula kay Louie.Muling tumunog sa hindi mabilang na pagkakataon ang intercom a
Matapos ang mabilisang pag-aayos ng sarili ay kaagad na bumaba ng kama si Elyssa at halos takbuhin ang pagitan ng pinto. Nakasunod sa kanya ang relax na si Louie na tila walang pakialam kung may ibang tao sa labas. Mukhang inaasahan na nito na may pupunta kaya ganoon na lang ang reaksiyon nito. Hindi niya maiwasang lingunin ito at pinandilatan.But Louie just gave her an innocent look na parang wala itong alam. Lalong nanggigil pagkaasar si Elyssa. Naiinis na hinawakan niya ang seradura at pinihit iyon saka hinila ang pinto pabukas. Tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng pinsan. Kasunod nito ang nakangising si Minho na agad sumentro ang tingin sa kanya. Luckily, she had a decent appearance. Marra and Minho were their visitors!"Issay?!" nanlalaki ang matang bungad nito. Marra was shocked. A glint of happiness in her eyes quickly vanished before she held her and shook her shoulders. Samantalang si Louie ay parang walang pakialam na lumakad palapit kay Minho at tumayo sa tabi nito.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong naitapon ni Elyssa ang yakap na unan sa sahig nang marinig ang nang-aasar na boses ni Louie. Pero huli na ang lahat at nakita na siya ng binata. Hindi napansin ni Elyssa pero malakas pala ang pagkakasabi niya kanina at marahil ay narinig ang kanyang huling sinabi. Dahil malawak ang ngiti nito habang naglalakad papalapit sa kanya."Well, nabitin ka pa ba kagabi?" pilyo ang ngiting tudyo nito. Umupo ito sa kama. "Ako, oo!" Kinindatan siya nito na para bang inaakit siya."Tse! Ano’ng pinagsasabi mong nabitin? Nanggaling na mismo sa bibig mo na walang nangyari sa atin. Stop imagining things!” Tumayo siya mula sa pagkakahilata sa kama upang lumayo rito. “Puwede ba, tama na ang pagpapa-cute! ‘Di ka cute!" May pait pa rin sa boses niya dahil hindi pa rin nawawala ang imahe ng binata sa kanyang isip habang kausap nito ang ex-fiancee nitong si Tracy. Magkasalubong ang kilay at halos hindi maipinta ang kanyang mukha habang nag-iimpake ng gamit. This time, she was kee
Lord, bigyan niyo naman po sana nang hustisya 'tong pag-ibig na sumisibol sa puso ko para kay Louie! Kakatapos lang ng heartbreak ko. Bakit parang nag-uumpisa na naman?Hindi nakatakas ang luha sa mga mata ni Elyssa habang tahimik at taimtim na nagdarasal. Nasa tapat siya ng wishing well. Matatagpuan iyon sa loob ng compound ng simbahan ng Taal. Hinihiling niya sana ay hindi na ulit siya masaktan sa ngalan ng pag-ibig. Marahan niyang itinapon ang hawak na barya katulad ng ginagawa ng ibang naroroon.Kakatapos lamang ng misa na ipinagpasalamat nilang tatlo dahil nakadalo sila sa huling misa na pang-umaga. Habang siya ay nagsi-senti, sina Marra at Minho naman ay abala sa pagkuha ng larawan na animo'y naghahanda para sa kanilang kasal. Mababakas sa mga mukha ng dalawa ang kasiyahan at pagmamahal pero hindi nakakaramdam ng inggit si Elyssa. Masaya siya para sa pinsan.Iba't ibang anggulo at puwesto ang ginawa ng dalawa at dahil wala siya sa mood makipag-picture ay hindi niya inabala ang mg
Umasim ang mukha ni Elyssa nang makita kung sino ang papalapit. Hindi na naman niya kayang pigilan ang pait na namuo sa kanyang lalamunan na pilit niyang nilunok at baka masukahan pa niya ang kaharap.The happiness that she felt when she saw Louie only lasted for a moment before it was finally ruined by this woman. Tracy na naman!"Hello, sweetie! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga at ang tingin ay parang lalamunin na si Louie. Kumikembot-kembot ang beywang nito habang naglalakad sa gilid ng swimming pool papunta sa kinatatayuan nila. Nang halos dalawang dipa na lang ang layo nito ay dahan-dahan nitong tinanggal sa pagkakatali ang suot nitong roba at inilantad ang suot na two-piece.Umangat ang kilay ni Elyssa sa nakita. Pero hindi siya nilamon ng insecurities dahil kung seksi si Tracy ay kaya rin namang humabol ng katawan niya. Pakiramdam niya ay lumiit ang espasyo ng pool, bagama’t napakalawak niyon, dahil sa halatang-ha
Natigil ang mundo ni Elyssa at tumahimik ang paligid. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Louie always had this effect on her. Simpleng pagpupuri lang galing dito ay grabe na agad ang reaksyon ng puso niya. Lalo na at titig na titig sa kanya ang nang-aakit nitong mata.Nang makabawi ay mabilis siyang kumurap-kurap at tumikhim upang alisin ang bara sa lalamunan saka nagsalita. Pinigil niya ang sarili na huwag pumiyok dahil kinakabahn pa rin siya."Sus! 'Yong girlfriend mo ang titigan mo huwag ako," utos niya. Pero sa loob-loob ay masakit sa kanya ang binitawang salita. How could she push Louie away now that she had him here beside her? Gumawi ang tingin niya sa pool upang iwasan ang mga titig ng binata.Magkayakap sa isang sulok sina Marra at Minho samantalang si Tracy ay nakaupo na sa isang tabi. Naka-cross legs pa ito na animo’y nagpipictorial sa isang magazine cover. Malapit lang ang swimming sa kinaroroonan nila kaya naman aninag na aninag ang